Share

Chapter 77

“Isabella!’

Nasa lobby siya ng hotel na tinutuluyan sa Netherlands. Doon nila napag-usapan ni Laila na magkita nang maghiwalay sila ng eroplano kaninang umaga. Nagpahinga lang siya at nag-ayos ng sarili bago bumaba.

“Laila, asan sila?” Ang tinutukoy niya ay ang mag-ama nito.

“Naku, nasa silid pa namin. Nagpapahinga pa sila. Tama lang iyon para girls talk at tayo muna ang gumalang dalawa.” Yumakap ito sa kaniya. “I miss you, Isabella. Ang laki na talaga ng ipinagbago mo. At alam ko noon pa man ay malayo na ang mararating mo. Alam ko rin na magiging kaibigan kita katulad ni Skye. Halika na. May masarap na kainan sa labas, tuloy shopping na rin tayo. Ako na ang bahala sa lahat.” Matamis na ngumiti si Laila.

Sumikdo ang dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki, pero hindi niya iyon ipinahalata.

“Naku, huwag na sa shopping. Ayos na ako sa pagkain. Hindi ko iyon tatanggihan,” aniya.

Ngumiti lang ito at hinila siya palabas. Ito na rin ang tumawag ng taxi. Nakarating sila sa isang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status