Share

CHAPTER SEVEN: SABRINA CASSUE

Shane Mysti Roquel (POV)

"Long time no talk, Misis Harmes," rinig kong bati niya atsaka siya humarap sa akin.

Sobrang nagulat ako. At pakiramdam ko ay nanlalamig ang buong katawan ko. Para bang may hinugot na punyal sa dibdib ko at isinaksak ito muli. Hindi ako nakakibo. Ramdam ko takot ng dahil lang sa mga salitang sinabi niya.

Titig na titig ito sa akin. Napalunok ako. Sino ka ba Sabrina Mae Cassue? Gusto ko 'yon itanong sa kaniya ngunit wala akong lakas ng loob upang tanungin siya.

"I-I'm so-sorry, M-ma'am but I-I'm not Misis Ha-Harmes," utal na sabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam pero sobrang na tetense ako.

Napayuko naman ako ng biglang tumaas ang kilay niya sa gawi ko. Totoo nga, may impact pa din talaga sa akin at sa buong pag sistema ko si Zeke. My one and only ex-husband. Akala ko, naka move on na ako, akala ko ok na ako at akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

"Okay, Sasa. Congrats again on your wedding. I'm sorry if I can't attend. I'm kind of busy right now, you know?"

Bigla akong napaangat ng tingin ng marinig ko na naman siyang magsalita. Nakita ko siyang sumanyes sa akin at tinuro ang upuang nasa side ng table niya.

Nahihiyang nag lakad ako ng malumanay at tumayo roon sa gilid ng upuan. Napakagat rin ako ng labi habang patuloy naman siyang nakikipag usap sa kung sino sa cellphone niya.

"Okay then. I miss you too, Misis Harmes and see you soon. Bye!," rinig kong turan pa nito bago ibinaba ang kaniyang phone.

Ako naman ay napamaang nang may ma realized ko ang nangyari at napagtanto ang mga narinig ko. Isn't she talking to me?

"So? Miss Roquel, I heard that... Just take a sit first," ani niya ng bumaling siya sa akin.

At doon lamang ako parang natauhan. May kausap pala siya sa phone. Aish! Asa naman ako na ako ang tinawag niyang Misis Harmes. Ang feeling ko pa rin talaga. Pero sa loob loob ko, nabunutan ako ng tinik. Ayoko na muling marinig pa ang pangalang 'yon. Sobrang nakakasakit sa puso. Huminga ako ng malalim bago ako na upo sa katapat niyang single chair. Nahihiyang tumingin pa ako sa kanya.

"Sorry about that. You thought that I called you Misis Harmes right? I was talking to my friend. By the way," paliwanag niya. Napalunok na lamang ako at pinilit na mag salita.

"Ba- bakit po Ma'am?" kinakabahan na tanong ko.

"Bakit ka namumutla? May sakit ka ba?" alalang tanong nito.

"Hehehe. Wala po, Ma'am, kinakabahan lang po," nahihiyang pag amin ko.

Ngumiti naman siya sa akin. Sobrang ganda niya. Nagmumukha siyang anghel kapag ngumingiti. Kaso kapag seryoso na at nakataas ang kilay, nakakatakot na siya.

"Really? Why? Is there something wrong?" tanong nito.

Hindi ko alam pero feeling ko naka ngisi siya sa akin. At feeling ko din katulad niya si Estella. Ang weird ng ngisi niya.

"Wala po, Ma'am," mabilis na sagot ko.

"Then why?" tanong niya pa.

Iniintriga niya ba ako?

"Ah. Kase po baka po sisantihen niyo ako," dahilan ko. Tama tama. 'Yun nga. Ayun naman talaga ang nasa isip ko nung una pa lang dahil nga late ako. Tama.

"Haha. Of Course not, edi na yari akoanisbdjsubwusjwnjw…," mabilis na turan niya at halos wala akong maintindihan sa huli niyang sinabi. Para siyang nag rap na ewan. Weird.

"Ano po ulit ma'am?" tanong ko dahil na curious talaga ako sa huling sinabi niya.

"Nothing. Gusto ko lang makipag kwentuhan sayo," nakangiting ani niya.

Napanganga naman ako. Ano daw? Pinatawag niya ako para makipag chikahan sa kaniya? Seryoso siya?

"Hehehe. Ano naman po ang pag ke kwentuhan natin, Ma'am?" nahihiyang tanong ko.

"About what happened to you. I mean, Are you all right?" tanong niya.

Pakiramdam ko ay malungkot siya. May problema ba siya? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya.

"What I mean is, tell me about yourself. Nasa maayos ka bang buhay? I just wanted to know kung ayos ba ang mga employee ko. Lalo kana, isa ka sa mga ni recommend ni Misis Ozmeña para sa promotion. 'Di ba accounting ka?" paliwanag niya.

Biglang nag ningning ang mga mata ko. Recommendation? Promotion? Nag dilang anghel yata ako. Parang kanina lang gusto ko ng ma promote. Heto na ba 'yun?

"Yes, ma'am sa accounting po ako," masiglang sagot ko. Kailangan kong pasalamatan si Ma'am Ozmeña mamaya.

"Okay then. Let's start, isipin mo nalang na interview ito. Because I'm your new CEO. Kaya gusto ko malaman ang ilang importanteng background ng mga masisipag naming employees. Don't worry may mga na interview naman na ako bukod sayo. At isa pa, this is a private conversation,"ani niya.

Nabawasan 'ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. At kaya naman pala pinatawag ako ay para sa promotion. Kailangan ko din ata pasalamatan si Estella dahil na late kami. Hmm. I'll think about it. Pero akala ko talaga kung ano na. Sobrang kaba ko talaga kanina. Hays. Paranoid na siguro talaga ako.

"Simulan na natin," maya maya ay segunda ni Ma'am Cassue. Sabay ayos ng folder niya at kumuha ng ballpen. So? Interview nga?

"First question. Are you single, taken or married?" pagtatanong niya.

Nanlamig bigla ang buong katawan ko. Handa na ba ako ibahagi sa iba ang nakaraan ko? Ito na naman ako sa pagiging sensitibo ko.

"Si- Single po ma'am," sagot ko. Ramdam ko na may kung anong kirot akong nararamdaman dahil sa sinabi ko.

Ano ka ba Shane! Single kana okay? Tanggapin mo na at kahit kailan hindi ka na magiging taken ulit. Dahil taken kana, na taken for granted. Palagi ko na lang nasesermunan ang sarili ko. Hays. Nakakasawa na.

"Okay next is, Are you happy being single? Yes or no? And why?"

Seryoso siya sa pag tatanong habang sumusulat sa kaniyang record book.

Bakit kasama sa tanong iyon? Kailangan ba iyon? Gusto ko sana umapila kaso naisip ko na para ito sa promotion. Kailangan pumasok ako sa standard ni Ma'am Cassue. Huminga nalang ako ng malalim. Nakakahiyang i-refused 'yung tanong niya. Atska, new CEO pa naman siya. Dapat ikalma ko lang ang sarili ko. Tama tama.

"Yes, Ma'am," malumanay na sagot ko pero parang masakit pa rin. Sabagay, lagi naman akong nasasaktan 'di ba? Kailan ba hindi?

"Then, why?"

Seryoso pa din siya sa pag tatanong niya.

"Masaya po syempre. Lahat ng bagay pwede mong gawin. Walang bawal at walang mag babawal sayo. Malaya ka sa lahat ng bagay. Masakit po kaseng maging taken 'e," ani ko. Ramdam ko pa din ang pait.

Masakit talaga ang katotohanan. Nakita ko namang napangiwi si Ma'am Cassue dahil sa sinabi ko. Ang bitter ko talaga.

"Bakit naman naging masakit? Tell me," tanong niya at ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya. Mukhang nahahawa yata sa akin si Ma'am Cassue.

"Kase po..."

Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya baka kasi maiyak ako. Atsaka, ayoko na isipin niya na nagpapaawa ako sa kanya. Hays! Hindi ko na alam ano bang dapat kong ipaliwanag.

"Go on. I won't judge," segunda niya pa.

Huminga ako ng malalim at mataman ko siyang tinignan. Nginitian niya lang ako na halatang nag aantay ng susunod kong sasabihin. Huminga muli ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang pag ke kwento ko.

"Kase po Ma'am, naranasan po kase na magmahal tapos ay iniwan. Kaya kung maibabalik lang ang nakaraan pipiliin kong hindi na maging taken pa baka sakaling hindi ako nasaktan noon at hanggang ngayon," seryosong pahayag ko.

Nanatili naman siyang seryoso. Pero bakas sa mukha niya na nasasaktan din siya. Ganun na ba nakakahawa ang mga drama ko sa buhay? Pakiramdam ko tuloy nandamay ako ng ibang tao dahil sa mapait na nakaraan ko.

TO BE CONTINUED….

Thaliyan

Another chapter for all of you. I hope you like it. Enjoy reading. 🥰

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status