Share

Chapter 2

I feel so happy. Para akong nakalutang sa sobrang saya ang nararamdaman. This feels like I won in lottery and it cost millions. 

"Talaga ba bakla? Oh my gosh! I knew it!" Humagikhik siya at nagtatalon sa tuwa. Natawa rin ako at sumabay sa kanya sa sobrang saya.

"Mabuti naman at natanggap ka Shantal," sabi ni Kuya Mando.

"Kaya nga, maraming salamat sa inyo. Sa tulong niyo." Kinuha ko na ang supot at inilagay sa kamay ko.

"Girl uuwi ka na ba?"

Tumango ako. "Oo, kailangan ko nang umuwi. Magluluto pa ako ng pananghalian namin at nag hihintay na ang mga kapatid ko sa bahay,"

Ngumiti si Carla at hinawakan ako sa kamay. "Friends na tayo ha? See you tomorrow bakla!"

Nagpasalamat ulit ako sa kanila bago naglakad papauwi sa bahay. Kung hindi ako napadaan dito ay baka 'di ako magkakaroon ng trabaho. Kung hindi ko sinubukan ay baka 'di ako mapupunta sa sitwasyong ito.

Nakarating agad ako sa bahay namin dahil ilang minutong lalakarin lang naman galing sa AGOC. Naabutan ko ang dalawang kapatid ko na naglalaro ng tumbang preso kasama ang mga kaibigan nila. Ito ang maganda sa pagiging mahirap, hindi masyadong expose sa mga gadgets at hindi masyadong nawiwili sa internet. Wala kaming cellphone kaya hindi nila nararanasan ang online games. Mas expose sila sa mga larong kalye tulad ng tumbang preso at iba pang laro.

Wala na kaming magulang. Sumakabilang buhay at ako ang mas nakakatanda sa dalawa, kailangan kong magsikap para makakain kami at mabuhay sa araw araw. I need to strive hard so my brother and sister will have a better life. 'Di bale na lang ako, okay na ako, ang mas gusto ko ay ang maranasan ng mga kapatid ko ang masaganang buhay. Ayokong mabuhay silang ganito-mahirap.

Being poor doesn't mean we are pitiful. Masaya pa rin naman ang maging mahirap lalong lalo na kung masaya sa buhay. Hindi naman matutumbasan ng kahit anong yaman ang kasiyahan ng indibidwal. Poor but happy is okay kasi para saan naman 'di ba't mayaman ka nga pero wala namang kasiyahan sa buhay.

"Shawn! Sharlyn!" I called the attention of my sister and brother.

"Ate!" sabay nilang sambit at itinigil ang paglalaro.

"Kumusta kayo?"

Tinulungan nila akong ihanda ang mga rekados para sa lulutuin kong sinigang na isda. 

"Okay lang kami ate. Naglaro lang kami sa labas habang wala ka pa," si Sharlyn ang sumagot.

They're my two siblings. Kasunod ko ay si Shawn. He's 18 years old and on his last year of senior high school now. Kahit gan'yan na katanda ang kapatid ko ay naglalaro pa rin siya. 'Yan lang naman kasi ang kasiyahan nila. Si Sharlyn naman ang bunso namin. She's 15 and on her 9th grade right now. Nakakaiyak nga isipin na tumigil muna si Shawn kung kailan last year niya na kasi kailangan niya ring magtrabaho para may maibili kami ng mga pangangailan.

"Lyn pakihugas nga ako nitong isda, linisin mo na rin. Shawn magsaing ka muna habang 'di pa ako tapos sa paghiwa rito," utos ko sa dalawa na agad namang sinunod nila.

This is how our little family works. Nagtutulungan kami sa isa't isa. We needed to help each other for us to survive.

"Oo nga pala Shawn," tumigil muna ako para lapitan ang kapatid ko.

"Po ate?" 

Napangiti ako. Ang gwapo ng kapatid ko. Kahit kutis moreno ang attractive pa rin tignan. Matangkad din ang isang 'to. Mas matanda ako ng tatlong taon pero mas matangkad pa 'to sa akin ng ilang pulgada. 5'6 lang kasi ang height ko at 6 footer si Shawn. 

Makapal din ang kilay, matangos ang ilong, maganda ang shape ng labi. Actually magkahawig kami. Sabi nga nila ako ng girl version ni Shawn at si Shawn naman ang boy version ko. Si Sharlyn kasi ay kamukha ni tatay habang kami ni Shawn ay namana ang mukha ni nanay.

"Pwede ka pa naman sigurong humabol sa enrollment niyo 'di ba? Hindi pa naman tapos ang enrollment sa school niyo?"

Gusto kong bumalik siya sa pag aaral. 'Yan kasi ang bilin sa akin ng mga magulang namin bago pa sila mawala. Ang patupusin kaming lahat sa pag aaral. Hindi ko na magagawa sa sarili ko pero alam kung matutupad ito ng mga kapatid ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Pwede pa naman ate, matagal pa naman matatapos ang enrollment. Bakit nga pala?"

"Magpa enroll ka bukas na bukas." I said and smiled at him.

Nalaglag ang panga niya. "Ha? Ano kamo ate? Naglinis naman ako ng tenga kanina Lyn 'di ba? Hoy Lyn sagutin mo ako!"

Natawa ako. Nakasimangot na lumapit si Lyn sa pwesto namin.

"Naririnig kita kuya! 'Wag kang parang tanga riyan. Naglinis ka ng tenga kanina, bakit ba?!"

"Narinig mo 'yong sinabi ni ate 'di ba?"

"Oo nga. Paulit ulit ka naman kuya eh! Papa enroll ka raw sabi ni ate. Bahala ka nga riyan, 'yong sinaing mo malapit ng masunog!"

Humalakhak ako. "Para kang tanga Shawn! May trabaho na kasi ako kaya 'di mo na kailangang mag stop."

The best thing here is, gustong gusto ng mga kapatid ko na makapag aral at makapag tapos kasi alam nilang 'yon ang makakabuti sa kanila at makakapagpasaya sa akin, kay nanay at kay tatay.

"Yes! Thank you ate! The best ate sa lahat ka talaga!"

"Che! Binobola mo na naman ako. Ako lang kaya ang ate mo!"

"Sabi ko nga, hindi naman mabiro si Shantal Gabriella."

"Manahimik ka Shawn Gabriel at ayusin mo 'yang sinaing mo kasi kapag 'yan sunog, 'di ka kakain."

"Weh? Talaga ba Shantal? Pa-"

Pinaningkitan ko siya. "Sige, ano 'yon Shawn? Ituloy mo,"

"Ha? Hoy Lyn may narinig ka ba? Wala naman akong sinabi 'di ba? Baka ikaw 'yong 'di naglinis ng tenga ate, ika—aray ko po!"

"Gago ka kasi, ba't ba ako nagkaroon ng kapatid na kagaya mo?"

Napahimas siya sa batok niya. Binatukan ko lang naman ang napagwapo yet napakagago kong kapatid.

"Ikaw kasi, 'di mo ba ma take 'yong jokes ko? Tss sayang naman. Pinagmalaki pa naman kita sa mga barkada ko. Kesho ang ganda ganda ng ate ko. Pang international ang beauty tapos.. tsk ayoko na lang mag talk."

"Aba't gago kang bata ka. Bantayan mo na nga lang 'yang sinaing mo. Dami mo pang sinasabi."

Oo na, sa aming tatlo ako talaga ang pinakamadaling mapikon. Si Shawn ang mapang asar at si Lyn ang taga awat.

"Nyenyenye pikon."

Inirapan ko lang ang kapatid ko at tinapos na ang pagluto. Kahoy lang ang gamit namin sa pagluto kaya kailangan pa namin pumuntang gubat para maghanap ng kahoy at sinisibak namin 'to.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kami sa pagluluto. Sinimulan naming magdasal bago kumain. This was one of the reminders of our late parents. To always pray before everything.

"So 'yon nga," paninimula ko. "Mag enroll ka na for grade 12 Shawn. Nakapasok kasi ako bilang secretary sa AGOC, alam niyo naman ang kompanyang 'yon 'di ba?"

Tumango silang dalawa. "Talaga ate?" 

Ngumiti ako kay Lyn. "Oo Lyn kaya 'di na tayo mamomroblema sa araw araw. Sige na, kumain na tayo."

Nakangiti ako habang nakatitig sa mga kapatid ko. Ang saya lang titigan ang mga ngiting nakaukit sa mukha nila. This isn't rare but this is precious.

Tahimik kaming natapos sa pagkain at hinayaan ko silang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Pumasok ako sa kwarto para ayusin ang higaan namin. Nagpapasalamat pa rin ako kasi sa kabila ng pag iwan sa amin ng aming mga magulang ay nag iwan din sila ng bahay na matitirhan namin.

Bumuntong hininga ako at umupo sa higaan namin. Sana lang talaga ay maging maayos ang trabaho ko bukas at 'di ako matanggal agad. 

"Ate, tulog na tayo?"

Napaangat ako ng tingin kay Lyn. Ngumiti ako at tumango. 

"Kailangan nating matulog ng maaga. Kahit sa susunod na buwan pa ang pasukan niyo, matutulog pa rin ng maaga. Nakakasama ang magpuyat."

Tumabi ng higa sa akin si Lyn at sa isang katre naman si Shawn. Dalawa kasi ang higaan sa kwarto. Dati kasi sa isang higaan si nanay at si tatay at sa isa naman kaming tatlo pero ngayong wala na sila...

Humiga na ako pagkatapos naming magdasal at pumikit na para makatulog. Itong araw na 'to ang naging swerteng araw ko, bukod kasi sa nagkaroon ako ng trabaho ay napasaya ko rin ang mga kapatid ko.

Nagising ako sa ingay ng tilaok ng manok. Kinusot ko ang aking mata at iminulat. 

Bumangon na ako at ginising ang mga kapatid ko. 

"Lyn, Shawn, bangon na! Gumising ka na Lyn at magsaing, mag igib ka ng tubig Shawn kasi malapit na maubos ang tubig natin, kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho kaya kumilos na kayo riyan."

Tumayo na ako at lumabas para maglinis sa sala. Buti naman at nagising ako ng mga alas sinco ng umaga. Mahirap na kasi kapag ma late sa trabaho lalo't first day ko pa.

"Ate saan nga pala 'yong perang pambili ng tubig?" 

"Pakikuha na lang sa bag ko sa kwarto Shawn,"

Agad niya namang sinunod ang utos ko. Pagkatapos kong maglinis sa sala ay pumunta na ako sa likod bahay para maligo. Doon kasi ang cr namin.

"Ate pasabay na rin ako ha!" Natatawang sambit ni Lyn.

Tinawanan ko siya at tumango. Parang bumalik sa pagkabata. Makulit din minsan 'tong bunso namin pero mas makulit talaga si Shawn. Hilig mang asar ng lalaking 'yon. Nakakainis nga kasi kahit 'yon asarin hindi madaling mapikon.

Napahingang malalim ako habang nakatingin sa damit. Simpleng polo shirt at pencil skirt lang ang suot ko, naka high ponytail ang buhok at naka suot ng flat shoes. Wala ring kolorete sa mukha kasi wala naman akong gano'n. Hindi ako mahilig sa gano'n at hindi rin ako marunong sa gano'n.

"Shawn umayos ka rito sa bahay ha! Bantayan mo si Lyn, kapag may nangyaring masama sa inyo na 'wag naman sana, ay tumakbo kayo sa kapitbahay natin, 'wag kang gagawa ng kalokohan Shawn kukutusan kita pag uwi ko."

Tinawanan niya lang ako. "Opo nay,"

"Shawn! Seryoso ako!"

"H'wag ka mag aalala ate, walang masamang mangyayari sa amin at ako na ang bahala kay kuya, baliw kasi 'yan." Nakangiting sabi ni Lyn. Always the softest one.

"Sige una na ako, ingat kayong dalawa."

"Ikaw din ate!"

Ngumiti lang ako at tumango. Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa AGOC. Gaya ng sabi ko kung lalakarin ay medyo may kalayuan pero kapag naka tricycle ay ilang minuto lang ang bibilangin, makakarating na agad.

"Shantal nandito na tayo,"

"Ay pasensiya na kuya, ito nga po pala ang bayad ko." Inabot ko sa kanya ang bente pesos.

Inayos ko ang damit ko bago bumaba. Naabutan ko si Kuya Mando sa labas na naglilinis. 

"Magandang umaga kuya,"

Nagulat siya kaya natawa ako. "Ikaw pala 'yan Shantal! Ang aga mo ngayon, ah? Excited?"

"Medyo excited pero gusto ko lang talaga mapa-aga kasi first day tsaka nakakatakot ma late baka masisante agad ako."

Totoo naman kasi. Kahit gaano ka pogi si sir, nakakatakot pa rin ang itsura. Parang kaunting mali mo lang, tanggal ka agad.

"Nga naman, mag logbook ka na ro'n para makapasok ka na,"

"Salamat kuya. Nga pala, dumating na ba si Carla?"

"Hindi pa pero hintayin mo sa loob, maya maya lang ay nandito na rin 'yon."

Tumango ako at nag logbook na para makapasok. Everyone in the office greeted me and welcoming me. Binati ko rin sila pabalik at nagpakilala. May ibang mabait at may ibang parang ang trato sa 'yo ay hangin at parang 'di ka nakikita. Siguro pagod lang at puyat sa trabaho.

"Hi I'm Sheen nga pala, you're Shantal right? Ikaw 'yong new secretary ni sir Migo?"

"Ah hi Sheen. Ah yes, bakit?"

Ngumiti lang siya. "Wala naman. Welcome at good luck. Swerte mo naman Shantal, ikaw ang napili sa lahat ng nag apply."

"Salamat. Ahm.. marami na talagang nag apply? Kahapon kasi ako lang naman 'yong pumasok sa opisina ni sir at.. ah wala namang.. nakapila," mahina ang pagbigkas ko sa huling sinabi.

"Pinauwi kasi lahat. Timing pagpasok mo umuwi na lahat. Ewan ko nga, ayaw ni sir magka secretary pero pinipilit kasi siya ng mommy niya kaya siguro no choice na at hinire ka. Sige Shantal ha balik na ako sa trabaho. Akyat ka na rin sa taas at linisin mo ang opisina ni sir."

Tumango ako sa kanya at tumalikod. Pumasok ako sa elevator at naghinatay ng ilang minuto para makarating sa opisina ni sir. When the elevator stop and open, I enhaled deeply. 

Wala pa naman siguro si sir ngayon. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

"Oh... Ah... Migo fuck... Shit ahhh.."

Agad na nanlaki ang mata ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan. 

"Fucking bend over Karyll." Matigas na ani nito.

Nanlaki ang mata ko at nanginginig na sinarado ang pintuan.

Ano 'yon? Diyos ko, tulungan mo ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status