Share

Kabanata 5

Hindi ko na kaya pang patagalin ito, agad-agad kong sinubukang i-unlock ang phone ni Derrick gamit ang number ni Kendall. At... nag-unlock nga ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang message mula kay Kendall. Agad-agad ko itong binuksan.

[Okay, see you tomorrow, Derrick.]

Mukhang sagot ito sa nauna pang message. Ibig sabihin, nagtetext sila kanina. Pero mukhang binura na ni Derrick ang mga naunang nilang palitan ng message. Aba! Marunong mag ingat ang asawa ko ah.

Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpirmado ang mga hinala ko, pero hinding hindi ako titigil dito. Sisiguraduhin kong bubuklatin ko ang lahat ng mga kasinungalingan ni Derrick.

"Honey, patayin mo na ang ilaw. Gabi na."

Nagulat ako sa boses ni Derrick. Dahan-dahan kong ibinalik ang kanyang phone sa pinaglapagan niya nito kanina at pinatay ang ilaw. Humiga ako sa tabi ni Derrick, na sobrang himbing na ng pagkakahimbing

---

Ngayong umaga, ang karaniwang routine ko ang naghihintay sa akin: pagluluto, paglilinis ng bahay, at pag-aalaga kina Gillian at Derrick.

Siguro simula sa susunod na buwan, kukuha na ako ng kasambahay para may tumutok sa pag-aalaga kay Gillian. Ayoko siyang mapabayaan dahil busy ako sa kumpanya. At least makakapagtrabaho ako nang mas payapa na alam kong may nag-aalaga kay Gillian at sa kanyang mga pangangailangan.

Narinig ko si Ruth na kausap si Derrick sa hapag-kainan. Mukhang seryoso ang kanilang usapan. Nakuryos ako kaya dinalhan ko sila ng mga croissant para sa kanilang almusal.

"Naalala mo ba si Sonia, yung kaibigan ko na galing sa Bosnea, Derrick?"

"Oo, Mama. Naalala ko."

"Nagtatrabaho na ngayon ang anak niya sa Jaketon. Hindi siya komportable na tumira sa anak niya na malapit sa opisina at nasabi niya sa akin na gusto niya sanang dito na lang siya tumira sa atin," paliwanag ni Ruth kay Derrick.

"Wala pong problema sa akin kung ano man ang desisyon mo, Mama," sagot ni Derrick habang ngumunguya ng pagkain.

"Ako po sa tingin ko parang hindi po ata tama para sa isang babae na tumira dito kasama natin, Mama. Hindi siya kamag-anak ni Derrick," pagtutol ko.

“Wow! At ano naman sa tingin mo ang karapatan mo para magbigay ka ng opinyon? Bahay namin ito ni Derrick at bisita ka lang!” Pasinghal na sagot ni Ruth.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Palagi nalang siyang ganito sumagot sa akin. Kung alam niya lang na kating kati na akong lumipat sa napaka ganda kong apartment. Pero hindi… hindi pa ito ang tamang panahon para ireveal ang totoo kong identity.

“Isa pa, sa side unit naman titira ang anak ni Sonia, at hindi dito sa main house na kasama natin. Dadalhin na daw nila ang mga gamit niya mamayang gabi,” dagdag ni Ruth.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang malamang sa side unit siya titira, pero masama pa rin ang kutob ko. Ang sabi ng gutt, mukhang may masamang mangyayari.

"Sige, Mama. Susubukan kong umuwi nang maaga mamayang gabi," sabi ni Derrick.

"Bakit kailangan mong umuwi nang maaga, Derrick?" Nagtataka kong tanong.

“Bakit ba parang palagi ka nalang naghihinala? Wala! Gusto ko lang naman sanang tulungan si Mama na salubungin ang bisita natin.” Halata sa tono ng boses ni Derrick na naiinis na ito sa akin.

Okay.. Mas maganda nga kung maaga siyang uuwi… atleast wala silang pagkakataon ni Kendall na magkita pa sa labas.

“Oo nga pala, Honey. Bakit ka nag arrange ng school shuttle para kay Gillian nang hindi muna ako kinakausap?” Biglang tanong ni Derrick pagkatapos niyang mag almusal.

"Oh, simula kasi sa susunod na buwan, magtatrabaho na ako. Mas makakampante ako na naka school shuttle si Gillian," sagot ko. Naramdaman ko na sobrang nagulat si Derrick sa naging sagot ko.

“Talaga? Gusto mo pang magtrabaho? Bakit? Naiinggit ka ba kay Lorraine? Naiintindihan ko kung bakit kailangan niyang magtrabaho. Mayroon siyang vocational course kaya pwede siyang makapagtrabaho sa opisina. Pero ikaw? Sino ba ang nakakaalam kung ano ang tinapos mo? Tsss Kunwari ka pang gusto mo ng magtrabaho." Malakas na tumawa sina Ruth at Derrick.

'Sige lang! Tumawa na kayo ngayon dahil sa susunod na buwan, magugulat talaga kayo sa tunay kong pagkakakilanlan.'

"Gawin mo ang gusto mo, honey. Pero ikaw ang magbabayad para sa shuttle ni Gillian."

Napaka-kuripot na asawa.

"Aalis na ako. Bye, Mama." Sumakay na si Derrick sa kanyang sasakyan at umalis.

---

Abala si Ruth buong hapon sa paghahanda para sa pagdating ng kanyang bisita. Pinakiusap niya sa akin na magluto ng dagdag na pagkain at linisin ang side unit na matagal nang bakante.

Naghanda ako ng iba't ibang pagkain at inilagay sa hapag-kainan. Nagtimpla rin ako ng dalawang uri ng meryenda at inilagay sa mga garapon.

Nagpalit ako ng bed linen sa unit at pinunasan ang sahig, kaya't amoy bago ito.

"Hello."

Mukhang dumating na ang bisita ni Ruth.

Nasa kusina pa ako nang marinig kong masiglang sinalubong ni Ruth ang kanyang bisita. Nakuryos ako, kaya dahan-dahan akong pumunta sa harap, bitbit ang dalawang baso ng tsaa at dalawang garapon ng meryenda.

"Kamusta ang mama mo?" tanong ni Ruth.

"Oh ayos lang siya, Ma'am. Ipinapaabot niya ang pagbati sa inyo," sagot ng babae.

Bakit parang pamilyar ang mukha niya? Saan ko siya nakita dati?

"Huwag mo akong tawaging Ma'am. Tawagin mo na lang akong Aunt Ruth kasi magkasama tayo dito. Sarah, ito ang anak ni Sonia. Ang pangalan niya ay Kendall."

A-anong... Kendall...?

Kaya pala pamilyar ang mukha niya.

"Bakit ka nakatayo lang diyan? Bastos ka sa bisita natin!" sigaw ni Ruth, nakita akong natutulala sa gulat.

Sige, kailangan kong maging ekstra ingat sa pakikitungo sa mang-aagaw ng bahay na si Kendall.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neth Escañan Alberto
nakakaenlove
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status