Share

Work Mode

“Ms. LA, sina Tiffany Moras at Edward Cruz ang magpo portray ng role ni…also Liezel? Liezel din po name ni main character?” Bahagyang nalito si Liz habang hawak nito ang script.

“May problema tayo sa name na Liezel, Liz? Anne ang pen name ko, remember? And people call me LA.” Medyo naiirita si LA sa reaksyon ni Liz.

“Of course, Ms. LA, sorry. So as I was saying sina Tiffany at Edward ang gaganap na Liezel and Benedict. And later si Magda Victorino naman ang magpo portray ng role ni Katherine. Mamayang gabi na ang start ng shoot.”

Kinabahan saglit si LA. “A..anong scene ba mamaya?”

“Yung nasa chapter 1 po. Yung mag iinuman sila Benedict, Rick at Jeck. Bale makikipag coordinate po tayo mamaya ke Eric, yun assistant ng me ari ng Exfinite Visual Company. Yung in charge sa props.”

“Uhm, pwede bang tingnan ko yung mga gagamitin nilang props mamaya?” Tanong ni LA.

“Sige po. Eto na pala si Eric.” Saktong naglalakad si Eric palapit sa kanila.

“Eric, si Ms. LA. Yung writer. Sya din magsusulat ng script. Maiwan ko muna kayo.” Dali daling umalis si Liz.

“Magandang umaga po. My name is Eric Pescones. Eh, ma’am. Kami na po bahala sa gagamitin naming props. Kasalukuyan na pong ginagawa sa bodega.” Mukhang mabait si Eric at nakakagaan ng loob kausap.

“Oh sige, Eric. Bago niyo sana  i set up, tawagin ninyo ako para ma check ko.” May pagka metikulosa si LA at lalo na ngayon at ginawang tv series ang kanyang gawa.

“Oh, sige po. No problem po.” Sagot ni Eric.

“Oh, siya. Sa kuwarto muna ako ha Eric. May aayusin lang ako sa script pati sa storyboard.”

“Sige po, Ms. LA.” Nakita niya ang ID ni LA at medyo nagulat si Eric nang malaman na ang totoong pangalan ng writer ay kahalintulad ng nasa libro. Hindi kaya….

Nawala na sa isip ni LA ang mag check dahil sa napakarami niyang gagawin at revision. Kumuha siya ng clubhouse sandwich at orange juice sa cafeteria. Naging abala na siya sa pagsusulat ng script hangga’t nasa mood pa siya. Mahirap na pag nawala ang kanyang inspiration at baka ma mental block siya. Time is of the essence sapagka’t ito ang gagamitin na dialogue ng mga artista. Ayaw niyang magkaroon ng dispute sa director lalo na sa head writer.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status