Quezon City, WBC CompoundShooting PrepI am In-love to a WomanizerSeptember 20244:00am“Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento.“Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben.“May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss.“Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben“Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms at iba p
“Oh, hi Miss Anne! My, you’re beautiful!” Very enthusiastic na bati ng director ng tv series kay Liezel sabay halik sa magkabilang pisngi. “Call me LA for Liezel-Anne. Anne is my second name. Director Jason Magnaye, right?” Humalik din si LA.“Oh, just like your main character, she’s also named Liezel. So, LA, it is. And this is Ms. Olga Figueroa, ang batikang writer ng pinilakang tabing.” Ipinakilala si LA sa isa pang writer. “Nice to meet you, Ms. Olga.” Ramdam ni LA ang kaplastikan ng writer habang yumakap at humalik din sa kanyang pisngi ngunit kailangan niyang magkunwaring nagagalak. After all, hindi lahat ng writers nabigyan ng ganitong break. “I read your work and I sincerely say, I loved it. Isa siyang ordinaryong love triangle pero may puso. May pinaghuhugutan ka ba nito?” Tanong ni Olga sa kanya. “Lahat naman tayong mga writers may certain inspiration tayong pinahuhugutan, di po ba?” Walang ganang sumagot si Liezel ngunit nakangiti ito. Kinailangan niyang mag stay sa set
“Ms. LA, sina Tiffany Moras at Edward Cruz ang magpo portray ng role ni…also Liezel? Liezel din po name ni main character?” Bahagyang nalito si Liz habang hawak nito ang script. “May problema tayo sa name na Liezel, Liz? Anne ang pen name ko, remember? And people call me LA.” Medyo naiirita si LA sa reaksyon ni Liz. “Of course, Ms. LA, sorry. So as I was saying sina Tiffany at Edward ang gaganap na Liezel and Benedict. And later si Magda Victorino naman ang magpo portray ng role ni Katherine. Mamayang gabi na ang start ng shoot.” Kinabahan saglit si LA. “A..anong scene ba mamaya?” “Yung nasa chapter 1 po. Yung mag iinuman sila Benedict, Rick at Jeck. Bale makikipag coordinate po tayo mamaya ke Eric, yun assistant ng me ari ng Exfinite Visual Company. Yung in charge sa props.” “Uhm, pwede bang tingnan ko yung mga gagamitin nilang props mamaya?” Tanong ni LA. “Sige po. Eto na pala si Eric.” Saktong naglalakad si Eric palapit sa kanila. “Eric, si Ms. LA. Yung writer. Sya din magsus
Excited na lumabas ng kuwarto niya si LA. Nakalimutan niya ang oras sapagka’t biglang naging abala na siya sa pagsusulat ng script. Pati hapunan ay nakaligtaan na niya. Naalala niya nuong sila pa ni Ben ang hilig niyang kumain nuon kaya’t ang taba niya. Iyun ata ang isa sa dahilan kung bakit siya iniwan. Sumagi na naman sa isip niya si Ben.“Kailan ba ako makaka move on?” Tanong nito sa sarili. Dali dali siyang lumabas ng kuwarto.“Saan ang shoot?” Tanong nito sa isa sa mga tao sa set.‘Straight lang po tapos kaliwa.” Turo sa kanya ng isang lalakeng may dalang martilyo.“Salamat po.” Bitbit nita ang kanyang thermos at napatakbo na siya. Pagka liko niya pakanan ay nagsimula na ang shoot.Nagulat siya sa set up ng lugar at biglang may lungkot na sumalubong sa kanya. Ang lugar na pag iinuman ng kanyang karakter na sina Benedict, Kuya Rick at Jeck ay napakapamilyar sa kanya. Gabi ang setting. Kuhang kuha nila ang lugar pati, ang ambiance at pati ang bahay. Ang mesa na laging binababa ni B
Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold.“Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero.“Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga a
Isang content writer si LA sa Ortigas. 30 years old, tubong Pasig din at kasama niya sa bahay ang mommy niya, ang kapatid na babae at ang pinsan niyang babae. Simula ng nawala sa sakit na cancer ang ama nila sampung taon na ang nakaraan ay tulong tulong silang mag ina para ipagpatuloy ang buhay. Wala siyang panahon sa pag ibig pagka’t focus siya sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Nuong dumating si Ben sa buhay niya, lahat ay nabago. Nagkaroon siya ng inspirasyon at lalong bumuti ang takbo ng buhay niya. Sabi nga niya, lucky charm niya si Ben. Magka edad sila at si Ben ang unang nakarelasyon ni LA. Masasabing medyo may pagka boring ang buhay ng dalaga at ang binata lamang ang nagbigay ng kulay ng kaniyang mundo. Sa 3 and a half years nilang magkasintahan, hindi ito masasabing perpekto sapagka’t may mga panahong hindi siya binibigyan ng panahon ni Ben. Iniisip niyang siguro naniniguro lamang ang isa sapagka’t umiiwas siyang magkasakit ng covid kaya puro sila video call na lamang o di
Dating Supervisor sa isang Mall at nobya ni Ben si Merlinda Sta. Maria o Merlie. Dati itong may kinakasama at may isa itong anak na lalake sa Cavite ng umusbong ang pag iibigan nila ni Ben. Supervisor siya sa housekeeping nuon at si Ben ay isa sa kanyang mga tauhan. Nakagawian na niyang tikman o makipagtalik sa kanyang mga lalakeng tauhan ngunit iba si Ben. Nang maging sila ni Ben ay hindi na ito masyadong umuuwi sa kanyang tahanan sa Cavite at laging may dahilan. Ilang beses itong nagbuntis kay Ben ngunit laging nakukunan sapagka’t may tumor ito sa matres. Kalaunan ng iwan nito ang pamilya para sumama sa isang marino ay iniwan din nya si Ben. Sumama siya kay Greg Del Espiritu upang manirahan sa Cabanatuan. Kahit pa magkalayo sila ay panay ang komunikasyon nila at pag nagkikita sila sa Maynila ay may nangyayari sa kanilang seksuwal. Paminsan ay si Ben ang pumupunta sa Cabanatuan kasama si Rachel Estupido ang isa nilang bestfriend na nagtatrabaho din sa Mall. Hindi ito sikreto Rachel at
Pangalawang gabi ni LA sa studio at parang gusto na niyang mag give up. Hindi niya akalain na mas pressured pa siya dito kumpara nuong gumagawa pa lamang siya ng nobela. Of course, ginawang TV series, eh. Nakatingin siya sa kanyang maliit na salamin sa harap habang nagta type. “Hindi ba, LA ito ng pangarap mo? Ba’t ka now nag iinarte? Isa pa, naka sign ka na ng contract. Pede kang mademanda sa kaartehan mo. Tapos wala kana work na mababalikan pa. So, wala ka choice kungdi sundin ang pressure. Haaay makakalbo ako nito. Parang si Ben, malapit na din makalbo yun. Wala na ngang bangs pero napakababaero pa rin. Para na ngang paliparan ang noo, eh. Haaysss tama na, LA. Ben ka ng Ben as if naman me pakialam pa yung tao sayo. Di ka na mahal nun, okay? Pumangit ka kasi tas tumaba tapos pumangit pa ugali mo. Tsk!" Sabi nito sa sarili. "Buti nga at pumayat ako. Pinapayat ng tadhana.” Sambit uli nito sa sarli. Napatingala si LA habang nakasandal sa monoblock chair na provided ng studio sa kanya