Share

I'm His Broken Ex-Wife
I'm His Broken Ex-Wife
Author: Thaliyan

CHAPTER ONE: THE PROLOGUE

I am Shane Mysti Roquel. Twenty- two years old. I'm a half british and half filipino. 'Yung Mom ko ang British at 'yung Dad ko naman ang Filipino.

Gusto ko lang ikwento sa inyo ang nangyari sa buhay ko. Though, masakit 'man at masaklap pero wala naman akong magagawa. Ang naka- tadhanang mangyari ay mangyayari kahit na iwasan ko man.

Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan kung saan walang problema baka matagal ko ng ginawa at baka hindi ganito masalimuot ang buhay ko ngayon.

Sa buong buhay ko naging masaya ako nung mga panahong kasama ko pa ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Halos hindi ko na nga matandaan kung kailan 'ang huli na naging masaya ako. Until trials and disaster came into our life.

I was once a very happy girl, pero hindi na ngayon. When I lost my Mom and Dad my life changed. Then it continues, when all my friends are gone. I thought I could count on them when I'm down but the truth is I can't and I couldn't.

Mom died when I was thirteen years old dahil sa panganganak sa younger brother ko while Dad also died when I turned fourteen, one year after my Mom died. Naging biktima si Dad ng frame-up, may nag-utos sa kanya na magpasok ng isang bagahe sa isang company ng Hapon. At ang laman pala ng bagahe ay drugs, at dahil din doon ay pinatay si Dad.

Kahit na may tumulong sa Dad ko na mapawalang sala siya ay wala pa rin itong saysay para sa akin dahil patay na siya. Because destiny will stay destiny, nothing can change it, unless you have power..

Tinulungan din kami ng lalaking tumulong kay Dad na makabayad sa lahat ng utang. I was very thankful to him. But pain is still on me, up until now. I will never forget everything that happens to us.

Simula rin nun, natuto akong maghanap buhay para sa kapatid kong musmos pa lamang at para sa Auntie ko. Nagpatuloy ang buhay ko na habang nag-aaral, ay nagtatrabaho. Nakasanayan ko na lang din dahil ayokong nakikita na mas lalong nahihirapan si Auntie at ang kapatid ko. Mahirap na nga ang buhay namin papahirapan ko pa ba? Of course I wouldn't.

Hanggang sa... isang trahedya na naman ang 'di inaasahan. My Auntie got sick. May cancer siya. We need money for her. Hindi sapat ang sinasahod ko para sa pagpapagamot niya. Habang ang asawa naman ni Auntie ay naubos na ang savings kakapadala sa amin. Sa gamot pa lang ni Aunti araw-araw ay namumulubi na kami.

Gustong gusto ko ng magpatiwakal sa tagpong 'yon. Hindi na matapos tapos ang pasakit na dinaranas namin.

Na awa na rin ako sa kapatid ko na limang taon pa lang nakakaranas na ng ganoong hirap, nasasaktan ako at nalulungkot at the same time. Lugmok na lugmok ako. Wala akong makapitan kung 'di ang sarili ko at ang dalawang taong natitira sa buhay ko. I already hated god that time because of everything that we suffered, pero wala naman akong magagawa this is my destiny... Our destiny.

Hanggang sa dumating siya, ang aking Ex-Husband na si Zeke Ethan Harmes.

We met in Church, nag kabunguan kami at that time umiiyak dahil sa problemang pinagdaanan ko. I don't know but I felt secure at that moment as we shared our problems towards each other.

And later on, he told me his own problem too. It's insane. His problem was about marriage. Pinagkamalan ko pa na baliw siya. At tinawanan siya ng todo kahit na umiiyak ako that time.

Sa dinami rami ba naman ng makakabangga ko nung time na 'yun ay siya pa? Na tanging pag-aasawa ang pinoproblema sa buhay. Napakaraming tao ang may mabigat na problema pero siya tanging pag hahanap lang ng asawa ay lugmok na lugmok na agad siya?

Ganun ba talaga kapag mayaman? Sa isip isip ko noon.

Until he offered me to be his wife, in exchange he will gave me money. At tutulungan niya ako na mapagaling si Auntie. Una, natakot ako at nag dalawan isip.

Natakot. Kase hirap na nga ako sa buhay ko, puro problema na nga dadagdagan ko pa ba? At tsaka baka baliw lang siya. 'Yun ang tumatak sa isip ko.

At napag isip isip ko rin na. Ang gwapo gwapo niya para mag pa kasal sa akin. I'm so mess that time and totally stranger. At isa pa, halatang mayaman siya, imposibleng walang nag kaka gusto sa kaniya o wala siyang jowa. Ngunit sa huli na kumbinsi niya pa rin ako, wala na rin naman akong nagawa. KAPIT SA PATALIM kum'baga. No choice. I really need money to save my happiness, my love ones and my family.

So I grabbed his offer. And let destiny drive me once more.

Hanggang sa na pag usapan namin ang deal, na babayaran niya ako. And then isang taon lang ako nagpapanggap na asawa niya tapos buwan- buwan niya akong babayaran at pag na tapos ang kontrata namin tapos na 'din ang lahat sa amin. After a few months, Auntie was recovering. At napagdesisyunan ng nila na umuwi ng Korea sa awa niya upang alagaan siya dahil ayaw daw nila na makaistorbo pa sa buhay ko with Zeke. Guilt strikes me that time. Because I'd never told them that our marriage is just a deal. Only in the paper nothing more nothing less.

Hindi ko na sila pinigilan pa dahil sa takot na rin ako na aminin sa kanila ang totoo. Na binenta ko ang sarili ko para makuha ang pera na kailangan namin.

Hindi talaga ako payag na umalis sila nun pero sabi ni Tita at ng kapatid ko, kailangan ko daw mag focus sa asawa ko. Ipinangako din ni Auntie na tutulungan ako sa utang na akala nila ay inutang ko nung kanino.

Hanggang sa sumapit ika- limang buwan na naming nag sasama ni Zeke, nang biglang nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko lubos na maintindihan dahil bigla na lamang niya akong iniwan. Umalis siya ng bansa. Walang paramdam mula sa kaniya. Umabot 'yon ng dalawang buwan na hindi kami nag kita o nag usap ni Zeke.

At ang pinaka masaklap pa ay nakatanggap pa ako ng sulat. Annulment Papers. Sobrang lugmok ako. Akala ko'y okay pa. Akala ko'y may ilang buwan pa ako. Akala ko'y magiging totoo na. Ayun pala'y pinaasa ko lamang ang sarili ko sa wala. Pinirmahan ko din ang papel na may mapait na ngiti sa mga labi ko at pagkatapos ay agad akong umalis ng bahay namin. Na akala ko'y magiging totoong tahanan namin.

The house that full of memories. Oo, nung una nag-suffer ako sa kanya. Sa pagiging bossy at moody niya. But, nung mag two months kami unti unti siyang nag bago, naging sweet siya, seloso at over protective.

And it continues, dates and his care. Hanggang sa nag 5months nga kami, ayun din 'yung unang pag kakataon na sinabihan niya ako ng "ILOVE YOU" at doon ko na paulit ulit na ibinigay ang sarili ko... but after that he left me without warning... without a words.

After that, bumalik na naman ako sa pagiging ulila. Naranasan kong maging katulong, dishwasher at naging babysitter. Hanggang sa nakapag ipon ako. Tinuloy ko ang pag aaral ko at nag working student para may pang tustos sa mga pangangailangan ko. Hangga't kaya ko ginawa ko. Hanggang sa maka graduate ako. Pumasok ako sa magandang kumpanya. Nag-pursigi. Sinubukang hanapin at kontakin muli sina Tita at ang kapatid ko.

Pero hindi ko na sila mahanap. Nawala na rin ang komunikasyon namin. Pero hindi ako tumigil. Habang nagtatrabaho ay gumawa ako ng paraan para mahanap lang sila kung saang parte ba sila naroon sa Korea. Nag bayad pa ako ng ilang tao na ang skill ay mag hanap ng mga tao na nasa ibang bansa. Ginastusan ko 'yun para lang mahanap sila.

Ilang taon na ganoon ang set up ng buhay ko. Nagpapatuloy kahit ramdam ko na sobrang bigat na. Pinipilit kong mamuhay ng mag isa, pinipilit na tumawa, pinipilit makibagay kahit na sa loob loob ko'y hinang hina na ako.

Nawawalan na ng pag asa. Waring isang kandila na upos na ngunit patuloy pa ring umiilaw.

Gustong gusto ko ng magpahinga. Sobrang hirap na mag isa. Gabi gabi dinadalaw ako ng lungkot. Nilalamon ako ng mga nakaraan ko. Mga bangungot ang tanging gumigising sa mahimbing kong tulog.

Itinigil ko na rin ang pag aantay na bumalik siya at hanapin ako. Kinalimutan ko na rin na naging parte siya ng buhay ko. Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na ang lahat ay nakaraan na.

Hindi ko na dapat isipin at balikan pa ang masakit na alaala. Pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang kalimutan.

I live my life alone. Without anyone that I can cry on. Without someone comforting me. No

thing at all. Just living with my own sadness.

(TO BE CONTINUED...)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status