Woay.. Nakaabot tayo ng 50 chapters within 9 days hahahaha... Sana umabot rin ang ibang readers dito
Pagewang-gewang sa paglalakad si Pan tangay ang isang gin na hawak niya. Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.Ilang beses na niyang nahuli si Logan na may inaatupag na ibang babae. Ilang ulit na siyang nagpatawad, ilang ulit na siyang niloko. Sawa na siya, pagod na siya. At ngayon, sa kaarawan niya, susurpresahin niya sana ito, pero siya ang nasurpresa.Pagkaalis niya sa bar, pumasok siya sa isang sasakyan na hindi niya alam kanino.Sa unahan, may isang lalaki doon na walang buhay na nakatingin sa kaniya mula sa salamin. Maputi ang balat at matangos ang ilong. Ngunit kahit gaano pa kagwapo ang binata, ito’y nakakatakot dahil sa mga mata niyang kung titigan ka ay para bang hinuhusgahan na ang pagkatao mo.Nang mapatingin si Pan sa kaniya, agad na ngumiti si Pan kahit na patuloy na umiiyak."Logan! There you are!" Lasing na aniya at humagikgik. “Bakit nakipaghaIikan ka doon sa sinabi mong kaibigan mo lang? Akala ko ba babe ay kaibigan mo lang? Bakit nakalabas na ang di
Isang make-up artist si Pan. Tumatanggap rin siya ng raket kapag tungkol sa photoshoot ang request ng kliyente sa kaniya. Wala siyang inuurungan lalo na’t kailangan niya ng pera para pangchemotherapy sa adoptive daughter niya na iniwan lang sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi na binalikan.Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Juancho sa tabi niya ngunit nag-iwan ito ng note sa table na, “umalis ka agad kasama ng mga basura mo.”Napabuntong hininga siya at nasaktan ng konti nang mabasa ang basura. Pakiramdam niya ay siya talaga ang tinutukoy ni Juancho na basura.Nasa skwelahan siya ngayon dahil siya ang make-up artist ng mga senior high students para sa kanilang pictorial sa nalalapit na Graduation day.“Pan, nabalitaan mo na ba? Narito na raw si Juancho sa Pinas.” Napatingin si Pan sa kaibigan niyang si Bobby. Ang photographer sa pictorial.“T-Talaga?” medyo nautal siya.“Oo. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa birthday ng boyfriend mo. Teka, bakit wala ka sa birthday ni L
Sumakay si Pan sa kotse ni Juancho. Agad na pinaandar ni Juancho ang sasakyan paalis kaya napatingin si Pan sa kaniya.“Saan tayo pupunta?”“Scared?”Tumikhim si Pan at umiling. “Nagtatanong lang.”Tumingin si Pan sa labas ng bintana. Hindi lang halata ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya pa, nakita niyang dinala siya ni Juancho sa condo nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa gawi ng binata.Kinakabahan siyang nagtanong. “Bakit tayo nandito?”“Nagpunta ka rin naman dito kahapon, Limot mo na?”“Oo pero alam mo na may nangyari sa atin.”Tumitig si Juancho sa mga mata niya dahilan kung bakit natigilan si Pan. Nagtaas baba na rin ang dibdib niya, tanda na kabado siya.Nang itigil ni Juancho ang sasakyan, hinubad niya ang kaniyang seatbelt at agad na lumapit kay Pan kaya si Pan ay napasandal sa kaniyang inupuan, nanlalaki ang mata at magkasunod na lumunok.Hinawakan ni Juancho ang pisngi niya at ngumisi. “Bakit parang takot ka ngayon samantalang ang lakas ng loob m
Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”“Paki mo?”“PAN!”“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.Idagdag pa na kailanga
Agad na hinablot ni Juancho ang kamay niya at kinaladkad ito papuntang empty room na siyang naging tambayan nila pansamantala.Agad na nilock ni Juancho ang pinto ng classroom at agad na hinawakan ang panga ni Pan habang isinandal ito sa pader. Sinagad ang pasensya niya at sagad na sagad na talaga siya."Talaga bang hindi ka titigil?"Ang totoo ay kinakabahan si Pan pero pilit niyang pinapakita na hindi siya kinakabahan."Seryoso ako sa offer ko sa'yo Juancho. Katawan ko, kapalit ang pera mo."Puno ng pagnanasa ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniya. Ngunit maliban sa pagnanasa na yun, naroon rin ang dismaya at galit.Hindi maintindihan ni Pan kung bakit galit si Juancho sa kaniya. Wala naman siyang ibang ginawang mali kun'di ang pumayag lang na may mangyari sa kanilang dalawa."Bakit sa akin? Bakit hindi kay Logan? Anong gusto mong mangyari? Pag-awayin kami?"Kahit hindi tunay na magkapatid si Logan at Juancho, tinuring nila ang isa't-isa na magkapatid dahil magkaibigan
Nahiya si Pan. Madami ngang nagsasabi na nakakagutom raw ang pangalan niya. Pero wala na dito ang pokus niya. Nasa kay Juancho na, na galit na nakatingin sa kaniya."J-Juancho, pwedeng makisabay sa pag-uwi?" ngumiti siya at ginamit pa niya ang mapang-akit na boses niya.Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Kahit si Dom na panay ang tawa ay natahimik. Napatingin siya kay Juancho na walang buhay na nakatingin kay Pan.Kahit sinong makakita sa expression ng binata, ay siguradong kikilabutan."Ah, b-babe.. Kilala mo ba siya?" ang tanong ni Lianne.Nakatitig lang si Pan sa mukha ni Juancho. Wala na siyang pakialam kung anong iniisip ng iba sa kaniya. Desidido na siya na gagawin niya ang lahat para lang lumambot ang puso ni Juancho sa kaniya."Juancho and I are-""Isa lamang siya sa mga babaeng naghahabol sa akin dahil sa pera."Nanlaki ang mata ni Pan nang marinig yun. Alam niyang totoo yun, pero hindi niya aakalain na sasabihin ni Juancho yun sa kaniya na may ibang taong nakarinig. Aam
Pagdating ni Pan sa Shantara Resto, nagmamadali siyang pumasok. Kung bagong babae ang kasama ni Juancho, talagang aagawin niya ito. Gagawin niya ang lahat maagaw niya lang ito.“Pan!” tinawag siya ni Bobby pero hindi niya ito narinig. Nagtuloy tuloy ito sa paglalakad lalo na nang makita niya si Juancho na nakaupo habang may kausap na babae.Napahinto siya nang makita kung gaano kaaliwalas ang mukha ng binata habang nakikipag-usap sa iba. Samantalang siya ay halos isumpa siya nito.Kumuyom ang kamay niya. ‘Ano bang pinagkaiba namin?’ natanong niya sa sarili niya. ‘Bakit ganyan siya makipag-usap sa bagong kafubu niya? Bakit sa akin hindi?’“Pan!” Tawag ulit ni Bobby na gusto sanang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa mga kliyente niya na nasa harapan.Taas noong naglakad si Pan papunta sa gawi ni Juancho.“Juancho!” Tawag niya kaya lahat nang naroon sa table ay napalingon sa kaniya. Ngumiti si Pan ng pagkalaki laki na para bang alam niya ang ginagawa niya.Kita niya ang panlalaki ng m
“Kawawa naman siya. Gusto niya siguro talaga yung lalaki para ipahiya niya ang sarili niya ng ganyan.” Ang sabi ng kliyente ni Bobby.Kanina pa niya gustong tumayo at lapitan si Pan pero hindi niya magawa dahil natulala na silang lahat kanina nang magkagulo na.Tatayo na sana siya ngayon para lapitan ang nakakaawang kaibigan nang makita niya si Logan na naglalakad papunta sa gawi ni Pan. Nanigas na naman siya sa kinauupuan niya at napainom ng tubig.‘Bakit narito ang ex niya?’ napapatanong nalang talaga si Bobby sa sarili niya. Hindi niya maintindihan kung kamusta ang takbo ng mundo.Ang kaibigan niyang loyal noon kay Logan, hinahabol ang lalaking step-brother ng ex nito. Ngayon, ang ex naman niya, ay narito at patungo sa kaniya.“Sino na naman yang binatang yan?” tanong no’ng kliyente ni Bobby na ngayon ay nakamasid kina Logan na tinatayo si Pan mula sa sahig.“Grabe. Ang dami naman niyang lalaki. Sabagay, maganda siya.”Napangiti nalang si Bobby at napainom nalang ulit ng tubig haba