Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

HERA’S POV

"Manang Luz, she's Helaena. My girlfriend. Ipaghanda mo sya ng kwartong magagamit at ang batang kasama nya. Then bring them something to eat." Halatang nagulat ang babae sa sinabi ni Declan.

Maging ako man ay nagulat ng sabihin niyang girlfriend niya ako, pero hindi ko ipinahalata para hindi magduda ang kausap na babae na sa tingin ko ay nasa apatnapu pataas ang edad.

"G-Good evening po." Bati ko rito ng tumingin siya sa akin.

"Good evening din po, ma'am Helaena." Bati nito. "Ihahatid ko po kayo sa magiging kwarto nyo." Dugtong nito.

Sandali kong nilibot ng tingin ang paligid. There's a wine cellar in the living room at lumapit doon si Declan saka nagsalin ng alak sa baso bago umupo sa sofa. Magpapaalam sana ako sa kanya, but it seems he's ignoring me now.

Hindi na ako nagsalita pa at sumunod nalang kay Manang Luz. Masyado ng marami ang nangyari ngayong araw. It's past midnight and I'm tired.

Dinala niya ako sa isang bakanteng kwarto sa second floor. May dumating na tatlong nakasuot ng maid's uniform at pinalitan ang bedsheet, pillow case, at kumot. Ipinatong ng isang maid ang backpack na dala ko sa ibabaw ng kama nang matapos na sila.

"Mama, bakit po tayo nandito? Hindi na ba tayo uuwi sa atin?" Tanong ni Eliot.

Nahuli ko silang lahat na gulat na gulat ng tawagin akong mama ng batang karga ko.

"D-Dito na muna tayo titira sa bahay ng tito Declan mo." Pabulong kong sagot dito.

"Who is tito Declan po? Bakit natin sya kasama? Bakit po sabi nya girlfriend ka nya, mama? Di ba po ang tawag sayo ni Papa Kian ay girlfriend?" Sunod sunod nitong tanong.

"Ma'am Helaena, tapos na po naming ayusin ang kwarto nyo. Ihahatid nalang po namin ang dinner rito, at kung may kailangan po kayo, tawagin nyo lang ako." Halatang ilang ito sa akin, at hindi ko naman sila masisisi.

Bigla ba namang nagdala ng babae ang amo nila, pinakilala itong girlfriend, tapos may kasamang bata at tinatawag itong mama.

Nang makalabas na ang mga ito ay saka ko lang sinagot si Eliot.

"Eliot, wag munang maraming tanong okay? Dito muna tayo, kasi safe dito. The bad guys can't come here." Maiksing paliwanag ko nalang rito dahil hindi din naman nito maiintindihan ang mga nangyayari.

Tumango naman ito sa sinabi ko.

"Ate, ang laki ng kama!" He pointed excitedly at the spacious bed, but upon realizing na tinawag niya akong ’ate

ay napatakip siya ng bibig. "Sorry, mama. I forgot." He whispered.

Napatingin ako sa may pinto, saka ibinalik ang tingin kay Eliot. "It's okay." Lumapit ako sa kama at iniupo siya doon. "Kapag tayong dalawa lang, you can call me ate tulad ng turo ko sayo. Pero habang nandito tayo ay mama muna ang itawag mo sa akin. Lalo na kapag nariyan ang tito Declan mo. Naiintindihan mo ba?" Isa sa mga rason kung bakit kaunti lang ang naimpake kong damit ay dahil halos maubos ang tatlong minuto sa pagpapaliwanag ko na mama muna ang itawag niya sa akin sa halip na ate.

"Opo." He nodded. "Pero pano si manong, ate? Pano kapag bumalik siya tapos wala tayo sa bahay natin?" Kuryoso nitong tanong.

"He's never coming back. Kaya kalimutan mo na si papa." I answered coldly.

Sa totoo lang ay wala na akong pakialam rito. I give up. He is no longer the father that I've known years ago. Akala ko ay natuto na ito, at ngayong nakabalik na siya, I sincerely thought that he will prioritize us this time. Pero hindi, inuna pa rin nito ang bisyo at hindi man lang nagdalawang isip na kunin ang perang pinaghirapan ko. Narinig nya naman ang sinabi ni aling Tess na inipon ko iyon para makabalik sa pag-aaral.

Lumapit si Eliot sa backpack at nilabas ang lahat ng laman nito. Kaunting damit lang ang nadala ko dahil binigyan lang ako ni Declan ng three minutes to grab our stuff. Ihiniwalay ni Eliot ang mga damit niya sa mga damit ko at inayos ang mga iyon ng tupi. Lumapit siya sa isang dresser at sinilip ang loob, saka bumalik para kunin ang mga damit namin at inilagay niya iyon sa loob. Matapos niyang ayusin ay muli siyang umupo sa kama.

"I'm sleepy. Can I sleep now?" Humikab siya.

"Yes."

"Good night, ate." Hinalikan niya ang pisngi ko sabay yakap. "Yey!" Masaya itong tumalon talon sa kama at yumakap sa malaki at malambot na unan.

Pinagmasdan ko lang ang kapatid ko hanggang sa makatulog nga ito bago ko sinuri ang buong silid. There's a walk in closet, a huge bathroom, and a sitting room. Ang nostalgic lang dahil halos ganito rin kalaki ang kwarto ko dati bago nalugi at nawala ang lahat ng pinaghirapan nila mama at papa. Kung sana ay naging maingat lang si papa sa paggamit sa perang natira sa amin ay hindi naman kami naghirap. Siguro nga hindi na ganun karangya tulad ng dati, pero at least hindi naghihirap. Pero hindi, inubos pa din nito sa casino at kung ano anong uri ng sugal hanggang sa tuluyang nasira ang pamilya namin. Nakulong siya dahil nasaksak niya ang isa sa mga pinagkakautangan niya ng ayaw na siya nitong pautangin. Doon namin nalaman na marami pa pala siyang pinagkakautangan maliban sa nasaksak niya, leaving my mother with no choice kundi ang ipangbayad ang ilang mga alahas na naitabi niya.

That's where everything turn from bad to worse for all of us. Mom spirals into depression and took her own life, leaving me to tend for my two younger siblings. Natuto akong magbake, at iyon ang ginamit kong paraan para kumita, para may pangkain at pangrenta kami at para tuloy tuloy ang pag-aaral ni Cheska. Kapag may nagtetrending na mga panghimagas, ginagaya ko kaagad para malaki ang kita. I really thought na gagaan na kahit papaano ang buhay namin nang makagraduate sa college si Cheska, dahil sa isip ko ay hindi naman niya kami pababayaan at tutulong na ito sa gastusin kahit kaunti lang. Mas lalo akong nabuhayan ng loob ng bumalik si papa at nagmamakaawang patawarin namin at nangakong magbabago na at maghahanap daw ito ng trabaho.

Then all of these happened. My own sister, betrayed me over a man. My own father, betrayed me for money. Wala na, ubos na ubos na ko. Thanks to them, I ended in this situation kung san kahit anong gawin ko, hinding hindi na ako makakatakas pa.

Humiga ako sa kama habang unti unting iniisip ang mga nangyari kanina sa VIP room.

"D-Declan?" Napatulala ako sa kasalukuyang kaharap.

Nang matauhan ay napaiwas ako ng tingin dahil sa napakaraming dahilan. Nangunguna na doon ang hiya. I won't deny it, pero ikinahihiya ko ang sinapit ng pamilya namin. Mula sa marangya at buhay prinsesa, ngayon ay naghihikahos na. Siguro para sa iba ay mababaw na dahilan lang iyon, pero para sa akin hindi. Ilang panglalait na ang natanggap ko noon at nang pamilya namin ng malugi ang mga negosyo ni papa. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit lumayo kami at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Sa pagkakaalam ko din, bago tuluyang bumagsak ang impluwensya ng pamilya namin, papa pulled some strings so no one can know our whereabouts and find any traces of the Lorenzana family. Bumalik lang naman kami dito sa syudad para sa pag-aaral ni Cheska, but we made sure na maging maingat na hindi makikita ng mga dating kakilala.

And now, of all people na pwede kong makitang muli, bakit si Declan Laxamana pa? Isa siya sa mga pinakamayamang kilala ko dati. And someone I thought I would never see again. Anong ginagawa niya rito?

"It's been a while, Senpai, and that's how you're going to treat me?"

"You don't need to call me that now, Declan. Hindi na tayo mga bata." Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

"Then Helaena Raiden Lorenzana," I gasped when he grabbed my face and forced me to face him. "is that how you're going to greet me, after all that you did to me?" His face is ominous enough to give me chills.

"W-What did I do to you?" Nakakatakot siya.

"You don't know?" His face became grimmer. "That's interesting." He let go of my face, at sa sobrang diin ng pagkakahawak niya, my cheeks hurts.

"D-Declan, pakawalan mo ko!" Sigaw ko rito.

"You shouldn't use that tone to your master, Helaena." Nagsalin siya ng alak sa baso.

"I told you, this is a misunderstanding! They kidnapped me and force me here. Pakawalan mo ko dito! Kundi tatawag ako ng police!" I warned.

"And how are you going to do that?" He smirked before he emptied the glass of alcohol.

"Untie me please!" This time ay nakiusap ako ng mahinahon.

Kanina pa nila ako dinala rito. Tiyak kong gabi na. Baka hinahanap na ako ni Eliot.

"Pakawalan mo na ko, please. I need to go home."

"You're going home."

"R-Really?"

"Yes, to my house." He pulled the chair and sat in front of me.

"Hindi ako sasama sayo!"

"I bought you for 200 million, of course I'm taking you home with me. Or did you forget about that?" Napalunok ako sa laki ng halagang sinabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status