Matagal na nakatitig si Skye sa malaking frame sa salas niya. Napakaganda noon na ipininta pa ng isang magaling na pintor na binayaran niya. Masaya ang mukha nito, larawan ng tagumpay dahil sa nakamit na mga pangarap.Ito ang litrato ni Isabella noong graduation ng dalaga. Hiningi niya iyon kay Carl bago siya bumalik ng isla noon. “I think, this is the right time to bring her back,” he said to himself.Pagkatapos niyang magtiis para tuparin ang mga pangako niya, sa mga sandaling iyon ay hindi na siya mapipigilan pa ng kahit na sino; kahit pa ng pamilya niya.Naalala niya nang huli niyang makita ang dalaga sa hospital noon. Hindi niya alam na iyon na pala talaga ang huli at tuluyan na silang magkakalayo.Lumabas siya ng bar noon at nakita si Yumi. Lantaran nitong ipinakita ang pagkagustong may mangyari sa kanila. Lasing na lasing ito noon, pero hindi niya maatim na patulan ang babae. Ang damit nitong halos ipangalandakan na ang dibdib sa lahat ay muli niyang ibinaba.“Skye, what you
Naglakad si Isabella patungo sa lounge ng mga flight attendant ng kompanya nila sa loob mismo ng airport. Medyo napaaga siya pero ayos lang iyon. May oras pa siya para ihanda ang sarili.“Isabella, ready for our flight?” tanong ni Mildred na kararating lang.Tumango siya.“Kilala mo ba ang piloto ngayon? Hindi kaya siya masungit?” tanong niya. Sabi kasi sa GC nila kagabi, bago raw ang head pilot.“Hindi rin, eh. Pero si Sir Kelvin pa rin ang co-pilot niya.” Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang banggitin ang pangalan ng lalaki.Napangiti siya. “Yes. Hindi na siya pinalitan.”“Ayos!”Napakunot ang noo niya.“Girl, kung alam mo lang,” bulong niya sa sarili at inayos sa mesa ang mga binabasang magazine.Maya-maya pa, dumating na ang lahat kasunod ang lead flight attendant nila. Sinabi nito isa-isa sa kanila kung saang area sila naka-assign.“Miss Evangelista, you are assigned to assist our pilot’s family. His wife, his son and other VIP members, understand?” malumay na wik
“Isabella!’Nasa lobby siya ng hotel na tinutuluyan sa Netherlands. Doon nila napag-usapan ni Laila na magkita nang maghiwalay sila ng eroplano kaninang umaga. Nagpahinga lang siya at nag-ayos ng sarili bago bumaba.“Laila, asan sila?” Ang tinutukoy niya ay ang mag-ama nito.“Naku, nasa silid pa namin. Nagpapahinga pa sila. Tama lang iyon para girls talk at tayo muna ang gumalang dalawa.” Yumakap ito sa kaniya. “I miss you, Isabella. Ang laki na talaga ng ipinagbago mo. At alam ko noon pa man ay malayo na ang mararating mo. Alam ko rin na magiging kaibigan kita katulad ni Skye. Halika na. May masarap na kainan sa labas, tuloy shopping na rin tayo. Ako na ang bahala sa lahat.” Matamis na ngumiti si Laila.Sumikdo ang dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki, pero hindi niya iyon ipinahalata.“Naku, huwag na sa shopping. Ayos na ako sa pagkain. Hindi ko iyon tatanggihan,” aniya.Ngumiti lang ito at hinila siya palabas. Ito na rin ang tumawag ng taxi. Nakarating sila sa isang
Pagkalapag nila ng Manila galing Netherlands, dumeretso siya sa opisina nila bago tuluyang mag-out. Tiningnan muna niya ang susunod niyang schedule. Medyo matagal pa. Tatlong araw pa mula sa araw na iyon ang sunod niyang flight.Madali rin siyang umalis sa opisina nila, dahil nag-volunteer si Laila na ihatid siya sa condo. Sa dami ng pinili nito na mga gamit niya, halos hindi na siya magkandadala. Babalikan na lang niya bukas ang sasakyan niya.Nasa lobby pa lang siya ay sinalubong na siya ng mag-anak, kasunod ang mga personal bodyguard ng mga ito at kinuha ang dala niya.“Salamat po.” Lumapit siya kay Laila. “Salamat din naging masaya ang Netherlands day ko.” Ngumiti siya rito.“Come on! Maliit na bagay lang iyon.” Humawak ito sa braso niya. “Kumain muna tayo bago ka namin ihatid,” yaya nito sa kaniya.Nilingon niya si Nick at ang anak nito. Hinihintay ng mga ito ang pagpayag niya.“Ninang Isabella, don’t decline my mom’s offer. I also wanted to bond with you.” Yumakap si Nickolas sa
Pagkatapos ng mga labada niya, inayos niya ang mga pagkain sa lamesa nang tumunog ang phone niya.Unregistered number iyon. Naalala niya si Laila. Kaya sinagot agad niya.“Hi, Laila! Thank you, sa flower and foods!” masiglang wika niya. Pero ilang minuto na ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Tiningnan niya ang number ng caller andoon pa rin naman ito. “Hello. . .”Wala pa rinng sumasagot. Narinig na lang niya ang tunog ng end button. Napakunot ang noo niya. Baka nagloloko ang signal. Ibinaba na lang niya iyon hanggang pumasok ang mga mensahe roon.“How’s the food? Eat well.”Napangiti siya sa mensahe ni Laila. Naalala niya kung paano siya kulitin nito habang pahapyaw na pinagkuwento siya kung paano sila nagsimula ni Skye. Halatang kinilig naman ito. Pero sa isip-isip niya, huli na para doon.“It’s fine. Thank you for everything. I’m happy to be with you,” mabilis niyang tugon sa mensahe. “By the way, please check your signal. I think, you can’t hear me.”Pero pagkatapos
Napatingin siya sa itim na sasakyan sa labas. Biglang tumunog ang cell pone niya at nakalagay roon ang plate number ng door to door na galing kay Carl. Akma iyon sa sasakyan na natanaw niya mula sa lobby. Isang numero ang nag-appear sa screen ng cell phone niya. Agad niya iyong sinagot.“Magandang umaga po, Ma’am Isabella. Nasa labas na po ako.”Tumango siya at mabilis na kinuha ang dala-dala. Naglakad siya palabas.Sinalubong siya ng isang matipunong lalaki. Tumitig siya rito. Maayos itong manamit at mukhang personal driver or bodyguard ito.Napangiti ito sa titig niya. “Ma’am Isabella, ako na po ang magdadala niyan. Ako nga po pala si Hero.”Ngumiti siya. “Isabella na lang po. Kakilala mo ba si Carl?”“Ah, si Sir Carl po? Opo. Lagi po kaming nagkikita sa hotel.”“Ah, okay po. Halina na po kayo at baka naghihintay na ang ibang pasahero.”“Ma’am Isabella, hindi po door to door ang sasakyan na iyan. Pinasundo ka po ni sir ng personal sa akin. Sakay na po at nang maaga tayong makaratin
Mga ilang minuto siyang na stock sa pagkakatayo pero nakabawi muli siya at inilang hakbang lang niya ang likurang bahagi ng hotel. Tanda pa naman niya ang daan patungo sa bahay nila.“Isabella. . .” Tinig iyon ng pangungulila.Pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil baka may makakita na kinakausap siya nito at makarating kay Yumi. Mas binilisan pa niya ang paghakbang.Nang nasa madilim na siyang bahagi, nakahinga siya nang malalim nang mawala ito sa likuran niya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang marating na niya ang bahay nila. Kinapa niya ang susi sa bulsa pero wala ito.Natapik niya ang noo dahil doon.“T*nga lang! Ngayong bumalik ka, Isabella, para hanapin ang susi.”“You’re talking to yourself, again. Hindi ka pa rin nagbabago. Ito ba ang hinahanap mo?”Mabilis niyang inagaw ang susi pero mas mabilis ito.“Ano ba! Bakit nasa iyo iyan? Ibigay mo sa akin iyan at umalis ka na!”Lumapit ito sa kaniya at hindi natinag sa sinabi niya.“Let me open the door.” “Ako na
Narating muli niya ang silid ng tiya niya. Narinig niya ang pag-uusap nito at ni Carl. Natigil lang iyon nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Sabay na tumingin sa kaniya ang mga ito.“Isabella!” panabay ng dalawa.“Andito na po ako. Hindi pa po ba kayo matutulog ulit? Ikaw, Carl, pahinga ka na. Ako na dito. Salamat.”Tumayo ito. “Naghanda ako ng mga pagkain. Kumain muna tayo. Nauna na si Tiya Alice para makainom ng gamot.”Tumango siya at yumakap sa kaibigan. Humagulhol siya ng iyak dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman. Ramdam niya ang paghagod nito sa likod niya.“Magiging maayos din ang lahat. Ang kailangan mo lang harapin ito. Nandito lang kami palagi. Gusto kong makita kang masaya lagi.” Tagos sa puso niya ang sinabi ng kaibigan.Hanggang mapawi ang sakit at lungkot sa loob niya ay hindi siya nito iniwan.“Tama na. Lalong manghihina ang Tiya Alice kapag nakita ka niyang ganiyan.” Hinila siya nito sa sofa at binigyan ng tisyu.“Carl, bakit ganoon? Ang sakit pa rin pala,”