Thank you all. Bukas ulit for another 5 chapters.
"What is it you want to talk?" tanong ni Juancho."About Pan."Kung alerto na ang mga pulis sa magnanakaw, ganoon rin si Juancho. Everything that concerns Pan ay ayaw niyang kaligtaan."Galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko. May nangyari kasi sa amin ni Gidette. But I was just drunk so hindi ko yun sinasadya. Nahuli niya kaming hubad dalawa."Juancho finds that amusing. Kaya tumaas ang sulok ng labi niya na ikinakunot ng noo ni Logan.'Namalikmata lang siguro ako.' Saad ni Logan sa isipan niya. 'But why does he looks so happy? Am I perceiving wrong?' "So iyon pala ang dahilan bakit ayaw na niyang makipagbalikan sa'yo?""Oo. I committed a great sin. Kahit sino hindi na nanaisin na bumalik sa akin kapag ganoon.""Tama nga naman," sabi ni Juancho na sinusubukan magseryoso pero napapangiti ng kusa. Hindi niya talaga makontrol ang traydor niyang labi. Pero anong magagawa niya e gusto niyang ngumiti? "Why are you happy?" kunot noong tanong ni Logan. Hindi na siya nakatiis "I'm no
Habang pauwi si Pan sa bahay nila, nakatanggap siya ng mensahe galing sa hospital.That Symon Bec refused for an audience.Nakagat ni Pan ang labi niya. Kailangan na niyang makakilos agad para kay Zahara."Ahm.. Dom, nasaan pala ang daddy ni Juancho?" sinusubukan niyang makakuha ng impormasyon tungkol kay Symon Bec."I don't know. Hindi naman namin madalas pinag-uusapan ang dad niya dahil marinig lang ni Juancho ang pangalan ng sarili niyang ama, magagalit na siya.""Bakit raw?""Hindi ko alam e. Malaki ang galit niya sa ama niya."Agad na napaisip si Pan kung ano marahil ang dahilan. Kung gantong galit si Juancho sa ama niya, tiyak niyang mahihirapan itong kumbinsihin sa pakay niya.'Anong gagawin ko?'"Bakit mo pala naitanong?" "Wala naman.." Nanahimik na siya hanggang sa nakarating na sila sa kanila."Salamat sa paghatid Dom," aniya."Welcome Madam baby.""Huwag mo nga akong tawagin niyan.""Ayoko. Ang ganda ng Madam baby." Natatawang sabi ni Dom at agad na pinaandar paalis ang sa
"Bro, sunod ka. Bibili kami ni Ark ng kape bago office." - DomIyon ang nabasa ni Juancho pagkababa niya ng sasakyan niya."Kape?" aniya at napahawak pa siya sa baba niya. Naisip niya agad si Pan no'ng minsang nakita niya ito sa coffee shop noon at nagkakape kasama ni Josh.He's planning to buy some at dalhin sa studio para ibigay sa kaniya bago siya pumunta ng office.To Dom: Saan kayo?Pagkareply ni Dom kung saang coffee shop sila ni Ark tutungo, agad na sumunod si Juancho.Ngunit hindi niya batid bakit sa entrance door pa lang e iba na ang pakiramdam niya. Yun pala, pagbukas niya ng pinto, tatambad sa kaniya ang mga kalalakihan na nakapalibot kay Pan.Si Logan nakatayo pa katabi ni Sara. Sa tingin niya ay sunod lang ang pagdating nila.Napatakip nalang ng mukha si Leon. This coffee date ay dapat silang dalawa lang ni Pan. Hindi niya alam bakit may mga unwanted guests na dumagdag.Mas lumala pa no'ng dumating si Juancho Bec.'Pan is surely a guy magnet.' Napasabi nalang siya sabay i
Magkasama ang tatlo papuntang office nila. Si Juancho, nasa tabi niya ang kape na binili niya kay Pan. Habang si Ark at Dom ay nasa likuran ng sasakyan. "Juancho, I didn't know you're sweet to Lianne." "Bakit curious ka sa relationship ko sa kaniya?" "Nothing. I just find it amusing." 'Ano na namang naiisip ng taong to?' tanong ni Dom na sumisilip kay Ark. "Bro.. What if ligawan ko si Pan. Can you give me an advice kung paano mo napasagot si Lianne?" "Anak ng-" hindi natapos ni Dom ang sasabihin niya. Nanlalaki ang mata niya at halos murahin na niya si Ark. "It's not time to say that. Wala ka bang konsiderasyon? Nandito ako oh!" Aniya na naghahanap ng palusot. "And?" "Huwag mo ng sabihin yan. Hindi yan maganda. May dala yang bad energy!" "Anong bad energy ang pinagsasabi mo? I just ask Juancho. Ano namang masama kung ligawan ko si Pan? She's single, I'm single." 'Bruh, sinasabi ko sa'yo. Kung itong sasakyan binangga ni Juancho, tiyak na magkikita tayo sa after
[Wedding Day]Invited si Bobby at Pan sa kasal ng kanilang client na si June at Eros.Si Bobby ay dadalo bilang photographer habang si Pan naman ay guest.Hindi siya ang make up artist ng bride dahil may ibang naka-appoint dito."Mama, pwede ba akong sumama sa inyo?" tanong ni Zahara. Nakasuot kasi si Pan ng dress so she's thinking na hindi trabaho ang pupuntahan ng mama niya."Okay anak.. Wait, hanap si mama ng dress mo." Saad ni Pan.Nagtext si Bobby sa kaniya para sabihing nasa venue na siya.Kaya binilisan niyang bihisan si Zahara para mauna pa sila sa pagdating sa bride at iba pang lalakad sa gitna."Sigurado ka bang dadalhin mo si Zahara?" tanong ng lola niya na nakasilip sa kanila sa kwarto."Oo la. Wala naman sigurong problema.""Ihahanda ko na lang yung gamot niya kung sakali mang may hindi magandang mangyari.""Sige po la. Salamat po."Matapos bihisan ni Pan ang anak niya, agad niya itong hinarap sa salamin."Ang ganda mo na nak. Para ka ng prinsesa." Saad ni Pan."Thank you
[Before the wedding] Wala na sa mood si Lorciano dahil lumalala ang pinapakitang ugali ni Logan. Hindi na ito ang dating masunuring anak. Hindi na ito ang Logan na takot sa kaniya. "Let's go. Hindi natin pwedeng biguin ang Artelies. They are expecting our presence." Sabi ni Lorciano at naglakad kasabay ni Julia sa sasakyan. Pero bago siya pumasok, binalaan niya si Logan. "Huwag mong maipakita sa akin ang babae mo Logan kung ayaw mong maparusahan." Nang sumakay si Lorciano sa sasakyan niya, napakuyom nalang ng kamao si Logan. Sa galit niya, agad niyang tinawagan si Sara. "Dress yourself. Aattend tayo ng kasal." Pagod na pagod na siya sa ama niya. Kaya nawalan na siya ng pakialam. Gusto niyang mas galitin ito. Sinundo niya si Sara at sabay silang nagpunta ng simbahan. Yung gulat na rumihestro sa mukha ng ama niya ay halos hindi mailarawan ng makita sila nito na magkasama ni Sara. Pero dahil maraming mga kilalang tao na kapantay ng antas nila sa lipunan sa paligid n
Hindi napansin ni Logan si Zahara dahil namimilipit pa siya sa sakit ng tiyan niyang sinuntok ng tauhan ng ama niya. Hindi niya nakita kung paano itulak ni Lorciano si Zahara kaya ang mahinang katawan nito ay tumilapon sa lupa. Sa sobrang galit ni Pan, wala siyang isang salita na sinabi. Basta siya nagmartsa at agad na sinampal si Lorciano. Nanginginig siya sa galit. Nanlaki ang mata ni Sara. Nagulat siya nang makita si Pan sa harapan niya at mas lalo pa siyang nagulat nang makitang sinampal ni Pan si Lorciano na kinakatakutan nilang lahat. "TANG.INA MO PARA SAKTAN ANG ANAK KO!" Galit na galit na sabi ni Pan. Nagulat si Logan nang mabosesan niya si Pan. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya ito at si Zahara. Halos lumuwa ang mata niya sa kinalalagayan. Para siyang napipi. Hindi niya alam anong sasabihin niya. Nilukob ng takot ang buong sistema niya. Si Sara naman ay saka pa rumihestro sa isipan ang salitang anak. 'May anak si Pan?' aniya at tumingin sa batang iti
Pagdating ni Lorciano at Julia sa bahay nila, napatalon na ang mga katulong sa gulat at takot ng biglang magbasag si Lorciano ng gamit. "That woman! Makita ko lang ang babaeng yan ulit! Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya!" Matindi ang galit ni Lorciano dahil hindi niya matanggap na may isang dukha, na mababa sa kaniya sa antas ng istado sa buhay, ang biglang sumampal sa kaniya. He's respected and loved by many. He ruled, he was being worshipped to those peasants craving for minimum salary enough to feed their hungry stomach. Tapos babastusin lang siya no'ng babaeng yun. Agad niyang kinuha ang vase at itinapon niya yun sa sahig. "SINO SIYA PARA SAMPALIN AKO?" Mas galit pa siya kay Pan kesa sa ginawa ni Logan at Sara. Nainsulto siya, natamaan pa ang pride niya. Tahimik naman si Julia. Hindi niya alam kung sinong babae ang tinutukoy ni Lorciano. Lalo't hindi niya naabutan ang eksena kanina. Hindi niya matanong ito dahil natatakot siyang saktan si
“Doc, hinahanap po kayo ng anak ninyo.” Ang sabi ng nurse kay Symon. Kumunot naman ang noo niya lalo’t hindi niya alam kung anong dahilan at biglang napabisita si Juancho sa kaniya.“Papasukin mo sa office ko.”“Side po doc.”Umalis ang nurse at agad na tinawag si Juancho. Nang pumasok ito, nagulat si Symon nang makita ang mukha nito.Yung mukha niya ay parang namatayan na hindi niya matukoy. Na tila yata pasan niya ang problema ng buong mundo.“Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?”May nilapag na pictures si Juancho sa table ni Symon at agad na nanlaki ang mata niya nang makita niya yun lahat. Yung ang pictures ni Pan na kasama si Aaron sa hospital.“Sino ang lalaking yan? Pasyente niyo ba yan dito?”“No. Who gave this to you?” patukoy ni Symon sa mga larawan.“Lorciano.”Kumuyom ang kamao niya.“What? Kailan kayo ng nag-usap?” namilog ang mata ni Symon. “Do you believe him? Mukhang ginagawa niya lang ito para bilugin ang ulo mo. Don’t trust him! Matindi ang galit niya kay Pa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel