Share

CHAPTER 5

CHAPTER 5

HERA’S POV

"Declan please, bawiin mo nalang yung pera mo. Hindi talaga ako pwedeng sumama sayo." Pakiusap ko.

"Kahit bawiin ko pa ang pera ko, isusubasta ka lang nila ulit. Do you prefer that stinky old senator who will purchase you for 100 million over me?" Hindi ako makasagot sa sinabi niyang iyon.

Declan is worse enough, pano pa kaya yung matandang lalaki kanina na maraming babaeng katable? Hindi ko ito kilala at hindi ko alam kung anong gagawin nun sa akin. Though hindi ko din alam kung anong binabalak gawin ni Declan sa akin, at least kilala ko siya. Baka maawa ito at mapakiusapan ko pa.

"I heard the men who brought you here talking about a 150 million debt, Helaena. I bought you for 200, and half of that will go to them. Means you still owe them 50 million." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Kahit sobrang laki ng nabawas, hindi ko pa din kayang bayaran iyon. At natitiyak kong hindi pa rin iyon kayang bayaran ng magaling kong ama. Dahil ako ang guarantor na nilagay niya, tiyak ako pa rin ang babalikan ng mga ito.

"How about we make a deal, Helaena Lorenzana?"

"Deal?" Nagtataka kong ulit.

Hindi siya sumagot at sinuri ang kabuoan ko. His stare is intimidating, just like before, walang pinagbago si Declan. His presence is still dominating that it could make anyone uncomfortable.

"I'll pay off the debt, in return marry me and bear my child."

"W-What?" I was so shocked with his proposal. "Nasisiraan ka na ba?"

"Nasisiraan? Nope. Desperate? Yes." Sagot nito without even batting an eye.

"Hindi ako magpapakasal sayo, Declan."

"Well I guess you have no choice since you owe me 200 million."

"Wala akong sinabing bilhin mo ko!"

"So gusto mo ibalik kita sa kanila?"

"W-What?"

"Madali lang naman akong kausap." Tumayo siya at lumapit sa may pinto.

"D-Declan, teka! San ka pupunta? Declan!" Pinihit niya ang knob at bumukas ng kaunti ang pinto.

"Bakit ang tagal? Magbabayad ba talaga yan?" Narinig kong boses sa labas. Sila iyong mga lalaking nagdala sa akin dito.

"Sandali lang. Lalabas na din yan maya maya. Hindi kayo tatakbuhan ng kaibigan ko."

"Kung hindi kayo magbabayad, ibalik nyo yung babae! Marami pa namang ibang pwedeng pagbentahan sa kanya!"

Natakot ako sa huling narinig. Declan closed the door again.

"P-Please, I'll do anything!" Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko ay magmamakaawa ako sa paanan nito. Tutal sanay naman akong magmakaawa. Skill ata iyon na natutunan ko simula ng maiwang mag-isa para alagaan sila Cheska at Eliot. Nung hindi pa malakas ang benta ko ng mga bake goods, kapag napuputulan kami ng kuryente o sinisingil ng renta dun sa dati naming tinitirahan bago napunta kanila aling Tess ay halos lumuhod ako para magmakaawa na huwag kaming putulan muna o extend ng bayad ng upa.

"You know what you have to do, Helaena." Muli siyang lumapit sa akin.

"Ang sama sama mo pa din!" His jaw clenched when I said that.

"I think you mean generous, future wife."

Nagpumiglas ako but to no avail. Masyadong magigpit ang pagkakaposas sa kamay ko. At kung sakali man himalang matanggal ko nga ang posas, it's not like I'm going to escape without getting caught.

Pero kung sinuwerteng makatakas, anong gagawin ko? San kami pupunta ni Eliot? Tiyak na hahanapin kami ng mga pinagkakautangan ni papa. And who knows, baka hindi lang itong grupong to ang pinagkakautangan niya ngayon. Pano kung nangutang nanaman ito sa iba at ako pa din ang ginamit na guarantor? Mababaon ako sa utang at parating manganganib ang buhay.

Napaharap ulit ako kay Declan. Hindi din maganda ang pinagsamahan namin ng lalaking to. He bullied me during highschool, and he's a terrifying person. Pero kung tatanggapin ko ang alok niya, magkakaron ako ng maayos na buhay. Financially, because when I say mayaman ang pamilya nila, sobrang yaman talaga. But what about my life? Anak sa pagitan naming dalawa? I can't imagine that.

Pero kapag naiisip ko ang mga mangyayari sa akin kapag hindi ko tinanggap ang alok niya, it's worse than the idea of marrying him and giving him a child.

Pero bakit? Para saan?

"We don't have the whole night, Senpai. It's just a yes or no, and we're done."

"F-Fine. Pumapayag na ako." There's an instant regret after seeing how his mouth curved into a wicked smile, pero wala namang ibang paraan.

Kahit dumoble kayod ako, o triple pa, imposibleng mabayaran ko ang ganun kalaking halaga.

"Good choice. Then I'll be back in a bit." Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas na siya.

I can still hear the men outside this room bago maisara ni Declan ang pinto. And screw him! He said in a bit but it's been two hours now, I think. Ngawit na ngawit na ang mga kamay kong nakaposas. Nagugutom na din ako. Kung ano ano na rin ang tumatakbo sa isip ko.

A few more minutes after that ay bumukas ulit ang pinto, lo and behold, Declan Laxamana is back.

Lumapit siya sa likuran ko without saying anything, saka inalis ang pagkakaposas sa akin.

"Sign." He threw papers on the floor.

Hinilot ko muna ang mga pulso ko bago ko pinulot ang mga iyon at binasa. I just skimmed it and didn't go into details. Nakasulat lang naman duon na binili niya ako sa ganitong halaga, pakakasalan ko siya at bibigyan ng anak. Ang tumawag sa pansin ko ay ang mga katagang no annulment sa oras na pakasalan ko siya, at kapag sinuway ko ito ay babayaran ko siya ng apat na beses ng halagang ginastos niya sa akin.

Saang lupalok ng mundo ko naman pupulutin ang isang billion?

I signed it.

Bahala na.

Sinuri niya kaagad ng ibalik ko sa kanya ang mga papel.

"Then let's go." Lumabas siya ng silid.

"D-Declan teka lang," Hinabol ko siya. "I need to go back home."

"There's no need." Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Anong no need? Pano ang kapatid ko?

No, wait. Hindi kasama sa kontrata si Eliot. Pano kung sabihin niyang wala siyang pakialam sa kapatid ko at hindi naman niya ito responsibilidad?

Yes, Eliot is not his responsibility, pero ako, oo. At hindi ko pababayaan ang kapatid ko.

"D-Declan, I really need to go back home." Humarang ako sa kanya.

"Kung gamit ang iniisip mo, there's no need. I will provide for that." Walang interes niyang sagot and walked past me.

"I need to get my son, Declan!" I yelled.

Napahinto siya, at salubong ang kilay na tumingin sa akin.

"You have a son? You're married?"

"I-I'm not married." Pagsasabi ko ng totoo. Sakali man ay mabilis niyang malalaman na nagsisinungaling ako kapag sinabi kong kasal na ako dahil ipapacheck niya iyon, and I also signed the contract. "B-But I have a son." Iyon ang pinanindigan ko. "I have to get my son, Declan. Hinihintay niya ako."

Hindi ko maintindihan ang naging ekspresyon niya. I thought na magbabago ang isip niya ng malamang may anak na ako. But after being silent for a minute or two, pumayag siyang kunin ko ito.

Nang makarating nga sa nirerentahan naming bahay, he only gave me 3 minutes to pack our things, matapos kong kunin sa kapitbahay si Eliot. I asked for a few more minutes para magpaalam kay aling Tess.

And that's it. That's all that happened that led to this.

Thirty minutes had passed and as Declan instructed, nagdala nga si Manang Luz ng pagkain dito sa silid namin.

Ang sabi ni Eliot ay pinakain na daw siya ng kapitbahay kaya pumayag akong matulog na ito. Kumain ako kahit walang gana, then went to bed matapos magbihis. And that's how my first night in Declan's house ended.

Lumipas pa ang mga araw at walang kahit na anong sinabi ang siraulong lalaking yun sa akin. Kapag nagigising ako ay wala na ito, and he's probably already at work. Sa gabi naman kahit hintayin ko ito ay hindi ko din naaabutan dahil nakakatulog ako sa kakahintay.

What the hell is wrong with him? Inilagay nya ako sa ganitong sitwasyon tapos ngayon pinapabayaan nya lang dito sa mansion nya.

I could even hear the maids whispering about me. Na makapal daw ang mukha ko at hindi pa kusang umalis dahil halata naman daw na pinagsawaan na ako ng amo nila. Na bakit daw pagtatyagaan ni Declan ang tulad ko na may anak na. I also heard na may mga babae na ring dinala dito ang lalaking yun, and none of them last for a day or night.

Hays, if that's the case magdiriwang na sana ako. Pero hindi ako pwedeng umalis dito dahil sa pinirmahan kong kontrata.

Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin ni Eliot. Iilan lang naman to kaya ako na ang gumawa kahit pa sinabi ni Manang Luz na sila na. Ang kapal naman ng mukha ko kung pipapagawa ko ito sa mga maids knowing na pinagchichismisan na nga ako ng mga mga ito at tinatawag ng kung ano ano. Nakakainis! Kasalanan talaga lahat ni Declan to!

"What hell are you doing?" Kamuntik pa akong mapasigaw sa gulat ng bigla nalang may nagsalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status