Share

Chapter 4

I was lonely for a long time but I'm not alone. Growing up in a family full of love but not full of money was in  between; between being happy and sad. Happy because despites of shortcomings, not having enough money to provide every needs, we're still happy in everything. Sad because money was one of the reason why my parents always fight.

Aminin man natin o hindi, minsan ang pera talaga ang nagpapasaya sa mga tao. Hindi man matutumbasan ng kahit anong yaman ang kasiyahan pero ang yaman ang isa sa dahilan kung bakit ang iba ay masaya. Kaya nga ang ibang tao ay nakakagawa na ng mga bagay na masasama dahil lamang sa pera.

Pero ako kahit gaano kasilaw ang pera ay hinding-hindi ako magpapalamon. Money can one of the happiness but it can break us too.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa sarili sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok na hanggang bewang at maitim. Makinis din ang aking buhok. The reason kung bakit kahit kailan ay 'di ko 'to pinuputol ay dahil isa ito sa mga alaala ko kay nanay. She loves to always comb my hair before we sleep. 

Sabi nila, para raw akong lahing banyaga dahil sa mestisa kong mukha. Magkamukha kami ni Shawn pero sa kulay ng balat kami nagkaiba. Moreno siya ngunit ako ay maputi. Natural na makapal ang aking kilay at hindi ako marunong umahit nito kaya nagkalat lang 'to. Natural din na mahaba at medyo curly ang aking pilik mata. Ang aking ilong ay maliit pero mahaba na namana ko kay nanay. Ang aking labi ay hugis puso at nadedepina ito kapag ako ay ngumunguso. 

Hindi ako marunong mag apply ng make up at wala akong gano'n kaya simpleng polbo lang ang nilalagay ko sa mukha ko. Kinakagat ko lang din ang labi ko at pupula na agad 'to. 

Napatingin ako sa damit ko. Simpleng striped pencil skirt at white polo shirt lang ang sinuot ko. Typical na damit pang opisina. Nang nakitang maayos na ako ay agad akong lumabas sa kwarto para pumasok na sa trabaho.

Naabutan ko sa sala ng bahay namin ang dalawang kapatid kong nag hahanda na rin dahil simula na nang pasukan nila. 

"Ate! Salamat talaga rito sa bag ha! Ang ganda po, gustong gusto ko!" May ngiti sa labing sabi ni Lyn.

Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Sa t'wing masaya ang mga kapatid ko ay nagiging masaya na rin ako. Their happiness is my happiness too and I won't wish for more. Basta masaya lang sila ay sobrang ayos na sa 'kin.

"Sabay na ba tayong papasok ate?" tanong ni Shawn.

Tumango ako at tinulungan silang ayusin ang mga gamit nila. Since it's the first day of classes, marami silang mga requirements na nabili ko naman dahil may trabaho na ako.

"Tara na, mali-late na kayo n'yan kapag nagtagal pa kayo," aya ko sa kanila.

Sabay na kaming tatlo sa paglabas at inilock ko ang pinto. Pinapabaunan ko na rin sila ng pagkain sa tanghalian para 'di na sila uuwi. Sumakay na kami sa tricycle sa terminal at nagpahatid muna ako sa AGOC since mas malapit 'to kaysa sa school nila.

Sa loob ng tricycle ay kaming dalawa ni Lyn at sa likod ng driver naman si Shawn naka-angkas. Tahimik lang kami sa buong biyahe. 

Nang dumating na sa AGOC ay nauna akong bumaba at nagbayad bago magbilin sa mga kapatid ko.

"Kayong dalawa umayos kayo ha? First day niyo kaya magpakabait kayong dalawa at tsaka 'yong pera nabigay ko naman na sa inyo 'di ba? Tapos 'yong ulam at kanin niyo nasa lunch pack tapos 'yong tubig nandiyan na rin. Makinig at mag aral ng mabuti, intindi niyo ba?"

Tumango silang dalawa at lumipat na si Shawn sa loob para tumabi kay Lyn.

"Opo ate. Ikaw din ate, mag ingat ka. H'wag po masyadong magpa pagod. Kain ka sa tamang oras ate ha. Love you po ate!"

Napangiti ako sa sinabi ni Lyn. "Sweet naman ng kapatid ko. Sige na, mag ingat kayo ha! Manong dahan dahan lang ho sa pagda-drive," tumigil ako at nilapitan ang mga kapatid ko. Hinalikan ko sila sa noo. "Mahal ko kayong dalawa."

Hinintay kong maka andar sila bago ako pumasok. Gusto ko lang masiguro na maayos sila. We can't predict what will happen to us so it's better to be safe than sorry.

Pumasok na ako sa gate ng kompanya at naabutan ko si Kuya Mando sa guard house na nag titimpla ng kape. Pansin ko ring may kasama at kausap siya. Siguro security guard din ng kompanya. Minsan ko lang kasi makita, si Kuya Mando 'yong araw araw.

"Good morning po Kuya!" bati ko sa kanila.

Napalingon sa direksyon ko silang dalawa at binigyan ako ng ngiti. 

"Magandang umaha hija! Aga mo talaga parati." Natatawang sabi ni Kuya Mando.

Tumawa rin ako. "Early bird Kuya, mahirap na masungit pa naman 'yon,"

"Siya nga pala, ito si Alvin, kasamahan ko. Bago pa lang siya rito kaya alam kong ngayon mo pa lang siya nakita," ipinakilala niya 'yong kasama niya.

Kumaway ako at nginitian si Kuya Alvin. "Hi po Kuya! Welcome po rito sa AGOC. Ako nga po pala si Shantal, secretary po ni Mr. Alvarez." Nakangiting pakilala ko at inilahad ang kamay. Tinanggap naman niya at ngumiti rin sa kin.

Ito 'yong isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko rito sa kompanya. Mababait kasi ang ibang empleyado at pala kaibigan pa.

"Sige po mga kuya, pasok na po ako. Kailangan ko pang mag linis ng opisina bago dumating si boss,"

Nang tumango sila ay pumasok na ako at nag logbook. It's seven thirty in the morning kaya paniguradong 'di ako late at wala pa si sir ngayon. Pwera na lang kung hindi 'yon umuwi dahil may sariling kwarto sa loob ng opisina niya at nagdala na naman mg babaeng maikakama.

Sa loob ng isang buwang pagiging secretary ko sa kanya ay unti unti ko na siyang nakikilala. He's truly a rude, heartless and playboy. He loves to go to bar to party and find girls to fuck. Hindi ako sanay sa mga gan'yang lalaki dahil wala pa akong nakakasalamuhang gan'yan. I never really like a playboy. Bukod kasi sa manloloko at 'di marunong makontento ay tiyak paiiyakin at iiwan pa tayo. Napabuntong hininga na lang ako at napailing.

Bago pa ako maka akyat ay dinaanan ko muna si Carla sa floor niya. Sa finance department since do'n 'yong pwesto niya. Nakakahiya nga minsan kasi 'yong ibang empleyado, iba kung makatingin. 

Nakita ko si Carla sa may coffee maker. Minsan kasi 'yong shift ng iba pabago bago, may mag o-over time kaya puyat talaga at 'yong iba naman madalas maaga talaga pumasok kasi ayaw na ayaw ng mga boss dito na late palagi. 

"Bakla," nanlalatang aniya. "Kapagod naman nito!" 

I can see in his eyes that he's truly tired. 'Yong malaking eyebags sa mata,  'yong panlulumo at bagsak balikat, sign ng pagod. Nararamdaman ko rin 'yan kaso ayokong ipahalata. 

"Ano ba kasing ginagawa ng team niyo? Napapadalas na OT niyo ah?" 

Pumikit siya at umupo sa upuan niya. Nasa cubicle lang sila. 

"Bakla grabeng grabe na si sir igop! Pinapatay kami! 'Di pa nga kami tapos sa presentation na pinapagawa niya tapos may bago na naman kaming gagawin! Finance department kami bakla! Pero sa amin pinapagawa kasi busy daw 'yong iba! It's true ba or it's just an excuse para pahirapan kami?" Hinilot niya ang sendito niya at uminom ng kape. I can really feel his stress.

"Busy talaga 'yong iba. May new advertisement daw kasing ilalabas. Nag hahanap pa nga ako ng mag mo-model. Masakit na rin ang ulo ko. Bulyaw pa ni sir palaging inaabot ko." Nanlaki ang mata ko. "Speaking of, bakla una na ako malapit ng mag eight!"

Iniwan ko na siya at 'di na hinintay ang sagot. Nagmamadali ako sa pagtakbo papuntang elevator at nanginginig ang kamay na pinindot ang fifthy. 

Pagkadating ko sa taas ay nakahinga ako ng maluwang. Wala pa ang dragon. Nagtungo agad ako sa table ko at inayos 'to bago simulan ang paglinis. I don't need to mop the floor or clean the floor kasi ang janitor na ang bahala ro'n. Ang kailangan kong gawin ay punasan ang table ni sir at i-arrange ang mga papers accordingly.

Maarte 'yon. Maraming ayaw. Kaya kailangang sundin. Gwapo pero masungit. Never kong magiging type ang kagaya niya. May itsura nga, pasang pasa sa itsura kaso sa ugali naman babagsak. 

Pagkatapos kung ayusin lahat ay inayos ko na 'yong mga folders na may lamang mga papers na kailangan niyang permahan. After I arrange everything, I headed out and sat on my chair. I open the computer and started my job. 

Napaangat ako nang tingin ng biglang may bumukas ng pintuan at dire-diretso ang pasok. Napaawang ang bibig ko. He's wearing a three piece suite with a very shiny shoes and he's hair is tied in man bun. Sobrang hot pero magkadikit nga lang ang mga makakapal niyang kilay. Parang galit na galit.

Nagmamadali ako sa pagtayo at kinuha 'yong notebook kong may laman ng mga appointments niya.

"G-good morning sir... May appointment po kayo kay Mr. Cruz mamayang eleven am. Sa conference room na rin po 'yong ibang investor at magsisimula po 'yong meeting niyo mamayang nine am. 'Yong lunch niyo po mag—"

"Can you please just shut your fucking mouth up? I know all of that okay! Do you think I'm being irresponsible CEO here? Fuck." Hinilot niya ang sentido at pumikit ng mariin.

Napatikhim ako at napayuko sa kahihiyan. Bumigat ang paghinga ko at nangiligid ang luha. Nasasaktan ako sa 'di malamang dahilan. Dapat kasi masanay na ako pero sa t'wing binubulyawan niya ako ay nasasaktan pa rin ako. I was just doing my job but I guess he's having a bad day again at sa akin niya naibuntong. Suminghap ako at lumunok.

"I'm sorry sir. I'm just informing you incase you forgot about it," walang buhay na sabi ko at tumalikod na.

He sighed in response. Tumalikod siya at pumasok sa loob ng opisina niya. Napabuntong hininga ako. I really can't understand him sometimes. Masyadong mainit ang ulo kahit kakapasok pa lang niya. 

Umiling na lang ako at umupo sa upuan ko. Nag encode na lang ako at hinayaan na ang nangyari kanina. 

I'm more focused of what I'm doing to  the point na hindi ko napansing may pumasok pala. I stood up and look at the pretty girl wearing in white dress standing in front of my table.

Para siyang anghel dahil sa puting damit, mahabang buhok, makinis na balat, mapupungay na mata at mapupulang labi na may nakaukit na ngiti ngayon. I think she's around eighteen years old or younger.

"Hi, anong maitutulong ko? Hinahanap mo ba si Mr. Alvarez? Are you one of the investor's daughter?" sunod sunod ang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at umiling. I swear she's so pretty when she's smiling. I mean maganda naman siya 'pag hindi nakangiti pero mas lalo talaga siyang gaganda kapag nauunat ang mga labi. She really looks like an fallin' angel.

"Hello po! I'm Armiana po but you can just call me Mia. I'm not here for any appointment or perhaps I'm not an investors daughter po and you're right, I'm here for Mr. Alvarez."

Pati boses, napakahinhin. Para talaga siyang anghel sa sobrang ka perpekto niya. I know in this world that no one's really as perfect as what we describe but for my eyes, she's really perfect.

"Ah..." Napatango ako. "If you don't mind me asking, kaano-ano mo si Mr. Alvarez?"

Mas lumapad ang ngiti niya. "I'm here baby po,"

Napasinghap ako. Baby? Baby na ano? Baby ba na anak? Jowa ba? Pero... Pero bata pa siya! Paano 'yon? Pumapatol na ba si Mr. Alvarez sa bata? Pero hindi pwede 'yon. Pedophile!

She chuckled and walk to me. Hinawakan niya ang kamay ko at ang lambot ng mga palad niya. Halatang mayaman sa sobrang lambot at kinis ng balat.

"I can sense that your too much thinking of what I said but ate I'm not like that. What I mean when I said I'm his ‘baby’ is, baby sister. I'm his sister po." Natatawa pa rin siya.

Gano'n ba ka worst 'yong reaction ko? Eh sa 'di niya nilinaw. Kinabahan tuloy ako ro'n. 

Hindi naman nakakataka. Maganda siya at medyo may pagkahawig nga sila ni sir.

Napakagat ako sa labi ko. "Sorry Mia. Nagulat lang talaga ako. Halika, samahan na kita sa loob pero wait lang tayo ha. Highblood pa naman 'yong pagdating kanina rito."

I held her wrist gently. Mahirap na at baka masugatan. Masyado pa namang malambot at makinis, halatang mayaman. Buti na lang at mukhang mabait at magalang naman.

I knock twice on the door just like what he said. We waited for a minute before he responded.

"Come in."

Humarap ako kay Armiana. "Gusto mo bang samahan kita sa loob o ikaw na lang mag isa ang papasok?"

Hinawakan niya ang kamay ko. "No ate. I want you to accompany me. Baka kuya is mad at me. I'm little bit scared."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Binuksan ko ang doorknob at pumasok sa loob kasama si Armiana. Naabutan ko si sir na nakaharap sa laptop niya. He's wearing an eyeglasses and it makes him hotter even more. 

Ayokong magkasala pero itsura pa lang at katawan niya mukhang mahirap ng iwasan pero echos lang. Ayokong matanggal sa trabaho.

Tumikhim ako. "Ah sir, hinahanap ka po ng kapatid niyo,"

Umangat ang kanyang tingin at napako kay Mia. He sighed and remove his glasses. He stood up and fix his suit and walk towards our direction.

"Armiana what are you doing here?" tanong niya at hinawakan ang braso ni Mia para paupuin sa sofa.

Armiana pouted. "Kuya don't do that again please."

Migo close his eyes and sighed. "I'm sorry baby. I won't do it again."

Mia nodded and hug Migo. "Kuya do you have a girlfriend?"

Hindi ko alam kung bakit nanatili akong nakatayo rito at 'di pa lumabas. Nakikinig ako sa usapan nila at laking pasalamat na hindi pa nagagalit sa akin ang dragon.

"I don't do girlfriends baby. I hate clingy girls. They're annoying."

Armiana sighed. "Why kuya? Don't you feel some sparks everytime you see girls?"

Migo laughed a bit and shook his head. "No. But I felt something different whenever I see beautiful and sexy girls." He smirked.

Parang alam ko na kung ano. Malandi talaga siya. Palibhasa kasi gwapo.

"Ew kuya! Pero ayaw mo talagang magka girlfriend?" tanong niya ulit.

Kumunot ang noo ni sir. "I thought you wouldn't want me to have any relationship to some girls because you want to be my one and only girl? What change now baby?"

I can see that he's really a soft boy when it comes to his family. Kasi kahit kanino, kahit pa sa mga babae niya, 'di siya gan'yan ka malumanay magsalita. Hindi siya gan'yan kung magsalita. 

"I don't want naman talaga but I saw a pretty girl earlier and it did change my mind. You want to meet her? Believe me, she's pretty and sexy,"

Napatingin ako kay Mia nang tumitig siya sa 'kin at kumindat. Bumilis ang kabog ng d****b ko.

"Who's that?"

Armiana smiled and pointed me. "Your secretary kuya."

Para akong hihimatayin sa sobrang kaba ng nararamdaman. Umangat ang sulok ng labi ni sir. 

He smirked and said. "Pwede na."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status