Share

CHAPTER FOUR: ANXIETY

Shane Mysti Roquel (POV)

Hindi ko alam kung gaano katagal ba ang pagtatalo ng dalawa ng dahil lang sa hotdog. Buti na lang at bumalik galing kung saan si Carla at may bitbit na sandamakmak na Jolly hotdog. Ayun, tumigil rin ang dalawa. Laking pasasalamat ko talaga at bumalik si Carla. Buti pa siya bumalik samantalang 'yung iba, umalis na nga ng walang pasabi hindi na rin bumalik.

"Pero curios talaga ako," biglang usal ni Estella out of nowhere. Natigilan tuloy ako sa ginawa kong pag pe- pedicure ng kuko ko. Bigla kase naglabas si Carla ng mga cutics kanina at kesa ma out of place ako sa kanila. Naki linis na rin ako ng mga kuko ko.

"Parati ka namang curious, girl. Alaws na bago," segunda ni Carla sabay irap nito at flip ng imaginary long hair niya.

"Loka loka! Napapaisip lang kasi ako kung sino ba 'yung mga lalaking nag aagawan sa ating dilag na si Mysti. 'Di ba kayo nagtataka? Parang may something?" pahayag pa ni Estella at nangalumbaba sa harapan ko.

Umiling-iling ako ng pati sina Shaira at Carla ay nakapangalumbaba na rin habang nakatitig sa akin.

"Ano…ano ba ang sinasabi mo diyan, Estella? Kayo ang nagpumilit sa akin na sumama sa bar na 'yon 'e. Ni wala na nga akong maalala. Sumasakit pa rin ang ulo ko. Hinding hindi na talaga ako sasama sa inyo," mahabang lintanya ko at umiwas ng tingin.

"Defensive ang lola mo," kantyaw naman ni Shaira tapos ay sinundot sundot ako sa tagiliran ko. Agad akong pumiksi at pinandilatan siya ng mata.

"Easyhan mo lang, Shaira, baka umamin. Hahaha!" natatawang turan naman ni Estella.

"EX mo ba 'yung Nate? O 'yung Zeke na sinasabi mo?" biglang tanong ni Carla. Napalunok ako. Pinagkakaisahan na nila ako.

"Mga baliw! Imagination niyo lang 'yan. Kung 'di nyo sana ako sinama edi sa matino pa ang utak ko ngayon." Pilit na tinago ko ang pagkailang ko dahil sa tanong ni Carla.

"Asus!" chorus na usal nila.

"Alam niyo kaysa mapraning kayo riyan, umuwi na lang kaya kayo? Nuh?" bulalas ko at agad na tumayo. Ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo kaya agad akong napapikit.

At sa pag dilat ko ay doon na umikot ang buong paningin ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala na akong naalala. Nagising na lang ako sa isang maaliwalas na kwarto.

"Nasa hospital ako," naibulalas ko sa sarili ko. Hinawakan ko rin 'yung ulo ko ng maalala ang nangyari sa akin sa loob ng apartment ko.

"Buti at gising kana girl," humahangos na pumasok si Carla kasama nito si Shaira. Bakas ang pag aalala sa mga mukha nito.

"Pasensya na kung pinag alala ko kayo. Okay na ako," ani ko at dahan dahan bumangon sa hospital bed at sumandal sa headboard ng kama. Agad na lumapit sina Carla at Shaira sa akin.

"Nasaan si Estella?" tanong ko.

"Sinundo na ng Mama niya, hayaan mo na ang impakta na 'yon. Kamusta ang pakiramdam mo girl? May masakit pa ba sa'yo?" turan ni Carla na halatang nag aalala.

"Okay na ako. Medyo nanlalambot lang. Salamat pala sa pag babantay sa akin. Ano pala sabi ng doctor? Pwede na ba ako umuwi? May pasok pa tayo bukas," sunod-sunod na sabi ko.

"Huwag mo na alalahanin ang pasok bukas, Mysti. Nag report na kami sa HR at sa Management. Bibigyan ka raw nila ng leave para makapag pahinga ka. Heto kumain ka," bulalas ni Shaira sabay abot nito sa akin ng mansanas na hiwa na.

"And about naman sa kalagayan mo, Sis. You need rest, Sis. Sabi ng gwapong doctor ay over fatigue raw. Halata sa mukha mo na stress ka day at ang blood pressure mo ay ang baba. Low blood ka te! Anxiety 'yan te? Natutulog ka ba ng maayos? May problema ka ba?" mahabang turan ni Carla.

Napayuko na lamang ako. Heto na siguro ang epekto ng puyat ko dahil sa pag iisip, hindi ko na namamalayan may anxiety na pala ako.

"Sorry. Naninibago lang siguro ang katawan ko dahil sa panahon. Medyo hirap nga ako matulog lalo na sa gabi. Umatake na naman kasi ang insomia ko. Nakalimutan ko ring bumalik sa doctor ko,"

pag amin ko. Ngunit wala akong balak aminin ang buong dahilan kung bakit nag ka ganito ako. Kinaya ko naman 'to dati. Malalampasan ko rin ito ngayon.

"Hay nako, Mysti. Ikaw ang bahala, pero starting for today kami na ang magiging nurse mo pag uwi sa bahay. May mga reseta ng doctor na supplements para sa'yo. Kailangan mong inumin lahat 'yon araw araw. I mo-monitor ka namin," panenermon ni Shaira at inabutan naman ako ng sandwich at tubig. Tinanggap ko lang 'yon at kinain.

"Opo. Masusunod," ani ko ng nakangiti. Ngumiti na rin naman sila sa akin.

Ilang araw pa akong nag stay sa hospital bago ako na discharge. Dumalaw na rin si Estella at siya rin ang sumundo sa akin at naghatid sa akin sa apartment ko. Araw araw na rin silang nag pupunta sa apartment simula nung mag leave ako.

Ni remind din ni Shaira sa phone ko ang oras ng pag inom ko ng gamot. Tapos tumatawag lagi sina Carla at Estella para ipaalala ang mga gamot ko.

Unti unti rin naman akong nakabawi ng lakas. Naging normal na rin ang blood pressure ko, hindi na ako nanlalambot at hindi na rin sumasakit ang ulo ko.

Pero mahirap pa rin ang makatulog sa gabi. Inaabot ako ng alas dos bago makatulog. Dati pa naman na ganito ang set up ng tulog ko. Parang mas malala pa nga yata dati. Laking pasasalamat ko dahil ngayon may mga tao nang umaalalay sa akin at tumutulong sa akin. I can feel their sincere kindness and they really care for me.

Kaya nagi- guilty ako dahil hindi ko pa rin sila pinagkakatiwalaan. Hindi ko pa rin magawang ipaalam sa kanila ang nakaraan ko. Natatakot pa rin ako. Masakit pa rin. Siguro darating din ang tamang oras para masabi ko sa kanila ang totoong ako pati na rin ang nakaraan ko.

Sa ngayon, kailangan kong mag focus sa sarili ko. I need to heal myself. Not just my physical health, mental health also my emotions and the pain inside my chest.

I know someday, I'm gonna be free.

Soon, I'll learn how to let go of the past and accept reality.

And I am willing to wait until it happens.

(TO BE CONTINUED...)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status