Share

CHAPTER SIX: NEW CEO

7:10 na. First time ko ma late. Hays!

Nag mamadali kong pinindot ang button ng elevator ang kaso, nasa 18th floor pa 'yung elevator. Tapos 'yung iba naman nasa pinaka tuktok pa. Argh. No choice kailangan kong takbuhin slash akyatin ang hagdan. 12th floor pa man din 'yung office namin. Arg! Grabe ang taas nun.

Hinihingal na ako kakatakbo at akyat ng hagdan pero patuloy pa rin ako. Kainis! Hanggang kelan ba ako mag papakahirap? Sawa na ako.

5th floor

6th floor

7th floor

8th floor

9th floor

10th floor

11 floor

At last, 12th floor. Kaya mo ito Shane Mysti Roquel. Wala ka namang hirap at sakit na dinanas na hindi mo kinaya. Isa lang naman ang hindi mo kinaya, ang pag kawala niya. Hay nako Shane! Ngayon mo pa ba iisipin 'yan? Kung kailan nasa alanganin ka na naman.

7:30 am na at saktong nasa 12 floor na ako. Napaka tahimik. Malamang, office hours na. Naka yuko at hingal na hingal ako habang naka hawak sa tuhod ko ng makarating ako sa floor ko.

"Another late employee, but worst you're.... 32 minutes late."

Napa anggat ako ng tingin ng may mag salitang babae. Patay na. Napatulala na lamang ako ng makita ang babaeng nasa harapan ko. She's so sexy and gorgeous.

"What is your name?"

Nagulat ako ng mag salita ulit siya.

"A...ako...po?" hingal at kabadong tanong ko habang naka turo sa sarili ko.

"Ofcourse, is there anyone behind you?" mataray nitong tanong. Nakakatakot siya. Kaya rin siguro tahimik ang buong floor dahil sa kaniya.

Sinulyapan ko ng tingin ang lahat.

Geeez. Ako na lang pala ang kulang.

Andun na sina Carla, Shaira at... Estella?

Fudgibar. Na una pa siya sa akin? Wow! Ang galing! Nakita ko pa na nag sign sila sa akin ng 'lagot'. Heto na siguro ang bagong C.E.O na binanggit ni Estella kanina. Hindi man lang sinabi na babae pala ito at ang sungit pa.

"So? Are you going to tell me your name or I'm gonna fire you right now?" mataray muli niyang sabi.

"Aah.... Ma'am, she's Miss Roquel."

"Shut up. I'm not talking to you!"

Pinutol nito ang sinabi ng super vissor namin na kasalukuyan pa lang nasa likuran niya.

"Sor-"

"Wait! What's her name again?"

Putol niya ulit sa super vissor namin.

"Amh… Miss Shane Mysti Roquel ma'am," naka yukong tugon ng supervisor namin.

"Really?" tanong ulit nito sabay tingin sa akin na para bang nagulat pero nakangiti siya na ewan. Weird parang si Estella lang. Mas kinabahan tuloy ako.

"Ye-yes, Ma'am," kinakabahan na sagot ko. Nawala 'yung pagod ko sa pag akyat ng hagdan dahil sa tense na baka tanggalin ako. 

"Hmm. Okay then. Go back to your work now," sabi niya. Nag sigalawan naman yung mga employee na nakiki chismis pala. "And as for you... fix yourself Miss and let's talk later Misi- I mean, Miss Roquel," segunda pa niya.

Nagulat pa ako ng ngumiti siya sa akin at... Ano daw? Parang may itatawag siya sa akin. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa elevator.

"Ano ba kaseng nangyari sayo at bigla ka na lang na late? At ang haggard mo pa," tanong sa akin ng supervisor namin na si Misis Ozmeña. Super close kami dahil sobrang bait niya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na sinong hindi ma ha-haggard? Ikaw ba naman akyatin ang 12floor habang tumatakbo. 'Di ka ba ma hahaggard nun? Kaso huwag na lang.

"Late na po kasi ako nagising, Ma'am. Tapos ang tagal pa po ng elevator. Pasensya na po," hinging dispensa ko. Hindi ko na sinabi ang totoong dahilan na si Estella ang may kagagawan.

"Okay, I understand. Fix yourself and back to work. At mag uusap pa kayo ni Ma'am. Bagong CEO natin, her name is Miss Sabrina Mae H. Cassue. Okay. Bye for now. Marami pa rin akong gagawin," mahabang turan ni Ma'am Ozmeña bago ako tinalikuran at umalis.

Sabrina Mae?

Snap out of it Shane! Maraming Sabrina Mae sa mundo! At Wala sa vocabolary nun ang asawa. Malabo 'yon. And besides, I'm not sure. I can't barely remember her face. Fudgibar. Napapraning na ata ako. Erase erase!

"Hoy tutunganga ka na lang ba diyan o mag aayos na?" rinig kong sigaw ni Shaira sa akin.

Napa balikwas naman ako at tumungo na sa pwesto ko. Nag pulbo at nag lipgloss lang ako dahil wala naman na akong iaayos pa dahil sirang sira na ako. Isa pa kailangan maging presentable dahil strict ang HR dito. Ayaw nila ng dugyot. Kaya back to work na Shane.

After 4 hours na pagka busy sa trabaho ay nakapag pahinga rin sa wakas. Ang daming new investors at bagong products. At napakaraming kino-compute. Sana nga ma promote na ako para maging accountant manager ako para nag uutos na lang ako at che-check ng mga work nila. Haist! Nakakapagod.

"Good morning, Miss Shane Mysti Roquel please proceed to the CEO Office right now. Ayaw ng pinag iintay si Ma'am Cassue. And use the private elevator sabi ni Ma'am para mabilis. Thanks," biglang turan nung isang babae na nasa harapan ko na pala. Alam ko siya 'ang assistant ng HR.

Tinatawag na ako. Kalma kalma Shane. Tumayo na agad ako. Napatingin pa ako sa mga kaibigan ko na naka thumbs up lang sa akin habang inaalayan ako ng kaya-mo-yan-look.

At si estella naka peace sign pa. Habang may hawak na papel na may nakalagay na 'Kung sakaling matanggal ka ako mag susustento sayo. Promise. P.s SORRY'

Natatawa ako na naiinis sa kanya. Hay ewan!

Umiling na lamang ako at nagtungo na sa private elevator sabay pindot ng button. Nakaka pag takha bakit kaya ito ang ipinagamit sa akin samantalang para lang 'to sa mga VIP At sa CEO. Oh baka sinabi na ni Misis Ozmeña ang dahilan ng pag ka late ko kanina?

Nang bumukas ang pinto nh elevator at agad akong pumasok. Agad ko ding pinidot ang 50th floor at nag antay. Ang sarap naman pala sumakay sa private elevator. Feeling ko tulot VIP na din ako.

Kung ito man ang last day ko ay susulitin ko na. Sumandal ako sa elevator at pumikit. Bakit pa nila ako tinambakan ng maraming paper works ngayon kung isese sante nila ako? 'Di ba? Tama tama. Think positive lang. Pero grabe lang. Wala na bang katapusan ang pagpapahirap na 'to? Tadhana mag sawa ka namang pahirapan at saktan ang isang tulad ko.

Tama na, 'wag pati trabaho ko iiwan ako. Sapat na 'yung iniwan ako ng mga taong mahal ko na naging parte ng buhay ko, na ngayo'y parte na lamang ng ala-ala ko.

Ayoko na ng laging nasasaktan. Sawa na ko. Ikaw? Hindi ka pa ba nag sasawa na matapos akong pahirapan sabay iiwan? Pinigilan kong maiyak. Jusko naman! Ang emotera ko talaga. Ako na ba ang magpasikat muli sa pagiging Emo?

Nawala ako sa pag eemote ng biglang bumukas ang elevator. Nasa 50th floor na ako. Oo malaki 'tong HF Company swerte ko nga at naka pasok ako dito, pero sana naman 'wag akong iwan at paalisin nito gaya ng ginawa niya.

*Inhale* *Exhale*

Wala akong ginawa kun'di huminga ng malalim habang papalapit sa office ng bagong CEO.

"Hi, Miss Roquel inaantay na kayo sa loob," bati sa akin ng secretary ng bagong CEO at pinag buksan pa ako nito ng pinto.

"Thank you," pasasalamat ko. Tumango lang naman siya sa akin bago ako tuluyang pinapasok sa loob.

Bumungad agad sa akin ang simple pero magandang opisina. Nakita ko rin agad ang bagong CEO, nakatalikod ito sa gawi ko at prenteng nakaupo sa swiveling chair niya.

"Long time no see, Misis Harmes," rinig kong ani niya ng humarap siya sa akin.

Napanganga

ako sa sobrang gulat. How did she know? Who is she? And I'm not Misis Harmes anymore. 

(TO BE CONTINUED...)

Thaliyan

NEW CHAPTER FOR ALL OF YOU GUYS. I hope you like it. Enjoy reading. 🥰

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status