Pan after all is a mother <3
Pagdating ni Lorciano at Julia sa bahay nila, napatalon na ang mga katulong sa gulat at takot ng biglang magbasag si Lorciano ng gamit. "That woman! Makita ko lang ang babaeng yan ulit! Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya!" Matindi ang galit ni Lorciano dahil hindi niya matanggap na may isang dukha, na mababa sa kaniya sa antas ng istado sa buhay, ang biglang sumampal sa kaniya. He's respected and loved by many. He ruled, he was being worshipped to those peasants craving for minimum salary enough to feed their hungry stomach. Tapos babastusin lang siya no'ng babaeng yun. Agad niyang kinuha ang vase at itinapon niya yun sa sahig. "SINO SIYA PARA SAMPALIN AKO?" Mas galit pa siya kay Pan kesa sa ginawa ni Logan at Sara. Nainsulto siya, natamaan pa ang pride niya. Tahimik naman si Julia. Hindi niya alam kung sinong babae ang tinutukoy ni Lorciano. Lalo't hindi niya naabutan ang eksena kanina. Hindi niya matanong ito dahil natatakot siyang saktan si
"Pan, can we talk?" tanong ni Logan, kinakabahan na baka ay paalisin siya ni Pan. Hindi siya mapakali kanina pa. Kita niya kanina na muntik na itong sampalin ng ama niya. Pero wala man lang siyang nagawa. "Pan please.. Kahit sandali lang." Hindi na siya yung dating kampante pa. Kailangan niyang balaan at ilayo si Pan sa ama niya. Alam niya kasing hindi na siya titigilan ng ama niya. "Bakit pa?" "May mahalaga akong sasabihin sa'yo." Sinamaan siya ni Pan ng tingin. "Sa tingin mo may gana pa akong makipag-usap sa'yo?" "N-Nag-aalala kasi ako sa'yo. Gusto ko lang e check kung maayos ba kayo ni Zahara. At isa pa, si dad. Galit na galit siya, hindi ko alam kung anong gagawin niya sa inyo." Tumingin si Pan kay Phello. "Pwede bang ipasok mo si Zahara sa loob ng bahay?" Tumango si Phello. Tumingin muna siya kay Logan bago niya dalhin si Zahara papasok sa loob ng bahay. Nang sila nalang ni Pan at Logan ang natira, agad na sinampal ni Pan si Logan no'ng akmang hahawa
Pagbukas ni Juancho ng pinto, tumambad sa kaniya si Logan. "Pwedeng dumito muna ako?" Napatingin si Juancho sa dala niyang bag. "Lumayas kasi ako sa amin." Pinagkrus ni Juancho ang kamay niya sa dibdib niya at tinitigan ang mukha ng kaibigan. "You cried." Napahilot si Logan sa sentido niya. "I'm sorry. Galing kasi ako kay Pan." "And?" "She said, ayaw na niya sakin, na nagsisisi siya na naging girlfriend ko siya." Ngumiti si Logan pero kita pa rin na nasasaktan siya. "Bakit niya yun nasabi?" Logan is too tired to tell him the whole story. "Mahabang storya. Sa susunod ko na sasabihin." Sabi niya. Umalis si Juancho sa harapan at pinapasok si Logan sa loob. "Kumain ka na?" "I'll eat kung gutom ako." "Okay." Umupo si Juancho sa couch at pinagpatuloy ang trabaho nito, ngunit bigla niyang naisip si Pan. He wondered anong nangyari. Naging busy sila ni Dom dahil malapit na silang bumalik ulit ng Manhattan. Hindi sila masiyadong nagkikita ni Pan nitong mga naka
Tumalikod si Lianne at umalis habang umiiyak.Alam niyang boyfriend lang niya si Juancho for a show. Para lang tulungan siya.But she got her hopes up. Na baka e magustuhan rin siya ni Juancho. But that didn't happen.Si Pan pala ang gusto nito. Si Pan pala ang babaeng kinababaliwan nito.Umuwi siya sa condo niya at iniyak buong magdamag ang mga nakita niya. Masiyadong masakit, after all, pumayag naman si Juancho na maging boyfriend niya."May karapatan naman siguro akong umiyak di ba?" tanong niya sa sarili niya."Kahit naman na hindi niya ako mahal talaga, boyfriend ko naman siya e. Kaya pwede akong masaktan." Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapagod na ang mga mata niya kakaiyak.Samantala, pagbalik ni Juancho sa condo, sinalubong siya ni Logan ng ngiti."Bro, nakita mo ang girlfriend mo? Hindi kayo nagpang-abot dahil-" natigilan si Logan nang malanghap na naman niya ang perfume ni Pan.Nawala ang ngiti sa labi niya at parang huminto ang pag-ikot ng mundo niya.Bigla pang pumaso
Parang bumagsak ang buong mundo ni Lianne.Parang umurong ang luha niya matapos niyang marinig yun kay Pan."Galit na galit ako sa'yo." Saad niya."Alam ko. Pasensya ka na rin sa gagawin ko. Hindi ko isusuko si Juancho kahit na ikaw ang girlfriend niya sa mata ng lahat.""Naririnig mo ba yang sinasabi mo Pan? Isa kang kabit!""Alam ko rin. Alam kong isa akong kabit. Ayos lang, basta akin pa rin si Juancho."Kumuyom ang kamao ni Lianne sa ilalim ng mesa."May Logan ka na. Bakit ba nakikisawsaw ka pa sa amin ni Juancho?" Ina ako e/ "Gusto ko e." Tumango si Lianne, tila sumusuko na namapakiusapan niya si Pan. "Nagsasayang lang pala ako ng oras sa'yo."Tumayo siya at sinabing, "if you truly cares for him, then manatili ka lang bilang kabit niya. Huwag mong dungisan ang pangalan ni Juancho dahil lang sa pumatol siya sa'yo kahit may girlfriend siya."Pagkasabi non ni Lianne, umalis na siya.Napasunod pa si Bobby ng tingin. Alam niyang umiiyak si Lianne kaya nagmamadali siyang nagtungo kay
Naaawa na si Sara kay Logan. Hindi niya aakalaing ang dalawang tao na pinagkakatiwalaan nito ay tinatraydor lang pala siya.Ni wala silang pakialam sa mararamdaman niya."Alam mo ba anong sinabi niya sa akin?" walang takot na sabi ni Sara kay Juancho kahit na nakakatakot na ang itsura nito."Sabi niya, kung hindi man maging kaniya si Pan, sana ay hindi rin siya maging sa'yo dahil hindi niya kakayanin, dahil mas masakit yun para sa kaniya."Kinuha ni Sara ang kamay niyang hawak ni Juancho at sinamaan ng tingin ito. "Kaya itago niyo ng mabuti ang relasyon niyo at huwag niyong sabihin sa kaniya, yun ay kung may natitira pa kayong awa para kay Logan."Umalis na si Sara ng walang lingon lingon. Sa ibang grocery store na lang siya bibili.Ilang minuto matapos nawala ni Sara, ang bigla namang dumating ay si Sasha."Paaaan, I miss you."Ang mabigat na atmosphere kanina ay biglang nagbago. Napilitan si Pan na ngumiti kay Sasha at nagpahaIik kahit na alam niyang didikit sa pisngi niya ang kumik
Matapos malaman ni Lianne ang tungkol kay Juancho at Pan, napi-pressure na siya sa gagawin niya.Gusto niyang gumawa ng bagay na ikakasaya ni Juancho.Kaya nagbook siya sa isang resort dahil gusto niyang magbonding sila ni Ark, Dom at Juancho.She wanted to make everything special.Tinawagan niya rin si Ark to help her sa gagawin niya. "Ark, you busy? Pwede mo ba akong tulungan?""Saan?""May surprise kasi ako para kay Juancho at Dom bago sila bumalik ng Manhattan.""Oh. Ngayon na ba?""Oo sana. Busy ka ba?""Hindi naman. Sige, pupunta na ako diyan."Ngumiti si Lianne at pinatay ang tawag. She wished that through this, mas lalaki ang halaga niya kay Juancho kesa sa pagpapahalaga nito kay Pan.Meanwhile...Hapon na pumasok si Pan sa studio. Umiiyak kasi si Zahara dahil sumasakit na naman ang katawan niya."Pan? Bakit ka nandito? Akala ko ba sinugod mo si Zahara sa hospital?" tanong ni Bobby."Ayos na siya Bobs. Kailangan ko sulitin ang bawat oras sa paghahanap ng pera. Hindi ko kasi al
Napaubo si Dom sa tabi. Syempre, iniisip niya na kasama nila si Lianne at Ark tapos malakas ang loob ni Pan na gawin ang bagay na yun.Pagkatapos haIikan ni Pan ang pisngi ni Juancho na ngayon ay nanigas na, si Lianne naman binesohan niya.At huli si Ark. But unlike Juancho, pisngi lang niya ang dinampi niya sa pisngi ni Ark.But that's enough to make Juancho's forehead wrinkled."Dom? Why Pan is here?" tanong ni Lianne na hindi natuwa sa ginawa ni Pan na paghaIik sa pisngi ni Juancho."Oh. Sorry." Sabi ni Pan. "Hindi pala ako invited. Si Dom kasi inaya niya ako for dinner. Hindi ko alam itong dinner pala ang ibig niyang sabihin."Pinanlakihan ni Dom ng mata si Pan. Kailangan pa niya yun sinabi? Ang gusto niyang itanong."Ahh, sorry. Magkasama kasi kami ni Pan kanina." Sabi ni Dom.Nalukot ang mukha ni Juancho. "Bakit kayo magkasama?"Agad na nagsitayuan ang balahibo ni Dom sa katawan.Heto na naman siya sa life and death situation niya."Bruh, you asked--I mean, nagkita kami ni Pan ac
“So kamusta na kayo ni Juancho?” tanong ni Leon habang naglalakad sila ni Pan pabalik sa sasakyan niya.“Ayos naman kami,” sabi ni Pan kahit na puno ng kalungkutan ang mukha niya. Napansin iyon ni Leon kaya nag-usisa pa siya.“Bakit ganiyan ang mukha mo? May nangyari bang hindi maganda sa inyo?”“Huh? W-Wala…” Saad ni Pan. “Ano… Hindi ko alam paano ipapaliwanag pero ayos naman kami, hindi nga lang madalas mag-usap ngayong linggo na ito.”“Anong ibig mong sabihin?”“Hindi kami nag-uusap ni Juancho this week. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya,” natigilan siya sandali, “kung ayos lang ba kami.”“Baka ay busy lang?”“Siguro.. Hindi ko alam.” Sabi ni Pan.Tumigil si Leon at ngumiti sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos lang ang lahat.” Aniya kahit batid niyang hindi dahil naroon na sa Manhattan ngayon ang assistant ni Leila na si Felicity.“Salamat Leon. Oh siya, pakisabi na lang kay tita at Sasha na salamat sa binigay nila.”“Walang anuman.. Salamat sa paghatid.” Saad naman
“I WILL KILL YOU DOM!” Saad ni Juancho kay Dom dahil ilang beses na niyang hinanap ang phone niya, hindi niya pa rin makita sa kahit saang sulok ng hotel.“I told you, hindi ko nga kinuha. Hindi mo kaya naiwan sa café?” suggestion ni Dom dahil wala talaga siyang alam kung saan nailagay ni Juancho ang phone niya.Café lang naman ang last nilang pinuntahan kanina. “No. Alam kong dala dala ko yun.”“Kung ganoon, then nasaan na?”Napahilamos ng mukha si Juancho at napaupo siya sa sofa. “Is someone pranking at me?”“Bakit mo naman nasabi yan?”“Nawala ang phone ko tapos my account was hacked. Hindi ko ma-open kahit ngayon.”“Then use your other phone. Just tell Pan na nawala ang phone mo kaya iba ang ginamit mong number to contact her.”Junacho did what Dom told him. Ginamit niya ang isang phone niya to contact Pan pero natapos na lang ang isang araw, wala siyang reply na natanggap kay Pan.Hindi na makapagsalita si Dom o makakilos ng maayos sa loob ng hotel dahil abot langit ang inis at g
“LEILA!” Sigaw ni Jasmine. “Ito ba yung dahilan bakit gusto mong makausap ang anak ko?” “Jasmine, nakapagdesisyon na ako. Hindi talaga pwede si Juancho at Pan.” “Naririnig mo ba ang sarili mo? Matapos mong abandonahin si Pan, babalik ka para sirain ang relasyon niya sa boyfriend niya? Leila naman, hindi ka ba naaawa sa anak mo?” Hindi nakinig si Leila sa pangaral ng kaibigan niya. “Kung hindi ko ito gagawin, si Symon ang gagawa nito. At ayokong umabot sa punto na malaman niyang anak ko si Pan dahil hindi lang siya kay Pan magagalit kun’di pati na rin sa akin.” “Bakit ang selfish mo Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Jasmine. “Hindi mo ito ginagawa dahil nag-aalala ka kay Pan, hindi ba? Ginagawa mo ito dahil takot kang iwan ka ni Symon!” Walang reaction ang mukha ni Leila. She has decided. “No. My son will refuse you. Hindi kami hahadlang sa kasiyahan ni Pan. You weren’t there when your daughter dine with us with Juancho. Hindi mo nakita kung gaano kasaya ang anak mo s
Pag-uwi ni Pan at Zahara sa mansion, agad na sinabi ng mga katulong na nagpunta si Julia kanina.“Wala ba siyang ginawang gulo dito?” tanong niya.“Wala po ma’am. Nang malaman niyang wala kayo, umalis rin po siya agad.”“Mabuti naman. Hindi ba niya kayo pinagalitan?”Umiling ang mga katulong. “Hindi po ma’am.”“Sige, salamat.. Sige na, magpahinga na kayo. Ako na ang bahala kay Zahara.”Pagod na pagod si Pan habang paakyat ng hagdan. Karga niya si Zahara na ngayon at mahimbing ng natutulog sa bisig niya.Pagpasok nila ng kwarto, agad siyang naligo.Masiyadong mabigat ang puso niya dahil sa ina niya. Ang gusto lang sana niyang mangyari ngayon ay hindi niya ito makita pero mukhang walang plano ang ina niya na tantanan siya.Habang nasa ilalim siya ng shower, walang humpay sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.Galit siya sa mama niya, at galit siya sa naging lalaki ng mama niya.Yung galit na tipong gusto niyang mamatay na lang ang dalawa. Presko pa sa utak niya kung anong nangyari sa papa
Wala pang isang oras na magkasama sila ng apo niya ng sabihin ni Pan na aalis na sila.“Pero mama, it’s too early.” Reklamo ni Zahara.“Anak, hindi na tayo pwedeng magtagal. Hindi ba sabi ni papa dapat kunin na natin ang shirt na pinagawa niya?”“Okay po mama.”Tumingin si Zahara kay Leila. “Bye po lola! See you again!”Ngumiti si Leila at kumaway. Alam niyang gustong ilayo ni Pan si Zahara sa kaniya.Sumakay na ang dalawa sa sasakyan at umalis.“Hindi na po ba natin susundan ma’am?” ang tanong ni Felicity sa tabi niya.Umiling si Leila. Nakatingin lang siya sa sasakyan na ginamit ni Pan paalis.“Hindi na. Kay Jasmine tayo ngayon,” aniya.Tumango si Felicity at agad na sinenyasan ang driver ng sasakyan na maghanda na.Agad siyang sumakay sa sasakyan niya at nagtungo sa bahay ni Jasmine Debrah.Marami siyang gustong malaman tungkol sa buhay ng anak niya.Pinapanalangin niya na sana ay ibang Juancho ang tinutukoy ng anak niya kanina.“Leila!” Gulat na sabi ni Jas nang makita si Leila dah
“Anong ginagawa mo dito?” walang kahit anong bakas ng tuwa ang makikita sa mukha ni Pan nang makita niya ang ina niya.“Kamusta ka na?” tanong ni Leila.Lumapit si Bobby sa kanila at natigilan nang makita si Leila. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ito dahil halata na sa mukha ang pagkakahawig nito kay Pan.“Pwede ba kitang makausap anak?”Kumuyom ang kamao ni Pan. May mga client sa loob kaya hindi siya pwedeng magwala. Kinuha niya ang kamay ni Leila at dinala ito sa labas ng studio.Mahina niyang itinulak si Leila kaya muntik itong matumba. “Anong ginagawa mo dito?”“Pan, galit ka pa rin ba sa akin?”Tinignan niya ng masama ang ina niya. “At ano sa tingin mo ang gagawin ko? Matutuwa sayo?”“Pan, anak, sinubukan kong hanapin ka para madala ko sa ibang bansa pero itinago ka ng lola at papa mo sa akin.”“Ay talaga ba? Hindi ba sabi mo wala kang anak? Iniwan mo kami ni papa dahil sumama ka sa isang mayamang lalaki na nakilala mo.”“Pan naman, alam mo kung ano ang ama mo.” “OO!”
"We're here ma'am," ang sabi ni Felicity kay Leila no'ng makalanding sila sa airport."Natawagan mo na ba ang driver?""Opo. They are waiting for us.""Okay. Good. Let's go." Sabi ni Leila at bumaba na sila ng eroplano.Agad silang sinalubong ng sangkatutak na bodyguards na pinadala ng asawa niya sa kaniya."Sa bahay po ba tayo ngayon ma'am or pupuntahan pa natin si ma'am Vanessa?""Sa bahay na tayo. And just contact Vanessa. Tell her nasa Pinas na ako. Magkita nalang kami bukas para masabihan niya agad si Jasmine." "Noted ma'am."Naka-furr jacket si Leila at naka shades habang naglalakad pa exit ng airport. Yung itsura niya ay nakakakuha ng attention ng ibang mga taong nadadaanan niya.Maraming humahanga, maraming nagtataka kung sino siya.She's like a celebrity. Sumakay siya sa sasakyan na nakaabang na sa kaniya sa labas ng airport. It's been years ng huli siyang nakauwi ng Pinas. Maraming taon na rin ang nakalipas nang makita niya ang anak niya sa dati niyang asawa. Pagdating
May isang lalaking bumaba mula sa itaas ng hagdan. Nang tignan yun ni Pan, isang matikas ngunit gwapong ginoo ang nakita niya."Leila?" ani ng lalaking asawa ni Vanessa na si Jones Lowis."Hindi ba? Akala ko siya si Leila." Nakangiting saad ni Vanessa."Hindi po Leila ang pangalan ko. Ako po si Pan. Panasree Soliel D. Salvi po ang pangalan ko." Nahihiyang sabi ni Pan. Gaya ni Vanessa, nagulat rin rin si Jones."Oh. You're not Leila." Saad ni Jones. "Opo. S-Sino po pala si Leila?" "Ah... She's a friend. Anyway, Panasree, ako si Vanessa Lowis at ito ang aking husband na si Jones Lowis. Pasensya ka na sa amin kung panay Leila kami kasi kamukha mo talaga ang kakilala namin na si Leila."Ngumiti si Pan. "Ayos lang po. Saka Pan na po ang itawag niyo sa akin.""Okay Pan. Halika, simulan na natin ang photoshoot."Tumango si Pan at sumunod sa kanila.Alam ni Pan na nagbubulungan ang mag-asawa tungkol sa kaniya. Nagtataka tuloy siya kung sino itong Leila na kamukha niya.Pagdating nila sa gar
Kinagabihan, matapos takpan ni Pan ang mga pasa sa mukha niya, saka niya tinawagan si Juancho."Ang tagal mong sinagot ang tawag," nakangusong sabi nito.Huminga ng malalim si Pan para takpan ang mga sakit na nararamdaman niya. Mahapdi pa rin ang pisngi niya at masakit pa ang anit sa buhok niya. "Sorry.. Pinatulog ko pa kasi si Zahara.""Oh.. Is she okay? Kamusta naman kayo diyan?""Ayos lang kami dito Juancho. Kayo ni Dom?"Pagbanggit niya ng Dom, sumilip si Dom sa likuran ni Juancho. "Hello Madam Baby.""What did you say?" kunot noong tanong ni Juancho.Agad naman tumakbo si Dom palayo, habang tumatawa pa."That punk!" Juancho murmured.Ngumiti si Pan. Kahit na parang aso't pusa si Juancho at Dom, batid niyang sobrang pinapahalagahan ng dalawa ang pagkakaibigan nila."By the way, si mama, tumawag siya. She said, she wanted to talk to me kapag nakabalik na ako ng Pinas. I think handa na siyang tanggapin ako." Ngumiti si Pan. "Really?""Yeah. Nagulat nga ako kanina. I thought it's im