Madaling araw at hindi madalaw si Ben ng antok. Isang linggo na ang dumaan at hindi pa rin siya nagpapakita o dumalaw man lang sa quarters ni LA. So near yet so far. Yan lagi ang sambit ni LA sa kanya nuon. Magkalapit lamang kami ng tinitirhan – nasa Antipolo lamang siya at ako ay nasa boundary ng Taytay at Pasig. Wala pang 20 minutes ay nasa bahay na niya ako ngunit kahit kelan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya nuon. Nuong dito pa siya sa Pasig ay hanggang gate lamang ako. Bakit nga ba? Siguro mas sanay ako na tinatago ako. Fetish ko ata ang laging third wheel. Mas exciting sa akin ang babaeng taken na or may asawa. Siguro kasi nasanay ako kay Merlie. Sa biglang pagsagi ni Merlie sa isip ko ay bigla akong na tense. Kumuha ang yosi at nagsindi. Si Merlie. Ang kauna unahang babae sa buhay ko.Bata pa lamang ako nuon ng ipakilala niya sa akin ang mundo ka kahayukan. Naalala ko nuon, para akong naka hit ng homerun sa unang gabi na tinuruan niya ako ng sex. Kagagaling lang namin nu
Hindi ko namalayan nakatulog ako sa aking kina uupuan. Mabuti nalang at tagung tago ito na sulok at madilim kahit tag araw ngunit masisilayan ko pa rin ang bintana ni LA. Sarado na ang bintana nito. Marahil ay natutulog na siya. Sumakit ng bahagya ang aking likod at leeg sa ganoong posisiyon ng pagkakaupo. Saglit na nagnilay nilay ako. Lumabas ako ng studio para maglakad lakad. May ilan ilang nagsisihanda na ng segment para sa early morning show. Napaupo ako sa isang silya. Kinapa ko ang aking bulsa sa jeans at nakita ko ang aking kaha ng yosi. Saktong may tatlo pang laman iyun. Nagsindi ako napa isip habang naghihitit ako. Kada buga ko ng usok na galing sa aking baga ay may ilang ala ala ang biglang sumagi sa isip ko na nagpagabag ng aking kalooban.Nitong taon lamang. Ilang buwan bago kami mag hiwalay ni Kathy ay nagkagulo kami. Nahuli kami sa akto ni Toni na nagniniig sa sala ng bahay ko. Nakalimutan ko I lock ang pintuan kaya’t hindi namin namalayang pumasok si Toni. Lagi naman pag
Natulog buong umaga si Ben nang maulinigan niyang may kumakaluskos sa labas ng pintuan ng kanilang quarters. Tago ang lugar nila kaya’t kung may dadaan man ay kalimitan ay kakilala nila o di kaya ay may sadya sa kanila. Sumilip siya sa salamin ng pintuan na may kurtina at nagulat siya ng bahagya. Nakatingin si LA sa kanilang pintuan na tila nag iisip kung kakatok o hindi. Kumatok nga ito.“ Tao po!”Nag aatubili man ay sinagot ito ni Ben. Pinilit niyang baguhin ang boses para hindi siya makilala ng dating kasintahan.“Bab..bakit po? Halos mapiyok si Ben sa pagsagot.Nagulat bahagya si LA sa boses ng sumagot sa kanya. Parang naipit na palaka ang boses nito.“Magandang hapon po. Mawalang galang na po. Eh may nakaparadang mga bisikleta dito. Puwede po bang mahiram ang isa? Maglilibut libot sana ako. Ako po pala si LA, yun writer.”Saglit na nabigla si Ben. Hindi ito marunong mag bisikleta at kahit ilang beses niya itong turuan ay hindi matuto tuto. Hirap itong bumalanse.“Paanong…? Eh, p
Quezon City, WBC CompoundShooting PrepI am In-love to a WomanizerSeptember 20244:00am“Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento.“Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben.“May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss.“Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben“Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms at iba p
“Oh, hi Miss Anne! My, you’re beautiful!” Very enthusiastic na bati ng director ng tv series kay Liezel sabay halik sa magkabilang pisngi. “Call me LA for Liezel-Anne. Anne is my second name. Director Jason Magnaye, right?” Humalik din si LA.“Oh, just like your main character, she’s also named Liezel. So, LA, it is. And this is Ms. Olga Figueroa, ang batikang writer ng pinilakang tabing.” Ipinakilala si LA sa isa pang writer. “Nice to meet you, Ms. Olga.” Ramdam ni LA ang kaplastikan ng writer habang yumakap at humalik din sa kanyang pisngi ngunit kailangan niyang magkunwaring nagagalak. After all, hindi lahat ng writers nabigyan ng ganitong break. “I read your work and I sincerely say, I loved it. Isa siyang ordinaryong love triangle pero may puso. May pinaghuhugutan ka ba nito?” Tanong ni Olga sa kanya. “Lahat naman tayong mga writers may certain inspiration tayong pinahuhugutan, di po ba?” Walang ganang sumagot si Liezel ngunit nakangiti ito. Kinailangan niyang mag stay sa set
“Ms. LA, sina Tiffany Moras at Edward Cruz ang magpo portray ng role ni…also Liezel? Liezel din po name ni main character?” Bahagyang nalito si Liz habang hawak nito ang script. “May problema tayo sa name na Liezel, Liz? Anne ang pen name ko, remember? And people call me LA.” Medyo naiirita si LA sa reaksyon ni Liz. “Of course, Ms. LA, sorry. So as I was saying sina Tiffany at Edward ang gaganap na Liezel and Benedict. And later si Magda Victorino naman ang magpo portray ng role ni Katherine. Mamayang gabi na ang start ng shoot.” Kinabahan saglit si LA. “A..anong scene ba mamaya?” “Yung nasa chapter 1 po. Yung mag iinuman sila Benedict, Rick at Jeck. Bale makikipag coordinate po tayo mamaya ke Eric, yun assistant ng me ari ng Exfinite Visual Company. Yung in charge sa props.” “Uhm, pwede bang tingnan ko yung mga gagamitin nilang props mamaya?” Tanong ni LA. “Sige po. Eto na pala si Eric.” Saktong naglalakad si Eric palapit sa kanila. “Eric, si Ms. LA. Yung writer. Sya din magsus
Excited na lumabas ng kuwarto niya si LA. Nakalimutan niya ang oras sapagka’t biglang naging abala na siya sa pagsusulat ng script. Pati hapunan ay nakaligtaan na niya. Naalala niya nuong sila pa ni Ben ang hilig niyang kumain nuon kaya’t ang taba niya. Iyun ata ang isa sa dahilan kung bakit siya iniwan. Sumagi na naman sa isip niya si Ben.“Kailan ba ako makaka move on?” Tanong nito sa sarili. Dali dali siyang lumabas ng kuwarto.“Saan ang shoot?” Tanong nito sa isa sa mga tao sa set.‘Straight lang po tapos kaliwa.” Turo sa kanya ng isang lalakeng may dalang martilyo.“Salamat po.” Bitbit nita ang kanyang thermos at napatakbo na siya. Pagka liko niya pakanan ay nagsimula na ang shoot.Nagulat siya sa set up ng lugar at biglang may lungkot na sumalubong sa kanya. Ang lugar na pag iinuman ng kanyang karakter na sina Benedict, Kuya Rick at Jeck ay napakapamilyar sa kanya. Gabi ang setting. Kuhang kuha nila ang lugar pati, ang ambiance at pati ang bahay. Ang mesa na laging binababa ni B
Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold.“Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero.“Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga a