“LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya.
Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me? Did you witness how I treated her for three years? Hindi mo alam iyon, Grant! I never hurt her. She’s happy with me—” “Then why are you two divorcing?” Doon napipilan si Gray. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Magulo ang sitwasyon. Kasing gulo ng isip niya. Malinaw pa rin ang mensahe ng pintig ng puso niya nang makita muli si Michelle pero iba ang nararamdaman niya nang makita si Ilana kasama ang pinsan niya. Hindi niya…kaya. “Let me guess…” Grant trailed, smirking. “Because of Michelle? Because she’s back? Now you’re throwing Ilana away because she’s back.” Tumaas ang sulok ng labi ni Gray at matalim na tiningnan ang pinsan. “Who told you I’ll let her go?” Natigilan si Grant at agad na naguluhan. “What?” Gray’s jaw ticked. “Stop chasing my wife, Grant. Hindi mo gugustuhing maging kaaway ako.” Tumalikod si Gray at naglakad palapit sa kotse. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Ilana nang makapasok sa kotse ang kaniyang asawa. Napansin niyang mahigpit ang hawak nito sa manibela nang magsimulang magmaneho. Ginagamit nito ang kanang kamay sa kambyo at manibela na para bang wala itong sugat. He was doing it recklessly as if the cut wasn’t deep at all. “Why did you meet him?” Suminghap si Ilana. Inaasahan na niya iyon. “Hindi ako nakipagkita sa kaniya—” “Then why were you in a fcking restaurant with him, Ilana? Huh?” Sumulyap ito sa kaniya. Matalim ang tingin. Hindi alam ni Ilana kung paano pakakalmahin ang puso. May pagdududa sa kaniyang isipan na pilit niyang iwinawaksi. Umaasa siya na nagseselos ito kaya ito ganito pero imposible iyon dahil nagbabalak na itong magpakasal kay Michelle. Kaya na nitong ipaglaban ang babae. Nakuha na nito ang mana nito at nakagawa na ng sariling pangalan sa industriya. Kahit wala ang pera at suporta ng ama nito ay kaya na nitong ipaglaban si Michelle Herrera. At anong laban niya sa babaeng matagal na nitong iniibig? Wala. Tumigil ang sasakyan kaya dali-daling bumaba si Ilana at pumasok ng bahay. Hindi niya pinansin ang pagsunod sa kaniya ni Gray at ang mabibigat nitong mga yabag ngunit nagulat siya nang hablutin nito ang kaniyang braso bago pa siya makapasok sa kwarto. “Ano ba, Gray?” “Sabihin mo sa akin ang totoo, Ilana. May relasyon ba kayo ni Grant?” Umawang ang labi ni Ilana, gulat sa paratang ng asawa. “Ano bang iniisip mo, Gray? Wala kaming relasyon!” “Then why did you see him? Anong pinag-usapan niyo? Are you gonna go back to him after our divorce? Are you gonna marry him?” Marahas na hinaklit ni Ilana ang kaniyang braso at galit na itinulak ang dibdib ng asawa. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. “Bakit hindi ikaw ang magpaliwanag sa akin? Ikaw itong may planong magpakasal agad pagkatapos ng divorce natin. Bakit binabaliktad mo ang sitwasyon? Ikaw ang may ganoong plano, Gray! Ikaw!” Umiling si Gray at mabigat ang hininga na tinitigan siya. “Aminin mo nalang na nakipagbalikan ka na sa kaniya. Kaya siya biglang umuwi, Ilana!” “Wala akong aaminin sayo!” Tili ni Ilana habang pigil ang luha dahil sa sama ng loob. “Grant and I were over years ago, Gray. Pero kung papipiliin ako, yes, I would date him again instead of putting up with you!” “What did you say?” Gray advanced to her, towering her like a mad predator despite the fact that her expression bothers him. Marahas na pinahid ni Ilana ang sariling luha nang tuluyan itong umagos. Her heart was bleeding so badly. “Hindi kita maintindihan. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pirmahan ang divorce papers, Gray? Ayaw mong maging kami ulit ni Grant? Diring-diri ka ba sa akin? Bakit? Dahil pera ang dahilan ng pagpapakasal ko sayo?” Tuluyang sumabog ang damdamin ni Ilana. Hindi na niya mapigilan ang emosyon samantalang unti-unti namang nahimasmasan si Gray at napatitig sa kaniya. Awang ang labi at isang beses pang umatras. Ilana sobbed. “S-Sa tatlong taon na pagsasama natin, hindi mo ako ginanito. You never raised your voice on me. You were always calm. You never looked at me with this much rage and hatred. Ngayon pang maghihiwalay na tayo? Bakit, Gray? Bakit?” Hindi makasagot si Gray. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero hindi niya alam ang sasabihin. Parang biglang naging blanko ang kaniyang isipan. Walang ibang nakapagpatigil ng ganito sa kaniya. Walang ibang nakaapekto ng ganito sa kaniya. Ang luha lamang ni Ilana. Ilana sobbed again and wiped her tears that kept on flowing. Ang sakit sakit! “J-Just sign the divorce papers, Gray. Kung magkakasakitan lang din naman tayo, parang awa mo na, pakawalan mo nalang ako.” Nangunot ang noo ni Gray kasabay ng paghalo-halo ng kaniyang emosyon. Sakit, pagsisisi, panghihinayang. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito at sa unang pagkakataon, nanghina siya. Nanghihina siya at pakiramdam niya ay nayanig ang kaniyang mundo. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa pumailanlang ang maingay na telepono ni Ilana. Pinahid niya ang luha sa pisngi saka humugot ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag. Si Lovella iyon na siyang nurse na nakaassign sa kaniyang ama na comatose sa hospital. He fell into a coma after an accident at halos apat na taon na itong ganoon at natatakot siyang tuluyan na siya nitong iwan. “Hello, Lovella?” Pinilit niyang maging kaswal kahit hindi pa rin siya kumakalma. Halos tumigil ang pintig ng puso niya nang marinig niya ang kabadong tono mula sa kabilang linya. [I-Ilana…] Suminghap si Ilana kasabay ng paglandas muli ng luha sa kaniyang pisngi. “A-Anong nangyari? Lovella, please tell me my father is safe…” [A-Ang papa mo. Gising na siya.]To be continued~ Please rate the book 🥰
“WHERE are you going?” Sumunod si Gray kay Ilana nang mabilis siyang tumakbo palabas. Nagpalinga-linga siya para humanap ng taxi na masasakyan samantalang hinablot naman ni Gray ang kaniyang braso nang hindi niya ito pinansin. “Ano ba, Gray!” His eyes bore at her like a sharp knife. “Where are you going? I’ll take you there.” Lumunok si Ilana at hindi na nagdalawang isip na tumango at pumasok sa kotse ni Gray na agad pumasok sa driver seat. “Sa hospital,” mahinang sambit ni Ilana habang mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Gising na ang papa niya. Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbunga na ang mga panalangin at desperadong desisyon niya. Gising na ang kaniyang ama. “What happened?” Tanong ni Gray sa gitna ng maingat pero mabilis na pagmamaneho. Paulit-ulit na nagtatagis ang bagang nito. Humugot ng malalim na hininga si Ilana at tumingin sa labas ng bintana. “Gising na siya.” Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos niyon. Hindi naman mapakali si Il
UMALIS si Gray sa hospital matapos ang sinabi ng kaibigan ng kaniyang asawa. He just walked out without a word habang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang. When he got in his car, he slammed his fists on the steering wheel. Saka naman nag-ring ang kaniyang cellphone. “What?” Pabulyaw na tanong niya sa kaniyang sekretarya. [Sir, I’m sorry. Nandito po ang papa niyo. Nalaman niya po na kinancel niyo ang meeting niyo ngayon.] Gray clenched his jaws and heaved an aggressive sigh. “I’ll be there in ten minutes.” Matapos niyang patayin ang tawag ay binuhay niya ang makina ng kotse. He glanced at the hospital with a sharp gaze before driving off completely, pissed. Walang emosyon ang mga mata ni Gray nang makabalik sa kompanya. Bad trip pa rin siya sa naabutan niyang eksena sa pagitan nina Grant at Ilana. Nadagdagan pa nang hindi sagutin ni Ilana ng maayos ang mga tanong niya. She dodged his questions like a pro as if she's trying to protect her damn ex-boyfriend, his cousin. “Gray!” Si
NADATNAN ni Ilana si Gray na nakaupo sa sofa nang lumabas siya ng banyo matapos maligo. Tinutuyo niya ang basang buhok nang mapansin ang nakaupong asawa. Magkasiklop ang mga palad nito at bahagyang nakayuko. Mukhang problemado ang hitsura nito. Sumulyap si Ilana sa bintana. Gabi na pero bakit dito ito dumiretso at hindi sa bahay? Sumulyap siya sa kaniyang ama at nagpasyang lapitan ang asawa. “Hindi ka ba uuwi?” Tanong niya nang makaupo sa harapan nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Gray. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad na umiwas si Ilana at itinuloy ang pagtutuyo sa kaniyang buhok. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya kapag nagtatama ang paningin nila. Kinakabahan siya. Kinakapos ng hangin. At pakiramdam niya ay nalulunod siya. “I’ll stay here for tonight.” Nangunot ang noo ni Ilana. “Bakit?” Abala pa rin siya sa ginagawa, hindi tinitingnan ang lalaki. “We can't divorce yet.” “Ano?” Hindi na napigilan ni Ilana na tumingin sa asawa. Bakit hindi? Nakabalik
‘HINDI ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Napailing si Ilana at pumikit. ‘Hindi ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Paano nga kaya kung dumating sa puntong kailangan niya si Gray para protektahan siya? Tama ito! Niloko nila ang pamilya nito. Hindi malabong balikan siya ng mga ito lalo na ng senyora. Nagtiwala ito ng husto. Minahal siya na parang isang tunay na apo pero…peke lamang ang lahat. Ipinilig ni Ilana ang ulo at pilit na inalis sa kaniyang isipan ang sinabi ni Lovella at ang mga walang kwentang naiisip niya. Nagsusuklay siya ng buhok sa loob ng hospital room nang pumasok si Lovella. Nakasuot ito ng simpleng damit at dahil gabi na ay tapos na ang duty nito. Pinakiusapan niya ito na bantayan muna ang kaniyang ama dahil may lakad siya ngayong gabi. “Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa ginagawa niyo, Ilana? Hindi ba’t nakabalik na ang bruhang si Michelle? Baka kung anong gawin ng demonyita na iyon.” Nilingon ni Ilana ang kaibigan at binig
HINDI alam ni Ilana ang gagawin. Hindi pwedeng hindi matuloy ang divorce nila dahil sawa na siyang maghintay at umasa. Tapos na ang pagpapakatanga niya kay Gray kaya kailangan nang matuldukan ang kahibangan niya dahil kung hindi, patuloy lamang siyang aasa sa lalaki. Patuloy lamang siyang mag-iilusyon baka may nabuo nang pag-tingin sa kaniya ang lalaki. Nasa garden si Ilana nang makita niya ang isang tauhan ng mga Montemayor na nagyoyosi. Marunong siya nito. Natuto siya sa loob ng tatlong taon na kasal nila ni Gray. Hindi dahil naimpluwensyahan siya ng asawa, kundi dahil ito ang isa sa stress reliever niya. “Pwede bang humingi ng isang stick?” Tanong niya sa matangkad at maskuladong lalaki. Agad itong yumuko at inabutan siya ng isang stick. Sinindihan nito ang dulo matapos niyang isubo at agad siyang lumayo dito matapos magpasalamat. Naupo siya sa malapit na swing at paulit-ulit na bumuntong-hininga habang inuubos ang sigarilyo. “You learned to smoke…” Napaangat siya ng mukha nan
HINDI kaagad bumalik ng hospital si Ilana. Naglakad-lakad siya sa paligid habang maliwanag ang buwan at kumikinang ang mga tala sa kalangitan. Tumigil siya sa isang playground at naupo sa swing. Tumingala siya at tumitig sa payapang kalangitan. She then remembered the time she used to come here with her father. Lasinggero ito mula nang ipanganak siya dahil sa pagkawala ng kaniyang ina pero hindi ito naging pabaya. He took care of her and loved her even if she's the reason why the woman he dearly loved died. Sa pag-alala niya sa nakaraan ay tuloy niyang naalala ang pinagmulam ng lahat ng problema niya ngayon. Gusto na niyang tumakbo palayo pero hindi siya magiging malaya at magiging masaya kung nakatali siya sa kaniyang asawa. Gray is a slave to the system of his family. He couldn't free himself na akala nito ay magagawa nito kapag nakuha ang mana. Tama ito! Iniipit ito ng pamilya dahil sa pagbabalik ni Michelle Herrera. Hindi niya rin naman ito masisisi kung bakit desperado itong gawi
NAMULATAN ni Ilana si Gray na naglalapag ng paper bag sa maliit na mesa. Bahagya itong nakayuko habang naglalapag pero agad ring nag-angat ng mukha nang maramdaman ang paggalaw niya. Nagtama ang kanilang paningin at hindi nakaligtas kay Ilana ang pagsikdo ng kaniyang puso. Katulad ng palaging nangyayari, nagkalasug-lasog na naman ang galit niya para sa asawa. “I dropped by on my way to the office for this,” anito at inimuwestra ang dalang paper bag. Nagtagis ang mga ngipin ni Ilana at tinitigan ito sa mga mata. Alam na niya kung ano ang laman niyon at hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito. “Why are you doing this, Gray? We're divorcing. Imbes na nagluluto ka at dinadalhan ako ng pagkain, dapat ay nag-iisip ka ng paraan para sabihin sa pamilya mo ang totoo nang hindi tayo sabay na sunugin ng buhay.” Nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Gray. “You already know my reason, Ilana. Besides, you don't have time to take care of yourself. You take care of your father and I’ll take care
“ARE you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella matapos ikuwento ni Ilana ang mga nangyari. Nakatingin ito sa kaniya na para bang isang malaking katangahan ang ginawa niya at alam niyang totoo iyon. Wala rin naman siyang magagawa. Makahanap man siya ng ibang trabaho o kaya part-time job ay tiyak niyang hindi pa rin sasapat ang kikitain niya. “I have no other choice, Lovella.” Umingos ang kaibigan niya. “He's a jerk, Ilana! Bakit ginagamit niya ang ama mo sa kagaguhan niya? What if ikaw nalang ang magsabi sa pamilya niya? Mas mabuti na rin na malaman nila ng maaga kaysa magtagal pa o sa iba pa nila malaman.” Kinagat ni Ilana ang pang-ibabang labi. “Desperada na ako, Lovella. Gagawin ko ang lahat para gumaling si papa. Kahit kapalit niyon ay ang sarili ko.” Umiling-iling si Lovella. “You are digging your own grave…” “Better than my father's grave,” mahinang sagot niya. Maya-maya ay dumating ang inorder nilang pagkain. Tulad ng nakaraang gabi ay sa hospital muli matu
HINDI mapakali si Ilana kinabukasan. Matapos ang binyag sa simbahan ay dumiretso sila sa venue. Naroon na at naghihintay ang mga bisita. Kaunti lamang ang bisita nila. Si Lovella na ninang, si Tres na ninong, ang ilang kapitbahay nila sa apartment at ang mga trabahador ni Cloudio sa mga negosyo nito. Simple lang ang handaan, maging dekorasyon sa venue. Halata namang masaya ang lahat pero hindi si Ilana.“May problema ba?” Lumapit sa kaniya si Cloudio at bumulong.“Wag mong aalisin ang tingin mo kay baby.” Sagot ni Ilana nang hindi inaalis ang tingin sa anak. Karga ito ni Lovella habang kausap ang ilang bisita. Sa isang mesa naman ay naroon si Tres na tahimik na umiinom. Nasa harap nito si Brian.Ilana was shocked when Brian arrived with Lovella. Hindi siya nito inimik pero tiningnan siya nito at tinanguan.“Bakit?” Nagtataka si Cloudio pero hindi na sumagot si Ilana.Naglakad siya palapit kay Lovella para kunin si baby Nayi. Nang makita siya ni Lovella ay agad nitong ibinigay ang bata
HINDI maalis sa isipan ni Ilana ang pagtatalo nila ni Lovella. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito at ang pangongonsensya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kinakampihan ng kaibigan niya si Gray. Imposible namang nasuhulan ito ng lalaki dahil kilala niya si Lovella. May nalaman ba ito? Ipinilig ni Ilana ang ulo. Hindi na dapat niya problemahin kung may nalaman man si Lovella. Ang gusto niya lang ngayon ay tahimik na buhay kasama ang binubuo niyang pamilya. Wala naman sigurong batas na nagbabawal na hindi makipagbalikan sa asawa. “May problema ba?” Naupo si Cloudio sa tabi ng kaibigan. Nagtatrabaho ito kanina sa laptop pero nang mapansin ang paulit-ulit niyang buntong-hininga ay nilapitan na siya. Tulog sa crib si baby Nayi kaya tahimik silang dalawa sa sala. Tiningnan ni Ilana ang kasintahan. “Cloud, nagtalo kami ni Lovella.” “Dahil ba sa akin?” Nag-aalala ang tono ng kasintahan. Umiling si Ilana. “Hindi. Gusto niya kasi na kalimutan ko na ang galit ko kay Gray. I
SINALUBONG ni Cloudio si Ilana na may malaking ngiti sa mga labi. Alas diez na siya ng gabi nakauwi at naghihintay sa kaniya si Cloudio sa loob ng kaniyang apartment. Kaharap nito ang laptop nang pumasok siya pero agad siya nitong sinalubong. “Mabuti naman napaaga ka. Tulog na si baby.” Si Cloudio na humalik sa kaniyang pisngi. Tiningala ni Ilana ang kasintahan. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Cloud?” Natigilan ang binata. Ang ngiti sa mga labi nito ay unti-unting nabura. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I’m giving you a chance to explain to me, Cloud.” Diretso lamang ang tingin ni Ilana sa kasintahan. Ni halos ayaw niyang kumurap dahil hindi niya lang gustong marinig ang katotohanan—gusto niya ring makita ito sa mga mata ng lalaki. “Ilana…” “What did my father do to your sister?” Mariing pumikit si Cloudio at humugot ng malalim na hininga. Hinawakan nito ang kamay ni Ilana at marahang iginiya ang kasintahan paupo sa sofa. Lumuhod ito sa kaniyang harapan—hawak pa rin ang
NILAGPASAN ni Ilana ang kaibigan nang mapansin niya ang disappointment sa mga mata nito. Hindi alam ni Ilana kung bakit parang biglang kumakampi si Lovella kay Gray. “Ilana, mag-usap tayo.” Umiling si Ilana. “Kailangan kong umuwi, Lovella. Saka na tayo mag-usap.” “Mag-usap tayo ngayon!” Hinablot ni Lovella ang braso niya nang makarating sila sa parking lot. Iritadong tiningnan ni Ilana ang kaibigan. “What? ‘Wag mong sabihing kakampihan mo na naman siya.” “Hindi ko siya kinakampihan pero sumusobra ka na!” Humalakhak si Ilana. “Saan ako sumobra, Lovella? Dapat ba patawarin ko siya dahil nasaksak siya? Dapat ba kalimutan ko nalang ang lahat dahil miserable siya? Paano naman ako? Paano ang sarili ko?” Umiling si Lovella. “Pinagsalitaan mo siya ng masama, Ilana. Pinag-isipan mo at sinaktan ng sobra sa masasakit mong salita.” “He deserves it.” Nagtiim-bagang si Ilana. “Ginagawa ko lang sa kaniya ang mga ginawa niya noon.” “Masaya ka ba? Ha? Masaya ka bang nakakaganti ka sa
“AKO nalang ang papasok.” Nakatayo si Ilana sa harap ng hospital room ni Gray habang nasa likuran niya si Lovella. Hindi naka uniporme ang dalaga dahil hindi nito duty pero sinamahan niya pa rin si Ilana. Sinadya nilang hintayin na umalis ang pamilya ni Gray. “Basta nandito lang ako sa labas.” Tinanguan lamang ni Ilana ang kaibigan bago binuksan ang pinto. Nadatnan niya si Gray na nakahiga sa hospital bed. Nakapatong sa noo nito ang braso pero alam niyang hindi ito tulog dahil hindi pantay ang ritmo ng paghinga nito. Gray immediately opened his eyes and forced himself to sit on the bed when he smelled a familiar perfume. Hindi ang amoy ng perfume na ginagamit noon ni Ilana—kundi ang bagong perfume nito na nagpapasabik sa kaniya mula nang magkita silang muli. “How did you know it was me?” Kaswal na tanong ni Ilana habang malamig ang tingin na ibinabato sa lalaki. Gray swallowed hard, staring into her eyes—shooting icy stares. “Iyong…perfume mo.” Ilana sighed, and shooked her head.
MALALALIM ang hiningang binibitawan ni Gray habang nakahiga sa hospital bed. Tulala siya sa kama at hindi kumikibo. Hindi maalis sa isip niya ang huling pagkikita nila ni Ilana. Lumuhod na siya at nagmakaawa pero wala pa rin. Nawawalan na siya ng pag-asa. Isa nalang…Isang subok nalang at pagkabigo ay bibigay na siya.Biglang bumukas ang pinto kaya agad na ikinalma ni Gray ang sarili. “Ma, sabi ko sayo ‘wag ka na munang bumalik. Magpahinga nalang kayo.” Dismayadong sabi ni Gray sa ina nang pumasok ito kasunod ang kaniyang ama.Umiling ang ginang. “Mas gusto kong nakikita kita.”“Mom, I can take care of myself—”“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Hindi napigilan ng ginang na magtaas ng boses. “Noong una nabundol ka. Ngayon naman nasaksak ka. Ganiyan ba ang kaya ang sarili, Gray?”Pumikit si Gray at hinilot ang bridge ng ilong. “Ma…”“Ayokong pagkatapos nito ay sa morgue na ang diretso ko, Gray. Ingatan mo naman ang sarili mo!”Bumuntong-hininga si Gray at tiningnan ang ama. “Ma, hindi ko
SA hospital na dumiretso sina Cloudio at Ilana at kahit sinigurado ng doktor sa kanila na okay na si baby Nayi ay nag-aalala pa rin si Ilana. “Salamat, Lovella. Kami na ang bahala dito.”Hinaplos ni Lovella ang kaniyang braso. “Sigurado ka? Pagod at puyat rin kayo e.”Umiling si Ilana. “Kaya ko. Bumalik ka na muna sa apartment ko para makapagpahinga ka bago umuwi.”“Sige. Basta kung magkaproblema, tawagan mo ako, ha?”Tinanguan lang ni Ilana ang kaibigan at niyakap bago ito umalis. Nang nakalabas si Lovella ay naupo si Ilana sa gilid ng kama at habang nakatingin siya sa natutulog na anak ay inabutan siya ni Cloudio ng tubig na kapapasok lang ulit ng kwarto.“Salamat…”“Pag-usapan natin ang nangyari, Ilana.”Tiningnan niya ang kasintahan. “I gave myself to you because I want to.”Umiling si Cloudio. “Hindi iyon, Ilana… Iyong…ginawa mo.”“Ginawa ko?”He sighed. “You pushed him. You wished for him to die. Hindi ikaw iyon.”Nakaramdam ng inis si Ilana. “Pwede ba, Cloud? Hindi ka ba masaya
MAGULO ang kama. Nasa sahig na ang mga unan at kumot. Nagkalat ang mga damit nila sa sahig at maging ang kumot ay nasa sahig na rin. Halos paos na si Ilana at pawis na pawis na silang dalawa pero patuloy sila sa pag subok na mapunan ang init at pagkauhaw. “Illana… Ilana…” Cloudio was chanting her name deliriously while owning every inch of her. Walang parte ng katawan niya na hindi nadaanan ng mga labi nito. Sinasamba siya ng kasintahan at ramdam niya sa bawat malakas na pintig ng puso nito ang labis na pagmamahal. “Cloud!” Ilana called his name desperately as she reached the zenith. A few more thrusts and Cloudio groaned like a wolf as he found his release. Napalunok si Ilana nang bumagsak ang kasintahan sa ibabaw niya. Ang mga labi nito ay agad humalik sa gilid ng kaniyang leeg habang pares silang hinihingal. “Grabe naman ang pagkasabik mo…” Natatawang biro ni Ilana habang dahan-dahang bumaba sa mataas na uri ng tagumpay na nakamit. Hinaplos niya ang malambot na buhok ng kasi
HINDI umiwas ng tingin si Ilana nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Gray. He was standing a few meters away from them with a visible pain in his eyes. He didn’t look away either as if he wants to punish himself, and Ilana’s rage drove her to torture him more.Habang hindi inaalis ang tingin kay Gray ay bahagyang inangat ni Ilana ang sarili at walang pag-aalinlangan na hinalikan si Cloudio sa mga labi. The pain in Gray’s eyes intensified. His lips even part, and he lost balance.Ilana didn’t budge. She continued kissing Cloudio who’s now answering her passionate kisses. She didn’t look away. She didn’t back down. She wants to see pain in Gray’s eyes. She wants to see him suffer. Took him long enough to apologize, huh? Hindi niya hahayaang hindi madurog ang lalaki.Nang tumalikod si Gray ay saka lamang bumitaw ang mga labi ni Ilana sa kasintahan. She looked at Cloudio with satisfaction written on her face, and smiled. “Saan tayo magdedate?”Cloudio gently caressed her reddish and