Isang content writer si LA sa Ortigas. 30 years old, tubong Pasig din at kasama niya sa bahay ang mommy niya, ang kapatid na babae at ang pinsan niyang babae. Simula ng nawala sa sakit na cancer ang ama nila sampung taon na ang nakaraan ay tulong tulong silang mag ina para ipagpatuloy ang buhay. Wala siyang panahon sa pag ibig pagka’t focus siya sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Nuong dumating si Ben sa buhay niya, lahat ay nabago. Nagkaroon siya ng inspirasyon at lalong bumuti ang takbo ng buhay niya. Sabi nga niya, lucky charm niya si Ben.
Magka edad sila at si Ben ang unang nakarelasyon ni LA. Masasabing medyo may pagka boring ang buhay ng dalaga at ang binata lamang ang nagbigay ng kulay ng kaniyang mundo. Sa 3 and a half years nilang magkasintahan, hindi ito masasabing perpekto sapagka’t may mga panahong hindi siya binibigyan ng panahon ni Ben. Iniisip niyang siguro naniniguro lamang ang isa sapagka’t umiiwas siyang magkasakit ng covid kaya puro sila video call na lamang o di kaya’y busy lamang.
Pinagsasabihan siya ng kapatid na si Mae na huwag masyadong possessive at seloso sa nobyo. Pilit niya iyun na inintindi kaya’t pag nagkikita sila ay tuwang tuwa ang dalaga.
“Mahal, may nangyari sa amin ni April” o di kaya ay, “Mahal, may nangyari sa amin ni Marga”. Mga katagang pilit na inintindi at tinanggap ni LA sapagka’t iniisip niyang lalake kasi si Ben. At laging nasa travel dahil sa kanyang trabaho kaya’t nararapat lamang na intindihin.
May mga pagkakataon nang aminin ng nobyo ang nangyari sa kanya ni Celine, isang staff sa Bagiou Hotel ay natawa na lamang si LA. Tumawa siya ng tumawa.
“Mahal, maraming salamat sa pag amin mo. As long as magsasabi ka sa akin ng totoo.” Pagkatapos ng VC nila ay humagulgol ito. Masakit pa rin pala.
Taong 2022, Nobyembre
“Good morning mahal. Kamusta na? Nag almusal kana?” Isang umaga na nag VC siya kay Ben habang nagpi prepare para sa work.
“Good morning din mahal. Ang sarap ng tulog ko. Ang lamig. Alis ka na ba?” Pupungak pungak si Ben at tinitingnan ang girlfriend.
“Oo mahal. Papunta na ang motor na magsusundo sakin, eh.” Hindi magkanda ugaga si LA sa kakahanap ng kaniyang suklay.
“Mag iingat ka, mahal. Siyanga pala. Pagkatapos ng trabaho mo, derecho ka dito sa bahay ha. Hindi ba half day ka lang ngayon?”
“Oo mahal. Bakit? Anong meron?” Tanong ni LA sa nobyo.
“Basta dito ka mananghalian. Magluluto si ate ng masarap. Yung paborito mong sinigang na baboy. Yun lulutuin niya.” Nakangiti si Ben sa nobya. Natutuwa siyang tingnan na nasisiyahan si LA. Simpleng bagay kagaya ng sinigang ay nakakapagpasaya na sa dalaga. Ibang iba siya kay Merlie.
“Wow! Sige diyan ako mag lunch! Kaka excite naman. Ano dalahin ko?” Nagniningning mga mata nito habang nagsusuklay ng basang buhok.
“Mahal, huwag ka ng bumili ng kahit ano. Basta dito ka manananghalian.” Natutuwa si Ben sa simpleng reaksyon ni LA.
“O sige. Mahal andiyan na ang motor. Chat you later.”
Nang dumating ang tanghalian ay sinundo siya ni Ben. Sa bahay ni Pamela ay may cake at ibang pagkain itong binili para sa kanya.
“Belated happy birthday, mahal.” Hinalikan niya ang nobya.
Masayang masaya si LA ng mga panahong iyun. Iyun ang mga panahong naka focus lamang ang selos niya kay Merlinda. Hindi man lamang niya naisip na bukod kay Merlie, may mas malaki pang unos na darating sa kanila at sisira ng kanilang relasyon.
Dating Supervisor sa isang Mall at nobya ni Ben si Merlinda Sta. Maria o Merlie. Dati itong may kinakasama at may isa itong anak na lalake sa Cavite ng umusbong ang pag iibigan nila ni Ben. Supervisor siya sa housekeeping nuon at si Ben ay isa sa kanyang mga tauhan. Nakagawian na niyang tikman o makipagtalik sa kanyang mga lalakeng tauhan ngunit iba si Ben. Nang maging sila ni Ben ay hindi na ito masyadong umuuwi sa kanyang tahanan sa Cavite at laging may dahilan. Ilang beses itong nagbuntis kay Ben ngunit laging nakukunan sapagka’t may tumor ito sa matres. Kalaunan ng iwan nito ang pamilya para sumama sa isang marino ay iniwan din nya si Ben. Sumama siya kay Greg Del Espiritu upang manirahan sa Cabanatuan. Kahit pa magkalayo sila ay panay ang komunikasyon nila at pag nagkikita sila sa Maynila ay may nangyayari sa kanilang seksuwal. Paminsan ay si Ben ang pumupunta sa Cabanatuan kasama si Rachel Estupido ang isa nilang bestfriend na nagtatrabaho din sa Mall. Hindi ito sikreto Rachel at
Pangalawang gabi ni LA sa studio at parang gusto na niyang mag give up. Hindi niya akalain na mas pressured pa siya dito kumpara nuong gumagawa pa lamang siya ng nobela. Of course, ginawang TV series, eh. Nakatingin siya sa kanyang maliit na salamin sa harap habang nagta type. “Hindi ba, LA ito ng pangarap mo? Ba’t ka now nag iinarte? Isa pa, naka sign ka na ng contract. Pede kang mademanda sa kaartehan mo. Tapos wala kana work na mababalikan pa. So, wala ka choice kungdi sundin ang pressure. Haaay makakalbo ako nito. Parang si Ben, malapit na din makalbo yun. Wala na ngang bangs pero napakababaero pa rin. Para na ngang paliparan ang noo, eh. Haaysss tama na, LA. Ben ka ng Ben as if naman me pakialam pa yung tao sayo. Di ka na mahal nun, okay? Pumangit ka kasi tas tumaba tapos pumangit pa ugali mo. Tsk!" Sabi nito sa sarili. "Buti nga at pumayat ako. Pinapayat ng tadhana.” Sambit uli nito sa sarli. Napatingala si LA habang nakasandal sa monoblock chair na provided ng studio sa kanya
Naging regular niya na pasahero si LA hanggang sa ligawan niya ito. Limang buwan ang hinintay ni Ben bago siya sinagot nito. Nagka covid-19 at madaming naghirap. Hirap sa pinansyal at takot lahat sa sakit. Si LA ay nag work from home at si Ben ay tuloy sa raket. Kalagitnaan ng taong 2020 ay nagbukas ang isang entertainment network ng talkshow at napasali sina Ben sa nabigyan ng trabaho. Kung minsan ay walang raket ngunit nakakaraos ang kanilang pamilya. Madalas nagtutulungan silang dalawa hanggang sa unti unting naging maayos ang lahat at si Ben at ang kuya niya ay nakabalik na sa dati nilang trabaho at mas napaayos pa sapagka’t nagkaroon sila ng pang matagalang gigs sa mga tv shows.Si Ben ay mahilig lumandi sa ibang babae. Madalas nagkakaroon ito ng sexual encounters with other women at alam iyun ni LA."Tatlo lang rules ko, mahal. Una, iwasan mong magkasakit. Pangalawa, iwasan mong ma inlove. At ang pangatlo, huwag si Merlinda". Ganuon ka simple ang hiling ni LA ngunit alam ni Ben
Mag aalas tres na ng madaling araw ay dilat pa rin mga mata ni LA. Nasa labas pa rin si Ben at nakatingin lang sa kanya. Naka dalawang bote ng siya ng 500 ml na beer ay hindi din siya dinalaw ng antok. Nauna nang natulog kuya niya kaya’t bukod sa mga guwardiya sa labas ng set ay dalawa na lamang sila ni LA ang gising. Call time nila ay alas tres pa ng hapon kaya’t okay lang na hindi muna siya matulog. Ngunit si LA, alam niya ay maaga ang call time nito para sa second shoot ng umagang iyun. Tavares at Bread ang pinapatugtog niya at minsan ay napapakunot ang nuo nito. Minsan ay tumatawa at kung minsan ay malungkot. Iba iba ang expression ng mukha niya habang nag ta type. Sa tagal nilang magkasintahan ay ngayon lamang niya ito nakita ng ganitong expression ng dalaga. Nuon pa man ay iniisip ni Ben ano ang tumatakbo sa isip ng nobya. Alam niyang nuon pa ay nagsusulat na ito ngunit ni sa hinagap ay hindi niya akalaing may mapapansin sa kanyang mga sinulat - at kuwento pa man din nila. Hindi
Sino ba si Katherine Cabrera-Jones? Gaano ba sya ka espesyal sa akin? Tanda ko pa taong 1996 nuong si nanay ay pumunta sa Hongkong para maging domestic helper. Maaga kaming naulila sa ama, nasa dalawang taon lamang ako. Madami kaming pinagdaanan na hirap na mag anak at makailang beses na din kaming iniwan ni nanay para lamang mabuhay kami. Hindi na siya matanggap sa Japan sapagka’t overage na daw siya. Tanda ko pa iyak ng iyak ako nuon. Limang taon pa lamang ako. Walang magawa si ate Pam kundi ang amu in ako habang pinupunasan niya ng malamig na tubig na may alcohol si ate Ger. Nilalagnat na naman si ate Ger. Labing dalawang taon na si ate Ger at si ate Pam ay labing anim. Kami lang tatlo sa bahay. Dalawang taon na si nanay si Hongkong at umuuwi siya tuwing pasko lamang at isang linggo lamang mamalagi sa amin. Nakatira kaming magkakapatid sa Mahogany Street sa Pasig. Simula ng umalis si nanay ay naging ina at ama namin si ate Pam. Karamay namin ang mga kapitbahay namin na tumutulong
Taong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng ma receive ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath.Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya.“Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger.“Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla.“Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na biniro
Sa ilang taong pamamalagi nila sa Bicol ay hindi sila nabiyayaan ni Oliver ng anak. Nagkaroon ng depresyon si Oliver ng malaman niya a doctor na mahina ang kanyang semilya at walang kakayanang magkaanak.Nanghina din si Katherine sapagka’t nais niya maging isang ina. 40 years old na sila pareho ni Oliver at nag aalala siyang magiging delikado ang magbuntis siya. Napag usapan nila ang mag adopt ngunit nagdalawang isip sila ukol dito. Sumangguni sila sa isang espesyalista para magbuntis siya ngunit nangangailangan ng malaking sapat na pera.Nang nagka pandemya ay lumala ang depresyon si Oliver. Naging sumpungin ito at nawalan na ng ganang magtrabaho laya’t nag resign ito bilang pulis. Pinalad naman na si kath ay nagpatuloy ang kaniyang pagtuturo online. Tumanggap din siya ng ibang sideline sa online para makatawid sa pang araw araw nilang mag asawa. Kahit hirap ay pumupunta sila mag asawa sa hospital para ipa check si Oliver. Sa lahat ng unos na dumating sa kanilang mag asawa ay nalamp
Madaling araw at hindi madalaw si Ben ng antok. Isang linggo na ang dumaan at hindi pa rin siya nagpapakita o dumalaw man lang sa quarters ni LA. So near yet so far. Yan lagi ang sambit ni LA sa kanya nuon. Magkalapit lamang kami ng tinitirhan – nasa Antipolo lamang siya at ako ay nasa boundary ng Taytay at Pasig. Wala pang 20 minutes ay nasa bahay na niya ako ngunit kahit kelan ay hindi ko siya pinuntahan sa bahay niya nuon. Nuong dito pa siya sa Pasig ay hanggang gate lamang ako. Bakit nga ba? Siguro mas sanay ako na tinatago ako. Fetish ko ata ang laging third wheel. Mas exciting sa akin ang babaeng taken na or may asawa. Siguro kasi nasanay ako kay Merlie. Sa biglang pagsagi ni Merlie sa isip ko ay bigla akong na tense. Kumuha ang yosi at nagsindi. Si Merlie. Ang kauna unahang babae sa buhay ko.Bata pa lamang ako nuon ng ipakilala niya sa akin ang mundo ka kahayukan. Naalala ko nuon, para akong naka hit ng homerun sa unang gabi na tinuruan niya ako ng sex. Kagagaling lang namin nu