Mygooosh... Sashaaa!!!
From that day on, naging magkaibigan si Pan at Sasha. Dumating rin ang CEO ng Diyamante na ina ni Sasha, at nagpasalamat ito kay Pan. Ngayon, ang pamilya ni Leon ay tumatanaw ngayon ng malaking utang na loob kay Pan. Even Trisha, she received such merit from what Pan did. Pumirma na siya agad ng contract ng Diyamante at naging official model at endorser ng product matapos malaman na kaibigan ito ni Pan. Kaya samu't-saring regalo ang pinapadala ni Trisha kay Pan dahil sa pagtulong nito sa kaniyang career. Ngayong araw, nagpunta si Sasha sa studio ni Pan at Bobby. First time niya sa studio, at nakatingin siya kay Bobby at Pan na busy sa photo shoot ng kanilang client. Dahil girl with lightning background ang theme, parang may kidlat na picture sa likuran no'ng babaeng client nila. Manghang mangha si Sasha sa galing ng concept. And she's patiently waiting for Pan na matapos ito sa kaniyang trabaho. Ngayon lang kasi siya hinayaan na makalabas ng bahay kaya ngayon
Bago nakarating si Pan, Sasha at Leon sa Japanese resto, alam na ni Logan lahat na pupunta sila. At inaabangan niya si Pan na dumating.Nong umalis si Leon sa meeting, agad niyang inalam ang nangyari kaya nalaman niya ang balak na pagtalon ni Sasha sa building at kung paano ito niligtas ni Pan.That day on, ilang ulit nagkikita si Leon at Pan kapag binibisita ni Pan si Sasha sa hospital.Pinasundan niya si Pan, at nabatid niyang mas napapalapit ito sa pamilyang Debrah.Natatandaan pa niya noon na tinanong siya ni Leon tungkol kay Pan.“Is she really your girlfriend up until now, bro?”Tumiim bagang si Logan. Alam niyang gusto lang ni Leon na kumpirmahin niya na hiwalay na sila.‘Why are you asking? Are you interested in her?’Sa takot na baka interesado nga si Leon kay Pan, sinabi niya, “magkakabalikan din kami. Ilang ulit na kaming on and off noon. Walang pinagkaiba ang hiwalayan naming ito ngayon.” Sabi niya.Nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ni Leon.Nanggigil si Logan. N
Panay nakaw ang tingin ni Sasha kay Pan sa likuran ng sasakyan.Mugto ang mata nito kakaiyak. Nang bumalik ito sa table nila, nagulat sila ng kuya niya na basa ang mukha sa luha nito sa mga mata.Gusto niya itong damayan pero hindi niya alam paano."Did he hurt to you?" tanong ni Leon.Kanina pa niya tinitignan si Pan gamit ang salamin. Halos hindi siya makapag-concentrate dahil umiiyak minsan si Pan.Hindi sumagot si Pan. Umiling lang siya at umiyak ulit. Naaawa siya kay Sara.Hindi niya kayang makita na may babae siyang nakikitang nasasaktan para lang maging okay siya. Para lang maging ligtas siya.Naiintindihan niyang gusto lang siyang iligtas ni Logan, pero tingin niya ay sobra na yun.Paulit ulit sa ala-ala niya ang pagsampal ni Lorciano kay Sara, at alam ni Pan na masakit ang sampal na yun.“Pan, baka may gusto kang sabihin. Sabihin mo lang sa amin ni kuya. M-Makikinig kami.” Nag-aalalang sabi ni Sasha.“Gusto ko lang u… umuwi. Sorry.” Nagcrack pa ang boses niya.Nagkatinginan n
Pagewang-gewang sa paglalakad si Pan tangay ang isang gin na hawak niya. Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.Ilang beses na niyang nahuli si Logan na may inaatupag na ibang babae. Ilang ulit na siyang nagpatawad, ilang ulit na siyang niloko. Sawa na siya, pagod na siya. At ngayon, sa kaarawan niya, susurpresahin niya sana ito, pero siya ang nasurpresa.Pagkaalis niya sa bar, pumasok siya sa isang sasakyan na hindi niya alam kanino.Sa unahan, may isang lalaki doon na walang buhay na nakatingin sa kaniya mula sa salamin. Maputi ang balat at matangos ang ilong. Ngunit kahit gaano pa kagwapo ang binata, ito’y nakakatakot dahil sa mga mata niyang kung titigan ka ay para bang hinuhusgahan na ang pagkatao mo.Nang mapatingin si Pan sa kaniya, agad na ngumiti si Pan kahit na patuloy na umiiyak."Logan! There you are!" Lasing na aniya at humagikgik. “Bakit nakipaghaIikan ka doon sa sinabi mong kaibigan mo lang? Akala ko ba babe ay kaibigan mo lang? Bakit nakalabas na ang di
Isang make-up artist si Pan. Tumatanggap rin siya ng raket kapag tungkol sa photoshoot ang request ng kliyente sa kaniya. Wala siyang inuurungan lalo na’t kailangan niya ng pera para pangchemotherapy sa adoptive daughter niya na iniwan lang sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi na binalikan.Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Juancho sa tabi niya ngunit nag-iwan ito ng note sa table na, “umalis ka agad kasama ng mga basura mo.”Napabuntong hininga siya at nasaktan ng konti nang mabasa ang basura. Pakiramdam niya ay siya talaga ang tinutukoy ni Juancho na basura.Nasa skwelahan siya ngayon dahil siya ang make-up artist ng mga senior high students para sa kanilang pictorial sa nalalapit na Graduation day.“Pan, nabalitaan mo na ba? Narito na raw si Juancho sa Pinas.” Napatingin si Pan sa kaibigan niyang si Bobby. Ang photographer sa pictorial.“T-Talaga?” medyo nautal siya.“Oo. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa birthday ng boyfriend mo. Teka, bakit wala ka sa birthday ni L
Sumakay si Pan sa kotse ni Juancho. Agad na pinaandar ni Juancho ang sasakyan paalis kaya napatingin si Pan sa kaniya.“Saan tayo pupunta?”“Scared?”Tumikhim si Pan at umiling. “Nagtatanong lang.”Tumingin si Pan sa labas ng bintana. Hindi lang halata ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya pa, nakita niyang dinala siya ni Juancho sa condo nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa gawi ng binata.Kinakabahan siyang nagtanong. “Bakit tayo nandito?”“Nagpunta ka rin naman dito kahapon, Limot mo na?”“Oo pero alam mo na may nangyari sa atin.”Tumitig si Juancho sa mga mata niya dahilan kung bakit natigilan si Pan. Nagtaas baba na rin ang dibdib niya, tanda na kabado siya.Nang itigil ni Juancho ang sasakyan, hinubad niya ang kaniyang seatbelt at agad na lumapit kay Pan kaya si Pan ay napasandal sa kaniyang inupuan, nanlalaki ang mata at magkasunod na lumunok.Hinawakan ni Juancho ang pisngi niya at ngumisi. “Bakit parang takot ka ngayon samantalang ang lakas ng loob m
Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”“Paki mo?”“PAN!”“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.Idagdag pa na kailanga
Agad na hinablot ni Juancho ang kamay niya at kinaladkad ito papuntang empty room na siyang naging tambayan nila pansamantala.Agad na nilock ni Juancho ang pinto ng classroom at agad na hinawakan ang panga ni Pan habang isinandal ito sa pader. Sinagad ang pasensya niya at sagad na sagad na talaga siya."Talaga bang hindi ka titigil?"Ang totoo ay kinakabahan si Pan pero pilit niyang pinapakita na hindi siya kinakabahan."Seryoso ako sa offer ko sa'yo Juancho. Katawan ko, kapalit ang pera mo."Puno ng pagnanasa ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniya. Ngunit maliban sa pagnanasa na yun, naroon rin ang dismaya at galit.Hindi maintindihan ni Pan kung bakit galit si Juancho sa kaniya. Wala naman siyang ibang ginawang mali kun'di ang pumayag lang na may mangyari sa kanilang dalawa."Bakit sa akin? Bakit hindi kay Logan? Anong gusto mong mangyari? Pag-awayin kami?"Kahit hindi tunay na magkapatid si Logan at Juancho, tinuring nila ang isa't-isa na magkapatid dahil magkaibigan