Naomi"Umalis ka na sa kaniya, Nao," sabi ni Jacob matapos naming mag-order ng pagkain. Nasabi ko na sa kaniya ang dahilan kung bakit napunta ako kay Congressman Quinn. Pero hindi ko sinabi ang mga kababuyang ginawa ng mga ito sa 'kin. Ang tanging sinabi ko lang ay hindi ganoon kaganda ang pagtrato ni sa akin ni Congressman.Malungkot akong ngumiti. "H-Hindi p'wede. Hindi papayag si Nanay.""Bakit ka ba ganiyan?"Napatingin ako sa kaniya dahil sa inis sa kaniyang boses. "Hanggang kailan mo gagawin 'yan?""Ang a-alin?"Nagsalubong ang kilay niya. "Iyan. Iyang kabaitan mo? Naaabuso ka na, Nao. At hindi lang nila, inaabuso mo na rin 'yang sarili mo. Bakit mo ba sila ginagawang mundo?"Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Mahal ko sila, Jacob.""Naroon na nga tayo sa mahal mo sila. Pero ikaw, inaalala manlang ba nila ang nararamdaman mo? Kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong may maling nangyayari. Hindi iyon kayang itago ng mga mata mo."Agad namasa ang mga mata ko pero pinigilan ko a
NaomiMaga-alas dose na ng hating gabi at marami pa akong asignatura na kailangang tapusin pero ito ako ngayon at mas tumatambak pa ang kailangang hugasan. Pumupunta talaga ako dito sa restobar ni Madame Martha para sumideline sa paghuhugas nang sa gano'n ay may iabot din ako kay nanay at ipanggastos ko sa kailangan ko sa school. Kahit papaano ay nakakatulong din naman."Oh, huwag kang tatayo at iisiping umalis para ako na lang ang tumapos." Dumating si Nanay at pabagsak na inilagay ang mga baso sa palanggana.Pinahid ko naman ang talsik ng bula sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. "P-Pero may activity pa ako 'nay. K-Kailangan ko ho iyong tapusin dahil deadline na b-bukas." Hindi ko man tinitingnan ang nanay ko ay alam kong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko."Sinasabi ko sa'yo, Naomi. H'wag ka ng mag-aral, masasayang lang ang oras. Wala ka namang alam kaya wala ring k'wenta! Gamitin mo na lang 'yang ganda mo. Humanap ka ng mayaman, kahit matanda, akitin mo! At nang mapakin
Naomi"Miss, ayos ka lang ba?"Tumayo ako at hindi ako nag-abalang lumingon para magpasalamat na iniligtas niya ako dahil sana ay hindi na lang niya iyon ginawa. Mas ipagpapasalamat ko pa kung hinayaan na lang niya akong masagasaan.Lumakad na ulit ako at hindi pinansin ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao sa aking paligid. Dumiretso ako sa maingay na parke at doon ay nagsimula na naman akong umiyak. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay ayaw sa akin ng mundo kaya't sinasaktan ako ng ganito.Nagpalipas ako ng gabi sa malamig na parke ng walang tulog at halos sisikat na ang araw nang magdesisyon akong umuwi kinabukasan. Kung mayroon lang sana akong lakas ng loob na hindi na lang umuwi ay gagawin ko. Pero wala akong kapal ng mukha para layasan si nanay. "Aba'y umuwi ka pa," bungad sa akin ni nanay. Nakaupo ito sa kawayan naming sofa at nagkakape. "Nag-aarte na naman," mataray na komento ni Addison, anak ni nanay. Nakatapis lang ito ng tuwalya at kalalabas lang ng banyo. Hindi
Naomi"Sayang lang at hindi tayo makakaporma sa kanila dahil pinagbawalan tayo ni Madame," anas ng babaeng sinasabing ang mukha ng bar na ito dahil ito ang pinakamaganda at mabenta. Napasulyap ito sa akin at iniwas ko naman ang tingin sa kaniya."Ikaw si Naomi, hindi ba? Ikaw rin 'yong babae kagabi." Lumapit s'ya sa akin at sumandal patagilid sa makapal na plywood na nagsisilbing tabing nitong dressing area."A-Ako nga.""Maganda ka. Bakit hindi ka na lang mag-strip dancer? Maganda ang kitaan. Hindi ka lang basta babayaran. Bukod ang tip ng mayayamang lalaki kapag nagustuhan ka." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Hmm. Sigurado akong magiging mabenta ka.""A-Ah k-kasi, umi-extra lang ako. P-Pumapasok pa kasi a-ako," utal at hindi makatingin sa kaniyang sagot ko. "Pasens'ya na pero kailangan ko nang lumabas.""Sayang na babae, gugugulin lang ang oras para sa walang k'wentang pag-aaral," dinig ko pang sabi niya pero himdi ko na siya nilingon at diretso nang lumabas. Sanay na rin
NaomiBumangon ako paupo ngunit akong napapikit ng mariin. Pumintig ng masakit ang sintido ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Tumayo ako pero agad ding natigilan. Masakit ang pagitan ng mga hita ko. Iba rin ang pakiramdam ko doon. Bigla akong nag-aalala kaya kahit may iniinda ay nagmadali akong lumabas para hanapin si nanay."Nay?" tawag ko. Pumunta ako sa kusina para tingnan kung naroon s'ya pero wala s'ya doon. Napakatahimik din ng buong bahay. Wala rin yata si Addison. Lumabas ulit ako at tiningala ang orasan. Alas-dyes na pala ng umaga.Kabado akong umupo sa sofa at pilit na inalala ang nangyari kagabi. Nagse-serve lang ako dahil ipinaki-usap ako ni nanay kay Madame Martha.. at si Congressman Quinn, sa kanila ako nakatoka. At saka paano ako nakauwi nang hindi ko naaalala? Nawalan ba ako ng malay dahil sa sama ng pakiramdam ko kagabi?Hinilot-hilot ko ang sintido kong pumipintig pa rin. 'Alalahanin mo ng maigi.' Bigla namang pumasok sa isip ko si Congressman at ang iba pang mga eksena. M
Quinn"Ikaw Quinn. Kailan mo balak mag-asawa ha? At bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa dinadala rito ang sinasabi mong girlfriend mo? Magte-trenta ka na at dapat ay may isa ka ng anak. Hindi ka na bumabata," ani Papa at ibinaba ang kutsara sa kaniyang plato.Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Hayaan mo, Pa. Ipapakilala ko rin s'ya sa inyo.""Sigurado ka ba d'yan? Narinig mo ba 'yon, hon?"Napatingin naman ako kay Mama."Oo narinig ko," sagot nitong hindi tumitingin sa amin ni Papa at tuloy lang sa paghiwa ng beef steak. "Pero siguraduhin mo lang na pasado s'ya sa standards ko. Mayroon namang iba d'yan. Iyong anak ni Mayor Reyes, si Clarissa.""Ano ka ba naman hon. Hayaan mo na ang anak nating pumili," sabi ni Papa. Nagbuntong-hininga lang naman si Mama at saka sandaling sumulyap sa akin. "Siguraduhin mo lang na hindi mo 'yan napulot sa tabi-tabi. Kung hindi ay hindi ako makapapayag."Nagkatinginan kami ni Papa pero walang sinabi sa isa't isa. Mahina na lang akong napabuntong-h
NaomiNakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising akong napakabigat pa rin ng dibdib. Hindi ko alam kung maliwanag pa ba o madilim na sa labas. Nanatili akong tuwid na nakahiga sa kama, tuwid at nakalapat ang braso sa gilid. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang manatili na lang dito at huwag ng lumabas pa.Nasa gano'n akong posisyon nang makarinig ako ng katok sa pinto. Tumingin lang naman muna ako ro'n bago bumangon. Wala akong ganang kumilos."Miss, Naomi. Gising ka na ba?" boses iyon ng driver ni Congressman."O-Oo po," malumanay kong sagot at tumayo na. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na dito ako sa k'wartong ito natulog pero wala na akong pakialam. Pinaawang ko ng kaunti ang pinto."Ah, Miss Naomi. Heto ho. Ibinilin sa akin ni Sir Quinn na bilhan ka ng mga damit."Binuksan ko na ng mas malaki ang pinto at inabot ang mga paper bag na inaabot niya sa akin. Sa mga iyon lang din ako nakatingin at hindi sinubukang tumingin sa mukha niya dahil sa namumugto kong mga mata.
Naomi"C.. Congressman," tawag ko ulit sa kaniya dahil naroon lang s'ya at nanatiling nakatayo sa pintuan. Walang emosyon ang kaniyang mga matang pinapanood akong pinagpaparausan ng demonyong lalaki sa likuran ko."Quinnn, please," nag-uuntugan ang mga bagang kong pagmamakaawa sa labis na kagustuhang makawala sa sitwasyon ko. "T-Tulungan mo ako pakiusap."Kumilos s'ya. Akala ko ay lalapitan niya ako at sasaklolohan pero ngumisi lang siya at pagkatapos ay isinarado na ang pinto.Napasinghap ako ng hangin at lalo pang napaiyak. Hindi niya ako tinulungan? Ha! Oo nga pala. Isang malandi at bayarang babae nga pala ang tingin niya sa akin.MATAPOS ang kababuyang ginawa sa akin ay nagkulong ako sa loob ng cubicle at doon umiyak nang umiyak. Sobra na akong naaawa sa sarili ko. Bakit nila ito ginagawa sa akin? Para na rin nila akong pinapatay ng dahan-dahan."Isa kang hayop, Congressman," puno ng galit kong sambit habang nanggigigil na hinahaklit ang gown ko. Bakit hindi manlang niya ako tinul