HERA’S POV
"D-Declan!" Himala at nagpakita ang sira.At bakit niya tinatanong? Hindi ba niya nakikita na naglalaba ako?"Naglalaba, hindi obvious?" Sarkastiko kong sagot at nagpatuloy sa ginagawa. Kakaunti lang naman ito at kailangan kong labhan kaagad matapos isuot kasi wala akong susuotin. Tatlong t-shirt at dalawang shorts lang ang nadala ko. Dalawang panty, yung isa ay yung suot ko nung araw na kinidnap ako, at isang bra at pantalon na sya ring suot ko nung sapilitan akong kinuha. Karamihan ay mga damit ni Eliot ang naimpake ko."Bakit hindi mo pinagawa sa mga katulong?""Konti lang naman to. Sinusunod ko lang ng paglalaba para may maisuot agad. Hindi mo kasi ako pinag-impake ng maayos." Naiinis kong sagot."I'll give you five minutes. Get dressed. I'll wait for you in my car." Sinundan ko siya ng masamang tingin habang papalayo sa laundy room.I don't have any intentions to make him mad, kaya dali dali kong itinigil ang ginagawa at nagbihis tulad ng sabi niya.Dahil wala namang sinabi si Declan na isama si Eliot ay iniwan ko ito dahil abala naman ito sa paglalaro doon sa game console na nakita niya sa entertainment room.Sobrang tahimik sa loob ng kotse. Makalipas ng halos 40 minutes ay huminto kami sa tapat ng isang boutique."30 minutes. Grab everything you like." Nag-abot siya ng platinum card sa akin."What?" My jaw dropped, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa platinum card."That's yours. Now go." Sagot niya without looking at me. Kala mo allergic sa kausap e.Wala akong ibang choice kundi ang bumaba dahil pinagbuksan na ako ng driver ng pinto. Ang awkward pagpasok ko sa boutique. Lahat sila nakatingin sa akin. Ako lang kasi yung nakasuot ng t-shirt, pants at tsinelas. Siguro kung hindi ako nakita ng guard na bumaba sa isang magarang sasakyan ay hindi ako papapasukin nito.Pati paghawak sa items hindi ko magawa ng maayos. Pano yung shop assistant na sumusunod sa akin akala mo naman madudumihan yung item paghinawakan ko.Isama mo pa ang mga presyo. Siguro sa dati naming life style ay normal lang ang 15k na flat shoes. Or itong maliit na purse na mukhang cellphone lang ang kasya at 45k na agad ang presyo. O itong brand ng dress na galing Italy na 18k agad kahit mukhang retaso ng tela lang ang itsura."Oh my god, look who's here?" Nagsalubong ang kilay ko sa pamilyar na boses.Lumingon ako and saw my sister, looking at me mockingly. Pero nagulat ako ng may kasama ito."Good morning po, tita Jenna." Pagbati ko sa mama ni Kian."You don't have to call me that now." Sagot nito na animoy naiinis.Well, I don't want to, it's just out of respect. Pero kung ayaw mo, fine. Tutal sa buong relasyon namin ni Kian, hindi mo naman tinatago ang fact na ayaw mo sa akin at hindi mo suportado ang relasyon naming dalawa."What are you doing here? Oh, oo nga pala. Dinala ako ni mama Jenna dito para bilhan ng wedding shoes." Masayang sabi nito.I didn't ask, Cheska!"Pumili ka na rin ng bag na gusto mo, hija. It's my wedding gift." Hinawakan niya ang kamay ng kapatid ko. "Also because my son finally chose the better sister." She gave me a cold stare."Talaga, mama? Thank you po!" Yumakap pa ito sa braso ng mama ni Kian, saka ngumisi sa akin.Pinapamukha talaga ni Cheska sa akin ang nga nangyayari ngayon. She knew na sa dalawang taon namin ni Kian bilang magkasintahan, never akong binigyan ng kahit ano ng mama nito.She also knew na ayaw na ayaw nito sa akin dahil wala akong natapos.Kian also came from a wealthy family. Pamilya sila ng mga professors and most of their family business are schools and other education institutions. Siguro hindi ito tulad sa yaman na tinatamasan namin dati, but still, maayos at sagana ang buhay ng nga ito.Lumayo ang mama ni Kian to check on some items, bago pa ito umalis ay minata pa ako mula ulo hanggang paa."Ganun ka ba kabitter ate?" I rolled my eyes nang marinig ang sinabi ng kapatid ko. "At hindi ka man lang nahiya na pumasok dito at ganyan ang suot." Panunuya nito.Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagtingin. 30 minutes lang ang binigay ni Declan sa akin. Mamaya biglang sumugod iyon dito sa loob."Sa sobrang bitter mo gagamitin mo ba savings mo para bumili ng dress? Hindi na babalik sayo si Kian kahit magsuot ka pa ng magandang damit." Ayaw pa din nitong tumigil sa panunuya kahit hindi ko na nga siya pinapansin.May aabutin sana akong bag. Hindi ko pa naman sure na bibilhin pero gusto ko lang makita ng malapitan ang disenyo.Pero bago ko pa man mahawakan ay sinadya itong kuhanin ni Cheska."Ang ganda!" Puri niya sa bag. "Ito nalang ang ipapabili ko kay mama Jenna. Miss, ito nga." Sabi niya doon sa nakasunod sa akin na shop assistant kanina."Yes, ma'am." Tuwang tuwa ito, pano ba naman it's a 130k purchase.She smirked at me. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nakukuha kong treatment mula sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay naging mabuti naman akong kapatid despite everything. Kapag may away kami, kahit kasalanan niya ay ako pa ang humihingi ng paumanhin para lang matapos na at magkaayos kami.But I'm tired of that shits now. Siya itong may kasalanang ginawa and she's shamelessly rubbing it on my face as if she did nothing wrong.Hindi ko siya pinansin at sa halip ay tumawag ng isa pang shop assistant. Parang ayaw pa nitong sumunod ng tawagin ko. Her face twisted and I'm sure I saw her roll her eyes bago lumapit sa akin.I saw my sister staring enthusiastically on a high heels shoes na napakaganda nga naman ng design. Before she could grab it, inunahan ko siya, at ibinigay iyon sa shop assistant na tinawag ko."Excuse me!" Nagtaas ng boses ang kapatid ko."Ah eh ma'am," Mukhang si Cheska pa ang kakampihan ng shop assistant, pero bago pa man siya makapagsalita ay nag-abot ako ng isa pang sapatos na nagkakahalaga ng 45k. Kumuha ako ng tatlo pang high heels, at ilang flat shoes.Kumuha din ako ng iba't ibang dress, blouse, cute tees na ang lalambot ng tela, skirts, and pants. Sunod kong binalingan ang mga coats, cardigans, scarfs na hindi ko alam kung san ko gagamitin eh ang init sa Pilipinas. The prices ranges from 2 thousand to 85 thousand."Miss, wala syang ipangbabayad nyan." Sabi ni Cheska dito.Lumapit din sa amin ang isa pang babae, na ayon sa name plate niya ay ito ang store manager. Pero hindi ko sila pinansing lahat kahit na pa sinasabi sa akin ng mga ito sa mahinahon na tono ang presyo ng lahat.Sunod akong pumunta sa mga bags, I picked almost every color I could find, every size na meron, mula sa pinakamaliit na purse, hanggang sa mga malalaking shoulder bags. Mga designer wallets, pouches at kung ano ano pang abubot.Pumunta ako sa mga perfumes, without smelling it, grabbed one of each scent. Apat na shop assistant na ang sumusunod sa akin. Pati ang manager may bitbit na din na bags."Paki balot lahat, bilisan nyo. Nagmamadali ako." Sabay abot ng platinum card na ibinigay ni Declan sa akin kanina.Napasinghap silang lahat, lalong lalo na ang manager."Y-Yes, ma'am. Sorry po. I-I mean, wait lang po. I-I mean," They all panicked.Sari sari emosyon ang nakikita ko sa mukha ni Cheska pero nangingibabaw ang pagtataka, galit, at lahat ng hindi magandang bagay sa mundo. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagkunwaring nag-iikot ikot. I also saw Kian's mom with a shocked expression. Whatever, I don't care.Napatingin ako sa orasan. 35 minutes na ako dito sa loob. Patay inaayos pa yung pinamili ko. Maybe another 15 or 20 minutes pa bago matapos."Helaena," Damn it! Napamura ako ng marinig ang boses ni Declan. "What the hell did I tell you?" Agad nitong sabi ng makalapit."Babe, I got excited. Ang dami kasing magaganda. I can't decide." Sinalubong ko siya ng mabilis na halik sa labi, which left him shocked. Yumayap ako sa tagiliran niya, playing with his back na animoy nilalambing ito."What the fück are you doing?" He whispered."Being your girlfriend. What else?" I whispered back."I'm glad you like it, baby. Did you enjoy shopping here?" He played along ng may lumapit na isa pang shop assistant, waiting na baka mayroon pa akong idadagdag. Nilalaro ni Declan ang items na nasa harapan namin na animoy namimili."Yes, I love it so much." Ngumiti ako sa shop assistant na halatang balisa dahil nga sa inasal nila sa akin kanina.I looked back at my sister, and gave her the same smile she gave me earlier.Take that, Cheska. Huling pang-aapak mo na yun sa akin. Hinding hindi ka na makakaulit. Kung gusto mong magkalimutan tayo bilang magkapatid, then fine.You and papa are good as dead to me now.CHAPTER 7 HERA’S POV My prediction was wrong, it took 35 minutes for them to pack it all. Dagdagan mo pang hindi nakakatulong itong si Declan. He was randomly adding stuff to my already piled-up purchases. On a side note, okay na rin na biglang sumulpot tong lalaking to, so I don't have to deal with my sister anymore. Cheska has been giving me looks for the past 35 minutes. Kung hindi nga lang siguro dahil sa inasal niya sa akin kanina o sa presensya ng mama ni Kian ay kating kati na itong magtanong kung sino ang lalaking kasama ko. Hinawakan ko ang kamay ni Declan at katulad kanina, nilalambing ito. He's giving me weird looks now like 'have you gone crazy, woman?' is the only thing playing in his head. They help us load everything into Declan's car. Pero sa sobrang dami ay hindi nagkasya ang mga ito. We have no other choice but to have it delivered to his mansion. "S-Sorry kung natagalan ako sa loob, and about what I did earlier—" Natigilan ako sa pagpapaliwanag when he suddenl
HERA'S POV"W-What do you mean to see me?" Napabalik ako sa loob at isinara ang pinto."Seat." Utos nito."No," I crossed my arms. "Mamaya ano nanamang gawin mo sa akin." Inis kong saad."So you came here thinking I'll do something again?" Tumayo siya at lumapit sa akin."D-Declan," Bahagya ko siyang itinulak dahil masyado siyang malapit. Pero sa halip na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit, dahilan para mapaatras ako hanggang sa tumama ang likuran ko sa may pinto. "Declan, ano ba!" Napataas ako ng boses.He trapped me between his arms, at kahit subukan kong umalis ay inihaharang lang niya ang kamay niya habang nakasuot ng blankong ekspresyon sa mukha."You're as beautiful as the last time I saw you, Helaena." Bulong niya.I could smell the wine in his breathe. "Declan, are you drunk? Kung lasing ka na ay ipagpabukas nalang natin ang pag-uusap, okay?" Sinubukan ko uling itulak ang kamay niya, nagbabakasakaling sa pagkakataong ito ay pakawalan na niya ako, but still he didn't move.Ki
HERA'S POVIkasampung araw ko na ngayon rito sa bahay ni Declan. Normal lang na kumalat ang balita na may babae siyang inuwi sa bahay niya. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit nakarating sa abugado nito ang tungkol sa aming dalawa. I think an attorney is better, kumpara myembro ng pamilya niya ang pumunta rito para makita ako. He doesn't live with his parents, at wala rin itong binabanggit na ipapakilala niya ako sa mga ito. Don't tell me, ulila na siya?Anyway, kaninang umaga ay itinuloy namin ang naudlot naming pag-uusap kagabi dahil sa kung ano anong kalokohang pinaggagagawa niya. Ang nakakainis lang ay parang ako lang ang apektado sa nangyaring iyon. He's acting like nothing happened, expertise ata niya ang magpatay malisya just like when he kissed me inside his car. He informed me that Attorney Hidalgo will arrive around two in the afternoon, and now I only have three hours to prepare. I have to do well on this, kasi kung hindi, baka magalit sa akin tong lalaking to kapag hin
HERA’S POV “Declan,” Napabangon ako bigla. “Oh my god, hindi ka ba marunong kumatok?” Inis kong dugtong. Ang sarap batuhin ng unan eh. “Well be married soon, so what’s the big deal?” Sagot nito. “Big deal kasi hindi pa tayo kasal! What if nagbibihis pala ako?” Singhal ko sa kanya. “Even better then.” Ngumiti ito ng maloko. “Sira ulo!” Inis kong usal at tumayo. “What do you want? Nagawa ko naman ng maayos ang pakikipag-usap kay attorney ah!” I added. Akala ko pagkaalis ni Attorney Hidalgo ay babalik na ito sa trabaho. “I’ll be busy with work, so ikaw na ang bahala para sa engagement party nating dalawa.” Sagot niya na nagpagulat sa akin. “Engagement party?” Ulit ko. “Yes. Use the card I gave you, if it’s not enough, I’ll give you more money to spend.” Saad nito. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Bakit kailangan pa naming magpaengagement party? “Ang ibig kong sabihin, bakit kailangan pa nating magpaengagement party? It’s not like it’s a marriage we both want, so bakit ka
HERA’S POV “Oh my god, Hera, ikaw nga!” Halos sumigaw ito sa loob ng botique. Ramdam ko ang hilaw na ngiti na gumuhit sa labi ko nang makilala kung sino. Sa lahat naman ng pwedeng makita rito ay dating kaklase ko pa, and not just a classmate kundi si Jennete Martinez pa talaga. Kung sa boys ay may Declan, ang representative naman ng mga babaeng bully sa classroom ay si Jennete. She’s the typical annoying ‘It Girl’ na ayaw na ayaw na nasasapawan ng ibang babae sa classroom. And this woman had the biggest crush on Declan. Sa naaalala ko nga, pinagkakalat nito noon na silang dalawa ni Declan ang King and Queen of La Oriente Academy, ang school na pinapasukan namin dati. “Girls, look! It’s Hera!” Nagulat ako ng bigla siyang may tinawag. And oh my gosh, never in my life na gusto ko nalang lamunin ng lupa. It’s Jennete and her group of friends, Alice and Sophie. The most annoying trio of LaOriente Academy. “Oh my god, si Hera nga!” Halos sabay nilang sabi. “Hi, guys.” Awkward akong napa
HERA'S POV Nagpatuloy ang preparations ko for the engagement party kahit puyat ako kakaisip sa mga bagay bagay. The event planner and I started the meeting around ten in the morning at natapos kami ng two in the afternoon. We stayed in the mansion while I share the ideas I want her to incorporate for this event. Sa bawat ideyang sinasabi ko ay ipinapakita niya sa akin ang portfolio niya showing something similar sa mga sinasabi ko, kaya mabilis at maayos naming natapos ang meeting for today. Siya na ang bahala sa lahat ng napag-usapan namin, and I'll just supervise from time to time. Naipaprint na din ang mga invitations at ibibigay ko ang mga ito kay Declan mamaya pag-uwi nya. Wala naman kasi akong iimbitahang pamilya o kaibigan man lang. Medyo nagcocontemplate na din ako if iinvite ko nalang ba ang mga kapatid ni papa or mga kamag-anak ko sa side ni mama, para hindi naman nakakahiya sa side ng soon-to-be bride na wala man lang kahit na isang pupunta. At patungkol naman dito highsc
DECLAN’S POV "Kapag hindi mo sinunod ang last will ng Lolo mo, then you know the consequences. All the properties will be transferred to your cousin Hideo Laxamana, which includes Secret Cliente Resort. Even the position as COO of Laxamana Estates." Napahinto ako sa sinabi ni Attorney Hidalgo. He doesn't need to say it twice. I heard him the first time. Pero itong si Attorney ata ang hindi nakakaintindi "Secret Cliente is mine." Ulit ko. "These papers are saying otherwise." Itinaas niya ang last will. "Hell with that!" Gusto kong punitin ang mga papeles na binasa niya sa harap namin. "Declan, calm down." Pumagitna si Crem, pinsan ko. "It's Grandpa's last will. Wala tayong magagawa." Damn it, old man! You know exactly how I feel about marriages, and now you're rubbing it into my face? "Secret Cliente Resort is mine. I don't have to prove it. It's mine. But if the old man wants me too, then fine. Marriage or whatever it is, I'll do it. Enjoy watching from hell, Grandpa." Ang mga
CHAPTER 2 HERA’S POV "My god, bakit ba kasi hindi ka nalang maging supportive sa amin?" Bulyaw ni Cheska sa akin. "Supportive, Cheska? Inagaw mo ang boyfriend ko. Ikaw na sarili kong kapatid? Tapos sasabihin mo maging supportive ako sa relasyon nyo?" Sa inis ay nasampal ko siya. "How dare you!" Halatang nagulat siya at napahawak sa pisngi. "Stop it, Hera!" Pumagitan si Kian, shielding Cheska from me. "Wow!" I snapped. "Gago ka! I trusted you, tapos tutuhugin mo lang kaming magkapatid!" Pinipigilan ko ang mga luha ko. I don't want to give them the satisfaction that they had hurt me. "At ikaw! After all that I did for you? Ito ang gagawin mo sa akin? Lumayas ka!" Buyaw ko sa kapatid ko na ni katiting ay hindi mo makikitaan ng pagsisisi sa ginawa niya. "Talagang lalayas ako rito dahil sasama na ako kay Kian!" Nandilim ang paningin ko dahil sa ginagawa niyang pagsigaw sa akin, kaya awtomatikong sinugod ko siya at hinila ang mahaba niyang buhok. "Hera, stop it!" Pilit kaming pinagl