NaomiBumangon ako paupo ngunit akong napapikit ng mariin. Pumintig ng masakit ang sintido ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Tumayo ako pero agad ding natigilan. Masakit ang pagitan ng mga hita ko. Iba rin ang pakiramdam ko doon. Bigla akong nag-aalala kaya kahit may iniinda ay nagmadali akong lumabas para hanapin si nanay."Nay?" tawag ko. Pumunta ako sa kusina para tingnan kung naroon s'ya pero wala s'ya doon. Napakatahimik din ng buong bahay. Wala rin yata si Addison. Lumabas ulit ako at tiningala ang orasan. Alas-dyes na pala ng umaga.Kabado akong umupo sa sofa at pilit na inalala ang nangyari kagabi. Nagse-serve lang ako dahil ipinaki-usap ako ni nanay kay Madame Martha.. at si Congressman Quinn, sa kanila ako nakatoka. At saka paano ako nakauwi nang hindi ko naaalala? Nawalan ba ako ng malay dahil sa sama ng pakiramdam ko kagabi?Hinilot-hilot ko ang sintido kong pumipintig pa rin. 'Alalahanin mo ng maigi.' Bigla namang pumasok sa isip ko si Congressman at ang iba pang mga eksena. M
Quinn"Ikaw Quinn. Kailan mo balak mag-asawa ha? At bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa dinadala rito ang sinasabi mong girlfriend mo? Magte-trenta ka na at dapat ay may isa ka ng anak. Hindi ka na bumabata," ani Papa at ibinaba ang kutsara sa kaniyang plato.Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Hayaan mo, Pa. Ipapakilala ko rin s'ya sa inyo.""Sigurado ka ba d'yan? Narinig mo ba 'yon, hon?"Napatingin naman ako kay Mama."Oo narinig ko," sagot nitong hindi tumitingin sa amin ni Papa at tuloy lang sa paghiwa ng beef steak. "Pero siguraduhin mo lang na pasado s'ya sa standards ko. Mayroon namang iba d'yan. Iyong anak ni Mayor Reyes, si Clarissa.""Ano ka ba naman hon. Hayaan mo na ang anak nating pumili," sabi ni Papa. Nagbuntong-hininga lang naman si Mama at saka sandaling sumulyap sa akin. "Siguraduhin mo lang na hindi mo 'yan napulot sa tabi-tabi. Kung hindi ay hindi ako makapapayag."Nagkatinginan kami ni Papa pero walang sinabi sa isa't isa. Mahina na lang akong napabuntong-h
NaomiNakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising akong napakabigat pa rin ng dibdib. Hindi ko alam kung maliwanag pa ba o madilim na sa labas. Nanatili akong tuwid na nakahiga sa kama, tuwid at nakalapat ang braso sa gilid. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang manatili na lang dito at huwag ng lumabas pa.Nasa gano'n akong posisyon nang makarinig ako ng katok sa pinto. Tumingin lang naman muna ako ro'n bago bumangon. Wala akong ganang kumilos."Miss, Naomi. Gising ka na ba?" boses iyon ng driver ni Congressman."O-Oo po," malumanay kong sagot at tumayo na. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na dito ako sa k'wartong ito natulog pero wala na akong pakialam. Pinaawang ko ng kaunti ang pinto."Ah, Miss Naomi. Heto ho. Ibinilin sa akin ni Sir Quinn na bilhan ka ng mga damit."Binuksan ko na ng mas malaki ang pinto at inabot ang mga paper bag na inaabot niya sa akin. Sa mga iyon lang din ako nakatingin at hindi sinubukang tumingin sa mukha niya dahil sa namumugto kong mga mata.
Naomi"C.. Congressman," tawag ko ulit sa kaniya dahil naroon lang s'ya at nanatiling nakatayo sa pintuan. Walang emosyon ang kaniyang mga matang pinapanood akong pinagpaparausan ng demonyong lalaki sa likuran ko."Quinnn, please," nag-uuntugan ang mga bagang kong pagmamakaawa sa labis na kagustuhang makawala sa sitwasyon ko. "T-Tulungan mo ako pakiusap."Kumilos s'ya. Akala ko ay lalapitan niya ako at sasaklolohan pero ngumisi lang siya at pagkatapos ay isinarado na ang pinto.Napasinghap ako ng hangin at lalo pang napaiyak. Hindi niya ako tinulungan? Ha! Oo nga pala. Isang malandi at bayarang babae nga pala ang tingin niya sa akin.MATAPOS ang kababuyang ginawa sa akin ay nagkulong ako sa loob ng cubicle at doon umiyak nang umiyak. Sobra na akong naaawa sa sarili ko. Bakit nila ito ginagawa sa akin? Para na rin nila akong pinapatay ng dahan-dahan."Isa kang hayop, Congressman," puno ng galit kong sambit habang nanggigigil na hinahaklit ang gown ko. Bakit hindi manlang niya ako tinul
NaomiNanlalata akong bumangon nang magising kinabukasan. Kung p'wede lang na huwag ng bumangon ay gagawin ko. Dito na lang ako sa k'warto at maghihintay na lang ng pagsikat at paglubog ng araw.Nagpalit ako ng damit at lumabas. Wala ang sasakyan ni Congressman at wala rin si Christian. Bumalik ako sa k'warto at hinalwat ang laman ng isa pang paper bag. Sinuot ko ang sunglasses at facemask na nakuha ko at pagkatapos ay lumabas na ulit."Saan kayo pupunta, Miss Naomi?"Napatigil ako at nilingon ang guard. "A-Ah. Bibisitahin ko sana ang nanay k-ko," sabi ko.Umalis ito sa guard house, nilapitan ako at pinabalik sa loob. "Pasens'ya na, Miss Naomi. Ibinilin kasi ni Sir Quinn na huwag kayong palalabasin."Ang hayop na 'yon . . .Naikuyom ko ang palad ko. Walang hiya talaga ang Quinn na iyon. Wala talaga s'yang puso.Hinarap ko si manong. "Babalik din naman ho ako kaagad, p-pangako. Kailangan ko lang makita ang nanay ko," pagmamakaawa ko rito.Napabuntong hininga ito kaya't umasa akong pal
Quinn"Pakibilisan," sabi ko sa private doctor ng pamilya namin na si Dr. Marquez."Yes po, Congressman."Pinatay ko na ang tawag at mas binilisan pa ang pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa bahay. Nagmadali akong lumabas ng kotse at mabilis na naglakad papasok sa loob."Sir Quinn!" Sinalubong ako ni Christian sa may pinto."Where is she?" tanong ko."Nasa k'warto niya ho."Tinakbo ko na ang distansya hanggang sa k'warto ni Naomi. Unang tumambad sa akin ang mga basag na bote pagkapasok ko. Ito naman ay nasa kama, hilam sa luha ang namumutlang mukha, at duguan ang damit na nanggaling sa kamay nitong may benda. Napatiim-bagang ako. Dito pa talaga niya naisipang magkalat sa pamamahay ko sa dami ng lugar? Sinasagad niya talaga ng sobra ang pasens'ya ko."Kailangang dalhin na s'ya sa hospital, Sir. Kahit tinalian ko na ang kamay niya ay dumudugo pa rin.""Hindi." Lumapit ako sa babae at inabot ang kabilang kamay nito para pulsuhan. Mahina ang pagtibok no'n pero sigurado akong hind
NaomiPagkatapos kong maglaba ay bumalik muna ako sa k'warto. Pinagmasdan ko sa salamin ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko pa rin ang bigat doon. Namumula ang parte kung saan tumama ang singsing. Sigurado akong mamaya ay magkakapasa 'yon.Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na lang ininda ang sakit. Bumaba na lang ako ulit. Dumiretso ako sa labas ng bahay at nilapitan ang mga halaman na wari ko ay hindi na nagugupitan dahil sa hindi na nagkakapantay-pantay nitong mga dahon.Kumuha ako ng gunting sa loob at dinala sa labas. Tahimik kong ginupit ang mga dahon na hindi pumapantay sa iba. Tinanggal ko rin ang mga natutuyo na. Ganoon ang ginawa ko sa lahat ng mga halaman. At nang matapos ay diniligan ko na rin ang mga ito.Napapabuntong-hininga ako habang nakatayo at pinagmasdan ang ginawa ko. Ano naman kaya ang gagawin ko sunod nito? Ayaw kong tumahan lang at damhin ang lungkot ng mag-isa.Bumalik ako sa loob at pumunta sa kusina. Magluluto na lang ako ng tanghalian. Kumuha ako ng
AndreaNakangisi kong pinanood si Naomi na tumigil sa paggalaw at tuluyang lumubog. "Suit you," asik ko at tumayo na. She deserve it naman. Dapat lang 'yon sa katulad niyang malandi. At saka, pabor lang naman 'yong ginawa ko sa kaniya. Sinubukan niyang magpakamatay 'di ba nga? Iyon nga lang ay hindi natuluyan kaya ngayon ay tinulungan ko na lang siya.Pumasok na ako sa loob at sa hagdan ay nakita ko si Quinn na pababa pa lang."You're here already? Papunta pa lang ako sa pool," aniya.Ngumiti naman ako at sinalubong s'ya. Pinulupot ko ang braso ko sa kaniyang baiwang. "Malamig na. Let's just go back to our room. Isa pa ay madumi ang tubig ng pool.""Madumi? Kapapalit lang ni Christian ng tubig no'n kanina."Pinapihit ko s'ya pabalik. "Can we just go back? Tinatamad na rin naman ako. I just want to cuddle with you instead." Niyuko naman niya ako habang ang mga mata'y parang nagsususpets'ya. Fine. Matalino s'ya. Alam kong malalaman niya ang ginawa ko anytime from now. Tsk. Bakit ba? S