Three years later…
MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras. Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay. Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely. “Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak. Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng maninipis at natural na mapula nitong labi. Ang bawat ugat sa braso nito ay tila kay sarap haplusin. Nang tumama naman ang itim nitong mga mata sa kaniya ay kaagad na nagliparan ang mga paruparo sa kaniyang tiyan. His gaze alone could make her feel so nervous. “Tapos na.” Pinilit ni Ilana na maging kaswal sa pagsagot. Ayaw niyang magkaroon ito ng katiting na ideya sa tunay na tinitibok ng kaniyang puso. Lumapit pa si Gray at kumuha ng baso. Nagsalin ito ng tubig saka uminom habang nakatayo sa kaniyang harapan. Kitang-kita ni Ilana ang pag-alon ng lalamunan nito at hindi niya mapigilang mapatitig ng husto. When was the time he last touched her? Oh, right! He didn't. He never touched her. Mag-asawa sila pero kakatwang birhen siya dahil ni isang beses ay hindi siya hinawakan ng asawa. Mapait ang damdamin na inilabas ni Ilana ang brown envelope na hawak niya sa ilalim ng mesa. Sobra na siyang nasasaktan kaya bago pa siya madurog ng tuluyan ay uunahan na niya. Alam niyang darating ang lahat sa puntong ito. Ang bawat bagay sa mundo ay may hangganan. Tulad ng kung paano matutuldukan ngayon ang kasunduan niya sa kaniyang asawa tatlong taon na ang nakararaan. Sinubukan niyang pagilan pero hindi na kayang supilin ng maliit niyang palad ang paghulagpos ng nag-aalab na damdamin. She fell in love with the man she married out of desperation and today they're going to end the agreement. Tapos na ang lahat. Nakuha na ni Gray ang mana nito noong nakaraang linggo. Ang mana na sanhi ng desperadong desisyon nito. He won. But then, his triumph is her loss. Big loss. Kumunot ang noo ni Gray na nakatayo sa kaniyang harapan bago inabot ang envelope. “Ano ito?” “Pinirmahan ko na. Pirma mo nalang ang kulang,” dugtong ni Ilana imbes na sagutin ang tanong ng asawa. Natigilan si Gray habang nakatitig sa hawak na papel. Divorce agreement. Pinilit ngumiti ni Ilana nang tingnan siya ng asawa. “Nakita ko iyan sa drawer mo kaya kinuha ko at pinirmahan na. Hindi ko kukunin ang compensation money dahil mas gugustuhin kong ituloy mo nalang ang suporta sa pagpapagamot ng papa ko.” Matagal bago nakasagot si Gray. Tinitimbang ni Ilana ang ekspresyon sa mukha ng asawa pero tulad ng misteryoso, malalim, at mapanganib na karagatan ay mahirap itong maintindihan. Patuloy ang malakas na pintig ng puso ni Ilana at hindi niya alam kung magagawa niya pang kumalma dahil sa loob loob niya ay nadudurog siya lalo. Walang duda, mahal niya talaga ang manhid niyang asawa. Ibinalik ni Gray ang papel sa loob ng envelope at inilapag sa mesa. Hinilot nito ang sintido saka tumalikod at nagsalita. “Bukas ko na pipirmahan, masakit ang ulo ko.” Walang nagawa si Ilana kundi pagmasdan na lamang ang kaniyang asawa na pumasok sa sarili nitong silid. Magkasama sila sa iisang bahay pero hindi sa iisang kwarto. Sa kaniya ang master bedroom at sa guestroom naman natutulog si Gray. He wasn't rude to her. Katunayan ay maayos ang pagsasama nila. Ni isang beses ay hindi sila nag-away pero iyon ang masakit kay Ilana. They never fought because they never opened up to each other. Simpleng pag-uusap at walang misunderstanding. Hindi ideal para sa kaniya ang ganitong relasyon. It's too good to be true. *** KINABUKASAN ay nagising si Ilana sa mumunting ingay na nanggagaling sa kusina. Lumabas siya ng silid at naabutan ang kaniyang asawa na nakaupo sa stool chair sa harap ng island counter. Nakasuot ito ng putong tee shirt at sweat pants. May kape sa harapan nito at kalmadong sumisimsim habang sa harapan nito ay nakatayo ang isang matandang babae at naglalagay ng mga food containers sa refrigerator. “Maganda nga na ipakilala mo na si Ilana sa publiko para mas lalong lumaki ang paghanga at tiwala sa ‘yo ng board members. Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako sang-ayon sa paglilihim ng kasal niyo. At bakit ba hanggang ngayon ay wala pa kayong anak?” Napakamot ng batok si Ilana dahil sa mga naririnig. Nang tumama sa kaniya ang paningin ng matanda ay agad na umamo ang mukha nito. “Ilana, hija!” Ngumiti siya at sinalubong ng yakap ang matanda. “Grandma… Ang aga niyo po.” Mahinang natawa ang matanda. Lola ito ni Gray at talagang gustong-gusto siya nito. “Nagdala ako ng mga pagkain, apo. At dinalhan rin kita nito.” Excited nitong ipinakita ang dalang kahon. “Maganda ito para makabuo na kayo ni Gray. Tatlong taon na, hija. Sigurado ka bang walang problema? Hindi naman sa pinahihina ko ang loob mo pero nababahala lamang ako. Gusto mo bang samahan kita magpatingin?” Napatingin si Ilana kay Gray na nakatitig pala sa kaniya. Hindi niya alam ang sasabihin. Paano nga ba siya mabubuntis kung ni isang beses ay walang nangyari sa kanila ng kaniyang asawa? Paano niya ipaliliwanag sa mabait matanda na hindi sila normal na mag-asawa ni Gray? Paano niya ipaliliwanag na kasinungalingan ang kanilang relasyon at nalalapit na ang pagtatapos nito. Tumayo si Gray at naglakad palapit sa kanila. Kinuha nito ang kahon at ipinatong sa mesa bago tumayo sa kaniyang tabi at hinarap ang lola. “Grandma, tingin mo makakabuo kami kung halos araw-araw mong pinipressure si Ilana?” Suminghap ang matanda. “I am not pressuring her! I’m just worried! Gusto ko na ng apo, Gray!” Bumuntong-hininga si Gray. “Bakit hindi si Grant ang kulitin niyo tungkol sa bagay na iyan? Hindi namin kayang madaliin ni Ilana ang bagay na iyan.” Umismid ang matanda at tumalim ang tingin sa apo. “Ang sabihin mo ay naloloko ka na naman sa babaeng Herrera na iyon kaya hindi ka makabuo-buo kasama si Ilana. Nabalitaan kong nakabalik na ng bansa ang babaeng iyon noong nakaraang buwan. Sabihin mo, nakikipagkita ka ba sa babaeng iyon?” Nagtagis ang bagang ni Gray. Kitang-kita iyon ni Ilana. Si Michelle Herrera ay anak ni Governor Herrera na kalaban ng ama ni Gray. Natalo nito sa kampanya ang ama ni Gray na nagdulot ng lamat sa relasyon ng dalawang pamilya. Halos apat na taon na ang nakalilipas simula nang mangyari iyon. Naging Mayor ang ama ni Michelle at ngayon ay Governor na pero ang away sa pagitan ng dalawang pamilya ay hindi pa rin humuhupa. “Labas sa usapan si Mich, grandma—” “Hindi!” Marahas na umiling ang matanda. “Tigilan mo ang kahibangan mo sa babaeng iyon, Gray! Hindi ako makapapayag na mabahiran ng Herrera ang pamilya ko. Hinding-hindi ako papayag!” Napayuko na lamang si Ilana at walang nagawa nang magmartsa palabas ang matanda. Naiwan silang mag-asawa sa kusina na binabalot ng malamig at nakabibinging katahimikan. Gray and Michelle's love story is like of Romeo and Juliet. Two powerful families. Mortal enemies. Forbidden love. So tragic and yet heartwarming. Samantalang siya…sabit lamang siya. Isang extra na kailanman ay hindi mabibigyan ng pagkakataong maging bida.ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong.Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa
HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?”Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob.“H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko.“As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.”A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa.“Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.”Sa bigat na nararamdaman ni Ilana a
MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum
“LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya. Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me
“THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip.“Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.”Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.”Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kail

ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong.Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa
Three years later…MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras.Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay.Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely.“Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak.Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng