PILIT NA PINIPIGIL ni King ang galit niya nang magising sa banyo ni Duncan. Dahil sa matinding epekto ng dróga at tama niyon sa katawan niya ay hindi niya nakayanan ang mga nararamdaman at nakatulog nang hindi niya namamalayan. Hindi niya makakalimutan ang naramdaman kagabi na para bang hindi niya na alam kung ano ang totoo sa hindi habang nasa loob ng banyo. Pakiramdam niya rin ay ilang ulit siyang nagkakasala kahit ang totoo’y wala naman siyang ginagawa sa loob ng banyo dahil sa tama niyon sa kanyang utak.Para makaramdam ng ganoon ay tila ba bangungot sa kanya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagkababa ng sarili dahil sa paglalaro ng kapatid niya sa kanya.Hindi kaagad siya lumabas ng kwarto ni Duncan, si James ang ipinatawag niya kasama ng family doktor nilang mga Salvantez. Mukhang hindi rin alam ng mga tao sa bahay na narito siya sa kwarto ni Duncan dahil nagulat pa ito nang mabungaran siya doon.“S-sir?” gulat na tanong nito sa kanya nang makita siyang nakahiga sa kama.“Wher
HINDI NA NAG-AKSAYA pa ng panahon si Liberty. Kaagad na siyang nakipag-usap sa lawyer na ibinigay ng kanyang mga kaibigan katulad na rin ng naging payo sa kanya ni King. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkakaroon na siya ng lakas ng loob na magkipagkita isang araw sa abugado para hiwalayan ang asawa.Sinabi niya rin sa kanyang asawa ang mga property na kailangan nilang paghatian kung sakaling matuloy ang hiwalayan. Hindi lang naman kase ito ang nagmamay-ari niyon. Ang iba roon ay nararapat niyang makuha dahil sa tagal niyang nagtrabaho sa kompanya nang tanging silang mag-asawa lamang ang nakakaalam.“We also had an agreement that I can get my money whenever I needed it,” sabi niya sa attorney. “Pero kilala ko si Duncan, hindi siya papayag na maibigay ang para sa akin. Iipitin niya ako hanggang sa ako na mismo ang sumuko at bumalik sa kanya.”“We will do our best, Miss Liberty.”“Kung hindi ko makukuha ang mga iyon, wala na akong pakialam, Attorney. Ang gusto ko l
“KANINA KA PA ba riyan, Liberty?” gulat na tanong ng Ate Leslie niya.“Sapat lang para marinig ko ang mga sasabihin niyo,” sabi niya sa dalawa habang pilit na kinakalma ang sarili. “Sapat lang para mabuksan ang isipan ko na wala na palang pag-asa ang pamilyang inilalaban ko.”“L-liberty… ano kase—”“Leslie!” suway ng Nanay Milagros niya.Saglit niya itong tinitigan. Makikita sa paraan ng pagtitig niya ang hindi makapaniwala at may kasamang panghuhusga.“Mayaman? Mahuthutan ng pera?” hindi niya makapaniwalang sambit sa dalawa habang nagsisimulang tumulo ang kanyang luha. “Ano bang akala niyo sa akin, bangko ninyo na kapag kailangan niyong mag-withdraw ay kukuha lang? ‘Yong perang kinikita ko, pinaghihirapan ko iyon, Nay! Hindi ko lang pinupulot sa kung saan.”“Napakabalat-sibuyas mo naman—”“Kase tao ako!” may diin niyang sambit sa ate niya. “Normal lang na ganito ang maramdaman ko kase iyong pinagkatiwalaan kong pamilya, handang ilaglag ako para sa pera.”“Hindi mabubuhay ang tao nang
“NIYAYA MO AKONG lumabas, b-bakit?” hindi niya mapigilang magtanong sa binata nang tawagan siya nito pagkatapos ng buong maghapon nilang pagtatrabaho para sa application na kanilang ginagawa.Hindi nakaligtas sa kanya ang tunog ng paglunok ng binata mula sa kabilang linya ng cellphone. Hindi niya rin alam kung bakit hindi na lang siya nito puntahan? Napakalapit lang naman ng opisina ng binata sa kanya. Nahihiya ba ito sa kanya?Sa isiping iyon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Unti-unti, tuluyan niya ng natutuklasan ang iba pang mukha ng binata na dati nitong ikinukubli. Mas sanay siya na ang nakakunot na noo lamang nito at salubong na kilay ang kanyang nakikita. Bukod doon ay wala na kaya naman nasisiyahan siya na mas makilala pa ito ngayon.“Ngayon na ba talaga?” muli niyang tanong dito.Hindi niya mapigilang pasimpleng tingnan ang sarili sa harapan ng salamin. Makikita sa pagod niyang hitsura ang maghapon na pagtatrabaho. Inaantok na rin siya. Ngunit habang nakaharap sa salami
“SA KASASAMA MO kay Ruffa, naging taklesa ka na!” Tumatawa pa ring sambit ni King.Heto na naman tuloy ang masama niyang pagtitig sa binata.“I’m just telling the truth, Liberty—”“Wow ha!” sambit niya rin sa binata. “Nang-aasar ka ba o nagsasabi lang ng totoo?” tanong niya rito habang sinusupil din ang ngiti ngunit hindi niya na rin mapigilan na pakawalan ang malakas na pagtawa. “Dalas-dalasan mo ang pagsama kay Ruffa para gumaling-galing ka pa sa pagsagot.”Muli siyang natawa sa sinabi ni King at nailing na lamang. Mabuti ng ganitong alam nilang tawanan pareho ang mga nangyayari sa buhay nila kaysa parehong magpalugmok sa problema.Ngunit ang tawanang iyon ay kaagad ding naantala nang muli siyang sundan ng asawa. “Mukhang hindi na matutuloy ang paglibre mo sa akin, King,” sambit niya sa binata. “Next time na lang siguro?” Bumalik na naman ang hilatsa ng mukha nito. Salubong na naman ang kilay ni King.“Are you sure you can handle them?” Tumango siya rito nang hindi nililingon an
INIHANDA NI LIBERTY ang sarili sa pagpasok niya sa kompanya ni King. Alam niya kung gaano kalaking eskandalo ngayon ang kinahaharap ng Salvantez dahil sa ginawang panloloko sa kanya ng asawa. Hindi lamang kase simpleng opensa ang ginawa nito. Nasira din nito ang mukha ng kompanya.Si Duncan ang mukha endorsement ng ibang application na inilalabas nila. Maraming kabataan ang umiidolo dito dahil na rin sa galing ng asawa niyang makuha ang masa sapagkat alam nito kung paano magsalita sa harap nang may pangbobola.Kung ang dating siya ang naglalakad sa harap ng mga ito, maaaring ngayon ay lumubog na siya dinaraan. Ngunit dahil sa ginawang pagpapasakit sa kanya ng asawa, unti-unti, natutunan niya na rin na humarap sa iba nang taas-noo kung alam niya naman sa sarili na wala siyang ginagawang masama.Akala ni
NANG SILA NA lamang ang naiwan kasama ng ibang mga empleyado, makikita sa mukha ni Victoria ang pagkabalisa. Kahit siguro ito’y hindi makapaniwala na naisahan niya ang dalawa. Sa mga nakaraang araw, mas napagtatanto ni Liberty kung gaano siya katanga para maniwala sa lahat.Sasaglit lamang nang makaalis si Duncan ay dumating naman ang mga pulis. Si Victoria kaagad ang tinanong ng kakilala nito katulad na rin ng pagmamalaki ng babae. Ngunit kung gaano kataas ang kompyansa nito kanina sa sarili nang sumugod sa kumpanya ay hindi naman makaharap ngayon ang biyenan niya sa mga pulis. Ganoon na lamang tuloy ang pag-iling niya nang magsimulang kwestyonin ang babae ukol sa nangyari.“Hindi na ako magsasampa ng kaso,” sabi niya sa mga ito nang walang paligoy-ligoy. “Wala ho akong oras na umitindi sa wala namang kwentang problema. Sana lang, natuto na kayo, Mom. Because, there’s no next time. I’ll make sure the moment you make something unnecessary, I’ll give it back to you three times. I hope
DALI-DALI ANG PAGTATAGO ni Duncan nang makita ang mga reporter na nagkumpulan sa harap ng apartment ni Merideth. Hindi niya akalain na ganito na pala kalala ang kanilang problema dahil tinalo pa nila ngayon ang mga kriminal na kinakailangang magtago sa publiko.Mas iniyuko niya pa ang kanyang ulo nang lumingon ang iilan dahil sa pagpukaw ng tunog ng sasakyan niya. Hindi iyon tinted kaya ganoon na lamang ang pagtatago niya hindi lamang makita.Mabuti na lamang at tama ang naging desisyon niya na huwag munang pauwiin dito si Merideth at siya na lamang ang kukuha ng mga gamit nito para makalipat muna sa bahay ng kanyang mommy. Ngunit kahit siya ay mabibigong kunin iyon at ipakikisuyo na lamang sa mga katulong.Bago pa man makakuha ng atensyon, ganoon na lamang din ang muling pagpapaharurot niya ng sasakyan paalis sa lugar.Habang nasa biyahe, hindi niya talaga maiwasang huwag isipin ngayon kung saan na siya tutuloy dahil kahit ang iniregalong bahay sa kanya ng lolo niya at binawi nito. T
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa