Share

CHAPTER 7

CHAPTER 7

HERA’S POV

My prediction was wrong, it took 35 minutes for them to pack it all. Dagdagan mo pang hindi nakakatulong itong si Declan. He was randomly adding stuff to my already piled-up purchases.

On a side note, okay na rin na biglang sumulpot tong lalaking to, so I don't have to deal with my sister anymore. Cheska has been giving me looks for the past 35 minutes. Kung hindi nga lang siguro dahil sa inasal niya sa akin kanina o sa presensya ng mama ni Kian ay kating kati na itong magtanong kung sino ang lalaking kasama ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Declan at katulad kanina, nilalambing ito. He's giving me weird looks now like 'have you gone crazy, woman?' is the only thing playing in his head.

They help us load everything into Declan's car. Pero sa sobrang dami ay hindi nagkasya ang mga ito. We have no other choice but to have it delivered to his mansion.

"S-Sorry kung natagalan ako sa loob, and about what I did earlier—" Natigilan ako sa pagpapaliwanag when he suddenly pulled me to him and kissed my lips. It wasn't just a peck. It's a wet and messy kiss. Awtomatikong itinulak ko siya palayo sa akin, pero hindi man lang siya natinag. Umikot ang isang kamay niya sa likuran ko at ang isa ay nasa likod ng leeg ko at mas lalong pinagdiin ang mga labi namin. My eyes went wide when his tongue made it’s way inside my mouth, sucking my tongue and licking my palate.

"That is how you should kiss me next time, Helaena." Ngumisi ito after letting me go.

Sa inis at gulat ay hindi ako makapagsalita. My lips and hands were shaking, and I wanted to slap him so bad, pero baka anong gawin niya sa akin. He did that knowing his driver is inside the car too at sa malamang ay nakita ang ginawa niyang iyon mula sa rearview mirror. Inilayo ko nalang ang sarili ko at humarap sa bintana.

Kian and I never kissed like that. I find it awkward to be intimate with him dahil nga magkaibigan kami for a long time. He respected that so we never really went far when it comes to intimacy. He often teases me that my principles are so manang, but said that he liked that side of me and that he could wait until marriage para maging komportable ako sa mga bagay na iyon.

We both didn't speak after that. We parted ways as if he didn't do anything to me. Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok sa loob at dumiretso sa wine cellar sa living room. Nawalan na ako ng gana kaya matapos ilagay ng mga maid sa walk-in closet ang mga pinamili naming gamit ay humiga ako sa kama sa halip na ayusin ang mga ito.

"Ate are you alright?" Hinawakan ni Eliot ang noo ko, feeling my temperature.

"I'm fine. I'm just tired." Sagot ko habang nakangiti para hindi ipahalata rito na naiinis ako. "How was your day?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Nag enjoy po akong maglaro nung game. Nanay Luz played with me." Masaya nitong pagkwento. He also said something about the garden and a pool na ipinakita sa kanya ni Manang Luz matapos nilang maglaro ng game console, but all I can do is smile and listen.

My mood didn't improve even though it's been hours. Isama mo pang Cheska kept on bombarding me with text messages asking kung sino iyong kasama ko like I owe her an explanation. The maids came to call us for dinner, pero wala akong ganang kumain. Is he going to eat with us? Ayaw kong makita ang Declan na yun.

Makalipas ng ilang minuto ay may kumatok nanaman sa pinto."Sandali lang po." Narinig kong sabi ng kapatid ko bilang sagot sa kung sino man ang kumakatok ngayon. Maybe I should get up now. Nakakahiya naman na dalawang beses na kaming tinawag.

"Tito Declan, hello po!" Ipinikit ko ang mga mata at nagkunwaring natutulog ng marinig ang sinabi ni Eliot.

"Where's your mom?" Rinig kong tanong nito.

"She's on the bed po. Mama, hanap ka po ni tito Declan!" He yelled.

Hindi ako sumagot at nagpanggap pa ring tulog.

"Go ahead and wait for us in the dining room. Ako na tatawag sa mama mo." When I heard that, awtomatikong gusto kong bumangon nalang para lumabas, but Declan already closed the door kaya pinanindigan ko nalang ang drama ko.

Bawat hakbang niya papalapit ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. And when I felt his weight on the bed as he sat beside me, I almost forgot how to breathe.

"Are you still mad, Helaena?" Hindi ako sumagot. "Open your damn eyes, I know you're awake." Nang idugtong niya iyon ay agad kong minulat ang mga mata at sinamaan siya ng tingin.

Medyo nagulat ako ng makita siya. Hindi katulad sa madalas niyang ayos ang itsura ngayon. It looks like he just got out of the shower kaya nakabagsak ang buhok nito, and he's wearing his pajama. He also smells nice. Well, lagi naman siyang mabango but instead of perfume, this time it's the fresh scent of soap and aftershave that I could smell from him.

"Wala akong ganang kumain kaya lumabas ka na." I told him and faced the other side of the bed.

"Why are you mad? It was you who started to flirt with me." Singhal niya.

I rolled my eyes. Fine, I might be half to blame for this, but still, it doesn't mean he can do that to me.

"How are you going to give me a child if that's how you react to a kiss, Helaena? Alam mo naman siguro kung pano ginagawa ang bata di ba? Hindi naman sumulpot lang bigla si Eliot sa matres mo." He teased.

"Shut up and leave, Declan. I'm not in the mood!" I pulled the blanket up above my head.

Pero siguro ay tinalikuran ako ng langit ngayong araw dahil biglang kumalam ang sikmura ko sa gutom at alam kong narinig ni Declan yun.

"I'm hungry too, Helaena. Now, bababa ka at sasabay kumain sa amin, o ikaw ang kakainin ko dito?" Napabalikwas ako dahil sa sinabi niya at nagmamadaling bumaba sa kama. Sa taranta ay halos hindi ko maisuot ng maayos ang mga sapin ko sa paa.

Pagkalabas ko ng silid ay patakbo kong pumunta sa may hagdan, pero hindi pa man tuluyang nakakalapit ay may humila sa kamay ko.

Declan held my hand, na agad kong sinubukang iwaksi, but he won't let go.

"Easy, Tiger." He smirked.

Hindi niya ako binitawan at inakay pababa sa hagdan. Doon ko lang namalayan ang mga matang nakatingin sa amin. May ilang mga maids ang nasa paligid na kung makatingin akala mo ay kakainin kami ng buhay. Wala akong ibang nagawa kundi ang lunukin ang inis ko at magpanggap na masaya habang pababa kami. He didn't let go of my hand hanggang sa marating namin ang dining room.

Pagkakita kay Eliot ay pinanindigan ko nalang ang mga ngiti ko. Tumabi ako sa kapatid ko para makalayo kay Declan.

"Sit here." He pulled a chair for me, and it's beside him.

Gusto ko siyang pandilatan ng mata, pero nasa dining room rin si Manang Luz at ang ilang mga katulong na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

"Thank you." Hirap na hirap akong lagyan ng lambing at kasiyahan ang boses ko nang sabihin iyon.

"You're welcome, baby." Biglang umikot ang kamay niya sa bewang ko at hinalikan pa ang pisngi ko.

Alam kong sinadya niya iyon para inisin ako, but here I am, ngingiti ngiti lang. One of these days ay malilintikan talaga sa akin ang isang to! But in fairness, behave lang siya habang kumakain kami.

“I’m done eating na po.” Inilapag ni Eliot ang kutsarang ginamit sa pagkain ng dessert.

“Help him get ready to bed, Manang Luz. May pag-uusapan pa kami ni Helaena.” Kamuntik na akong mabulunan sa narinig na sinabi ni Declan.

What does he want now?

“Good night, mama. Good night, tito Declan.” Kumakaway nitong sabi habang inaakay ni Manang Luz palabas ng dining room na sinuklian ko naman ng ngiti.

“Meet me at my study after you finish your meal.” Tumayo na rin si Declan pagkatapos at umalis ng dining room.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay mas binagalan ko ang pagkain ko. Bahala siyang maghintay dun, I don’t care. Kulang nalang ay simutin ko ang natitirang nakahain sa lamesa, pero matapos ng ilan pang subo ay ramdam ko ng busog na busog na ako.I have no choice kundi ang tumayo na para mailigpit na ng mga maids ang hapag kainan. Baka mamaya issue pa sa kanila at sabihing patay gutom ako.

Katulad ng sabi niya ay pumunta ako sa study niya. “What do you want? Sabihin mo na agad, pagod na ko at gusto ko ng matulog.” Bungad ko kaagad pagkapasok.

“Wine?” Alok niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

“I don’t drink. At kung yan ang dahilan kaya mo ako pinapunta dito, then I’ll head back to my room.” Humakbang ulit ako palabas.

“Our family lawyer will come tomorrow. Probably to see you.” Napahinto ako sa narinig na sinabi ni Declan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status