“THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”
Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip. “Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.” Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.” Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kailangan ko.” “Mabuti nang malinaw,” sagot ng babae saka pinagkrus ang mga hita. “Ayoko ng kaagaw sa boyfriend ko. Reason why I agree to choose you. Alam ko na mas priority mo ang ama mo kaya hindi ka sisira sa usapan.” Matangkad, maputi, sexy, matalino, mayaman, sopistikada. Walang negatibong maipintas sa babaeng kaharap niya. Tila ba hindi ito magkagagawa ng masama. Ang matapang nitong mukha ay kabaliktaran ng malamyos nitong boses. Sumulyap ang babae sa sariling relo. “He's coming any minute from now. Remember what I told you, Ilana. Never disclose the agreement to anyone. Ipakikilala ka na ni Gray ngayon sa family niya kaya ayusin mo. You will only stay married to him for three years kaya ayusin mo ang arte mo.” “Hindi ko kayo bibiguin, Michelle.” Tumatango lamang si Ilana, pumapayag sa lahat ng mga kondisyon ng babae sa pagpapakasal niya sa boyfriend nito. Kabaliwan mang pakinggan pero oo, magpapakasal siya sa lalaking mayaman para sa kaligtasan ng kaniyang ama. “Then, I’ll take my leave now. My bodyguards might be searching for me. I don't wanna spoil the plan.” Ngumisi ang babae at maya-maya lang ay umalis na. Mabigat ang dibdib ni Ilana nang dumating ang isang lalaki at naupo sa kaniyang harapan. Guwapo ito, matangkad, malaki ang mga kamay at braso. Ang buhok nito ay medyo magulo, mapula ang mga labi at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Sobrang matipuno ngunit nakakaintimidate ang aura. “Are you ready?” Tanong nito matapos pasadahan ng tingin ang kabuohan ng kaniyang mukha. Kinagat ni Ilana ang pang-ibabang labi saka tumango. “Handa na ako.” “Stand up,” malamig na utos nito na agad niyang sinunod. Sinuyod ng mga mata nito ang suot niyang damit. Her white fitted dress hugs her body perfectly, showing her curves. Her hair was down and the tip was curled. She's also wearing a light make up and she's pretty confident that she looks decent now. Gray Montemayor looked ravishing in his suit. The darkness of his aura was enough to make any woman's knees weak. Alam niya dahil ramdam niya. His jaw ticked before he nodded. “Come on. My family is waiting for us.” He offered her his arm and she accepted it. They walked out of the coffee shop together at pakiramdam ni Ilana ay nanliliit siya. Gray is super tall, towering her like a predator hungry for domination. She flinched when his hand went to her waist as she slipped herself inside the passenger seat of his car. Aaminin niya na nakakaramdam siya ng atraksyon sa lalaki pero malinaw ang kasunduan niya sa nobya nito. She is forbidden to fall in love with him. “Apo!” An elegant old woman greeted them after they entered a huge mansion. Halos pagpawisan ng malalapot si Ilana nang salubungin sila ng lola at mga magulang ni Gray. Malakas ang pintig ng kaniyang puso at mukhang napansin iyon ni Gray. Napatalon siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay at pinagsiklop ang kanilang mga palad. Halos hindi na siya humihinga habang nakatingin sa binata. No! No! He was just pretending. It's all just an act! “Ito na ba ang nobya mo, hijo?” The running mayor, Gray's father, asked. Napalunok si Ilana nang bahagya siyang hilahin palapit ni Gray. “Everyone, this is Ilana Silva. My girlfriend.” Bahagyang yumuko si Ilana at ipinakita ang matamis niyang ngiti. “Hello po. I’m Ilana Silva. Girlfriend po ng anak niyo.” Pumalakpak ang senyora, ang lola ni Gray, galak na galak habang nakatingin sa kaniya. “Oh, you are so beautiful! Come on, hija. Let's talk about your upcoming wedding with my grandson.” Gray's mother smiled sweetly at her. “What a lovely girl! I like her already, son. You have very good eyes.” And just like that, the Montemayor family accepted her. Hindi komportable si Ilana pero masyadong mabait ang pamilya kaya halos nakalimutan niya na nagpapanggap lamang sila. Nang makauwi ay napayuko at napapikit nalang si Ilana. Pakiramdam niya ay naubos ang kaniyang lakas. Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong ito? May trabaho siya, oo, pero hindi sapat iyon para sa gastusin. Naalala niya ang mga salitang binitawan ng doktor noong isang linggo. Mabigat pa rin sa loob ang mga salitang iyon. “I’m sorry, Miss Silva. Masyado nang malaki ang bill ng pasyente. Hindi naman pinipilit ng hospital na mabayaran lahat, kahit kalahati lang ay ayos na. Kailangan rin kasi para sa mga expenses. Hindi na rin covered ng health insurance ang bill dahil masyado na itong malaki.” Humugot ng malalim na hininga si Ilana at sinapo ang ulo. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang laman ng bank account niya. Kulang na kulang pa para sa gastusin niya ngayong buwan. Isa siyang wedding planner pero ilang kliyente ang nawala sa kaniya dahil masyado siyang stress sa mga nakaraang araw at hindi mabalance ang oras. Nahihirapan na siya. Kaonti nalang ay bibigay na. “I think I can help you…” Isang babae ang lumapit sa kaniya at nagsalita. Noon niya nakilala si Michelle Herrera. Ang anak ng tumatakbong mayor at nag-offer ito ng tulong. Umawang ang kaniyang mga labi habang nakatingala sa babae hanggang sa magsalita itong muli. “Marry my boyfriend, and you’ll be able to save your father.”Three years later…MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras.Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay.Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely.“Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak.Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng
ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong.Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa
HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?”Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob.“H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko.“As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.”A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa.“Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.”Sa bigat na nararamdaman ni Ilana a
MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum
“LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya. Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me
“WHERE are you going?” Sumunod si Gray kay Ilana nang mabilis siyang tumakbo palabas. Nagpalinga-linga siya para humanap ng taxi na masasakyan samantalang hinablot naman ni Gray ang kaniyang braso nang hindi niya ito pinansin. “Ano ba, Gray!” His eyes bore at her like a sharp knife. “Where are you going? I’ll take you there.” Lumunok si Ilana at hindi na nagdalawang isip na tumango at pumasok sa kotse ni Gray na agad pumasok sa driver seat. “Sa hospital,” mahinang sambit ni Ilana habang mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Gising na ang papa niya. Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbunga na ang mga panalangin at desperadong desisyon niya. Gising na ang kaniyang ama. “What happened?” Tanong ni Gray sa gitna ng maingat pero mabilis na pagmamaneho. Paulit-ulit na nagtatagis ang bagang nito. Humugot ng malalim na hininga si Ilana at tumingin sa labas ng bintana. “Gising na siya.” Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos niyon. Hindi naman mapakali si Il
UMALIS si Gray sa hospital matapos ang sinabi ng kaibigan ng kaniyang asawa. He just walked out without a word habang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang. When he got in his car, he slammed his fists on the steering wheel. Saka naman nag-ring ang kaniyang cellphone. “What?” Pabulyaw na tanong niya sa kaniyang sekretarya. [Sir, I’m sorry. Nandito po ang papa niyo. Nalaman niya po na kinancel niyo ang meeting niyo ngayon.] Gray clenched his jaws and heaved an aggressive sigh. “I’ll be there in ten minutes.” Matapos niyang patayin ang tawag ay binuhay niya ang makina ng kotse. He glanced at the hospital with a sharp gaze before driving off completely, pissed. Walang emosyon ang mga mata ni Gray nang makabalik sa kompanya. Bad trip pa rin siya sa naabutan niyang eksena sa pagitan nina Grant at Ilana. Nadagdagan pa nang hindi sagutin ni Ilana ng maayos ang mga tanong niya. She dodged his questions like a pro as if she's trying to protect her damn ex-boyfriend, his cousin. “Gray!” Si
NADATNAN ni Ilana si Gray na nakaupo sa sofa nang lumabas siya ng banyo matapos maligo. Tinutuyo niya ang basang buhok nang mapansin ang nakaupong asawa. Magkasiklop ang mga palad nito at bahagyang nakayuko. Mukhang problemado ang hitsura nito. Sumulyap si Ilana sa bintana. Gabi na pero bakit dito ito dumiretso at hindi sa bahay? Sumulyap siya sa kaniyang ama at nagpasyang lapitan ang asawa. “Hindi ka ba uuwi?” Tanong niya nang makaupo sa harapan nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Gray. Nang magtama ang kanilang paningin ay agad na umiwas si Ilana at itinuloy ang pagtutuyo sa kaniyang buhok. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya kapag nagtatama ang paningin nila. Kinakabahan siya. Kinakapos ng hangin. At pakiramdam niya ay nalulunod siya. “I’ll stay here for tonight.” Nangunot ang noo ni Ilana. “Bakit?” Abala pa rin siya sa ginagawa, hindi tinitingnan ang lalaki. “We can't divorce yet.” “Ano?” Hindi na napigilan ni Ilana na tumingin sa asawa. Bakit hindi? Nakabalik
WALANG ganang nakaupo si Gray sa sofa habang pikit ang mga mata at nakasandal ang ulo sa sandalan. Ramdam niya ang papalapit na mga yabag at alam na niya kung sino na naman ang dumating. “Wala ka bang balak ayusin ang buhay mo?” Malamig ang at galit ang tono ng kaniyang ama pero walang pakialam si Gray. “Gray, anak… ‘Wag mo namang pabayaan ang sarili mo…” Sinundan iyon ng boses ng kaniyang ina na may bahid ng kirot. “Kung ginagawa mo ito para kaawaan ka ni Ilana, mag-isip ka muli. She's not going back to you, and I won't accept her again!” Doon nagmulat ng mga mata si Gray. Sinalubong niya ang matalim na tingin ng kaniyang ama. “I already begged, dad, hindi na siya babalik kaya hindi ako nagpapaawa.” Humalakhak ang kaniyang ama, bakas sa mata ang matinding galit. “You begged? After everything? You lied to us, and she lied with you! Tingin mo ba mapapatawad ka ng grandma mo? Kayong dalawa? Hindi na siya makababalik pa sa pamilya natin kaya tigilan mo na iyan! Ayusin mo ang buhay m
“ILANA!” Napatalon sa gulat si Ilana nang tapikin siya ni Bianca. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Balisa siya. Kanina pa dahil pakiramdam niya ay kanina pa may nakasunod sa kaniya. Kanina nang pumasok siya sa trabaho ay nag bus lang siya at pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung napaparanoid lang ba siya o talagang may nakamasid kaya panay ang linga niya sa paligid kanina pa. “Ayos ka lang? Balisa ka?” Humugot ng malalim na hininga si Ilana saka umiling. “May iniisip lang ako.” Nagtataka man ay hindi nag-usisa pa sa kaniya si Bianca. Tumango lang ito bago nagpaalam na magbabanyo lang saglit. Naiwan sa counter si Ilana. Tamang-tama naman na gumalaw ang wind chime at pumasok ang isang customer. Nag-order ang lalaki at agad naman niyang inasikaso. Cash ang ibinayad nito at natigilan si Ilana nang mapansing naiwan ng lalaki ang wallet nito sa counter. Mabilis na tumakbo palabas si Ilana para habulin ang lalaki. Nagpalinga-linga siya s
NATIGILAN si Ilana at kasabay niyon ang muling pag-iinit ng ulo niya. Matalim na tingin ang ibinato niya sa dating asawa kasabay ng pagtatagis ng ngipin. “You broke up that’s why you’re here again? Ano gagamitin mo na naman ako?”Umiling ito, matamlay ang mga mata. “Ilana, hindi…”“Then what?” Hindi naiwasan ni Ilana ang pagtataas ng boses. “Bakit nanggugulo ka naman, Gray? Bakit hindi mo nalang ayusin ang relasyon niyo ng girlfriend mo?”Gray shook his head again, frustration was evident in his eyes. “Ilana, wala na kami.”“Are you kidding me? Wala na pero may date kayo kagabi? Wala na pero kasama mo kanina?”He swallowed hard, obviously tensed. “I’m telling the truth. Nakipagbreak na ako sa kaniya.”“You’re an asshole,” hindi napigilang sambit ni Ilana sa malamig na boses. “You’re saying, you’re chasing me because you broke up with her? Kapag pinatawad kita at narealize mo naman na mas mahal mo siya, iiwan mo ulit ako? Gago ka ba?”“I-I was wrong…” Gray’s voice cracked. “Nang iwan mo
MARAHAS na naupo si Ilana kasabay ng paghahabol ng hininga. Nasapo niya ang ulo dahil sa panaginip niya at sa huling eksenang naaalala niya bago siya nilamon ng dilim. Natigilan siya nang makitang naroon siya sa sofa na tinutulugan niya. Sa labas ng bintana ay kita niya ang mainit na sikat ng araw. Wala na rin ang latag ng foam na ginagamit ng nurse ng kaniyang ama at naririnig niya ang mumunting ingay sa kusina.Agad na tumayo si Ilana at naabutan niya sa kusina ang nurse na nagluluto.“Ate!” Gulat na tawag ni Ilana sa atensyon ng babae. “Bakit hindi mo ako ginising? May trabaho ako sa coffee shop.”“Pasensya na, ma’am. Bilin kasi ni sir na ‘wag ka nang gisingin dahil mukhang pagod na pagod ka.”Agad na nagsalubong ang kilay ni Ilana. “Sir?”Ngumiti ang babae. “Oo, ma’am. Inihatid ka ni sir Gray dito kaninang madaling araw. Alalang-alala siya dahil bigla ka nalang daw nawalan ng malay.”Umawang ang mga labi ni Ilana sa gulat. Hindi iyon panaginip. Totoo ang nangyari. Totoong nawalan
MAAGA dumating si Ilana sa coffee shop na pagmamay-ari ni Brian. Napagkamalan pa siyang customer ng babaeng staff pero nang banggitin niya ang sariling pangalan ay tila nagdiwang ang babae.“Naku! Buti nalang mabilis na nakahanap ng cashier si sir Brian. Hirap na hirap ako kahapon.”Ngumiti si Ilana. “Kaya lang kailangan mo pa akong turuan. Wala kasi akong experience sa coffee shop.”“Walang problema, Ilana. Pero bago iyon, tara muna at ipakikilala kita sa ibang kasamahan natin.”Tumango si Ilana at bitbit ang bag na sumunod sa babae. Agad na naging komportable si Ilana dahil sa trato sa kaniya ng mga tauhan. Mabait ang may-ari kaya siguro ganoon rin kabait ang mga staff. Hindi niya akalaing ang mga tao sa simpleng trabaho ang mabubuti ang kalooban, samantalang ang mga nasa corporate world ay nagtatraydoran.“Kapag cash ang ibabayad, press mo ‘to. Kapag naman card, ito.” Nasa cashier na sila at tinuturuan siya ng kasamahan nang gumalaw ang wind chime.“Good morning, welcome to Cloud's
NAKAHINGA ng maluwag si Ilana nang makapasok sa opisina ni Cloudio. Agad siya nitong inabutan ng malamig na mineral water na tinanggap naman niya at ininom. Napalunok siya ng matindi at napasapo ng ulo. Apektado siya. Oo, sobra. Hindi niya inaasahan ang drunk call ni Gray at mas lalong hindi niya inaasahan ang pagpunta nito ngayon. Gusto nitong mag-usap sila. Anong pag-uusapan nila? Bumigat ang dibdib ni Ilana. Bakit ba ayaw pa siya nitong pakawalan? Isa pa si Brian. Pinipilit niya itong hindi pansinin pero sumusobra na yata ito sa pagpapakitang-gilas. “Ayos ka lang?” Hindi nakasagot si Ilana. Kumamot ng pisngi si Cloudio at bumulong, sinagot ang sariling tanong. “Malamang hindi, bonak!” Nilingon ni Ilana ang lalaki at napangiti siya bago naupo sa sofa. Naupo rin ito sa kaharap niyang sofa at seryoso siyang tiningnan. “Nanliligaw ba sa ‘yo si Brian?” Umiling si Ilana. “Hindi pero inamin niyang gusto niya ako.” “Naku!” Sinapo ni Cloudio ang sariling ulo. “Nauulol pa naman iy
PINAGBUKSAN ni Ilana ng pinto si Cloudio, agad namang pumasok ang lalaki bitbit ang grocery bags ng pinamili ni Ilana. Noong una ay tumanggi siya na ihatid nito pero kalaunan ay napapayag na rin siya dahil kailangan niyang makauwi kaagad para makapagluto ng hapunan ng kaniyang ama.Ibinaba ni Cloudio ang grocery bags sa island counter ng kitchen saka luminga-linga sa paligid. “Maganda ang nakuha mo.”Tumango si Ilana. “Oo para komportable rin si papa.”Tumango-tango si Cloudio saka siya hinarap. “I hope your father gets better soon.”“Salamat, Cloudio. Uhm! Gusto mo juice? Kape?”“Kape.” Ngumiti ang binata. “So I can stay a little longer? Maybe offer me dinner too?”Natawa si Ilana. “You're always like that.”“Like what? Garapal?”Humalakhak si Ilana. “Straight forward. Sinasabi mo ang intensyon mo. I like that about you.”Ngumisi ang binata. “I always get that. Honestly, mag-isa ako sa bahay at nagsasawa na ako sa luto ko.”“Then, stay for dinner.” Alok ni Ilana na agad namang tinang
“MA’AM, ayos ka lang?” Hanggang sa pagdating sa bagong apartment ay tulala si Ilana. Napansin na iyon ng nurse ng kaniyang ama na hindi na nakatiis at tinanong siya.Hindi makalimutan ni Ilana ang ginawa ng nakamotor na iyon. Kung paano siya nito tinutukan ng baril na parang walang halaga ang kaniyang buhay. Hindi niya alam kung prank lang ba iyon at peke ang baril pero ang takot na naramdaman niya ay hindi prank. She was so terrified that she was suddenly anxious. Panay ang tingin niya sa paligid habang papasok sila sa dalawang palapag na apartment building. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapag-isip ng diretso.“Ma’am?”“Okay lang ako…” Halos hindi masabi ni Ilana ang mga salitang iyon pero pinilit niya.Tiningnan niya ang kabuohan ng apartment. Isang kwarto lang iyon na para lang sa kaniyang ama. Ang totoo ay dalawang kwarto ang kinukuha niyang unit para komportable naman ang nurse pero pumayag ito na tabi nalang sila sa sala at maglatag nalang sa sahig. Gayunpaman, nagpasya si
NATIGILAN si Gray at napatitig sa dalaga. Hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa babaeng una niyang minahal. She changed. Did he change her? “Magkamatayan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gray. “You're saying you could kill for someone like me?” Michelle's tears rolled down her face. Mabigat ang nararamdaman niya pero hindi siya papayag na basta nalang matalo ni Ilana. She waited too long for this, and they shouldn't end like this. Michelle shook her head. “I can do anything to make you stay, Gray. Mahal na mahal kita at hindi ako naghintay ng matagal para lang maiwan sa huli!” “What do you want me to do?” Halos paos na tanong ni Gray. “I don't want you to suffer, Mich. Kung may magdudusa man, ako lang dapat iyon. Hindi ikaw. Hindi si Ilana—” “ILANA NA NAMAN! ILANA! ILANA! LINTEK NA ILANA IYAN!” Sigaw ni Michelle sa sobrang frustrasyon. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi habang nag-uumapaw ang kaniyang galit. “Mula nang bumalik ako, pal