Sa loob tatlong taong kasal ni Ilana sa asawang si Gray, hindi siya naghangad ng mga bagay na alam niyang hindi nito kayang ibigay. He provided her material luxuries but not that one thing she's been dreaming of. His love. Their marriage was purely bound by an agreement. Gray needed her to be able to get his inheritance, and she needed Gray to be able to save her father. Apparently, they used each other's strength to fill each other's weaknesses. Alam ni Ilana na darating ang araw na matatapos ang kasunduan nila kaya matagal na niyang inihanda ang sarili sa araw na iyon pero bakit kahit inaasahan na niya ay labis pa rin siyang nasaktan nang nasa harap na nilang dalawa ang bagay na tatapos sa kanilang ugnayan. The divorce paper was more than just a paper. It's the piece of paper that will force her to bury her hidden feelings for him that keeps on growing each passing day, and she doesn't have a choice because it is bound to end. Pero bakit ngayong handa na siyang kalimutan ang nag-aalab niyang damdamin para sa asawa ay saka naman ito tila nagdadalawang-isip na pakawalan siya. He keeps on finding excuses to not sign the divorce papers and it's confusing her. Anong gagawin niya? Should she hope that finally he's fallen for her, or just give up and give herself a chance to be happy without him? But what about the woman he truly loves? Will he ever choose her over his first love?
View More“ILANA, isuot mo ito.”“Ilana, naroon si Gray, lapitan mo.”“Ilana, tawagin mo si Gray.”“Gabi na, Ilana, ayain mo na si Gray na matulog.”Hindi alam ni Ilana kung paano pa pagagaanin ang bigat ng kaniyang dibdib. Nang dumating si Michelle kanina ay mataas na ang dugo ng mga babaeng Montemayor at pilit na ipinagtutulakan siya ng mga ito na magdidikit kay Gray. Ilana felt miserable. Gusto niyang umalis sa resort para makalayo sa mga Montemayor dahil pakiramdam niya ay sakal na sakal na siya.Patuloy siyang naiipit sa gulo ng mga Herrera at Montemayor at kahit ramdam niya ang pagmamalasakit ng mga Montemayor sa kaniya ay hindi niya maiwasang masakal at maramdaman na ginagamit nalang siya ng mga ito.Nakahiga siya sa kama at tulala sa kisame ng kwartong nirent para sa kanila ni Gray nang bumukas ang pinto. Gray entered with a darkened expression on his face. Nang magtama ang kanilang paningin ay nagulaat siya nang lapitan siya nito at basta nalang dinaganan sa kama. His lips claimed hers
MABILIS na napailingon si Ilana sa kaniyang likuran. Naroon ang ama ni Gray na naglalakad palapit sa kanila, kunot ang noo at palipat-lipat ang tingin sa magpinsan. Napalunok si Ilana at marahas ang paghinga na umiling. “Wala po.” Napahabol ng tingin si Ilana kay Grant nang lumaagpas ito sa kanila at walang imik na naglakad palayo. Nahagip naman ng paningin niya ang matalim na tingin sa kaniya ng kaniyang asawa. Tiim ang bagang nito at madilim ang ekspresyon sa mukha, bagay na mas nagpatindi sa pagtataka ng ama. “What’s wrong, Gray? Nag-aaway ba kayo ng pinsan mo?” Umiling si Gray habang mariin pa rin ang titig sa kaniya, sinagot ang ama habang nililingon. “No, dad.” Bumuntong-hininga ang ama nito. “Alam kong noon pa hindi maayos ang relasyon ninyong magpinsan pero matatanda na kayo. Ayusin mo iyan, Gray.” Nang tumalikod ang ama ay naiwan si Ilana kasama ang asawa. Akmang tatallikod na siya nang hilahin siya ni Gray sa braso. “Where are you going? You gonna follow him?” Hindi niy
KANINA pa panay ang sulyap ni Gray kay Ilana at hindi na iyon nagugustuhan ng huli. Bukod kasi sa naaalibadbaran siya sa lihim na talim ng tingin nitong mapanghusga ay naapektuhan ang kaniyang sistema. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso at aminin man niya o hindi ay dahil iyon sa titig sa kaniya ng asawa. Ilana feels like she's going crazy. Imbes na magalit ng husto sa ipinapakita ni Gray ay iba ang reaksyon ng kaniyang puso. Tila ba gusto pa nito ang pagiging possessive ng kaniyang asawa kahit wala naman ito sa lugar. “Mabuti naman at sumama kayo ng iyong ama, hija. You know that it's good for your father to go out sometimes. Mas mabuting makapag-relax siya at hindi lang nakaburo sa bahay.” Ani ina ni Gray habang nasa loob sila ng sasakyan. The whole family is going on a family outing today. Ayaw man ni Ilana ay tama ang ginang. Mas makabubuti nga sa kaniyang ama na lumabas-labas lalo na’t nagiging maayos na ang lagay nito. Kahapon ay nagsalita ito at kaninang umaga ay halos maiya
HINDI alam ni Ilana kung saan sila pupunta. Basta naglalakad lamang silang dalawa ni Gray at kapwa tahimik. Ingay lamang ng mga sasakyan at mga tao sa paligid ang naririnig nila at sa kabila ng tensyon sa pagitan nila ay panatag ang kalooban ni Ilana. Ewan niya ba. Nang hilahin siya ni Gray kanina palayo kay Grant ay wala siyang ginawa. Maybe because she really wants to get away from Grant. Hindi dahil ayaw niya dito kundi dahil masyado siyang nababahala at nakokonsensya. “So, you planned to have a child with him…” Bahagyang natigilan si Ilana saka nilingon ang asawa. Tuloy-tuloy ang paglalakad nito at nang naramdamang tumigil siya ay tumigil rin. Nilingon siya nito, walang emosyon ang mga mata. Gray's jaw tensed. “Did you regret marrying me?” Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Ilana nang titigan ang asawa. “Oo.” Nagtagis muli ang bagang ni Gray at tinalikuran siya, tuloy-tuloy na naglakad. Pinagmasdan ni Ilana ang likod ni Gray. Hindi na siya sumunod rito pero matapos ang ilang
“THIS is called emergency contraceptive pills. It doesn't guarantee that you won't be pregnant after taking this pill since it's not really a hundred percent effective but it reduces the chance of getting pregnant.” Tumango si Ilana sa doktora. Matapos niyang layasan si Gray kanina sa bahay ay dumiretso siya sa hospital para magpareseta ng contraceptive pills. Hindi siya papayag na mabuntis sa ganitong sitwasyon at lalong hindi siya papayag na magamit ni Gray ang bata laban sa kaniya. Hindi niya alam ang pinaplano nito pero malinaw sa kaniya na balak nitong gamitin ang bata para mapasunod siya sa lahat ng gusto. Hindi! Hindi papayag si Ilana sa ganoong kahibangan. “Salamat po, doktora.” Nagpasalamat siya at nagpaalam sa doktora. Lumabas siya at halos mabunggo niya si Lovella na bigla na lamang sumulpot sa harap ng pinto matapos niyang lumabas. Sinapo niya ang dibdib sa gulat. “Lovella!” Bumaba ang tingin nito sa hawak niya saka sumimangot ng matindi. “Ewan ko talaga sayo, Ila
DAHAN-DAHANG bumangon si Ilana habang kipkip ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Naupo siya sa malambot na kama habang bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Nahagip ng paningin niya ang nakadapang lalaki sa kaniyang tabi. Hindi niya makita ang mukha nito pero kahit hindi niya tingnan ay alam niya kung sino ang lalaking ito. Kinagat ni Ilana ang pang-ibabang labi. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang bawat haplos at halik ni Gray sa mga labi at katawan niya. Paulit-ulit na nagrereplay sa isipan niya ang malinaw na alaala kung paano siya nito inangkin kagabi. It was not just a one time sex. It happened twice and that fact made Ilana realize something. Nanigas siya at nanlamig sa kinauupuan. “No…” Umiiling na bulong niya at mahigpit na tinanggihan ng kaniyang isipan ang posibilidad na mabuntis siya. Hindi pwede! Paano niya bubuhayin ang bata kung sakali kung ganito ang sitwasyon niya? Hindi naman pwedeng palakihin niya ang bata kasama si Gray na nakikita ang ka
“ANO ba, Gray! Bitawan mo ako!” Nagpumiglas si Ilana nang matauhan siya. Nasa tapat na sila ng kotse ni Gray. Pilit niyang binabawi ang braso pero mahigpit ang hawak nito sa kaniyang kamay. “Get in the car.” Anito matapos siyang bitawan at harapin. Marahas na umiling si Ilana. “Ayoko!” Ayaw niyang sumakay dahil tiyak na nasa loob si Michelle. Hindi siya sasakay sa iisang sasakyan kasama ang babae nito. Nagdilim lalo ang mga mata ni Gray. “You wanna stay here? You wanna be with him?” Galit nitong itinuro ang bar. Kumuyom ang mga kamao ni Ilana. “Hindi ako sasakay kasama ang babae mo!” Marahas itong bumuga ng hangin. “Michelle's not inside! Happy?” Mas lalong nagngitngit sa galit si Ilana. “Should I be happy? Why would I be happy?” “Just fcking get inside the car, Ilana!” Tiningnan niya ito sa mga mata. Naisip niya bigla ang kaniyang ama kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Sumakay siya sa sasakyan at tahimik na tumingin sa labas ng bintana. Ni hindi siya nag-abalang lingunin ang a
“ASAWA mo pala si Gray Montemayor?” Salubong ng katrabaho ni Ilana sa kaniya nang makarating siya sa opisina. Humugot siya ng malalim na hininga saka hindi nagsalita. Pinalilibutan siya ngayon ng mga katrabaho at inuusisa tungkol sa lihim na relasyon nila ni Gray. Gusto niyang tumawa dahil mas lalo lamang hindi malalantad ang relasyon nina Gray at Michelle pero masyado na siyang naiingayan at nasasaktan sa mga nangyayari. All she wants is to have a peaceful like with her father pero bakit hindi iyon maibigay ng langit? “Kailan pa kayo ikinasal, Ilana? Asawa mo ba talaga siya? Bakit hindi ka niya sinusundo?” Tumayo si Ilana dala ang planner niya at ipad. Nilingon niya ang mga katrabaho. “Pasensya na, may kliyente kasi ako.” Umirap ang isa. “Hmp! Pashowbiz! Akala mo naman kung sinong maganda.” Nangunot ang noo ni Ilana pero hindi na niya pinansin ang sinabi ng katrabaho. Naglakad siya aalis para kitain ang kliyente niya para sa araw na ito. Iritado siyang nag-aabang ng taxi habang t
WALANG imik na pumasok si Ilana sa bahay nila ni Gray. Nasa harapan niya ang kaniyang ama na nakasakay sa wheelchair at may kasama silang isang nurse at isang personal therapist. Tahimik ang buong kabahayan. Si Gray ay nagmamasid sa kaniya mula sa likuran. Nanalo na naman si Gray. Nalantad sa publiko ang kasal nilang dalawa at ngayon ay hindi niya ito iniimikan. Batid niyang ramdam nito ang galit niya dahil hindi rin siya nito kikinibo pero wala siyang pakialam. Gusto niyang magfocus ngayon sa recovery ng ama dahil kapag magaling na ito, kakayanin na niyang magmatigas dahil hindi na niya kakailanganin ang tulong nito. “Sa itaas ang kwarto niyo. May tatlong guest room doon. Nakaayos na ang kwarto ng ama ni Ilana. Kayo na ang bahalang hanapin.” Ama ni Ilana. Nag-ugat iyon sa isipan ni Ilana dahilan para sarkastiko siyang mapailing. He can't even call her father father. Pumanhik siya sa itaas at hindi pinansin si Gray na nagmamasid lamang sa kaniya. Dumiretso siya sa kaniyang silid at
“THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip.“Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.”Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.”Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kail...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments