Share

Chapter 82

Narating muli niya ang silid ng tiya niya. Narinig niya ang pag-uusap nito at ni Carl. Natigil lang iyon nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Sabay na tumingin sa kaniya ang mga ito.

“Isabella!” panabay ng dalawa.

“Andito na po ako. Hindi pa po ba kayo matutulog ulit? Ikaw, Carl, pahinga ka na. Ako na dito. Salamat.”

Tumayo ito. “Naghanda ako ng mga pagkain. Kumain muna tayo. Nauna na si Tiya Alice para makainom ng gamot.”

Tumango siya at yumakap sa kaibigan. Humagulhol siya ng iyak dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman. Ramdam niya ang paghagod nito sa likod niya.

“Magiging maayos din ang lahat. Ang kailangan mo lang harapin ito. Nandito lang kami palagi. Gusto kong makita kang masaya lagi.”

Tagos sa puso niya ang sinabi ng kaibigan.

Hanggang mapawi ang sakit at lungkot sa loob niya ay hindi siya nito iniwan.

“Tama na. Lalong manghihina ang Tiya Alice kapag nakita ka niyang ganiyan.” Hinila siya nito sa sofa at binigyan ng tisyu.

“Carl, bakit ganoon? Ang sakit pa rin pala,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status