Apaka tuso talaga ni Juancho hahahaha
Matapos malaman ni Lianne ang tungkol kay Juancho at Pan, napi-pressure na siya sa gagawin niya.Gusto niyang gumawa ng bagay na ikakasaya ni Juancho.Kaya nagbook siya sa isang resort dahil gusto niyang magbonding sila ni Ark, Dom at Juancho.She wanted to make everything special.Tinawagan niya rin si Ark to help her sa gagawin niya. "Ark, you busy? Pwede mo ba akong tulungan?""Saan?""May surprise kasi ako para kay Juancho at Dom bago sila bumalik ng Manhattan.""Oh. Ngayon na ba?""Oo sana. Busy ka ba?""Hindi naman. Sige, pupunta na ako diyan."Ngumiti si Lianne at pinatay ang tawag. She wished that through this, mas lalaki ang halaga niya kay Juancho kesa sa pagpapahalaga nito kay Pan.Meanwhile...Hapon na pumasok si Pan sa studio. Umiiyak kasi si Zahara dahil sumasakit na naman ang katawan niya."Pan? Bakit ka nandito? Akala ko ba sinugod mo si Zahara sa hospital?" tanong ni Bobby."Ayos na siya Bobs. Kailangan ko sulitin ang bawat oras sa paghahanap ng pera. Hindi ko kasi al
Napaubo si Dom sa tabi. Syempre, iniisip niya na kasama nila si Lianne at Ark tapos malakas ang loob ni Pan na gawin ang bagay na yun.Pagkatapos haIikan ni Pan ang pisngi ni Juancho na ngayon ay nanigas na, si Lianne naman binesohan niya.At huli si Ark. But unlike Juancho, pisngi lang niya ang dinampi niya sa pisngi ni Ark.But that's enough to make Juancho's forehead wrinkled."Dom? Why Pan is here?" tanong ni Lianne na hindi natuwa sa ginawa ni Pan na paghaIik sa pisngi ni Juancho."Oh. Sorry." Sabi ni Pan. "Hindi pala ako invited. Si Dom kasi inaya niya ako for dinner. Hindi ko alam itong dinner pala ang ibig niyang sabihin."Pinanlakihan ni Dom ng mata si Pan. Kailangan pa niya yun sinabi? Ang gusto niyang itanong."Ahh, sorry. Magkasama kasi kami ni Pan kanina." Sabi ni Dom.Nalukot ang mukha ni Juancho. "Bakit kayo magkasama?"Agad na nagsitayuan ang balahibo ni Dom sa katawan.Heto na naman siya sa life and death situation niya."Bruh, you asked--I mean, nagkita kami ni Pan ac
Umupo na silang dalawa sa buhangin at seryosong nag-uusap."Ano pa lang nangyari sa inyo ng mama mo? Bakit siya galit sa'yo?" tanong niya. "It's a long story. Dahil kasi sa akin nawala si kuya kaya hindi ako mapatawad ni mama." Malungkot na sabi ni Juancho. 'It's my chance para malaman ko ang tungkol sa dad niya.'"Bakit naman? Ano bang ginawa mo?"Tumingin si Juancho sa kaniya. Kita ni Pan na parang nagdadalawang isip ito. "I'm sorry but I cannot tell you why."Kumunot ang noo ni Pan. "How about sa dad mo?"Nakita ni Pan ang paglukot ng mukha ni Juancho, tila ba galit siya dahil lang binanggit ang dad niya."Wala na akong ama." Sabi niya.Alam ni Pan na hindi totoo yan."Bakit parang galit ka? Is he dead? O nasa ibang bansa?""Panasree, stop talking about him. He's nothing. Ayokong pag-usapan siya." Saad ni Juancho sa kaniya.'No Juancho. Hindi pwedeng ganto. Kailangan ko ang ama mo.'Tumayo siya, kunwari masama ang loob niya. "Alright, gets ko na. Kaya ayaw mong sabihin sa akin dah
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lianne nang makita niya si Pan na sumunod sa kaniya."Napadaan lang ako." "Napadaan? O para pagtawanan ako?""Bakit naman kita pagtatawanan?" tanong ni Pan sa kaniya. "I hate you!" Sabi ni Lianne at nanlilisik ang matang nakatingin kay Pan. "I hate you for stealing him. I hate everything about you. Sana nawala ka na lang." Nagtatangis na sabi ni Lianne. Umupo si Pan sa tabi niya at tumingin sa dagat. Ramdam niyang ayaw na ayaw sa kaniya ni Lianne, kahit ang galit nito ay ramdam rin niya. "Hindi ko alam ang sasabihin ko para gumaan ang pakiramdam mo dahil alam kong ako ang pinakadahilan kung bakit ka ngayon nagdurusa, kung bakit ka umiiyak."Tumingin si Pan kay Lianne. "Sorry dahil hindi ko talaga kayang isuko si Juancho. Maaaring ikaw ang girlfriend niya ngayon, pero sa ating dalawa, ako ang nauna sa kaniya."Tumingin si Lianne sa kaniya, kumunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?" "Juancho was my firsts. In our teenager days, he was all I ha
"You're kidding me right?" tanong ni Ark. "He's Lianne's boyfriend."Tumingin si Ark kay Juancho. "What's this bro?"Juancho snake his arm around Pan's waist. Pinapatunayan lang niya may relasyon silang dalawa.Ni hindi siya ngumiti o ano kay Ark. He doesn't care kung putulin ni Ark ang friendship nila. "She's telling the truth. We're dating." Walang kurap na sabi ni Juancho."Paano si Lianne? Are you cheating on her?" tanong ni Ark sabay turo kay Lianne."Lianne is a friend. I'm her boyfriend para matigil na ang stalker niya kakasunod sa kaniya.""What?" sabay na sabi ni Ark at Dom.Kahit si Pan ay nagulat rin. Si Lianne naman ay lumapit kay Juancho, umiiyak. "Juancho, gusto kita." Sabi niya."Bakit hindi nalang natin totohanin ang meron sa atin?" pakiusap ni Lianne. "Please.. Ako na lang Juancho.. Mamahalin naman kita e." Natakot si Pan. Ngayon na alam niyang hindi pala committed si Juancho sa iba, mas lalong hindi niya ito papakawalan.Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ni Jua
Pag-uwi ni Pan galing resort, ang mukha ni Zahara na nakangiti ang una niyang nakita pagbukas ng pinto ng bahay nila. "Mama, sa bahay ka ni tita Bobby nagsleep?"Pan giggled and lied, "yes anak. Why? Miss mo ko?""Yes mama. But why are you here mama? Wala kayong work ni tita today?""Hindi pumasok si mama e. I'm planning to stay here and play with you all day."Namilog ang mata ni Zahara. Yung mga mata niya ay nagniningning matapos marinig mula sa mama niya na hindi ito papasok at makikipaglaro lang sa kaniya buong maghapon."Then mama, can we go to kuya Pi's bakery shop? I forgot to say thank you to him.""Bakit ka magti-thank you sa kaniya?" Pan asked."Pinasyal niya tayo sa zoo, mama, para hindi ka umiyak. Dapat mag thank you ako sa kaniya for making us happy that day."Nawala ang ngiti ni Pan. Nakalimutan niya na ang tungkol doon. Lalo na yung ginawa ni Lorciano. "Sige.. Mamayang hapon, punta tayo sa kaniya.""Yeheeeey! I'm excited. Thank you mama!" Masayang saad ni Zahara.Kaya
"Sabi ko, ako yung mama ng bata, pero hindi siya anak ni Phello."Nabigla si Juancho ng marinig yun kay Pan.'Kung hindi yun anak ni Artelies, then sinong ama ng bata?'Biglang pumasok sa isipan ni Juancho ang nakaraan nila ni Pan.Napasinghap siya nang maisip ang mga bagay na nangyari sa kanila.'She left 8 years ago without telling me the reason. Why? Did I get her pregnant?'Nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso niya.'Not possible. We didn't use condom that time. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya ako iniwan? Dahil nabuntis siya at nilayo niya ang bata? Pero bakit niya nilayo? Anong dahilan niya? I made sure na siya lang ang babae ko noon. Fvck. I'm willing to give up everything for her. Fvck buddy lang ba talaga ang tingin niya sa akin noon? Iyon lang ba yun?' He's overthinking... Tumingin siya kay Pan, at kita niya sa mukha ni Pan na nag-alala.'Come to think of it, kahit na pinaiyak ko siya, kahit na pinahiya ko no'ng una, pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya sa akin
Paglabas ni Pan, wala ng Juancho at Zahara ang nakita niya. Tinangay na ni Juancho ang anak niya.Tumingin siya sa kotseng papalayo, napatampal nalang siya sa noo niya. She was froze earlier. Hindi siya agad nakasunod kay Juancho at sa anak niya. "Pan," napatingin si Pan kay Phello."Anong nangyari?" tanong niya. "Yung anak ko, nasa kay Juancho na.""Oo. Nasa kaniya na. Anak niya pala si Zahara?" tanong ni Phello. Kumunot ang noo ni Pan. Ang bilis ni Juancho. Hindi man lang siya nakareact. "Teka.. Mali ito." Sabi niya. "Diyan ka na muna Phello. Saka na ako magpapaliwanag sa'yo. Byeee."Agad na umalis si Pan at naghanap ng taxi na masasakyan.Nagpahatid siya kay Bobby.Kailangan niya ng taong makakasama ngayon. Kailangan niya ng taong magbibigay advice sa kaniya dahil gulong gulo ang utak niya. Pagdating niya ng studio, nakita niya si Bobby na mag-isang naglilinis."Oh Pan, akala ko hindi ka papasok?" gulat na tanong ni Bobby. "Bobs, may problema ako." Sabi niya."Bakit? Anong pro
“So kamusta na kayo ni Juancho?” tanong ni Leon habang naglalakad sila ni Pan pabalik sa sasakyan niya.“Ayos naman kami,” sabi ni Pan kahit na puno ng kalungkutan ang mukha niya. Napansin iyon ni Leon kaya nag-usisa pa siya.“Bakit ganiyan ang mukha mo? May nangyari bang hindi maganda sa inyo?”“Huh? W-Wala…” Saad ni Pan. “Ano… Hindi ko alam paano ipapaliwanag pero ayos naman kami, hindi nga lang madalas mag-usap ngayong linggo na ito.”“Anong ibig mong sabihin?”“Hindi kami nag-uusap ni Juancho this week. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya,” natigilan siya sandali, “kung ayos lang ba kami.”“Baka ay busy lang?”“Siguro.. Hindi ko alam.” Sabi ni Pan.Tumigil si Leon at ngumiti sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos lang ang lahat.” Aniya kahit batid niyang hindi dahil naroon na sa Manhattan ngayon ang assistant ni Leila na si Felicity.“Salamat Leon. Oh siya, pakisabi na lang kay tita at Sasha na salamat sa binigay nila.”“Walang anuman.. Salamat sa paghatid.” Saad naman
“I WILL KILL YOU DOM!” Saad ni Juancho kay Dom dahil ilang beses na niyang hinanap ang phone niya, hindi niya pa rin makita sa kahit saang sulok ng hotel.“I told you, hindi ko nga kinuha. Hindi mo kaya naiwan sa café?” suggestion ni Dom dahil wala talaga siyang alam kung saan nailagay ni Juancho ang phone niya.Café lang naman ang last nilang pinuntahan kanina. “No. Alam kong dala dala ko yun.”“Kung ganoon, then nasaan na?”Napahilamos ng mukha si Juancho at napaupo siya sa sofa. “Is someone pranking at me?”“Bakit mo naman nasabi yan?”“Nawala ang phone ko tapos my account was hacked. Hindi ko ma-open kahit ngayon.”“Then use your other phone. Just tell Pan na nawala ang phone mo kaya iba ang ginamit mong number to contact her.”Junacho did what Dom told him. Ginamit niya ang isang phone niya to contact Pan pero natapos na lang ang isang araw, wala siyang reply na natanggap kay Pan.Hindi na makapagsalita si Dom o makakilos ng maayos sa loob ng hotel dahil abot langit ang inis at g
“LEILA!” Sigaw ni Jasmine. “Ito ba yung dahilan bakit gusto mong makausap ang anak ko?” “Jasmine, nakapagdesisyon na ako. Hindi talaga pwede si Juancho at Pan.” “Naririnig mo ba ang sarili mo? Matapos mong abandonahin si Pan, babalik ka para sirain ang relasyon niya sa boyfriend niya? Leila naman, hindi ka ba naaawa sa anak mo?” Hindi nakinig si Leila sa pangaral ng kaibigan niya. “Kung hindi ko ito gagawin, si Symon ang gagawa nito. At ayokong umabot sa punto na malaman niyang anak ko si Pan dahil hindi lang siya kay Pan magagalit kun’di pati na rin sa akin.” “Bakit ang selfish mo Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Jasmine. “Hindi mo ito ginagawa dahil nag-aalala ka kay Pan, hindi ba? Ginagawa mo ito dahil takot kang iwan ka ni Symon!” Walang reaction ang mukha ni Leila. She has decided. “No. My son will refuse you. Hindi kami hahadlang sa kasiyahan ni Pan. You weren’t there when your daughter dine with us with Juancho. Hindi mo nakita kung gaano kasaya ang anak mo s
Pag-uwi ni Pan at Zahara sa mansion, agad na sinabi ng mga katulong na nagpunta si Julia kanina.“Wala ba siyang ginawang gulo dito?” tanong niya.“Wala po ma’am. Nang malaman niyang wala kayo, umalis rin po siya agad.”“Mabuti naman. Hindi ba niya kayo pinagalitan?”Umiling ang mga katulong. “Hindi po ma’am.”“Sige, salamat.. Sige na, magpahinga na kayo. Ako na ang bahala kay Zahara.”Pagod na pagod si Pan habang paakyat ng hagdan. Karga niya si Zahara na ngayon at mahimbing ng natutulog sa bisig niya.Pagpasok nila ng kwarto, agad siyang naligo.Masiyadong mabigat ang puso niya dahil sa ina niya. Ang gusto lang sana niyang mangyari ngayon ay hindi niya ito makita pero mukhang walang plano ang ina niya na tantanan siya.Habang nasa ilalim siya ng shower, walang humpay sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.Galit siya sa mama niya, at galit siya sa naging lalaki ng mama niya.Yung galit na tipong gusto niyang mamatay na lang ang dalawa. Presko pa sa utak niya kung anong nangyari sa papa
Wala pang isang oras na magkasama sila ng apo niya ng sabihin ni Pan na aalis na sila.“Pero mama, it’s too early.” Reklamo ni Zahara.“Anak, hindi na tayo pwedeng magtagal. Hindi ba sabi ni papa dapat kunin na natin ang shirt na pinagawa niya?”“Okay po mama.”Tumingin si Zahara kay Leila. “Bye po lola! See you again!”Ngumiti si Leila at kumaway. Alam niyang gustong ilayo ni Pan si Zahara sa kaniya.Sumakay na ang dalawa sa sasakyan at umalis.“Hindi na po ba natin susundan ma’am?” ang tanong ni Felicity sa tabi niya.Umiling si Leila. Nakatingin lang siya sa sasakyan na ginamit ni Pan paalis.“Hindi na. Kay Jasmine tayo ngayon,” aniya.Tumango si Felicity at agad na sinenyasan ang driver ng sasakyan na maghanda na.Agad siyang sumakay sa sasakyan niya at nagtungo sa bahay ni Jasmine Debrah.Marami siyang gustong malaman tungkol sa buhay ng anak niya.Pinapanalangin niya na sana ay ibang Juancho ang tinutukoy ng anak niya kanina.“Leila!” Gulat na sabi ni Jas nang makita si Leila dah
“Anong ginagawa mo dito?” walang kahit anong bakas ng tuwa ang makikita sa mukha ni Pan nang makita niya ang ina niya.“Kamusta ka na?” tanong ni Leila.Lumapit si Bobby sa kanila at natigilan nang makita si Leila. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ito dahil halata na sa mukha ang pagkakahawig nito kay Pan.“Pwede ba kitang makausap anak?”Kumuyom ang kamao ni Pan. May mga client sa loob kaya hindi siya pwedeng magwala. Kinuha niya ang kamay ni Leila at dinala ito sa labas ng studio.Mahina niyang itinulak si Leila kaya muntik itong matumba. “Anong ginagawa mo dito?”“Pan, galit ka pa rin ba sa akin?”Tinignan niya ng masama ang ina niya. “At ano sa tingin mo ang gagawin ko? Matutuwa sayo?”“Pan, anak, sinubukan kong hanapin ka para madala ko sa ibang bansa pero itinago ka ng lola at papa mo sa akin.”“Ay talaga ba? Hindi ba sabi mo wala kang anak? Iniwan mo kami ni papa dahil sumama ka sa isang mayamang lalaki na nakilala mo.”“Pan naman, alam mo kung ano ang ama mo.” “OO!”
"We're here ma'am," ang sabi ni Felicity kay Leila no'ng makalanding sila sa airport."Natawagan mo na ba ang driver?""Opo. They are waiting for us.""Okay. Good. Let's go." Sabi ni Leila at bumaba na sila ng eroplano.Agad silang sinalubong ng sangkatutak na bodyguards na pinadala ng asawa niya sa kaniya."Sa bahay po ba tayo ngayon ma'am or pupuntahan pa natin si ma'am Vanessa?""Sa bahay na tayo. And just contact Vanessa. Tell her nasa Pinas na ako. Magkita nalang kami bukas para masabihan niya agad si Jasmine." "Noted ma'am."Naka-furr jacket si Leila at naka shades habang naglalakad pa exit ng airport. Yung itsura niya ay nakakakuha ng attention ng ibang mga taong nadadaanan niya.Maraming humahanga, maraming nagtataka kung sino siya.She's like a celebrity. Sumakay siya sa sasakyan na nakaabang na sa kaniya sa labas ng airport. It's been years ng huli siyang nakauwi ng Pinas. Maraming taon na rin ang nakalipas nang makita niya ang anak niya sa dati niyang asawa. Pagdating
May isang lalaking bumaba mula sa itaas ng hagdan. Nang tignan yun ni Pan, isang matikas ngunit gwapong ginoo ang nakita niya."Leila?" ani ng lalaking asawa ni Vanessa na si Jones Lowis."Hindi ba? Akala ko siya si Leila." Nakangiting saad ni Vanessa."Hindi po Leila ang pangalan ko. Ako po si Pan. Panasree Soliel D. Salvi po ang pangalan ko." Nahihiyang sabi ni Pan. Gaya ni Vanessa, nagulat rin rin si Jones."Oh. You're not Leila." Saad ni Jones. "Opo. S-Sino po pala si Leila?" "Ah... She's a friend. Anyway, Panasree, ako si Vanessa Lowis at ito ang aking husband na si Jones Lowis. Pasensya ka na sa amin kung panay Leila kami kasi kamukha mo talaga ang kakilala namin na si Leila."Ngumiti si Pan. "Ayos lang po. Saka Pan na po ang itawag niyo sa akin.""Okay Pan. Halika, simulan na natin ang photoshoot."Tumango si Pan at sumunod sa kanila.Alam ni Pan na nagbubulungan ang mag-asawa tungkol sa kaniya. Nagtataka tuloy siya kung sino itong Leila na kamukha niya.Pagdating nila sa gar
Kinagabihan, matapos takpan ni Pan ang mga pasa sa mukha niya, saka niya tinawagan si Juancho."Ang tagal mong sinagot ang tawag," nakangusong sabi nito.Huminga ng malalim si Pan para takpan ang mga sakit na nararamdaman niya. Mahapdi pa rin ang pisngi niya at masakit pa ang anit sa buhok niya. "Sorry.. Pinatulog ko pa kasi si Zahara.""Oh.. Is she okay? Kamusta naman kayo diyan?""Ayos lang kami dito Juancho. Kayo ni Dom?"Pagbanggit niya ng Dom, sumilip si Dom sa likuran ni Juancho. "Hello Madam Baby.""What did you say?" kunot noong tanong ni Juancho.Agad naman tumakbo si Dom palayo, habang tumatawa pa."That punk!" Juancho murmured.Ngumiti si Pan. Kahit na parang aso't pusa si Juancho at Dom, batid niyang sobrang pinapahalagahan ng dalawa ang pagkakaibigan nila."By the way, si mama, tumawag siya. She said, she wanted to talk to me kapag nakabalik na ako ng Pinas. I think handa na siyang tanggapin ako." Ngumiti si Pan. "Really?""Yeah. Nagulat nga ako kanina. I thought it's im