Share

Chapter 1

Kay ganda titigan ang napaka aliwalas na langit. Ang saya titigan ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid. Nakakatuwa titigan ang kulay asul na langit at ulap. Kay ganda mabuhay sa mundong ito. 

Inayos ko ang aking palda at pinasadahan ito ng ilang beses para mawala ang kusot. Kakababa ko lang sa jeep at naglakad na papuntang palengke para bumili ng bigas at isda.

Ang ingay sa loob ng palengke ang tanging maririnig sa paligid. Nakisali ako sa siksikan para makabili ng isda na uulamin mamayang gabi. Bumuntong hininga ako habang inaabot ang bayad sa binili kong isda, balak kong sigangin 'to. Pagkatapos kong bumili ng isda ay bumili naman ako ng bigas para may maisang pag uwi.

Nilalakad ko lang pag uwi ng bahay kahit may medyo kalayuan ito. Kailangan ko kasing magtipid lalo na't wala akong pera ngayon. Natanggal kasi ako sa trabaho ko. 

"Pssstt! Miss!"

Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag. 

"Po? Ako ho ba ang tinawag niyo?" nagdadalawang isip na tanong ko, naninigurado lang.

Ngumiti sa akin ang lalaking naka angkas sa tricycle. This is one of the tricycle driver here in our baranggay.

"Sakay ka na miss ganda,"

Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Hindi na po kuya, may dadaanan pa po kasi ako,"

Kailangan kong magsinungaling kasi kapag sinabi ko ang totoo ay mamimilit lang sila at 'di ka nila titigilan hangga't hindi ka sumasakay. They will insist until they get what they want. Kung may pera lang ako ay hindi ako magdadalawang isip sa pagsakay kaso budget na ang perang nasa wallet ko.

Bitbit sa kaliwang kamay ang selopin ng bigas at sa kaliwa naman ang isda. Napatingin ako sa naglalakihang building. Balak ko kasing mag apply isa sa mga kompanya rito kaso lang wala pa akong nakikitang hirings ng janitress, o 'di kaya'y tindera sa canteen nila. Hindi naman ako maka apply bilang sekretarya kasi hindi naman ako nakapagtapos ng pag aaral. I don't know if I'm qualified to take the position as a secretary. I'm not a college graduate.

Napadaan ako sa gilid ng AGOC. May papel na nakasulat sa gilid ng guard. Parang papel na nakalagay ang hirings kung anong trabaho at kung ano ang position.

"Manong pwede po bang magtanong?"

Nilingon ako ng gwuardya at ngumiti sa akin. "Ano 'yon hija?"

"May hirings po ba ngayon?"

"Timing hija. Naghahanap ang kompanya ngayon ng secretary. Natanggal kasi ang secretary ng CEO at naghahanap na ulit ngayon, qualified ka ba? Dala mo ang résumé mo?"

Napalunok ako. "Ah..." Napayuko ako. "Kailangan ho ba ng college graduate? Nakapagtapos naman po ako ng senior highschool at nakapag college pero 'di ko po natapos, natigil ako at hanggang third year college lang."

Ngumiti pa rin siya sa 'kin. "Tamang tama talaga na napadaan ka rito. Hindi na kailangan ni Mr. Alvarez ng college graduate, basta marunong ka sa gawaing sekretarya ay ayos na pero 'wag kang mag alala at may mag tuturo naman sa 'yo sa loob."

Napakagat ako sa labi. "Kaso po," itinaas ko ang dala. "May dala po ako at wala po akong résumé,"

Sana naman at okay lang kasi ayokong palagpasin ang opportunity na 'to. Baka kapag natanggap ako rito ay aayos na ang buhay namin. This will be my ace for a better life.

"Ilagay mo muna 'yan dito at sasamahan kita sa taas. Ako nga pala si Mando, ikaw hija ano ang pangalan mo?"

Hinayaan ko siyang ilagay sa gilid ang pinamili ko. "Tawagin niyo na lang po akong Shantal at maraming salamat po Kuya Mando,"

"Walang anuman 'yon. Gusto kong makatulong sa mga kapwa kong nangangailangan at ito lang ang tanging maitutulong ko."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at sumunod na sa loob. Entrance pa lang ng company ay nakaganda at napakalinis na. Mahihiya ang sapatos kong tumapak dito. Inilibot ko ang paningin at nakita ko ang mga taong busy sa kani-kanilang ginagawa. May nag uusap sa gilid, may nagtitimpla ng kape, nagpi-print, nag e-encode at ano ano pang gawaing pang opisina.

This company is the most top company all over the Philippines. Alvarez Group of Companies is one of the popular company not just in the country but all over the world. 

Itong kompanyang 'to ang pinapangarap ng lahat na mapasukan. Bukod kasi sa maganda ang benepisyong binibigay ng kompanya ay gwapo rin daw ang CEO. Minsan napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. 

"Kuya Mands! May kasama ka yata?" 

Napalingon ako sa lalaking nakangiti at naglakad sa direksyon namin. Nakasuot siya ng pang office attire pero may kakaiba sa mukha niya.

"Ikaw talagang bata ka, pati pangalan ko pinagtitripan mo. Anong Mands? Kay ganda ng pangalan ko, ginawa mo pa akong babae."

Natawa ako. Ang kulit nito. Para ring masayahin na tao kasi nakangiting nakatitig sa akin.

"Natawa tuloy sa 'yo si Shantal. Ikaw talaga Carlo,"

Napasimangot iyong Carlo. "Kuya Mands anong Carlo? Carla! It's not Carlo, it's Carla," at diniinan pa ang salitang 'carla'.

Confirm. Bakla. Sayang gwapo pa naman. Hindi ko gusto sadyang nasasayangan lang ako kasi gwapo siya para maging bakla. I can say that he's a gay because of his way of talking and the way he moves.

"Hi I'm Carla, and you are?" Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'to.

"Shantal na lang, nice to meet you Carla,"

"Ay I like you na Shantal! Ang ganda mo girl! Anong shampoo mo at napakakinis ng buhok mo!"

Namula ako. Nakakahiya naman 'tong baklang 'to. Ang lakas ng boses. Naririnig yata sa buong building. Parang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas. I mean not literally.

"Ikaw talaga Carlo, ang mabuti pa ay samahan mo itong si Shantal sa 10th floor at mag aapply iyan bilang secretary, pakisamahan na rin siyang gumawa ng résumé."

"Maraming salamat talaga Kuya!" Pasasalamat ko kay Kuya Mando at sumunod na kay Carla.

Nagulat ako ng ikinawit ni Carla ang kanyang braso sa braso ko.

"H'wag ka ng magulat sa 'kin Shantal at ganito talaga ako girl! Alam mo, kung matatanggap ka man good luck na lang sa 'yo,"

Kinakabahang tumingin ako sa kanya. "Bakit?"

Ngumiti siya ng nakakaloka. "Basta gwapo si sir, hot, mala daddy ang katawan, nakaka drool na nakaka wet pero masungit nga lang parang araw-araw may regla." Napasimangot siya sa huling sinabi.

"Masungit? Paanong masungit?" tanong ko habang tinutulungan siya sa pag encode ng mga personal information ko para sa résumé.

"Nako nakakaloka ang kasungitan. Kaunting mali mo lang, bulyaw agad aabutin. My God! Kung 'di lang talaga 'yon gwapo!"

"Sana matanggap ako," wala sa sariling sambit ko.

"Sa ganda mong 'yan, I'm sure na! Pero ito lang ang kailangan mong tandaan bakla! The one and only rule of Mr. Migo Alvarez, to not fall into him. Kasi kapag nahulog ka, delikado ka na."

I sighed. I can do this. The one and only rule is to not fall into him. Simpleng rule lang naman 'yan. Alam kong 'di ko malalabag 'yan. Tsaka wala pa sa isip ko ngayon ang mahulog sa isang lalaki. May mga kapatid akong nag hihintay sa akin.

"Tahimik ka yata? Tapos na 'tong résumé mo. Tumayo ka na riyan at sasamahan na kita sa taas. Basta ha kapag nakita mo si sir 'wag na 'wag kang matulala sa kagwapohan nun. Gwapo lang 'yon pero ubod ng sungit. Tandaan mo lang, be true to your answers. Hindi 'yon tumatanggap ng copy paste na sagot. Bukod kasi sa napakasungit ay napaka arte pa nun, daig pa tayong mga bakla!"

Kahit kinakabahan ay pilit kong tumawa sa sinabi niya. Siguro naman kaya kong sagutin ang mga questions sa interview. Isipin ko na lang ang mga kapatid ko. Kawawa sila kapag hindi ako matanggap dito. I'm not just the one who'll suffer but also my siblings.

Pumasok kami sa elevator at pinidot niya ang number ten. Habang nasa loob ay taimtim akong nagdadasal na sana ay matanggap ako. Pinanghahawakan ko ang salita ni kuya Mando na kahit high school graduate ay tumatanggap sila.

Nakarating na kami sa tamang palapag at nauna siyang lumabas. Pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba. 

Kumatok si Carla sa pintuan na may nakalagay na CEO's OFFICE. 

"T-Teka lang naman Carla. Okay lang ba 'tong suot ko? Parang nakakahiya naman at ganito lang kasimple ang suot ko tapos mag aaply bilang secretary baka talaga 'di ako matanggap nito," kinakabahang sabi ko. Kabadong kabado na talaga ako.

I'm just wearing a simple clothes. White shirt and red skirt partnered with white shoes. Disente naman titigan.

"Ano ka ba! Wala 'yang damit mo sa ganda ng mukha mo! Basta okay na 'yan. Pasok ka na at ayaw pa naman ni sir igop na paghintayin siya. Good luck bhie, see you later!"

I sighed. "Salamat." I smiled while saying that at binuksan ang pintuan.

Unang ekspresyon ko sa nakita ko ay gwapo. Sobrang gwapo niyang nakaupo sa swivel chair niya. His blue eyes is looking at me with no emotions. Napakalamig ng ekspresyon pero gwapo pa rin. Sa harap ay may laptop at kakababa lang niya nang reading glasses niya.

Kinakabahan man ay lumapit pa rin ako at umupo sa upuan malapit sa table niya. 'Yong upuang pang serve as clients seats? Not sure. Wala kasi talaga akong ibang bagay na alam tungkol sa mga opisina.

"Your résumé," he said and his baritone voice sent shiver to my spine.

Dahan dahan at nanginginig ang kamay na inabot ko ang résumé sa kanya. Kinuha niya 'to agad at binasa. He lick his lower lip at namula iyon.

Ang ganda ng pilik mata niya, mahaba at curly. Makapal din ang kalay. Matangos ang ilong. Maganda ang pagka gupit ng buhok. Ang pagka depina ng panga ay nasa tamang hulma. Ang manly, ang bango inshort ang gwapo.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang bigla siyang tumitig sa akin. Ang mga mata niya, ang asul niyang mata ay napakaganda. His eyes' really something.

"Quit staring." He coldly said and put down the papers.

"Sorry," mahinang sambit ko.

"It says here that you aren't college graduate?"

Ito na 'yong pinoproblema ko. Sa lahat naman kasi ba't iyon pa ang pinaka ayaw ng mga kompanya? Hindi ba pwedeng patas na lang ang lahat. I thought even if you didn't finish college, you're still qualified to apply in any work but I was wrong after all.

"Opo sir,"

"Tell me, why should I hire you?"

This is it. Huminga muna ako ng malalim at pumikit ng mariin bago sumagot. Be true to your answers.

"Natanggal po ako sa dati kong trabaho. Wala na po akong magulang at ako na lang ang bumubuhay sa dalawang kapatid kong nag aaral. Kapag hindi ako makahanap ng trabaho ay mamatay na kami sa gutom. Dalawang araw na kaming hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw." Kinagat ko ng mariin ang aking labi para pigilan ang hikbing kakawala.

It's true. Awang awa na ako sa mga kapatid kong iiyak sa gabi sa sobrang gutom at wala akong magawa. 

He look at me intently. Malamig pa rin ang tingin at nakakapanghina. Ang mga mata niya ay nakakapanghina.

"Where can you see yourself years from now?"

"Kung matatanggap man ako ay secretary mo pa rin sir."

Humalukipkip siya at may pinindot. "Arrange her papers Lanie, she's hired."

Nanlaki ang mata ko. Am I hired, right? That's what I heard right? Namilog ang mata ko at napatakip sa bibig. Nag uunahan sa pagbagsak ang luha ko at napahikbi ako ng tahimik. Sa wakas. Sa wakas may trabaho na ako at makakakain na ang mga kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw. 

"Stop crying. Now go out and find Lanie. She'll instruct you what to do. You can start working tomorrow."

I bit my lip and nooded. Sungit ni pogi. Lumabas na ako para hanapin ang sinasabi niyang Lanie.

Pinahiran ko ang aking luha at inayos ang aking mukha. May lumapit sa aking babae na nakangiti. Ito na siguro si Lanie. 

"Hi I'm Lanie. You're Shantal right? Congrats nga pala,"

"Thank you po." 

"Halika at ituturo ko sa 'yo ang dapat mong gawin. So how is it?"

"Ah kinakabahan po ako kanina pero salamat naman sa diyos at natanggap ako. Medyo masungit nga lang si sir."

Natawa siya sa sinabi ko. "Gan'yan lang talaga si sir. Hayaan mo na 'yon, ang mahalaga ay natanggap ka."

Itinuro niya sa akin ang mga dapat kong gawin tulad ng pag set ng appointment, pagpapapirma ng mga papeles, pagtimpla ng kape, pagprint ng mga papeles at kahit ano pa.

Wala namang kaso sa 'kin kasi alam ko naman gawin ang mga bagay na 'to. 

"Balik ka rito bukas, dapat by eight in the morning nandito ka na para maka log in ka at maayos ang lahat sa office ni sir bago pa siya dumating. Ayaw pa naman nun na 'di naka organize ang mga gamit niya. Maarte 'yon."

"Opo. Salamat po. Una na ako ate Lanie."

Ngumiti lang siya. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Thank God for giving this opportunity. Higit na makakatulong na ito sa akin at sa pamilya ko.

Bumaba na ako at nakasalubong si Carla at Kuya Mando na nag hihintay sa akin.

"How is it girl?"

"Natanggap ka ba Shantal?"

Bumuntong hininga ako at masayang ngumiti. "Natanggap ako!" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status