Pan is so chillax hahahha
“Juancho? Let’s go?” sabi ni Lianne ng nakangiti. Tumango si Juancho at tumayo sa table niya. Ngayon siya pumayag na magdate sila ni Lianne at hindi maitago ni Lianne ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil lalabas sila ng boyfriend niya. “What do you think of my fit? Maganda ba?” Tumango si Juancho. “Maganda.” Sabi niya and it was bland. Para bang hindi man lang siya nabigla o naimpress. Lianne couldn’t ask more so she was grateful na kahit papaano ay boyfriend pa niya ang kaibigan niya at tumutugon ito sa mga tanong niya. Pupunta sila ng Shantara Restaurant—ang pinakakilalang restaurant sa lugar nila lalo’t masasarap lahat ng dish nila doon. “Matagal rin natin itong hindi nagawa. Can we do it again next time bago ka bumalik ng Manhattan?” “Sure,” sabi ni Juancho at ngumiti sa kaniya. Agad na namula si Lianne. Pagpasok nila ng Shantara, nakita nilang dalawa si Logan kasama ang babaeng si Sara. “Logan,” sabi ni Lianne na nagulat nang makita si Juancho. “Oh. Anong ginagawa n
Next morning, sunod sunod na ang trabaho ni Pan at Bobby. Kasama ni Pan ngayon si Trisha. Pupunta sila sa isang kumpanya na may-ari ng product na pino-promote ni Trisha. Siya ang magiging assistant ni Trisha ngayon. Taga ayos ng buhok at taga re-apply ng make-up. Pagdating nila sa Diyamante—isang brand name na ang product ay skin care at whitening soup, umupo si Pan sa waiting area habang si Trisha at tumuloy sa office ng assistant ng CEO. From Trisha: Ate Pan, matatagalan pa po ako sa loob. Wala pa kasi si madam. Napabuntong hininga si Pan dahil maghihintay pa pala siya ng matagal kay Trisha. Pero ayos lang dahil bayad naman ang bawat oras niya. Tumayo muna siya para maglibot libot sandali. At sa kaniyang paglibot-libot, napagkamalan pa siya bilang isang empleyado. “Miss, pakidala ito sa rooftop.” Saad ng isang empleyado na hindi kilala ni Pan. Hindi na siya nakareact dahil biglang ipinatong sa kaniya ang isang box ng mga hindi naayos sa pagpack na whitening soup. Umalis rin a
-HOSPITAL- Kasalukuyang inaabot ni Leon ang tubig kay Pan.“Salamat” Umupo si Leon sa tabi niya ngunit may distansya pa rin sa pagitan nila. “Half-sister ko si Sasha,” panimula ni Leon. “Hindi siya ganto, ngunit nag-iba ang lahat sa kaniya matapos niyang maranasan ang pait na nangyari sa buhay niya.” “Kaya ba siya gusto magpakamatay dahil ayaw siyang balikan ni Ark?” tanong ni Pan dahil iyon lang ang nakikita niyang dahilan. Tumingin si Leon kay Pan at umiling. “Hindi si Ark ang dahilan bakit nagkakaganyan ang kapatid ko. Huwag kang mag-alala, hindi namin sinisisi ang boyfriend mo.” Natahimik si Pan at naalala na sinabi nga pala nila ni Ark na magkarelasyon sila sa harapan ni Sasha. “My sister was being molested by our driver 3 years ago.” Napasinghap si Pan at napatingin kay Leon. “She was a sweet girl and full of life. In fact, madalang ko lang siyang makita noon na umiiyak. Pero dahil sa walangyang taong yun, sinira niya ang dating Sasha.” Kitang kita ni Pan ang
From that day on, naging magkaibigan si Pan at Sasha. Dumating rin ang CEO ng Diyamante na ina ni Sasha, at nagpasalamat ito kay Pan. Ngayon, ang pamilya ni Leon ay tumatanaw ngayon ng malaking utang na loob kay Pan. Even Trisha, she received such merit from what Pan did. Pumirma na siya agad ng contract ng Diyamante at naging official model at endorser ng product matapos malaman na kaibigan ito ni Pan. Kaya samu't-saring regalo ang pinapadala ni Trisha kay Pan dahil sa pagtulong nito sa kaniyang career. Ngayong araw, nagpunta si Sasha sa studio ni Pan at Bobby. First time niya sa studio, at nakatingin siya kay Bobby at Pan na busy sa photo shoot ng kanilang client. Dahil girl with lightning background ang theme, parang may kidlat na picture sa likuran no'ng babaeng client nila. Manghang mangha si Sasha sa galing ng concept. And she's patiently waiting for Pan na matapos ito sa kaniyang trabaho. Ngayon lang kasi siya hinayaan na makalabas ng bahay kaya ngayon
Bago nakarating si Pan, Sasha at Leon sa Japanese resto, alam na ni Logan lahat na pupunta sila. At inaabangan niya si Pan na dumating. Nong umalis si Leon sa meeting, agad niyang inalam ang nangyari kaya nalaman niya ang balak na pagtalon ni Sasha sa building at kung paano ito niligtas ni Pan.That day on, ilang ulit nagkikita si Leon at Pan kapag binibisita ni Pan si Sasha sa hospital. Pinasundan niya si Pan, at nabatid niyang mas napapalapit ito sa pamilyang Debrah.Natatandaan pa niya noon na tinanong siya ni Leon tungkol kay Pan.“Is she really your girlfriend up until now, bro?”Tumiim bagang si Logan. Alam niyang gusto lang ni Leon na kumpirmahin niya na hiwalay na sila.‘Why are you asking? Are you interested in her?’Sa takot na baka interesado nga si Leon kay Pan, sinabi niya, “magkakabalikan din kami. Ilang ulit na kaming on and off noon. Walang pinagkaiba ang hiwalayan naming ito ngayon.” Sabi niya.Nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ni Leon.Nanggigil si Logan.
Panay nakaw ang tingin ni Sasha kay Pan sa likuran ng sasakyan. Mugto ang mata nito kakaiyak. Nang bumalik ito sa table nila, nagulat sila ng kuya niya na basa ang mukha sa luha nito sa mga mata.Gusto niya itong damayan pero hindi niya alam paano. "Did he hurt to you?" tanong ni Leon.Kanina pa niya tinitignan si Pan gamit ang salamin. Halos hindi siya makapag-concentrate dahil umiiyak minsan si Pan. Hindi sumagot si Pan. Umiling lang siya at umiyak ulit. Naaawa siya kay Sara. Hindi niya kayang makita na may babae siyang nakikitang nasasaktan para lang maging okay siya. Para lang maging ligtas siya. Naiintindihan niyang gusto lang siyang iligtas ni Logan, pero tingin niya ay sobra na yun.Paulit ulit sa ala-ala niya ang pagsampal ni Lorciano kay Sara, at alam ni Pan na masakit ang sampal na yun.“Pan, baka may gusto kang sabihin. Sabihin mo lang sa amin ni kuya. M-Makikinig kami.” Nag-aalalang sabi ni Sasha.“Gusto ko lang u… umuwi. Sorry.” Nagcrack pa ang boses niya.Nagkatingin
Sa pagmamadali ni Juancho na makarating sa bahay ni Pan, hindi niya napansin ang motor na papasalubong sa kaniya. Bigla niyang iniliko ang sasakyan niya kaya siya pa ang nabangga sa poste. Nagtamo siya ng konting sugat, pero hindi na niya yung ininda. Ni hindi na niya inaksayahan ng oras ang motor na huminto pa para sana tulungan siya. "S-Sir, dalhin ko po kayo sa hospital!" Sigaw no'ng driver ng motor na muntik niyang makabanggaan. "Si Pan. Kailangan kong mapuntahan si Pan." Pinaharurot na niya agad ang sasakyan niya papunta sa bahay ni Pan. Ang importante sa kaniya ngayon ay makita kung maayos lang ba ang kalagayan nito. Samantala, si Pan naman ay nakaupo sa tabi ng anak niya at marahan niyang sinusuklayan ang buhok nito. Hihiga na sana siya para matulog nang biglang nagring ng phone niya. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ni Juancho. Agad niya yung sinagot at tumayo. "Juancho?" Kumabog ang puso niya
One morning, magkasama si Bobby at Pan para mamili ng nga materyales na gagamitin nila sa kanilang execution sa kanilang photoshoot sa kanilang client. "Pan," tawag ni Bobby kay Pan dahil nakita nila si Sara. Alam ni Bobby ang lahat dahil sinabi ni Pan sa kaniya. At nakita nila itong pinapahiya ng isang mayamang babae na tingin nila e owner ng shop ngayon, sa harapan pa ng maraming tao. Napahawak si Pan sa kamay ni Bobby. Alam niyang kagagawan yun ng ama ni Logan. "Ganto ba ang ginagawa nila? Nag-uutos sila ng tao para pahirapan ang babaeng yan?" Hindi makasagot si Pan. Nakapako ang paningin niya kung paano sampalin at sabihan ng magnanakaw si Sara. Nanginginig ang kamay niya pero hindi niya kayang ihakbang ang paa niya. Yun ay dahil natatakot siya. At binalaan rin siya ni Juancho na huwag makialam. Kung hindi siya sinabihan no'n ni Juancho ay baka tumakbo na siya at niligtas si Sara. "Pan, anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Bobby. Tumalikod si Pan. "Lip
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay
“Good morning…”Nagmulat nang mata si Zahara at nakita niya si Pan malapit sa pinto, may dalang pagkain.Agad siyang napatingin sa orasan at nakita niyang tanghali na siya nagising. Napuno pa kasi sila ng iyakan kagabi.At matapos pa non e nagkwentuhan pa sila kaya hindi sila nakatulog agad.“Mama, hindi po ba kayo natatakot sa mukha ko? Sobrang panget ko po kapag bagong gising.” Nahihiya na sabi niya.Mahirap sa kaniya tanggapin at aminin na maganda siya kung ang salitang panget naman ang naririnig niya sa mga kaklase niya.“Zahara, huwag mong sabihin yan anak.” Seryosong sabi ni Pan. Nagmamadali siyang lumapit kay Zahara at nilagay ang tray ng pagkain sa gilid ng mesa.“You are beautiful kaya huwag mong sabihin na panget ka dahil si mama ang nasasaktan.”“But it’s true mama.” Mahinang sabi ni Zahara.Naging seryoso ang mukha ni Pan. “Marami ng pera si mama anak. Kapag pwede na, maibabalik natin ang mukha mo kung iyon ang nais mo.”Sinabi na iyon ng papa niya. But she’s too young to
KAHIT NA AYOS NA SI PAN AT ZAHARA, hindi ibig sabihin no’n e maayos na rin sila ni Juancho.The wall is still there, pero hindi na ganoon kahabog gaya noon. Halo ang emotion na nararamdaman ngayon ni Pan ngayon. Masaya at malungkot siya lalo pa’t kamatayan ito ni lola Susana at araw rin ito kung saan e nalaman niya na buhay pa pala ang anak niya.Maraming gusto malaman si Pan tungkol sa anak niya, pero hindi niya makausap si Zahara ngayon dahil mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.Si Logan naman e nasa harapan lang niya, nakaupo at hindi rin niya makausap dahil tahimik lang ito.Naputol ang katahimikan nila nang pumasok si Juancho sa kwarto kung nasaan sila. Agad siyang napatingin kay Pan na ngayon e pagod na nakatingin sa kaniya.“Iuuwi ko ang anak ko sa bahay ko.” Sabi ni Pan. Hindi na siya papayag na malayo ang anak niya sa kaniya. Agad naman na nagulat si Logan, ganoon rin si Juancho.“Pan, can we talk?” si Logan ang nagsalita, kinakabahan. “We didn’t intend to hide her a
Para nang mahihilo si Pan habang hinahanap ng mga mata niya si Zahara.Hindi niya ito mahagilap, hindi niya ito makita. Kinakabahan siya na baka sangkot ang anak niya sa isang aksidente na nangyayari sa harapan.“I’m sorry… nasaan ka Zahara? Mama is sorry… Please, magpakita ka na.” Paulit-ulit na nasabi niya sa kaniyang sarili.Napatakip siya ng kaniyang bibig at halos manginig habang sumisilip sa harapan.Ang lakas ng tibok ng puso niya.Natatakot siyang makita kung sino man yung tao na naaksidente.Pagsilip niya sa harapan, labis siyang napasinghap nang makita kung sino iyon.‘It’s not my daughter.’ Aniya at nakahinga ng maluwag na hindi si Zahara ang duguan na nakahandusay sa lupa.Nilibot pa niya ang kaniyang paningin at saka niya nakita si Zahara, nakaupo sa harapan ng taong nasagasaan.Nanginginig ito sa takot at halos hindi alam anong gagawin.“ZAHARA!” Pagtawag niya.Napatingin si Zahara sa kaniya.Ang takot sa mukha nito e napalitan ng pagkabigla. Unti-unting nanlaki ang mata
“Mama, ako po ito…. si Zahara.”Umiiyak si Zahara.Labis labis ang luhang tumutulo mula sa dalawang mata niya habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Pan.‘Why? Bakit galit si mama?’ nagtatakang tanong niya sa sarili niya.Nanlaki ang mata niya nang dinuro niya ito. “Tumahimik ka.”Lumakas ang hagolgol niya. Umiling siya at agad na tumakbo palapit sa mama niya.“Mama, ako po ito… Ako po si Zahara mama..” Hinawakan niya si Pan pero lumayo si Pan sa kaniya. Bagkos, sinamaan nito ng tingin si Juancho at Logan na nasa likuran niya.“Is this your plan? To use this girl para lokohin ako? Sa tingin niyo ba maloloko niyo ko?”Napatigil sandali si Zahara sa narinig.“PAN! MAG-INGAT KA SA PANANALITA MO!” Galit na sabi ni Logan at lumapit kay Zahara na ngayon ay hindi na alam anong gagawin.“Dahil ginagago niyo ko lahat. Anong nakain niyo ni Juancho para gamitin itong babaeng ito at magkunwari na siya si Zahara?”Nag-aalala na si Zahara. Halos lumuhod na siya para paniwalaan siya ng mama niya
Agad sumugod sina Pan sa hospital kasama niya si Leila at dalawang mga anak niya na sina Dahlia at Wil.Kasama rin niya si Marie.Pagdating nila doon, ang umiiyak na si Juancho at Logan ang nakita niya.At sa tabi, naroon si Symon katabi ni Zahara na nakilala niya bilang Zara.Napahinto sandali si Pan bago siya bumaling kay lola Susana.“Ma…” agad lumapit si Leila kay lola Susana at niyakap niya ito agad.Si Pan ang sumunod na agad umiyak habang niyayakap ngayon si lola Susana.Ang dalawang bata sa tabi e agad na yumakap kay Marie dahil wala naman silang kilala doon bukod sa mama at lola nilang nakayakap kay lola Susana.Napansin sila ng mga kalalakihan sa loob.Si Logan, agad nanlaki ang mata niya nang mapatingin siya kay Wil.Si Juancho naman, natuon ang mata niya kay Dahlia.Marahil totoo ang lukso ng dugo dahil kahit wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang mga anak nila sa dalawa ay alam na nila kung sino.Agad na lumapit si Juancho kay Dahlia pero mas mabilis si Wil na humarang a
“Kuya, bakit busy si mama?” ang tanong ni Dahlia kay Wil matapos niyang makita ang mama niya na nakikipag-coordinate sa mga bodyguards ilang araw na ang nakararaan.Halos hindi na rin nila ito lubusang nakakasama dahil lagi itong wala.Mga maid lang ang kasama nila lagi at nagpapakain sa kanila.Wala sila sa condo ngayon, nasa isang bahay sila na pagmamay-ari ni Pan.At mas dumami pa ang bodyguards nila ngayon kumpara noong mga naunang araw na nakauwi sila.“I don’t know Dahlia,” sabi ni Wil.“Kuya, I’m bored here.”“Gusto mo bang magplay tayo sa labas?”“Yes please…”Kinuha ni Wil ang laruan ni Dahlia at laruan niya saka pumuslit sila sa labas.Lumabas sila ng bahay, ligtas pa rin naman dahil halos pinapalibutan ang buong mansion ng security.Habang naglalaro sila, biglang napatingin si Marie sa dalawang bata.Inimbitahan siya ni Pan sa bahay niya dahil gusto nilang malaman ang details ng lugar ni Lorciano sa China.They need Marie para sa impormasyon na kailangan nila.Kanina pa siya