NADATNAN ni Ilana si Gray na nakaupo sa sofa nang lumabas siya ng banyo matapos maligo. Tinutuyo niya ang basang buhok nang mapansin ang nakaupong asawa. Magkasiklop ang mga palad nito at bahagyang nakayuko. Mukhang problemado ang hitsura nito. Sumulyap si Ilana sa bintana. Gabi na pero bakit dito ito dumiretso at hindi sa bahay? Sumulyap siya sa kaniyang ama at nagpasyang lapitan ang asawa. “Hindi ka ba uuwi?” Tanong niya nang makaupo sa harapan nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Gray. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad na umiwas si Ilana at itinuloy ang pagtutuyo sa kaniyang buhok. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya kapag nagtatama ang paningin nila. Kinakabahan siya. Kinakapos ng hangin. At pakiramdam niya ay nalulunod siya. “I’ll stay here for tonight.” Nangunot ang noo ni Ilana. “Bakit?” Abala pa rin siya sa ginagawa, hindi tinitingnan ang lalaki. “We can't divorce yet.” “Ano?” Hindi na napigilan ni Ilana na tumingin sa asawa. Bakit hindi? Nakabalik
‘HINDI ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Napailing si Ilana at pumikit. ‘Hindi ka kayang ipaglaban ng asawa mo.’ Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Paano nga kaya kung dumating sa puntong kailangan niya si Gray para protektahan siya? Tama ito! Niloko nila ang pamilya nito. Hindi malabong balikan siya ng mga ito lalo na ng senyora. Nagtiwala ito ng husto. Minahal siya na parang isang tunay na apo pero…peke lamang ang lahat. Ipinilig ni Ilana ang ulo at pilit na inalis sa kaniyang isipan ang sinabi ni Lovella at ang mga walang kwentang naiisip niya. Nagsusuklay siya ng buhok sa loob ng hospital room nang pumasok si Lovella. Nakasuot ito ng simpleng damit at dahil gabi na ay tapos na ang duty nito. Pinakiusapan niya ito na bantayan muna ang kaniyang ama dahil may lakad siya ngayong gabi. “Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa ginagawa niyo, Ilana? Hindi ba’t nakabalik na ang bruhang si Michelle? Baka kung anong gawin ng demonyita na iyon.” Nilingon ni Ilana ang kaibigan at binig
HINDI alam ni Ilana ang gagawin. Hindi pwedeng hindi matuloy ang divorce nila dahil sawa na siyang maghintay at umasa. Tapos na ang pagpapakatanga niya kay Gray kaya kailangan nang matuldukan ang kahibangan niya dahil kung hindi, patuloy lamang siyang aasa sa lalaki. Patuloy lamang siyang mag-iilusyon baka may nabuo nang pag-tingin sa kaniya ang lalaki. Nasa garden si Ilana nang makita niya ang isang tauhan ng mga Montemayor na nagyoyosi. Marunong siya nito. Natuto siya sa loob ng tatlong taon na kasal nila ni Gray. Hindi dahil naimpluwensyahan siya ng asawa, kundi dahil ito ang isa sa stress reliever niya. “Pwede bang humingi ng isang stick?” Tanong niya sa matangkad at maskuladong lalaki. Agad itong yumuko at inabutan siya ng isang stick. Sinindihan nito ang dulo matapos niyang isubo at agad siyang lumayo dito matapos magpasalamat. Naupo siya sa malapit na swing at paulit-ulit na bumuntong-hininga habang inuubos ang sigarilyo. “You learned to smoke…” Napaangat siya ng mukha nan
HINDI kaagad bumalik ng hospital si Ilana. Naglakad-lakad siya sa paligid habang maliwanag ang buwan at kumikinang ang mga tala sa kalangitan. Tumigil siya sa isang playground at naupo sa swing. Tumingala siya at tumitig sa payapang kalangitan. She then remembered the time she used to come here with her father. Lasinggero ito mula nang ipanganak siya dahil sa pagkawala ng kaniyang ina pero hindi ito naging pabaya. He took care of her and loved her even if she's the reason why the woman he dearly loved died. Sa pag-alala niya sa nakaraan ay tuloy niyang naalala ang pinagmulam ng lahat ng problema niya ngayon. Gusto na niyang tumakbo palayo pero hindi siya magiging malaya at magiging masaya kung nakatali siya sa kaniyang asawa. Gray is a slave to the system of his family. He couldn't free himself na akala nito ay magagawa nito kapag nakuha ang mana. Tama ito! Iniipit ito ng pamilya dahil sa pagbabalik ni Michelle Herrera. Hindi niya rin naman ito masisisi kung bakit desperado itong gawi
NAMULATAN ni Ilana si Gray na naglalapag ng paper bag sa maliit na mesa. Bahagya itong nakayuko habang naglalapag pero agad ring nag-angat ng mukha nang maramdaman ang paggalaw niya. Nagtama ang kanilang paningin at hindi nakaligtas kay Ilana ang pagsikdo ng kaniyang puso. Katulad ng palaging nangyayari, nagkalasug-lasog na naman ang galit niya para sa asawa. “I dropped by on my way to the office for this,” anito at inimuwestra ang dalang paper bag. Nagtagis ang mga ngipin ni Ilana at tinitigan ito sa mga mata. Alam na niya kung ano ang laman niyon at hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito. “Why are you doing this, Gray? We're divorcing. Imbes na nagluluto ka at dinadalhan ako ng pagkain, dapat ay nag-iisip ka ng paraan para sabihin sa pamilya mo ang totoo nang hindi tayo sabay na sunugin ng buhay.” Nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Gray. “You already know my reason, Ilana. Besides, you don't have time to take care of yourself. You take care of your father and I’ll take care
“ARE you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella matapos ikuwento ni Ilana ang mga nangyari. Nakatingin ito sa kaniya na para bang isang malaking katangahan ang ginawa niya at alam niyang totoo iyon. Wala rin naman siyang magagawa. Makahanap man siya ng ibang trabaho o kaya part-time job ay tiyak niyang hindi pa rin sasapat ang kikitain niya. “I have no other choice, Lovella.” Umingos ang kaibigan niya. “He's a jerk, Ilana! Bakit ginagamit niya ang ama mo sa kagaguhan niya? What if ikaw nalang ang magsabi sa pamilya niya? Mas mabuti na rin na malaman nila ng maaga kaysa magtagal pa o sa iba pa nila malaman.” Kinagat ni Ilana ang pang-ibabang labi. “Desperada na ako, Lovella. Gagawin ko ang lahat para gumaling si papa. Kahit kapalit niyon ay ang sarili ko.” Umiling-iling si Lovella. “You are digging your own grave…” “Better than my father's grave,” mahinang sagot niya. Maya-maya ay dumating ang inorder nilang pagkain. Tulad ng nakaraang gabi ay sa hospital muli matu
PINAGPAPAWISAN ng malalapot si Ilana habang nakaupo sa harap ng mga Montemayor. Sa mahabang dining table ay walang nagsasalita ni isa. Kompleto ang lahat. Ang senyora, ang mga magulang ni Gray, ang mga tiyuhin at tiyahin, maging ang nag-iisa nitong pinsan na si Grant. Ang nakatetensyong mata ng mga ito ay nakatutok sa kaniya habang nakaupo siya mag-isa at nakayuko.Ano nga bang ginagawa niya dito? Hindi niya matandaan kung paanong nandito siya gayong ang huling natatandaan niya ay nasa isang hotel room siya habangang kaniyang asawang si Gray at ang girlfriend nitong si Michelle ay nagdidate sa kabilang silid.“Ano ang gusto mong sabihin sa amin, hija?” Ang malumanay na boses ng senyora ang unang bumasag sa malamig at nakabibinging katahimikan.Halos mapakislot si Ilana dahil sa kaba lalo na nang maalala niya kung bakit siya narito. Ang eksena sa hotel room at ang katotohanang harap-harapan siyang ginagago ng asawa ang nagtulak sa kaniyang gawin ang bagay na ito. Bahala na! Ang mahalaga
MAINIT at mapusok ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Nawala sa sarili si Ilana. Ni hindi niya alam kung kailan siya gumanti sa mapusok nitong mga halik. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nalulunod sa nakaliliyong sensasyon na dulot ng mapaghanap nitong mga labi at makasalanang dila. “Uhmm…” She moaned again when he sucked her tongue and slowly pushed her. Natagpuan ni Ilana ang sarili sa pabalik sa kama habang ang mga braso ay nakapulupot sa leeg ng kaniyang asawa. Nadadarang siya masyado sa init ng apoy na sinindihan ni Gray at parang ayaw na niyang matapos pa ang mga sandaling ito. Oo, hindi siya umasa sa pagmamahal ng asawa sa loob ng tatlong taon pero may mga panahon na naglalaro sa kaniyang isipan ang ganitong sitwasyon. Him, kissing her like he has feelings for her. Nakakabaliw! Nakakaubos! Halos hindi gumana ang utak niya at ang tanging gusto niya ay magpakalunod sa mainit nitong mga halik. Humaplos ang malaking palad ni Gray sa kaliwa niyang dibdib at awtomat
WALANG ganang nakaupo si Gray sa sofa habang pikit ang mga mata at nakasandal ang ulo sa sandalan. Ramdam niya ang papalapit na mga yabag at alam na niya kung sino na naman ang dumating. “Wala ka bang balak ayusin ang buhay mo?” Malamig ang at galit ang tono ng kaniyang ama pero walang pakialam si Gray. “Gray, anak… ‘Wag mo namang pabayaan ang sarili mo…” Sinundan iyon ng boses ng kaniyang ina na may bahid ng kirot. “Kung ginagawa mo ito para kaawaan ka ni Ilana, mag-isip ka muli. She's not going back to you, and I won't accept her again!” Doon nagmulat ng mga mata si Gray. Sinalubong niya ang matalim na tingin ng kaniyang ama. “I already begged, dad, hindi na siya babalik kaya hindi ako nagpapaawa.” Humalakhak ang kaniyang ama, bakas sa mata ang matinding galit. “You begged? After everything? You lied to us, and she lied with you! Tingin mo ba mapapatawad ka ng grandma mo? Kayong dalawa? Hindi na siya makababalik pa sa pamilya natin kaya tigilan mo na iyan! Ayusin mo ang buhay m
“ILANA!” Napatalon sa gulat si Ilana nang tapikin siya ni Bianca. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Balisa siya. Kanina pa dahil pakiramdam niya ay kanina pa may nakasunod sa kaniya. Kanina nang pumasok siya sa trabaho ay nag bus lang siya at pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung napaparanoid lang ba siya o talagang may nakamasid kaya panay ang linga niya sa paligid kanina pa. “Ayos ka lang? Balisa ka?” Humugot ng malalim na hininga si Ilana saka umiling. “May iniisip lang ako.” Nagtataka man ay hindi nag-usisa pa sa kaniya si Bianca. Tumango lang ito bago nagpaalam na magbabanyo lang saglit. Naiwan sa counter si Ilana. Tamang-tama naman na gumalaw ang wind chime at pumasok ang isang customer. Nag-order ang lalaki at agad naman niyang inasikaso. Cash ang ibinayad nito at natigilan si Ilana nang mapansing naiwan ng lalaki ang wallet nito sa counter. Mabilis na tumakbo palabas si Ilana para habulin ang lalaki. Nagpalinga-linga siya s
NATIGILAN si Ilana at kasabay niyon ang muling pag-iinit ng ulo niya. Matalim na tingin ang ibinato niya sa dating asawa kasabay ng pagtatagis ng ngipin. “You broke up that’s why you’re here again? Ano gagamitin mo na naman ako?”Umiling ito, matamlay ang mga mata. “Ilana, hindi…”“Then what?” Hindi naiwasan ni Ilana ang pagtataas ng boses. “Bakit nanggugulo ka naman, Gray? Bakit hindi mo nalang ayusin ang relasyon niyo ng girlfriend mo?”Gray shook his head again, frustration was evident in his eyes. “Ilana, wala na kami.”“Are you kidding me? Wala na pero may date kayo kagabi? Wala na pero kasama mo kanina?”He swallowed hard, obviously tensed. “I’m telling the truth. Nakipagbreak na ako sa kaniya.”“You’re an asshole,” hindi napigilang sambit ni Ilana sa malamig na boses. “You’re saying, you’re chasing me because you broke up with her? Kapag pinatawad kita at narealize mo naman na mas mahal mo siya, iiwan mo ulit ako? Gago ka ba?”“I-I was wrong…” Gray’s voice cracked. “Nang iwan mo
MARAHAS na naupo si Ilana kasabay ng paghahabol ng hininga. Nasapo niya ang ulo dahil sa panaginip niya at sa huling eksenang naaalala niya bago siya nilamon ng dilim. Natigilan siya nang makitang naroon siya sa sofa na tinutulugan niya. Sa labas ng bintana ay kita niya ang mainit na sikat ng araw. Wala na rin ang latag ng foam na ginagamit ng nurse ng kaniyang ama at naririnig niya ang mumunting ingay sa kusina.Agad na tumayo si Ilana at naabutan niya sa kusina ang nurse na nagluluto.“Ate!” Gulat na tawag ni Ilana sa atensyon ng babae. “Bakit hindi mo ako ginising? May trabaho ako sa coffee shop.”“Pasensya na, ma’am. Bilin kasi ni sir na ‘wag ka nang gisingin dahil mukhang pagod na pagod ka.”Agad na nagsalubong ang kilay ni Ilana. “Sir?”Ngumiti ang babae. “Oo, ma’am. Inihatid ka ni sir Gray dito kaninang madaling araw. Alalang-alala siya dahil bigla ka nalang daw nawalan ng malay.”Umawang ang mga labi ni Ilana sa gulat. Hindi iyon panaginip. Totoo ang nangyari. Totoong nawalan
MAAGA dumating si Ilana sa coffee shop na pagmamay-ari ni Brian. Napagkamalan pa siyang customer ng babaeng staff pero nang banggitin niya ang sariling pangalan ay tila nagdiwang ang babae.“Naku! Buti nalang mabilis na nakahanap ng cashier si sir Brian. Hirap na hirap ako kahapon.”Ngumiti si Ilana. “Kaya lang kailangan mo pa akong turuan. Wala kasi akong experience sa coffee shop.”“Walang problema, Ilana. Pero bago iyon, tara muna at ipakikilala kita sa ibang kasamahan natin.”Tumango si Ilana at bitbit ang bag na sumunod sa babae. Agad na naging komportable si Ilana dahil sa trato sa kaniya ng mga tauhan. Mabait ang may-ari kaya siguro ganoon rin kabait ang mga staff. Hindi niya akalaing ang mga tao sa simpleng trabaho ang mabubuti ang kalooban, samantalang ang mga nasa corporate world ay nagtatraydoran.“Kapag cash ang ibabayad, press mo ‘to. Kapag naman card, ito.” Nasa cashier na sila at tinuturuan siya ng kasamahan nang gumalaw ang wind chime.“Good morning, welcome to Cloud's
NAKAHINGA ng maluwag si Ilana nang makapasok sa opisina ni Cloudio. Agad siya nitong inabutan ng malamig na mineral water na tinanggap naman niya at ininom. Napalunok siya ng matindi at napasapo ng ulo. Apektado siya. Oo, sobra. Hindi niya inaasahan ang drunk call ni Gray at mas lalong hindi niya inaasahan ang pagpunta nito ngayon. Gusto nitong mag-usap sila. Anong pag-uusapan nila? Bumigat ang dibdib ni Ilana. Bakit ba ayaw pa siya nitong pakawalan? Isa pa si Brian. Pinipilit niya itong hindi pansinin pero sumusobra na yata ito sa pagpapakitang-gilas. “Ayos ka lang?” Hindi nakasagot si Ilana. Kumamot ng pisngi si Cloudio at bumulong, sinagot ang sariling tanong. “Malamang hindi, bonak!” Nilingon ni Ilana ang lalaki at napangiti siya bago naupo sa sofa. Naupo rin ito sa kaharap niyang sofa at seryoso siyang tiningnan. “Nanliligaw ba sa ‘yo si Brian?” Umiling si Ilana. “Hindi pero inamin niyang gusto niya ako.” “Naku!” Sinapo ni Cloudio ang sariling ulo. “Nauulol pa naman iy
PINAGBUKSAN ni Ilana ng pinto si Cloudio, agad namang pumasok ang lalaki bitbit ang grocery bags ng pinamili ni Ilana. Noong una ay tumanggi siya na ihatid nito pero kalaunan ay napapayag na rin siya dahil kailangan niyang makauwi kaagad para makapagluto ng hapunan ng kaniyang ama.Ibinaba ni Cloudio ang grocery bags sa island counter ng kitchen saka luminga-linga sa paligid. “Maganda ang nakuha mo.”Tumango si Ilana. “Oo para komportable rin si papa.”Tumango-tango si Cloudio saka siya hinarap. “I hope your father gets better soon.”“Salamat, Cloudio. Uhm! Gusto mo juice? Kape?”“Kape.” Ngumiti ang binata. “So I can stay a little longer? Maybe offer me dinner too?”Natawa si Ilana. “You're always like that.”“Like what? Garapal?”Humalakhak si Ilana. “Straight forward. Sinasabi mo ang intensyon mo. I like that about you.”Ngumisi ang binata. “I always get that. Honestly, mag-isa ako sa bahay at nagsasawa na ako sa luto ko.”“Then, stay for dinner.” Alok ni Ilana na agad namang tinang
“MA’AM, ayos ka lang?” Hanggang sa pagdating sa bagong apartment ay tulala si Ilana. Napansin na iyon ng nurse ng kaniyang ama na hindi na nakatiis at tinanong siya.Hindi makalimutan ni Ilana ang ginawa ng nakamotor na iyon. Kung paano siya nito tinutukan ng baril na parang walang halaga ang kaniyang buhay. Hindi niya alam kung prank lang ba iyon at peke ang baril pero ang takot na naramdaman niya ay hindi prank. She was so terrified that she was suddenly anxious. Panay ang tingin niya sa paligid habang papasok sila sa dalawang palapag na apartment building. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapag-isip ng diretso.“Ma’am?”“Okay lang ako…” Halos hindi masabi ni Ilana ang mga salitang iyon pero pinilit niya.Tiningnan niya ang kabuohan ng apartment. Isang kwarto lang iyon na para lang sa kaniyang ama. Ang totoo ay dalawang kwarto ang kinukuha niyang unit para komportable naman ang nurse pero pumayag ito na tabi nalang sila sa sala at maglatag nalang sa sahig. Gayunpaman, nagpasya si
NATIGILAN si Gray at napatitig sa dalaga. Hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa babaeng una niyang minahal. She changed. Did he change her? “Magkamatayan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gray. “You're saying you could kill for someone like me?” Michelle's tears rolled down her face. Mabigat ang nararamdaman niya pero hindi siya papayag na basta nalang matalo ni Ilana. She waited too long for this, and they shouldn't end like this. Michelle shook her head. “I can do anything to make you stay, Gray. Mahal na mahal kita at hindi ako naghintay ng matagal para lang maiwan sa huli!” “What do you want me to do?” Halos paos na tanong ni Gray. “I don't want you to suffer, Mich. Kung may magdudusa man, ako lang dapat iyon. Hindi ikaw. Hindi si Ilana—” “ILANA NA NAMAN! ILANA! ILANA! LINTEK NA ILANA IYAN!” Sigaw ni Michelle sa sobrang frustrasyon. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi habang nag-uumapaw ang kaniyang galit. “Mula nang bumalik ako, pal