Share

Freelance Sakay

Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling  may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold.

“Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero.

“Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga ako ng sideline na delivery. Isa pa kakapadala ko lang kay Merlie nuong kamakalawa, ah.” Nag aalala na siya sapagka’t kinailangan niyang tumulong din sa ate Pam niya. Ito lang ang pagkakataong makatulong siya sa mga ate niya. Isa pa, pag mga panahong nahihirapan siya, lagi silang nakaagapay sa kanya lalo na kuya niya. Matanda na nanay nila kaya’t doble kayod si Ben.

“Alam mo naman nag Amusement Park ang mag ina, hindi ba?” Sagot ni Rachel.

“Eh, bakit naman kasi inuna ang amusement park, sus. Imbes na unahin mga importanteng bagay.” Naiinins na si Ben minsan sa kakulitan nilang magkaibigan. Pakiramdam niya naiipit siya.

“Eh alam mo naman may sakit si Greg, hindi ba? Kaya hindi na siya gaanong nakaka provide kina Merlie. Isa pa, ano nirereklamo mo, eh anak mo naman yang namasyal.” Tumatangos nguso ni Rachel pag nagde demand siya dito.

“Ni hindi ko nga nadala mga pamangkin ko sa kahit dito sa Maynila na amusement park man lang.” Naaawa siya pag naiisip niya mga pamangkin niya.

“Bakit? Anak mo ba mga iyan? Ha? Eh, mga pamangkin mo lang naman mga iyan. Tandaan mo, ang tunay na magulang ay nagsasakripisyo alang alang sa anak. Parang si Merlie, kumakapit sa patalim sa ngalan ng anak!”

Kasalukuyang nagtatalumpati si Rachel ng mapansin niya si Liezel. Aligaga ito at nagtatanong tanong kung sino puwede maghatid sa kanya sa Garnet St. ora mismo.

“Benedict! Andiyan ka pa ba? Sustento mo ke Stef sabi ni Merlie!” Malakas boses ni Rachel.

“Sandali lang, Rachel. May sasakay.” In off niya cellphone niya.

“Ma’am, saan po kayo?” Tanong ni Ben kay Liezel.

“Kuya pahatid po sa Garnet St. Kaya po ba in 30 minutes?” Tanong nito kay Ben.

“Yes, ma’am. Less than 30 minutes, anduon na kayo.”

Naalala ni Ben ang pasahero niya. Dalawang linggo na ang nakaraan sinimangutan niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat ngunit umilag siya. Kung bakit kasi ang galit niya kay Merli ng mga panahong iyun ay nabunton niya sa babaeng ito. Wrong timing lang talaga. Marahil ay nakalimutan na ng pasahero niya ang tagpong iyun. Tahimik ito.

“Ma’am, okay lang kayo diyan?” tanong ni Ben sa pasahero.

“Okay naman po. Kayo po yung supladong rider two weeks ago po, no?” Ikinagulat ni Benedict ang deretsang tanong ng babae.

“O..opo. Pasensya na po nuon, ma’am. Nag away kasi kami ni ex.” Nahihiyang tugon ni Ben.

“Okay lang po.” Gustong sumbatan ni LA ang rider lalo na nuong nakipagtalo ito sa ibang rider at ng iwakli nya kamay nito ngunit nangangamba siya na baka siya gantihan nito. Isa pa, wala siya choice. Siya lamang ang available na rider ng oras na iyun at hindi siya puwedeng ma late. 

Naalala pa pala siya ng pasahero. Nang bumaba ito sa may Caltex ay pasigaw na minura siya nito. Simula nuon ay lagi na niya itong tinitingnan.

"Ang lutong nga ng word na "bwisit!" nyo sa akin", Natatawang biro ni Ben sa pasahero nya.

Nahihiyang kinamot nito ang ilong at medyo namula."Pasensya na po, kuya. Nabigla din kasi ako."

Kumanan si Ben sa may Garnet St. para ibaba ang pasahero. Nang magtanggal ito ng helmet ay napabuntong hininga ito. Maganda pala ito lalo na ng hipan nito ang kanyang bangs. Para itong bulaklak ng gumamela sa buwan ng tag araw.

“Kuya eto po ang bayad.” Inabot ng pasahero ang pero pati ang kanyang helmet.

“Eh, ma’am. Puwede ko bang ma add kayo sa messenger? P..para po sa future pag mahirapan kayo makasakay ng motor, puwede kayo mag advance booking sakin.” Naglakas loob na si Ben sa babae. Pinagpawisan si Ben at kinabahan ng sobra.

“Ah…eh sige po. Ano po pangalan nila.” Kinuha ng babae ang kanyang tablet.

“Benedict po. Benedict Sarmiento.” Sagot ni Ben.

“Na add ko na po kayo. Salamat, ingat.” Ngumiti ang babae ng pagkatamis tamis. Tiningnan ni Ben ang kanyang messenger. May nakita siyang smiling face na emoticon. Liezel pala pangalan niya. Tiningnan niya ito papasok sa building na pinagtatrabahuhan. Umalis si Ben ng may galak sa puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status