Share

Pagnininayninay ni Liezel Anne Narisma

“Oh, hi Miss Anne! My, you’re beautiful!” Very enthusiastic na bati ng director ng tv series kay Liezel sabay halik sa magkabilang pisngi.

“Call me LA for Liezel-Anne. Anne is my second name. Director Jason Magnaye, right?” Humalik din si LA.

“Oh, just like your main character, she’s also named Liezel. So, LA, it is. And this is Ms. Olga Figueroa, ang batikang writer ng pinilakang tabing.” Ipinakilala si LA sa isa pang writer.

“Nice to meet you, Ms. Olga.” Ramdam ni LA ang kaplastikan ng writer habang yumakap at humalik din sa kanyang pisngi ngunit kailangan niyang magkunwaring nagagalak. After all, hindi lahat ng writers nabigyan ng ganitong break.

“I read your work and I sincerely say, I loved it. Isa siyang ordinaryong love triangle pero may puso. May pinaghuhugutan ka ba nito?” Tanong ni Olga sa kanya.

“Lahat naman tayong mga writers may certain inspiration tayong pinahuhugutan, di po ba?” Walang ganang sumagot si Liezel ngunit nakangiti ito. Kinailangan niyang mag stay sa set 5 days a week or more para sa monitoring ng script at kuwento ng series.

“Oh yeah. I agree to that.” Nakangiting tugon ni Olga.

“By the way, you have your personal assistant to cater all your needs. Saan na ba babaeng iyun. Elizabeth!” Sigaw ni direk Jason.

“Sorry po. Inaayos ko kasi room ni Ms. Anne.” Humahangos si Elizabeth papunta sa kanila.

“Ms. Anne is here already.” Tugon ng director kay Elizabeth.

“So medyo madami tayong locations, right?” Tanong ng director.

“Yes po. Pero majority as sa Narra and Mahogany street sa Pinagbuhatan.” Sagot ni LA.

“So, where exactly is this place?” tanong uli ng director.

“Sa Pasig po.” Casual na sagot ni LA.

“Hmmm never heard of the place.” Medyo nakataas ang isang kilay ng director.

“Actually direk nakapunta na ako sa Pinagbuhatan kasi I have a friend who lives in one of the condos there. She’s also a writer.” Hindi na nawala sa mukha ni Olga ang ngiti. Para itong naka glue.

“Oh, really. That’s interesting. Actually, the producer wanted to create a replica of the setting dito mismo sa studio kaso I was also thinking mas realistic if we’ll be in the area itself, right?” Nakatingin siya diretso kay LA.

“Actually dapat po talaga anduon tayo sa location para mas realistic.” Sagot ni LA. Pati din siya ay hindi na natanggal ang parang naka glue na plastic na ngiti sa mukha niya.

“Haayy naku. Try convincing the boss. If ma convince mo si boss Rez Ortega. Kaso kuripot.” Nawala na ng bahagya ang ngiti ni OIga. Marahil ay nangawit na ito.

“Let’s see…so, if you excuse us, Ms. LA. May gagawin pa kasi kami. ” Sabay talikud ni direk Jason at Ms. Olga.

“Sige po, direk. Ako din aayusin ko pa ang script.” Sagot ni LA. Umalis na ang dalawa at naiwan si LA at Elizabeth

“Uhm Miss Anne…”

“LA lang, Elizabeth.”

“Liz, here. Ms. LA follow me po. Punta tayo sa room ninyo. Akin na po isa ninyong bag.”

“Salamat Liz.”

Pumasok sila sa isang makitid na pasilyo at maya maya ay tumambad kay LA ang napakalaking studio. Kumanan sila sa isa na namang pasilyo.

“Ms. LA eto na po room ninyo. Magkatabi rooms natin tapos yung iba dito ay sa artista din. Si direk, Ms. Olga at yung lead na mga artista may sarili din silang quarters. Yung kuwarto ninyo, katapat nito ay kuwaro naman ng props at set man.” Binubuksan na ni Liz ang room ni LA at ipinasok ang kanyang bag.

Simple lang ang room. Foldable na mesa na may lampshade, plastic closet na may salamin sa ibabaw, isang monobloc chair, ceiling fan at single folding bed. Mabuti nalang at may extra kumot at unan na bitbit si LA. Naalala niyang sabi ng ex niya na walang kakumot kumot at unan sa set. Isang props man ang kanyang ex.

“Uhm hindi ba maingay dito na room kasi katapat pala rooms ng mga props men.” Nag aalalang tanong ni LA.

“Hindi po kasi may sarili silang bodega at duon sila nagwo work. Room lang talaga diyan. At wag po kayo ma worry kasi safe naman dito. At isa pa laging malamig kasi may standing aircon sa labas. Binubuksan iyun lagi kasi mainit ang ilaw.” Paliwanag ni Liz.

“Ah I see. Pahingi nga pala ng number mo Liz pati messenger mo.”

“Sige eto po. Hingiin ko din po ang number ninyo. Kung me kailangan kayo, nasa kabilang room lang ako.”

“Sige, Liz. Maraming salamat.” Sinara ni LA ang room. Napaupo siya sa kama at bahagyang napa isip.

“Tama ba itong ginagawa ko? Nag resign ako sa trabaho ko para dito. Sana tama desisyon ko”. Bigla itong nalungkot. Dati katuwang niya si Ben sa mga desisyon kaso hiniwalayan siya nito.

Sa di kalayuan ng kuwarto ni LA ay nakatingin si Benedict sa kanya. Tanaw na tanaw siya nito sa bintana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status