Bobs, beso lang naman yun. Walang malisya. HAHAHAHA
Lasing na si Bobby, ganoon rin si Sasha, Lianne at Trisha. Si Pan naman ay hindi umiinom, dahil ayaw niyang umuwi na malanghap ng anak niya ang alak mula sa bibig niya. Si Leon ay tahimik ngunit namumula na dahil sa alak at kanina pa siya panay tingin kay Pan. Tuloy naiirita si Juancho. "Stop moving," saad ni Josh. Ayaw niyang umalis si Pan sa tabi niya dahil ramdam niyang tatabi agad ang mga kalalakihan na naghihintay lang ng pagkakataon. "Okay.." Tumingin si Pan kay Juancho at nang magtagpo ang paningin nila, nginitian niya ito. Tumingin rin siya kay Lianne na nakasandal na sa balikat ni Juancho at lasing. Tinaasan siya ni Juancho ng kilay kaya bumaling nalang ang paningin niya sa alak. Ngunit dahil ramdam pa rin niya ang titig ni Juancho sa kaniya kaya sumulyap na naman siya. Agad na namula ang pisngi niya dahil sa titig nitong tumatagos hanggang kaluluwa niya. 'Bakit ba panay siya tingin? May mali ba sa mukha ko?' Pasimple niyang hinawakan ang pisngi niy
"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Dom pagkahatid nila kay Lianne sa bahay nito. "Balik sa sasakyan." Mariing sabi ni Juancho. Tumingin si Dom kay Pan. "Help me.." "Nasa bingit rin ng kamatayan ang buhay ko." Sagot ni Pan na para bang isang grim reaper so Juancho, taga sundo ng kaluluwa nila.Tahimik silang nagbubulungan kung anong torture ang gagawin ni Juancho sa kanila na para bang hindi sila naririnig ni Juancho.‘Iniisip ba nila na hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila sa lakas ng boses nila?’ Napahinto sila sa paglalakad nang huminto si Juancho. Biglang napalunok si Dom, si Pan naman ay nangatog ang binti.Juancho is not smiling. Yung awra niya ay madilim at igting pa ang panga.Kung alam lang ni Pan ito kakahinatnan niya, sana pala umuwi na siya kasabay ni Leon at Sasha. “Kailan pa kayo naging close dalawa?” Nagkatinginan si Pan at Dom. “Hindi kami close/Matagal na!” Nagkatinginan ulit sila dahil hindi pareho ang sagot nila. Pinanlakihan ni Pan ng mata si Dom. “Ar
Alas nueve ng umaga, nakaabang na si Bobby at Pan kay June, yung client nila na gustong magprenup photoshoot, sa Shantara resto. May follow-up meeting sila para sa preparation sa prenup. “Ayos ka lang?” tanong ni Bobby nang mapansin na malalim ang iniisip ni Pan. “Oo. Ayos lang ako. Sa tingin mo ba Bobs, pwede ko ng gawin ang balak ko kay Juancho?” “Yung tungkol sa ama niya? Bakit? May nangyari ba kay Zahara?” “Maayos naman ang anak ko. Pero gusto ko kasing magamot na siya as early as now. Iniisip kong ilakad na siya kay Juancho.” Natahimik si Bobby at nag-iisip rin. “Sa nakikita ko Pan, pinapahalagahan ka na ni Juancho. Pero hindi ko alam anong iri-react niya oras sabihin mo ang pakay mo sa kaniya.” Napabuntong hininga siya. “Hindi ko rin alam saan mag-uumpisa. Hindi ko naman alam kamusta si Juancho sa pamilya niya. Ang alam ko lang sa kaniya ay galit ang mama niya sa kaniya.” (LOUD CRASH) Sabay na napalingon si Bobby at Pan nang marinig na parang may platong nabasag
Tulala si Pan habang pauwi siya sa kanila. Lianne didn’t suspect her. In fact, nagpasalamat pa nga si Lianne sa kaniya. “Thank you Pan. Nag-alala talaga ako kanina nang makita ko ang video. Nag-alala ako kay Juancho, buti nasa tabi ka niya.” Napailing siya at parang nakonsensya. Kung siya yun, baka e nagduda na siya. Umalis siya para hindi niya madisturbo ang dalawa. Kaya ngayon, nagpasya siya na babalik nalang siya ng Shantara baka e makahabol pa siya sa meeting. Pagdating niya doon, hindi na niya naabutan si Bobby at ang client, pero ang nakita niya ay si Logan. Hindi na sana niya ito papansinin. Galit pa rin siya dito tungkol kay Sara. Hanggang ngayon ay kinakain pa rin siya konsensya niya. “Pan, sandali..” Hinawakan ni Logan ang kamay niya at dinala sa parking lot. May gusto siyang sabihin. “Pan, bakit ka nandito?” “May meeting ako with the client.” Tumango si Juancho. “Ganoon ba? G-Galit ka pa rin ba sa akin?” Sinamaan niya ito ng tingin. “Sino namang matutuwa sa gina
"Isang milyon?" aniya "Oo. Kung kulang pa, sabihin mo lang." Ipinagkrus ni Pan ang kaniyang mga kamay. Akala niya talaga si Juancho ang pag-usapan nila. Gulat na gulat siya na si Logan pala. 'May gana kang mag-alala sa anak na hindi mo kadugo kesa sa totoo mong anak?' aniya sa isipan niya. Mas lalong nagngingitngit ang loob ni Pan. "Hindi ako satisfy sa isang milyon. 5 milyon ang gusto." Ngumisi si Julia. "As expected sa isang kagaya mo na pera lang ang habol." Ilang pang-iinsulto na ang narinig ni Pan mula sa kaniya. "Give me your bank account," sabi ni Julia. Ibinigay naman ni Pan ang bank account niya. Wala pang limang minuto, nagnotify na sa kaniyang phone ang ilang zero na numero na nadagdag sa bank acc. niya, tanda na nagsend na sa kaniya si Julia ng limang milyon. "I expect na hindi mo na ipapakita yang mukha mo kay Logan. Alam mo naman siguro siya ang tagapagmana ng Gamesoft. Gusto ko siyang protektahan sa mga kagaya mong manggagamit." Tumango si Pan.
Nagtingin tingin si Pan sa mga relo na nakadisplay. Hindi niya tinitignan ang presyo. Ang hinahanap niya ay yung pinakamaganda na alam niyang magugustuhan ni Juancho.“Ito nga miss, pakilabas..” Saad niya at itinuro ang relo na gusto niyang bilhin para kay Juancho.“Gusto mo ito?” tanong ni Pan nang sinusubukang isukat ang relo sa kamay ng binata.Walang pakialam si Juancho sa relo. Yung puso niya kasi ay parang sasabog na.Inaalagaan siya ni Pan at gusto niya itong pakiramdam na ito. He doesn’t if he’s dreaming or not.But he wished na sana hindi matapos ang araw na ito.“This is expensive,” aniya.“So? Millionaire ako ngayon.” Pagyayabang ni Pan.Tinaasan niya ito ng kilay. “I wouldn’t mind to pay-"“No need Mr. Bec. I’m a millionaire. Don’t worry, ako ang sugar mommy mo ngayong araw.”Namula at nanlaki ang mata ni Juancho sa sinabi ni Pan habang ang mga nakarinig sa paligid ay parang natatawa na kinikilig.“God woman, you’re amazing,” mahinang sabi ni Juancho.Hinila niya si Pan at
May 3M pang natira sa bigay ni Julia. Kinabukasan, nagpunta si Pan ng hospital para mag inquire kay Symon Bec, ang pinakamagaling na doctor na kailangan niya para sa operasyon ng anak niya.“Miss, hindi po nag-oopera si Dr. Bec ngayon pero may mga ibang doctor po kami na available. Kung gusto niyo, pwede ko kayong i-reffer sa-"“Bakit hindi available?”“Busy po kasi ang hospital director. Hindi na po siya nag-oopera.”Alam ni Pan na hindi yun totoo. Alam niyang nago-opera pa si Dr. Bec pero kung may o-operahan man siya, mga piling tao lang.Yung mga VIP.“P-Pwede ko ba siyang makausap? Please… Gusto ko siya ang mag-opera sa anak ko. Kahit magkano, magbabayad ako.”“Hindi po humaharap si Dr. Bec sa ibang tao. Pero susubukan ko pong sabihin sa kaniya na may nagrequest sa serbisyo niya. Iwan niyo na lang po ang details niyo dito ma’am. Pero gaya po ng sabi ko, hindi ko po maipapangako kung papayag siya.”Bagsak ang balikat ni Pan.Umuwi siya at nanalangin na sana ay pumayag ang ama ni Jua
Hindi pumayag si Juancho na sasama si Pan ng hindi siya kasama kaya naka-convoy sila ngayon sa sasakyan ni Leon.Si Pan ay nasa sasakyan ni Juancho dahil magwawala ito kung sasabay siya kay Leon.Tahimik lang siya dahil hanggang ngayon nakakunot pa rin ang noo ng binata.“Ahh—"“Nadelete ba ang number ko sa phone mo?” kunot noong tanong ni Juancho.“Huh? Ah hindi naman..”“Then bakit parang ang hirap sayo na tawagan ako para sabihing inuuwi ka ng iba sa bahay nila?”‘Nagsiselos ba siya?’ nagpipigil si Pan ng ngiti sa labi niya matapos niyang titigan ang lukot na mukha ni Juancho.“Answer me, bakit?”“Ano kasi… Hindi naman si Leon ang ipupunta ko. Si Sasha.”“Wow. I can’t believe you. Hindi mo ba naisip anong mararamdaman ko? Baby, you surrendered yourself to me. Hindi ba sumagi sa magandang isipan mo na may commitment ka sa akin?”‘Diyos ko. Bakit ako kinikilig? Galit na nga siya.’Sinubukan ni Pan mag poker face pero yung labi niya, tinatraydor siya.. Ngumingiti siya ng kusa.“Sinong
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay
“Good morning…”Nagmulat nang mata si Zahara at nakita niya si Pan malapit sa pinto, may dalang pagkain.Agad siyang napatingin sa orasan at nakita niyang tanghali na siya nagising. Napuno pa kasi sila ng iyakan kagabi.At matapos pa non e nagkwentuhan pa sila kaya hindi sila nakatulog agad.“Mama, hindi po ba kayo natatakot sa mukha ko? Sobrang panget ko po kapag bagong gising.” Nahihiya na sabi niya.Mahirap sa kaniya tanggapin at aminin na maganda siya kung ang salitang panget naman ang naririnig niya sa mga kaklase niya.“Zahara, huwag mong sabihin yan anak.” Seryosong sabi ni Pan. Nagmamadali siyang lumapit kay Zahara at nilagay ang tray ng pagkain sa gilid ng mesa.“You are beautiful kaya huwag mong sabihin na panget ka dahil si mama ang nasasaktan.”“But it’s true mama.” Mahinang sabi ni Zahara.Naging seryoso ang mukha ni Pan. “Marami ng pera si mama anak. Kapag pwede na, maibabalik natin ang mukha mo kung iyon ang nais mo.”Sinabi na iyon ng papa niya. But she’s too young to
KAHIT NA AYOS NA SI PAN AT ZAHARA, hindi ibig sabihin no’n e maayos na rin sila ni Juancho.The wall is still there, pero hindi na ganoon kahabog gaya noon. Halo ang emotion na nararamdaman ngayon ni Pan ngayon. Masaya at malungkot siya lalo pa’t kamatayan ito ni lola Susana at araw rin ito kung saan e nalaman niya na buhay pa pala ang anak niya.Maraming gusto malaman si Pan tungkol sa anak niya, pero hindi niya makausap si Zahara ngayon dahil mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.Si Logan naman e nasa harapan lang niya, nakaupo at hindi rin niya makausap dahil tahimik lang ito.Naputol ang katahimikan nila nang pumasok si Juancho sa kwarto kung nasaan sila. Agad siyang napatingin kay Pan na ngayon e pagod na nakatingin sa kaniya.“Iuuwi ko ang anak ko sa bahay ko.” Sabi ni Pan. Hindi na siya papayag na malayo ang anak niya sa kaniya. Agad naman na nagulat si Logan, ganoon rin si Juancho.“Pan, can we talk?” si Logan ang nagsalita, kinakabahan. “We didn’t intend to hide her a
Para nang mahihilo si Pan habang hinahanap ng mga mata niya si Zahara.Hindi niya ito mahagilap, hindi niya ito makita. Kinakabahan siya na baka sangkot ang anak niya sa isang aksidente na nangyayari sa harapan.“I’m sorry… nasaan ka Zahara? Mama is sorry… Please, magpakita ka na.” Paulit-ulit na nasabi niya sa kaniyang sarili.Napatakip siya ng kaniyang bibig at halos manginig habang sumisilip sa harapan.Ang lakas ng tibok ng puso niya.Natatakot siyang makita kung sino man yung tao na naaksidente.Pagsilip niya sa harapan, labis siyang napasinghap nang makita kung sino iyon.‘It’s not my daughter.’ Aniya at nakahinga ng maluwag na hindi si Zahara ang duguan na nakahandusay sa lupa.Nilibot pa niya ang kaniyang paningin at saka niya nakita si Zahara, nakaupo sa harapan ng taong nasagasaan.Nanginginig ito sa takot at halos hindi alam anong gagawin.“ZAHARA!” Pagtawag niya.Napatingin si Zahara sa kaniya.Ang takot sa mukha nito e napalitan ng pagkabigla. Unti-unting nanlaki ang mata
“Mama, ako po ito…. si Zahara.”Umiiyak si Zahara.Labis labis ang luhang tumutulo mula sa dalawang mata niya habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Pan.‘Why? Bakit galit si mama?’ nagtatakang tanong niya sa sarili niya.Nanlaki ang mata niya nang dinuro niya ito. “Tumahimik ka.”Lumakas ang hagolgol niya. Umiling siya at agad na tumakbo palapit sa mama niya.“Mama, ako po ito… Ako po si Zahara mama..” Hinawakan niya si Pan pero lumayo si Pan sa kaniya. Bagkos, sinamaan nito ng tingin si Juancho at Logan na nasa likuran niya.“Is this your plan? To use this girl para lokohin ako? Sa tingin niyo ba maloloko niyo ko?”Napatigil sandali si Zahara sa narinig.“PAN! MAG-INGAT KA SA PANANALITA MO!” Galit na sabi ni Logan at lumapit kay Zahara na ngayon ay hindi na alam anong gagawin.“Dahil ginagago niyo ko lahat. Anong nakain niyo ni Juancho para gamitin itong babaeng ito at magkunwari na siya si Zahara?”Nag-aalala na si Zahara. Halos lumuhod na siya para paniwalaan siya ng mama niya
Agad sumugod sina Pan sa hospital kasama niya si Leila at dalawang mga anak niya na sina Dahlia at Wil.Kasama rin niya si Marie.Pagdating nila doon, ang umiiyak na si Juancho at Logan ang nakita niya.At sa tabi, naroon si Symon katabi ni Zahara na nakilala niya bilang Zara.Napahinto sandali si Pan bago siya bumaling kay lola Susana.“Ma…” agad lumapit si Leila kay lola Susana at niyakap niya ito agad.Si Pan ang sumunod na agad umiyak habang niyayakap ngayon si lola Susana.Ang dalawang bata sa tabi e agad na yumakap kay Marie dahil wala naman silang kilala doon bukod sa mama at lola nilang nakayakap kay lola Susana.Napansin sila ng mga kalalakihan sa loob.Si Logan, agad nanlaki ang mata niya nang mapatingin siya kay Wil.Si Juancho naman, natuon ang mata niya kay Dahlia.Marahil totoo ang lukso ng dugo dahil kahit wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang mga anak nila sa dalawa ay alam na nila kung sino.Agad na lumapit si Juancho kay Dahlia pero mas mabilis si Wil na humarang a
“Kuya, bakit busy si mama?” ang tanong ni Dahlia kay Wil matapos niyang makita ang mama niya na nakikipag-coordinate sa mga bodyguards ilang araw na ang nakararaan.Halos hindi na rin nila ito lubusang nakakasama dahil lagi itong wala.Mga maid lang ang kasama nila lagi at nagpapakain sa kanila.Wala sila sa condo ngayon, nasa isang bahay sila na pagmamay-ari ni Pan.At mas dumami pa ang bodyguards nila ngayon kumpara noong mga naunang araw na nakauwi sila.“I don’t know Dahlia,” sabi ni Wil.“Kuya, I’m bored here.”“Gusto mo bang magplay tayo sa labas?”“Yes please…”Kinuha ni Wil ang laruan ni Dahlia at laruan niya saka pumuslit sila sa labas.Lumabas sila ng bahay, ligtas pa rin naman dahil halos pinapalibutan ang buong mansion ng security.Habang naglalaro sila, biglang napatingin si Marie sa dalawang bata.Inimbitahan siya ni Pan sa bahay niya dahil gusto nilang malaman ang details ng lugar ni Lorciano sa China.They need Marie para sa impormasyon na kailangan nila.Kanina pa siya