HERA'S POVIkasampung araw ko na ngayon rito sa bahay ni Declan. Normal lang na kumalat ang balita na may babae siyang inuwi sa bahay niya. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit nakarating sa abugado nito ang tungkol sa aming dalawa. I think an attorney is better, kumpara myembro ng pamilya niya ang pumunta rito para makita ako. He doesn't live with his parents, at wala rin itong binabanggit na ipapakilala niya ako sa mga ito. Don't tell me, ulila na siya?Anyway, kaninang umaga ay itinuloy namin ang naudlot naming pag-uusap kagabi dahil sa kung ano anong kalokohang pinaggagagawa niya. Ang nakakainis lang ay parang ako lang ang apektado sa nangyaring iyon. He's acting like nothing happened, expertise ata niya ang magpatay malisya just like when he kissed me inside his car. He informed me that Attorney Hidalgo will arrive around two in the afternoon, and now I only have three hours to prepare. I have to do well on this, kasi kung hindi, baka magalit sa akin tong lalaking to kapag hin
HERA’S POV “Declan,” Napabangon ako bigla. “Oh my god, hindi ka ba marunong kumatok?” Inis kong dugtong. Ang sarap batuhin ng unan eh. “Well be married soon, so what’s the big deal?” Sagot nito. “Big deal kasi hindi pa tayo kasal! What if nagbibihis pala ako?” Singhal ko sa kanya. “Even better then.” Ngumiti ito ng maloko. “Sira ulo!” Inis kong usal at tumayo. “What do you want? Nagawa ko naman ng maayos ang pakikipag-usap kay attorney ah!” I added. Akala ko pagkaalis ni Attorney Hidalgo ay babalik na ito sa trabaho. “I’ll be busy with work, so ikaw na ang bahala para sa engagement party nating dalawa.” Sagot niya na nagpagulat sa akin. “Engagement party?” Ulit ko. “Yes. Use the card I gave you, if it’s not enough, I’ll give you more money to spend.” Saad nito. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Bakit kailangan pa naming magpaengagement party? “Ang ibig kong sabihin, bakit kailangan pa nating magpaengagement party? It’s not like it’s a marriage we both want, so bakit ka
HERA’S POV “Oh my god, Hera, ikaw nga!” Halos sumigaw ito sa loob ng botique. Ramdam ko ang hilaw na ngiti na gumuhit sa labi ko nang makilala kung sino. Sa lahat naman ng pwedeng makita rito ay dating kaklase ko pa, and not just a classmate kundi si Jennete Martinez pa talaga. Kung sa boys ay may Declan, ang representative naman ng mga babaeng bully sa classroom ay si Jennete. She’s the typical annoying ‘It Girl’ na ayaw na ayaw na nasasapawan ng ibang babae sa classroom. And this woman had the biggest crush on Declan. Sa naaalala ko nga, pinagkakalat nito noon na silang dalawa ni Declan ang King and Queen of La Oriente Academy, ang school na pinapasukan namin dati. “Girls, look! It’s Hera!” Nagulat ako ng bigla siyang may tinawag. And oh my gosh, never in my life na gusto ko nalang lamunin ng lupa. It’s Jennete and her group of friends, Alice and Sophie. The most annoying trio of LaOriente Academy. “Oh my god, si Hera nga!” Halos sabay nilang sabi. “Hi, guys.” Awkward akong napa
HERA'S POV Nagpatuloy ang preparations ko for the engagement party kahit puyat ako kakaisip sa mga bagay bagay. The event planner and I started the meeting around ten in the morning at natapos kami ng two in the afternoon. We stayed in the mansion while I share the ideas I want her to incorporate for this event. Sa bawat ideyang sinasabi ko ay ipinapakita niya sa akin ang portfolio niya showing something similar sa mga sinasabi ko, kaya mabilis at maayos naming natapos ang meeting for today. Siya na ang bahala sa lahat ng napag-usapan namin, and I'll just supervise from time to time. Naipaprint na din ang mga invitations at ibibigay ko ang mga ito kay Declan mamaya pag-uwi nya. Wala naman kasi akong iimbitahang pamilya o kaibigan man lang. Medyo nagcocontemplate na din ako if iinvite ko nalang ba ang mga kapatid ni papa or mga kamag-anak ko sa side ni mama, para hindi naman nakakahiya sa side ng soon-to-be bride na wala man lang kahit na isang pupunta. At patungkol naman dito highsc
DECLAN’S POV "Kapag hindi mo sinunod ang last will ng Lolo mo, then you know the consequences. All the properties will be transferred to your cousin Hideo Laxamana, which includes Secret Cliente Resort. Even the position as COO of Laxamana Estates." Napahinto ako sa sinabi ni Attorney Hidalgo. He doesn't need to say it twice. I heard him the first time. Pero itong si Attorney ata ang hindi nakakaintindi "Secret Cliente is mine." Ulit ko. "These papers are saying otherwise." Itinaas niya ang last will. "Hell with that!" Gusto kong punitin ang mga papeles na binasa niya sa harap namin. "Declan, calm down." Pumagitna si Crem, pinsan ko. "It's Grandpa's last will. Wala tayong magagawa." Damn it, old man! You know exactly how I feel about marriages, and now you're rubbing it into my face? "Secret Cliente Resort is mine. I don't have to prove it. It's mine. But if the old man wants me too, then fine. Marriage or whatever it is, I'll do it. Enjoy watching from hell, Grandpa." Ang mga
CHAPTER 2 HERA’S POV "My god, bakit ba kasi hindi ka nalang maging supportive sa amin?" Bulyaw ni Cheska sa akin. "Supportive, Cheska? Inagaw mo ang boyfriend ko. Ikaw na sarili kong kapatid? Tapos sasabihin mo maging supportive ako sa relasyon nyo?" Sa inis ay nasampal ko siya. "How dare you!" Halatang nagulat siya at napahawak sa pisngi. "Stop it, Hera!" Pumagitan si Kian, shielding Cheska from me. "Wow!" I snapped. "Gago ka! I trusted you, tapos tutuhugin mo lang kaming magkapatid!" Pinipigilan ko ang mga luha ko. I don't want to give them the satisfaction that they had hurt me. "At ikaw! After all that I did for you? Ito ang gagawin mo sa akin? Lumayas ka!" Buyaw ko sa kapatid ko na ni katiting ay hindi mo makikitaan ng pagsisisi sa ginawa niya. "Talagang lalayas ako rito dahil sasama na ako kay Kian!" Nandilim ang paningin ko dahil sa ginagawa niyang pagsigaw sa akin, kaya awtomatikong sinugod ko siya at hinila ang mahaba niyang buhok. "Hera, stop it!" Pilit kaming pinagl
HERA’S POV "I'm home." Nasa may sala si Eliot at nanonood ng tv mag-isa. "Asan si papa?" I asked. "Aalis lang daw sya sandali, mama." Lately ay ate na ang tawag sa akin ni Eliot, pero minsan nadudulas pa din ito at natatawag akong mama dahil sa nakasanayan niya. "San daw pupunta?" Usisa ko. "Pumasok po sya sa kwarto kanina," Itinuro ni Eliot ang kwarto namin. "Tapos umalis na. Sabi nya dito lang daw po ako at manood ng tv." Nagulat ako sa sinabi ni Eliot. Agad akong tumakbo sa kwarto namin at tumambad sa akin ang nagkalat na mga gamit. Parang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko. Lumapit ako sa may cabinet, pero hindi ko kailangan pang maghanap dahil tumambad na agad sa harapan ko ang walang laman kong jewelry box. Dito ko nilagay lahat ng inipon ko sa loob ng isang taon. 85 thousand iyon, pero ngayon ay wala na. Nanlambot ang mga tuhod ko sa halo halong emosyon, gusto kong umiyak dahil sa panlulumo. Lumipas ang mga araw at hindi na umuwi si papa. Hindi ko alam kung san siya nagpunta
CHAPTER 4 HERA’S POV "Manang Luz, she's Helaena. My girlfriend. Ipaghanda mo sya ng kwartong magagamit at ang batang kasama nya. Then bring them something to eat." Halatang nagulat ang babae sa sinabi ni Declan. Maging ako man ay nagulat ng sabihin niyang girlfriend niya ako, pero hindi ko ipinahalata para hindi magduda ang kausap na babae na sa tingin ko ay nasa apatnapu pataas ang edad. "G-Good evening po." Bati ko rito ng tumingin siya sa akin. "Good evening din po, ma'am Helaena." Bati nito. "Ihahatid ko po kayo sa magiging kwarto nyo." Dugtong nito. Sandali kong nilibot ng tingin ang paligid. There's a wine cellar in the living room at lumapit doon si Declan saka nagsalin ng alak sa baso bago umupo sa sofa. Magpapaalam sana ako sa kanya, but it seems he's ignoring me now. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod nalang kay Manang Luz. Masyado ng marami ang nangyari ngayong araw. It's past midnight and I'm tired. Dinala niya ako sa isang bakanteng kwarto sa second floor. May d