Napatingin siya sa itim na sasakyan sa labas. Biglang tumunog ang cell pone niya at nakalagay roon ang plate number ng door to door na galing kay Carl. Akma iyon sa sasakyan na natanaw niya mula sa lobby. Isang numero ang nag-appear sa screen ng cell phone niya. Agad niya iyong sinagot.“Magandang umaga po, Ma’am Isabella. Nasa labas na po ako.”Tumango siya at mabilis na kinuha ang dala-dala. Naglakad siya palabas.Sinalubong siya ng isang matipunong lalaki. Tumitig siya rito. Maayos itong manamit at mukhang personal driver or bodyguard ito.Napangiti ito sa titig niya. “Ma’am Isabella, ako na po ang magdadala niyan. Ako nga po pala si Hero.”Ngumiti siya. “Isabella na lang po. Kakilala mo ba si Carl?”“Ah, si Sir Carl po? Opo. Lagi po kaming nagkikita sa hotel.”“Ah, okay po. Halina na po kayo at baka naghihintay na ang ibang pasahero.”“Ma’am Isabella, hindi po door to door ang sasakyan na iyan. Pinasundo ka po ni sir ng personal sa akin. Sakay na po at nang maaga tayong makaratin
Mga ilang minuto siyang na stock sa pagkakatayo pero nakabawi muli siya at inilang hakbang lang niya ang likurang bahagi ng hotel. Tanda pa naman niya ang daan patungo sa bahay nila.“Isabella. . .” Tinig iyon ng pangungulila.Pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil baka may makakita na kinakausap siya nito at makarating kay Yumi. Mas binilisan pa niya ang paghakbang.Nang nasa madilim na siyang bahagi, nakahinga siya nang malalim nang mawala ito sa likuran niya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang marating na niya ang bahay nila. Kinapa niya ang susi sa bulsa pero wala ito.Natapik niya ang noo dahil doon.“T*nga lang! Ngayong bumalik ka, Isabella, para hanapin ang susi.”“You’re talking to yourself, again. Hindi ka pa rin nagbabago. Ito ba ang hinahanap mo?”Mabilis niyang inagaw ang susi pero mas mabilis ito.“Ano ba! Bakit nasa iyo iyan? Ibigay mo sa akin iyan at umalis ka na!”Lumapit ito sa kaniya at hindi natinag sa sinabi niya.“Let me open the door.” “Ako na
Narating muli niya ang silid ng tiya niya. Narinig niya ang pag-uusap nito at ni Carl. Natigil lang iyon nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Sabay na tumingin sa kaniya ang mga ito.“Isabella!” panabay ng dalawa.“Andito na po ako. Hindi pa po ba kayo matutulog ulit? Ikaw, Carl, pahinga ka na. Ako na dito. Salamat.”Tumayo ito. “Naghanda ako ng mga pagkain. Kumain muna tayo. Nauna na si Tiya Alice para makainom ng gamot.”Tumango siya at yumakap sa kaibigan. Humagulhol siya ng iyak dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman. Ramdam niya ang paghagod nito sa likod niya.“Magiging maayos din ang lahat. Ang kailangan mo lang harapin ito. Nandito lang kami palagi. Gusto kong makita kang masaya lagi.” Tagos sa puso niya ang sinabi ng kaibigan.Hanggang mapawi ang sakit at lungkot sa loob niya ay hindi siya nito iniwan.“Tama na. Lalong manghihina ang Tiya Alice kapag nakita ka niyang ganiyan.” Hinila siya nito sa sofa at binigyan ng tisyu.“Carl, bakit ganoon? Ang sakit pa rin pala,”
Ilang oras din ang itinagal ni Carl bago nagpaalaam sa kaniya na umuwi. “Mag-ingat ka pauwi. Marami pang pagkain dito, dalahan mo sila.”“Salamat, Isabella. Ipaaayos ko na lang sa mga tao ko iyan para palitan. Nagpadala din si Sir Skye kanina sa bahay niyan.” Ngumiti ito. “Siya nagpaayos ng silid na ito at mga pagkain bago lumawas ng isla kanina, at alam kong kasama mo siya sa yate kanina.”Napanganga siya. “Bakit hindi mo sinabi? Hindi ko sana kinain iyan.” Nakasimangot siya sa kaibigan niya.“Talaga ba, my queen? Lahat yata paborito mo ang nakahain dito.”Inirapan niya ito. “Ewan! Dito ka na lang kaya matulog. Malaki naman ang kamang iyan.” Inginuso niya ang tinutukoy.Umiling ito.“Sa sunod na lang at iniintay din ako ni inay sa bahay.”Lumabi siya. “Sige. Ikumusta mo na lang ako sa kanila. Bibisita ako sa inyo bago bumalik ng Maynila.”Mabilis niyang niyakap ang kaibigan at sinamahan hanggang pintuan. Pagbukas niya, nandoon ang mga cleaner para ayusin ang mga pinagkainan nila.“M
Tinagalan ni Isabella ang paghuhugas ng mga plato, kahit paulit-ulit at halos maubos na ang sabon sa lagayan.Bakit kasi ang tagal umalis ng lalaking iyon?Naroon at parang seryoso ang pinag-uusapan ng tatlo. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa nitong makipagkuwentuhan, akala mo naman close pa rin sila ng tiya niya at ni Carl. “Isabella, hindi ka pa tapos diyan, anak?” mahinang tawag ng tiya niya.Muli siyang hindi mapakali.“Tapos na po. Magbabanyo lang po ako.”Wala na siyang narinig ulit dito. Halos kalahating oras siya sa loob dahil ayaw niyang harapin ang lalaki. Kapag sinabi ng doctor na puwede na silang umuwi, aalis na agad sila roon.Isang mahinang katok ang narinig niya.“Isabella, natulog ka na ba diyan?” Boses iyon ni Carl.Mabilis niyang binuksan ang pinto. Umalis na kaya ang lalaki? Sa isip niya.“Yes, umalis na siya dahil sa tagal mo.” Hunalukipkip ito.“Carl . . .” Pinandilatan niya ito ng mga mata.“Maligo ka na at babalik din siya. Nagkaroon lang ng problem
Dumeretso si Skye sa opisina pagkahatid kay Dr. Thomas. Medyo nag-init ang ulo niya sa uri ng tingin nito kay Isabella. Kahit sino naman mapapalingon sa dalaga dahil sa ganda nito, at mas lalo itong gumanda nang manirahan sa Manila. Lingid sa kaalaman niya na may nanliligaw rito na kasamahan ni Nick. Kaya sinabihan niya ang kaibigan na ilipat ito ng ibang route na hindi kasama si Isabella.Hinawakan niya ang isang frame na may picture ni Isabella; kung saan kuha iyon sa yate ni Carl, with a glimpse of shinning moon above. Niyakap niya iyon at nilingon ang isang solo picture sa harap ng mesa niya.“Ayokong biglain ka pero hindi ko mapigil ang sarili ko kapag nakikita kita, Isabella.”Umupo siya sa upuan niya at papikit na sumandal doon. Naalala niya ito nang sunduin ng kaniyang bodyguard, nag-check out na rin siya sa condo na iyon at nakasunod sa mga ito. Pagdating sa pantalan saka siya sumakay nang makapasok na ang mga tao at siya rin ang huling bumaba. Natatawa siya sa sarili nang
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naroon siya ngayon sa entablado para tanggapin ang pagkilala sa kaniya at kay Carl, kasama ng iba pang naging iskolar ng mga Fetalvero, bilang kauna-unahang nakatapos at may matagumpay na trabaho sa iba’t ibang kompanya. Pero sa lahat, sa kaniya nakatuon ang atensyon dahil siya ang nakakuha ng mataas na karangalan bilang isang cum laude, kahit hindi siya sa magandang paaralan ng high school nakapagtapos.They got a gift, cash, and certificates.“Congratulations to all of you! Our reception will be at the hotel. Everyone is invited to come,” wika ni Skye na nakatingin sa kaniya.Kahit anong iwas niya, patuloy pa rin ito. Hindi ba nalalaman ni Yumi ang ginagawa nito? Sabagay, baka nasa siyudad iyon dahil simula nang dumating siya, hindi niya ito nakita kahit isang beses.Narinig niya ang palakpakan ng mga tao. Pagbaba niya ng stage, nakaabang ang tiya niya at sinabitan siya ng garland.“Masaya ako, anak. Lalo na ang papa at mama mo.”“Salamat po.” Yumaka
Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok