Share

Chapter 8

Siguro ganito lang talaga ang buhay 'no? We can't really avoid getting hurt because of the things we don't know. Minsan nasasaktan tayo sa mga bagay na hindi naman natin alam ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan. 

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinitigan ang mga kapatid kong mahimbing na natutulog. I look up at our wall clock to see what time is it and found out it's still five thirty early in the morning. Lumapit ako sa tukador namin para abutin 'yong tali ko sa buhok. After I tie my hair ay lumabas na ako sa kwarto para kumilos na.

Hindi kalakihan at hindi rin kaliitan ang bahay namin. Nasa katamtaman lang, magkaiba ang sala at kusina, may divider na naghahati sa sala namin at kusina. Iisa lang ang kwarto pero may dalawang kama. Iisa lang din ang cr at nakalagay 'to malapit sa kusina namin. Kompleto naman ang kagamitan namin sa bahay. May mga tools and utensils kami sa kusina. May upuan sa sala. Mayro'n din kaming mga electrical appliances tulad ng tv, electric fan at dvd player. Simple lang ang pamumuhay namin dito sa Manila. 

I'm still thankful na kahit iniwan kami ng mga magulang namin sa ganitong edad ay nag-iwan din sila ng bahay na matitirahan namin. This house is originally from my father's parents. After my grandmother and grandfather died, ipinamana nila 'to kay tatay since 'yong ibang kapatid ni tatay ay may kanya-kanya na ring bahay. Si nanay naman ay hindi taga rito sa Manila. Galing siyang probinsya, sa Leyte to be exact.

Wala akong masyadong alam about sa pamilya ni nanay bukod sa may kaya sila sa buhay at hindi sila approved sa pagmamahalan nila nanay at tatay kaya itinanan ni tatay si nanay at dinala rito sa Manila. I've never been at Leyte at curious ako kung anong meron do'n. 

They say province is one of the most amazing place to stay because of the ambiance and vibes it gives. One day, I'll go there.

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Nagwalis ako sa sala at kusina pagkatapos ay sa labas naman. Naabutan ko si Mang Kanor kasama si Mang Berto na nagka-kape sa labas. Our house is not located near the roadside kaya malaya ang mga taong umiinom malapit sa kalsada. Iyong kalsada sa loob ng baranggay ay puro mga tricycle, motor at bisikleta lang ang nakakapasok dahil sa maliit ang espasyo ng kalsada rito. 

"Magandang umaga po!" binati ko silang dalawa.

Ngumiti si Mang Kanor at  itinaas ang kape. "Magandang umaga rin sayo hija. Kape tayo," alok niya.

"Sige po. Salamat."

"Oo nga pala Shantal, pagkatapos mo riyan ay pumunta sa bahay, hinahanap ka ni Maria at may ibibigay daw iyon sa iyo!" sabi ni Mang Berto na abala sa pag-inom ng kape.

The good thing here in Baranggay Dimagiba is that all the people treat each other as a family. Kahit nga 'yong ibang mga taong bago pa lang dito ay itinuturing na agad na pamilya. Pero hindi lang talaga maiiwasan ang mga alitan sa bawat isa. Minsan may mga daig pa ang CCTV sa sobrang pagka-chismosa na lahat na lang ng bagay ay biglang nalalaman at pinag-uusapan. May mga bastos din dahil sa kalasingan pero mayro'n ding taong handang lumaban para lang sa kabutihan.

"Sige po. Pasok muna po ako sa loob at gigisingin ko pa 'yong dalawa. May pasok ngayon,"

"O siya sige. Ipapa-reserve ko na lang 'yong tricycle ni Ando at ng may masakyan kayo."

Tumango ako kay Mang Kanor at  nagpasalamat. Pumasok na ako sa loob at nagsaing. Pagkatapos kong magsaing ay pumasok na ako sa kwarto para gisingin ang dalawa at para na rin maghanda ng damit sa trabaho. 

I sighed. Today will be another day of enduring everything. Nakakapagod pero kailangang kayanin. 

"Lyn! Gab! Gising na, may pasok pa kayo! Aba six in the morning na nakahilata pa rin kayo riyan! Anong akala niyo, wala kayong pasok?"

"Ate! Bunganga mo! Aga-aga ang ingay agad!" Nakabusangot na bumangon si Shawn Gabriel at kinusot ang mata.

"Opo ate. Sorry po natagalan ng gising," sabi naman ni Lyn at tumayo na para maligo.

See the difference? 'Yong isa sobrang ma-attitude tapos 'yong isa naman sobrang mahinhin at mabait. Napairap ako. Kanino kaya nagmana 'tong si Shawn? 

Pinauna ko na sila sa pagligo at lumabas na muna ako para bumili ng munggo sa may karenderya malapit lang din sa bahay. I look at my clothes to see if it's okay. Simpleng short na hindi maikli at oversized shirt lang ang suot ko. Typical na pambahay. Nag tsinelas ako at lumabas na.

I look up above to see the bright shine of the sky. I blink as I stare at the blue sky. The blue sky reminded me of him, of his eyes. I bit my lip. I can't understand what I'm feeling and I don't want to entertain this feelings because it's not okay, it's not right.

Nakarating ako sa karenderya na 'yon ang laman ng isip. Naabutan ko si Karen na nagsasandok ng ulam sa nga bumibili. Si Karen ay childhood friend ko pero nang lumaki na kami ay minsan na lang kami mag usap. Maybe because she continued studying while I stop. Naging magka-klase kami nung elementary at highschool.

Mukhang nagulat siya nang makita ako. She then immediately run to hug me.

"Ella? Ikaw na ba 'yan? Oh my gosh ka! Ang ganda mo beshy! I miss you ha!" 

Natawa ako at niyakap siya pabalik. "Na-miss din kita Kar. It's been two years since the last time I saw you at sobrang ganda mo na ngayon ha!"

Tumawa siya at hinila ako para maupo. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry Ella ha? Alam kong nangako ako sa 'yo na sabay tayong magtatapos pero hindi ko nagawa kasi ako 'yong nauna. Kailangan ko kasi para makatulong sa pamilya..."

Umiling ako at pinisil ang kamay niya. "Hindi Kar. Wala kang kasalanan. Mas mabuti ngang pinili mo kung ano ang tama kasi kung hindi, hindi ka magiging license teacher ngayon 'di ba? Don't regret what you did in the past just because of me. Masaya ka na ngayon at masaya na rin ako. You have worked and you're now a professional and I have worked too. After all, we survived."

Kailanman ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya sa nangyari noon. No one's at fault.

"Eh nakakainis ka naman! Pinapaiyak mo ako!" She said and hug me. Umiyak siya sa balikat ko.

"Kahit kailan, naging teacher ka na't lahat-lahat, iyakin ka pa rin!" Natatawang sabi ko. "Pabili na nga lang ako ng ulam. Kailangan kong makabalik agad sa bahay kasi may pasok pa ako sa trabaho at may pasok pa 'yong mga kapatid ko. Catch up na lang tayo pag-uwi ko mamaya."

Umirap siya pero sinandok pa rin 'yong binili kong ulam. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad na pabalik sa bahay. Pagbalik ko sa loob ay handa na silang dalawa. Naka uniform na. Napansin ko ring may plato, kutsara at baso na rin sa lamesa.

"Pakilagay niyo na lang 'yong ulam diyan ha. Maliligo muna ako, mabilis lang 'to kaya hintayin niyo ako at sabay na tayong kakain para sabay tayong papasok." Bilin ko sa kanila bago tumalikod at tumakbo papuntang kwarto para bitbitin ang damit at tuwalya sa cr.

Pagkapasok ko sa cr at agad akong naghubad ng saplot at nagsimulang maligo. Binilisan ko sa pag-sabon at pag-shampoo kasi baka ma-late 'yong dalawa. Parang naglalaro nga lang ako sa tubig sa sobrang pagmamadali. Dito na rin ako sa loob nagbihis.

I wear a very simple pencil skirt na may slit sa gilid at white polo shirt. I tuck the polo into the skirt and then dry my hair using the towel. Nasa kwarto ang blower kaya towel na lang ginamit ko. After I finish everything ay lumabas na ako at nakita ko 'yong dalawang busy kakanood sa tv.

Pumasok muna ako sa kwarto at inilagay ang damit sa labahan bago nagsuklay at nag make up ng medyo light. Kinuha ko rin ang bag ko at lumabas na.

"Sa wakas... After how many hours, natapos din ang prinsesa sa pagligo," sarkastikong sabi ni Shawn.

I just stuck my tounge out. "Oa mo ha!"

Humalakhak lang siya at umupo na. We prayed then started eating. Masaya kami sa hapagkainan. We were like this everyday. After we ate, we brushed our teeth.

"Ate may tricycle na labas nag-aantay. Si Kuya Ando yata 'yon," rinig kong sambit ni Lyn.

Nasa labas na kasi siya habang nasa loob pa ako. Kinuha ko ang susi sa bahay at inilock na ang pintuan. I slid the key to my sling bag and walk to the tricycle.

Nakita ko si Ando ro'n na nag-aantay habang si Lyn ay nakasakay na sa loob at sa likod naman si Shawn.

"Parang may anghel na dumating, ano?" 

Napakunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Hay nako Kuya Ando! Si ate ko lang 'yan!" Humagikhik si Lyn. Sumakay na ako sa loob.

"Ang ganda kasi talaga ng ate mo Sharlyn. Dati ko ng crush 'yan."

Napangiwi ako sa sinabi niya habang 'yong dalawa ay tawa nang tawa dahil sa sinabi ni Ando. Hindi naman sa mapanghusga ako pero kasi si Ando, maitim, payat at walang ngipin sa harapan. Disente namang tao at mabuti kaso hindi gan'yan ang tipo ko.

Talaga ba Shantal? O talagang mas gusto mo 'yong gwapo at matangkad tulad ng.. hindi! Hindi pwede.

"Umandar ka na nga lang riyan Ando. Dami mo pang sinasabi!"

Tumawa lang siya at umiling. Nagsimula na niyang paandarin ang tricycle kaya nakahinga ako ng maluwang. Akala ko pa ay matatagalan kami. Seven na at kailangan makarating ako sa opisina by seven thirty. 

I look at my phone when it ring. I pursed my lips. Bakit kaya tumatawag si Carla ng ganito ka-aga? May nangyari kaya?

I answered the call. "Hello bakla? May nangyari ba?"

"Hi bakla! Where ka na?" 

My forehead creased when I heard his voice. Parang may kakaiba.

"Papasok na, bakit?"

May narinig akong kaluskos sa kabilang linya. "Eh kasi bakla.. ano, pakisabi kay sir na absent muna ako ngayon. Nilalagnat ako eh, hindi ako makabangon at 'di ako makagawa ng excuse letter."

"Okay ka lang ba? Gusto mo bang puntahan kita riyan mamaya? Wala ka pa namang kasama riyan! Pa'no na 'yong pagkain mo?" sunod-sunod na tanong ko sa sobrang pag-alala. Wala kasi siyang kasama sa bahay niya. Siya lang mag-isa.

"Hindi na. Ano ka ba! Kaya ko na 'to. Basta sabihin mo lang na may sakit ako."

Napabuntong hininga ako nang ibinaba niya ang tawag. He's living alone on his condo in Makati. Medyo malapit lang naman dito sa amin. Pero siya, he's living in a condominium while I live in a baranggay. 

Nabalik lang ako galing sa malalim na pag-iisip nang tinapik ni Lyn ang balikat ko.

"Ate, nasa AGOC na po tayo,"

Tumango na lang ako at bumaba. Inabot ko kay Ando ang bayad.

"Salamat aking myloves. Sa susunod ulit!" Aniya at nag flying kiss pa.

"Myloves ka riyan. Kapag may nangyaring masama sa mga kapatid ko dahil diyan sa pagmamaneho mo ay talagang susuntukin kita Andorio!"

Sumimangot siya. "Ako pa ba? Pababayaan ko ba 'yong mga future kapatid ko? Malabo 'yan myloves,"

Tangina talaga nitong walang ngipin na 'to. Nakakadiri 'yong mga pinagsasabi.

"Umalis na kayo at baka ma late pa kayo. Ingat."

Pumasok na ako at binati si Kuya Mando. May kausap pa kasi siya kaya hindi ko na lang nilapitan. Nag logbook na ako at pumasok. Binati ko agad ang mga nasa loob. Bago ko pa marating ang floor kung saan ang opisina ng CEO ay madadaanan ko muna ang iba't ibang department kaya nagiging kaibigan ko na rin sila.

After greeting each other, I enter the elevator and drove my way to the CEO's office. Habang nasa loob ng elevator, 'di ko mapigilang mag-isip sa nangyari noong nakaraan. Ayoko na sanang balikan pa 'yon. Masasaktan lang ako.

Suminghap ako at nilunok ang nagbabara sa lalamunan. I felt like crying so I took a deep breath and cleared my throat. When the elevator stop, I step out and walk to the office.

Pumasok na ako dahil kung nandito man siya ay tiyak nasa loob siya ng office niya. I enhaled deeply when I saw emptiness inside. Kasi kung ako lang talaga magde-desisyon, ayoko muna siyang makita o makausap. 

Umupo na ako sa upuan at sinimulang i-on ang computer. Kailangan ko pang mag encode ng monthly report ng mga taga iba't ibang department.

Napaangat ako bigla ng tingin nang may bumukas sa pintuan. I thought it's Kuya Mando but my mouth hanged open when it revealed my almighty boss.

He's wearing his office look that made him hotter. His hair is in disheveled and he's biting his wet red lips. 

Umiwas ako ng tingin at tumayo para batiin siya. I don't want to talk to him but it may sounds rude if I won't greet him. After all, he's still my boss.

"Good morning, sir." Walang buhay na bati ko.

He creased his forehead and pursed his lips. Pinasadahan niya ang kanyang buhok.

"Good morning, Gabriella." He said and then walk near me. He stop when we're inch away to each other. Kumalabog ang d****b ko.

"S-Sir... May appointment kayo ngayon with...."

"Stop. Are you mad at me?"

Nagulat ako sa tanong niya. Is he seriously asking me that?

Umiwas ako ng tingin. "Hi-Hindi po."

He raised his brow and scanned my face. Napalunok ako nang tumama ang tingin niya sa labi ko. 

"Then.. why can't you look at me in the eye? Explain why are you not answering my phone calls? Why not replying on my text, huh?"

It's true. I've been avoiding him. Not answering his call nor his text because I don't simply want to talk to him. Hanggang kaya ko pang iwasan siya at iwasan 'tong kakaibang nararamdaman ko ay iiwasan at iiwasan ko talaga siya.

"May magagalit," mahinang sabi ko.

He smirked. "May magagalit? And who is that, huh?"

"‘Yong girlfriend mo."

"My what?"

I sighed. "Look sir. Kung ano man 'tong ginagawa mo, tigilan mo na. I know what you want in me and I don't want to be one of your collection."

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para sabihin ang mga katagang iyon.

His face darkened and his face became emotionless. Then he immediately smirk. Bigla akong natakot sa mga mata niya. 

"Right. Damn right. Your fucking boring so I'll stop."

He left me dumfounded and hurt. I feel like my heart shattered apart of what he just said. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ko. Bigla akong napahikbi. 

My hands are shaking. Inabot ko ang phone ko para sagutin ang tawag. I quickly wipe my tears and cleared my throat.

"Hello?" Ani ko sa nanginginig na boses.

"Hello ma'am. Is this Shantal Ortega?"

Napakunot ang noo ko. Hindi pamilyar ang boses.

"Yes po, may I know who's this?"

"This is Nurse Andrea from Lopez Hospital. I just want to ask you if you know the name Sharlyn Ortega? Ikaw po kasi ang nakalagay sa emergency contact ng phone niya."

Bigla akong kinabahan. "Kapatid po niya ako. Bakit po? Ano po bang nangyari?" Nanginginig ang kamay ko habang tinatanong 'yon.

"Come here at the Lopez Hospital ASAP ma'am, your sister got into car accident."

Nabitawan ko ang phone ko at napabagsak sa sahig sa narinig. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status