Mag aalas tres na ng madaling araw ay dilat pa rin mga mata ni LA. Nasa labas pa rin si Ben at nakatingin lang sa kanya. Naka dalawang bote ng siya ng 500 ml na beer ay hindi din siya dinalaw ng antok. Nauna nang natulog kuya niya kaya’t bukod sa mga guwardiya sa labas ng set ay dalawa na lamang sila ni LA ang gising. Call time nila ay alas tres pa ng hapon kaya’t okay lang na hindi muna siya matulog. Ngunit si LA, alam niya ay maaga ang call time nito para sa second shoot ng umagang iyun. Tavares at Bread ang pinapatugtog niya at minsan ay napapakunot ang nuo nito. Minsan ay tumatawa at kung minsan ay malungkot. Iba iba ang expression ng mukha niya habang nag ta type. Sa tagal nilang magkasintahan ay ngayon lamang niya ito nakita ng ganitong expression ng dalaga. Nuon pa man ay iniisip ni Ben ano ang tumatakbo sa isip ng nobya. Alam niyang nuon pa ay nagsusulat na ito ngunit ni sa hinagap ay hindi niya akalaing may mapapansin sa kanyang mga sinulat - at kuwento pa man din nila. Hindi
Sino ba si Katherine Cabrera-Jones? Gaano ba sya ka espesyal sa akin? Tanda ko pa taong 1996 nuong si nanay ay pumunta sa Hongkong para maging domestic helper. Maaga kaming naulila sa ama, nasa dalawang taon lamang ako. Madami kaming pinagdaanan na hirap na mag anak at makailang beses na din kaming iniwan ni nanay para lamang mabuhay kami. Hindi na siya matanggap sa Japan sapagka’t overage na daw siya. Tanda ko pa iyak ng iyak ako nuon. Limang taon pa lamang ako. Walang magawa si ate Pam kundi ang amu in ako habang pinupunasan niya ng malamig na tubig na may alcohol si ate Ger. Nilalagnat na naman si ate Ger. Labing dalawang taon na si ate Ger at si ate Pam ay labing anim. Kami lang tatlo sa bahay. Dalawang taon na si nanay si Hongkong at umuuwi siya tuwing pasko lamang at isang linggo lamang mamalagi sa amin. Nakatira kaming magkakapatid sa Mahogany Street sa Pasig. Simula ng umalis si nanay ay naging ina at ama namin si ate Pam. Karamay namin ang mga kapitbahay namin na tumutulong
Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng ma receive ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath.Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya.“Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger.“Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla.“Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na biniro
Sa ilang taong pamamalagi nila sa Bicol ay hindi sila nabiyayaan ni Oliver ng anak. Nagkaroon ng depresyon si Oliver ng malaman niya a doctor na mahina ang kanyang semilya at walang kakayanang magkaanak.Nanghina din si Katherine sapagka’t nais niya maging isang ina. 40 years old na sila pareho ni Oliver at nag aalala siyang magiging delikado ang magbuntis siya. Napag usapan nila ang mag adopt ngunit nagdalawang isip sila ukol dito. Sumangguni sila sa isang espesyalista para magbuntis siya ngunit nangangailangan ng malaking sapat na pera.Nang nagka pandemya ay lumala ang depresyon si Oliver. Naging sumpungin ito at nawalan na ng ganang magtrabaho laya’t nag resign ito bilang pulis. Pinalad naman na si kath ay nagpatuloy ang kaniyang pagtuturo online. Tumanggap din siya ng ibang sideline sa online para makatawid sa pang araw araw nilang mag asawa. Kahit hirap ay pumupunta sila mag asawa sa hospital para ipa check si Oliver. Sa lahat ng unos na dumating sa kanilang mag asawa ay nalamp
Madaling araw at hindi madalaw si Ben ng antok. Isang linggo na ang dumaan at hindi pa rin siya nagpapakita o dumalaw man lang sa quarters ni LA. So near yet so far. Yan lagi ang sambit ni LA sa kanya nuon. Magkalapit lamang kami ng tinitirhan – nasa Antipolo lamang siya at ako ay nasa boundary ng Taytay at Pasig. Wala pang 20 minutes ay nasa bahay na niya ako ngunit kahit kelan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya nuon. Nuong dito pa siya sa Pasig ay hanggang gate lamang ako. Bakit nga ba? Siguro mas sanay ako na tinatago ako. Fetish ko ata ang laging third wheel. Mas exciting sa akin ang babaeng taken na or may asawa. Siguro kasi nasanay ako kay Merlie. Sa biglang pagsagi ni Merlie sa isip ko ay bigla akong na tense. Kumuha ang yosi at nagsindi. Si Merlie. Ang kauna unahang babae sa buhay ko.Bata pa lamang ako nuon ng ipakilala niya sa akin ang mundo ka kahayukan. Naalala ko nuon, para akong naka hit ng homerun sa unang gabi na tinuruan niya ako ng sex. Kagagaling lang namin nu
Hindi ko namalayan nakatulog ako sa aking kina uupuan. Mabuti nalang at tagung tago ito na sulok at madilim kahit tag araw ngunit masisilayan ko pa rin ang bintana ni LA. Sarado na ang bintana nito. Marahil ay natutulog na siya. Sumakit ng bahagya ang aking likod at leeg sa ganoong posisiyon ng pagkakaupo. Saglit na nagnilay nilay ako. Lumabas ako ng studio para maglakad lakad. May ilan ilang nagsisihanda na ng segment para sa early morning show. Napaupo ako sa isang silya. Kinapa ko ang aking bulsa sa jeans at nakita ko ang aking kaha ng yosi. Saktong may tatlo pang laman iyun. Nagsindi ako napa isip habang naghihitit ako. Kada buga ko ng usok na galing sa aking baga ay may ilang ala ala ang biglang sumagi sa isip ko na nagpagabag ng aking kalooban.Nitong taon lamang. Ilang buwan bago kami mag hiwalay ni Kathy ay nagkagulo kami. Nahuli kami sa akto ni Toni na nagniniig sa sala ng bahay ko. Nakalimutan ko I lock ang pintuan kaya’t hindi namin namalayang pumasok si Toni. Lagi naman pag
Natulog buong umaga si Ben nang maulinigan niyang may kumakaluskos sa labas ng pintuan ng kanilang quarters. Tago ang lugar nila kaya’t kung may dadaan man ay kalimitan ay kakilala nila o di kaya ay may sadya sa kanila. Sumilip siya sa salamin ng pintuan na may kurtina at nagulat siya ng bahagya. Nakatingin si LA sa kanilang pintuan na tila nag iisip kung kakatok o hindi. Kumatok nga ito.“ Tao po!”Nag aatubili man ay sinagot ito ni Ben. Pinilit niyang baguhin ang boses para hindi siya makilala ng dating kasintahan.“Bab..bakit po? Halos mapiyok si Ben sa pagsagot.Nagulat bahagya si LA sa boses ng sumagot sa kanya. Parang naipit na palaka ang boses nito.“Magandang hapon po. Mawalang galang na po. Eh may nakaparadang mga bisikleta dito. Puwede po bang mahiram ang isa? Maglilibut libot sana ako. Ako po pala si LA, yun writer.”Saglit na nabigla si Ben. Hindi ito marunong mag bisikleta at kahit ilang beses niya itong turuan ay hindi matuto tuto. Hirap itong bumalanse.“Paanong…? Eh, p
Quezon City, WBC CompoundShooting PrepI am In-love to a WomanizerSeptember 20244:00am“Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento.“Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben.“May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss.“Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben“Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms at iba p