Share

Kabanata 2

”Tara na?” Tanong ni Derrick sa akin pagkabalik nito sa reception area.

Hindi ako nagsalita, bagkus, tahimik ko lang na sinundan si Derrick papunta sa sasakyan namin. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang iyak ko, na gustong gusto ng bumuhos noong mga oras na yun.

Habang nasa byahe kami pauwi, halatang sobrang saya ni Derrick na siyang kabaliktaran ng nararamdaman ko. Galit na galit ako.

Habang hinahayaan kong magpakaliga si Derrick sa maliit niyang mundo, patago kong tinext si Carrie, ang aking assistant. Walang ideya si Derrick tungkol dito.

Si Carrie ang nag hahandle ng lahat ng mga business affair ko, at kasama na rin doon ang mga property business na palihim kong pinapatakbo. Dahil sa advance na technology at komunikasyon, madali ko nalang na nasusubaybayan ang mga ito habang nasa trabaho si Derrick at naiiwan ako sa bahay.

Huminto ang sasakyan namin sa garahe ng bahay ng mother-in-law ko. Oo, mula nang maikasal kami, tumira na kami sa bahay ng aking mother-in-law na si Ruth. Sa tuwing pag uusapan namin ang pagbili ng sarili naming bahay, palaging sinasabi ni Derrick na wala pa itong sapat na ipon.

“Sarah, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap. Pati si Gillian, kanina pa tanong ng tanong kung nasaan ka na.” Bati ni Ruth, na naghihintay na sa labas para sa amin.

“Sorry, Ma. Bigla po kasi akong hinila ni Derrick papunta sa office niya. Magpapaalam naman po sana ako sainyo pero natutulog po kasi kayo.”

“Ano? Palagi ka nalang may dahilan. Nakikita mo ba kung gaano kagulo ang bahay? Wala man lang nag linis!”

"Sorry, Ma."

Mabilisan akong kumilos para maglinis ng bahay. Inuna ko ang kusina. Nakakapagtaka lang dahil sigurado akong malinis ito bago kami umalis kanina. Bakit sobrang daming hugasin? Ako, si Derrick, Ruth at Gillian lang naman ang nakatira dito ah?

“Ma, may bisita ba tayo kanina? Bakit parang ang dami masyadong hugasin?” Tanong ko.

“Bumisita si Lorraine kasama ang mga bata niya kanina. Sa wakas ay may trabaho na siya kaya naman wala na siyang oras para mag luto. Ayun, dito sila kumain kanina.” Sagot niya.

Inis na inis ako. Pagkatapos sa kusina, sumilip naman ako sa dining room at tumambad sa akin na ubos na ang lahat ng mga pagkaing hinanda ko kaninang umaga. Paano yun? Hindi pa kami kumakain ni Derrick?

“Ma, bakit po hindi nalang mag order si Lorraine ng pagkain kung wala na pala siyang oras mag luto? Ni hindi man lang siya nag hugas.” Inis na inis talaga ako.

“Wag ka ngang masyadong maging mapag bilang! Baka nakakalimutan mo na daughter-in-law ka lang! Ikaw nga eh! Wala ka rin namang ambag! Kaya kung ako sayo tatahimik nalang ako kasi si Derrick nga siyang kumikita ng pera ay walang pakielam, ikaw pa kaya?” Gaya ng nakasananayan, nasinghalan nanaman ako ni Ruth.

“Okay lang yun, Sarah. Hindi naman masama siguro kung dito na kakain sina Lorraine at mga anak niya paminsan-minsan.” Sabat ni Derrick.

Hays! Ayoko na ngang makipag usap! Wala rin namang patutunguhan ‘to! Pero sana talaga wag ng pumunta dito mula bukas ang ate ni Derrick na si Lorraine at ang mga anak nito tutal kapitbahay lang naman namin sila!

“Oh, ano pang ginagawa mo? Magluto ka na! Gutom na gutom na ako.” Utos ni Ruth.

“Pagod na po ako, Ma. Hindi pa rin po ako tapos mag linis. Okay lang po ba na mag order nalang tayo ng pagkain?”

“Honey, wag na tayong gumastos. Magluto ka nalang.” Medyo pasinghal pa ang pagkakasabi nito ni Derrick sa akin.

“Huh!” Lalo akong nainis.

Tsss. Sige lang! Hahayaan ko lang sa ngayon na apihin ako ng napaka walang utang na loob na pamilyang ‘to. Sisiguraduhin kong magugulat talaga kayo kapag nalaman niyo kung sino talaga ako.

Pagsapit ng gabi, antok na antok na ako pero inuna ko munang patulugin si Gillian. Pagkatapos, nagbasa ako ng mga email na galing kina Bradley at Carrie. Walang mapaglagyan ang saya ko nang makita ang balanse ng bank account ko na nanggaling sa kita ng mga apartment unit.

Ngayong gabi, dito nalang muna ako matutulog sa kwarto ni Gillian. Kaya naman na ni Derrick ang sarili niya, at hindi pa rin humuhuoa ang inis ko sakanya ngayong gabi.

Ihanda lang talaga ng malanding Kendall na yun ang sarili niya dahil sisiguraduhin kong madudurog siya kapag naghiganti ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status