HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.
“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?” Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob. “H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko. “As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.” A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa. “Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.” Sa bigat na nararamdaman ni Ilana ay hindi na niya nagawang magpaalam sa dalawa. Tumalikod siya at umalis na walang imik. Dire-diretso siya at nang makasakay sa taxi ay namilibis ang luha sa kaniyang pisngi. Naninikip ang kaniyang dibdib. Hindi naman dapat siya masaktan ng ganito. Una palang ay alam na niya ang lugar niya pero sinindihan ni Lovella ang pag-asa sa kaniyang puso kanina. Ngayon tuloy ay nagdudusa siya. Bakit nga ba siya umasa? Dahil hindi kaagad pinirmahan ni Gray ang divorce papers? Dahil mabait ito sa kaniya? Dahil maalaga ito? Dahil ni isang beses ay hindi siya pinagtaasan ng boses? Dahil hindi ito pumalya sa pag-uwi sa kaniya tuwing gabi at pag-alala sa kaarawan niya sa nakalipas na tatlong taon? How ridiculous! How stupid! Those are just normal responsibilities of a husband. Nang makauwi ay niligpit ni Ilana ang niluto. Itinapon niya ang lahat dahil sa sakit at sama ng loob saka pumasok sa silid at matutulog na sana nang narinig niya ang pag beep ng pinto tanda na may nagpapasok ng passcode. Tumambad sa kaniya si Gray nang bumukas ang pinto. Hindi makapaniwala si Ilana na sumunod ito sa kaniya pauwi gayong malinaw na sinabi ni Michelle na magdidinner pa ang dalawa. “Si Michelle?” Tanong niya na hindi na napigilan. Niluwagan ni Gray ang suot na tie at umiling. “Home.” “Akala ko may dinner kayo?” Tinitigan niya ang asawa. Pumasok na naman sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Lovella. Shit! Bakit ba nagpapakatanga pa siya? Malinaw na ang nasaksihan niya. Kinukuha pa nga siyang wedding planner e. “I’m tired. I sent her home and now I’m here.” Napalunok si Ilana. Itinapon niya ang niluto niya. Bigla tuloy siyang nanghinayang. “Kumain ka na?” Tanong niya. Halos napaatras siya nang nag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang paningin. Gumalaw ang panga nito. “I’m not hungry. Are you?” Umiling si Ilana. “Busog ako. Kumain ako sa labas kanina.” Tumango si Gray at nilagpasan siya. Pumasok ito sa kusina at nakatulala lamang si Ilana sa sahig. Ganito palagi sila. Hindi nag-aaway. Normal na nag-uusap. Pero ang pakiramdam ay hindi normal. Naalala niya ang divorce agreement. Agad niyang sinundan ang asawa sa kusina. Umiinom ito ng malamig na tubig. “Pumirma ka na ba?” Halos hindi iyon lumabas sa kaniyang mga labi. Tumingin ito sa kaniya habang umiinom bago ibinaba ng bahagya ang baso na may kaonti pang laman. “Not yet.” Tumango si Ilan. “Kukunin ko. Pirmahan mo na ngayon—” Natigilan si Ilana at nanlaki ang mga mata nang makarinig ng nabasag. Natuon ang kaniyang paningin sa matutulis na piraso ng bubog sa kamay ni Gray habang walang tigil sa pagtulo ang dugo mula sa kamay nito. Binalot ng pag-aalala si Ilana at mabilis na tumakbo palapit sa asawa. Ibinuka niya ang palad nito at ramdam niya ang pamumutla niya nang makita ang malaking piraso na nakatusok sa palad nito. “Gray!” Hindi niya napigilang bulyaw habang malakas ang pintig ng puso sa nerbyos. Nagtagis ang bagang ng lalaki. “I can't sign now. I'm injured.” Hindi pinansin ni Ilana ang sinabi nito. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bubog at akmang huhugutin sa palad nito nang ilayo nito ang kamay saka ito na mismo ang bumunot ng bubog. Mabilis na umiwas ng tingin si Ilana at kita niya sa gilid ng kaniyang mata ang paglapit nito sa sink para hugasan ang kamay. Matapos nitong patayin ang gripo ay kumuha ito ng panyo at akmang ibabalot sa nasugatang palad nang pigilan niya ito. Hinawakan niya ang pulso nito sa kabilang kamay at hinila papasok sa common bathroom. Binuksan niya ang cabinet at kinuha ang first aid kit. “Ano bang iniisip mo at nabasag mo ang baso?” Hindi niya napigilang tanong habang ginagamot ang sugat nito. Tahimik lamang si Gray. Nang nag-angat siya ng tingin ay nahuli niya ang titig nito. May kakaibang kislap sa mga mata nito at unti-unting lumilinaw ang emosyon na iyon. Galit. At hindi niya maintindihan kung para saan. Muling nag-igting panga ng lalaki. “Grant is back in the country.” Saglit na natigilan si Ilana. Grant Montemayor is Gray's cousin and her ex-boyfriend. Hindi niya alam na magpinsan ang dalawa. Nalaman nalang niya nang ikasal siya kay Gray. Anim na buwan niyang boyfriend si Grant at hiniwalayan niya ito nang maaksidente ang kaniyang ama. Ayaw niyang madamay ito sa paghihirap niya at gusto niya ring magfocus sa kaniyang ama. “You knew?” May bagsik ang boses ni Gray at ito ang unang pagkakataon na narinig ni Ilana ang tono na iyon kaya naman gulat siyang napatitig sa lalaki. Madilim ang tingin sa kaniya ng asawa habang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang. “You knew. Was that why you signed the divorce papers without a second thought? Did he promise you a relationship after our divorce?” Suminghap si Ilana. “Gray, wala kaming komunikasyon—” “Bullshit!” Tinabig ni Gray ang first aid kit at napatalon nalang si Ilana sa gulat. Hindi niya maintindihan ang ikinagagalit nito. Tinitigan siya ng asawa at halos nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. Napaatras si Ilana nang humakbang ito dahilan para mapasandal siya sa malamig na pader habang sinasalubong ang nagliliyab na mga mata ng asawa. “Gray…” Halos hangin nalang ang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa gulat habang nakatingin sa asawa. This was the first time. “Not my cousin, Ilana. I will not allow you to date my cousin,” mabagal na umiiling pa si Gray habang sinasabi iyon at ramdam ni Ilana ang galit nito. Nang umalis si Gray ay naiwan si Ilana na tulala sa banyo. Hindi niya alam ang mararamdaman. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso dahil sa sigaw at galit ni Gray at hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya. Kung bakit tila nandidiri si Gray sa ideya na magiging sila muli ng pinsan nito na minsan nang dumaan sa buhay niya at minahal niya.MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum
“LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya. Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me
“THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip.“Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.”Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.”Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kail
Three years later…MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras.Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay.Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely.“Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak.Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng
ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong.Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa

MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum
HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?”Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob.“H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko.“As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.”A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa.“Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.”Sa bigat na nararamdaman ni Ilana a