Share

CHAPTER 3

HERA’S POV

"I'm home." Nasa may sala si Eliot at nanonood ng tv mag-isa. "Asan si papa?" I asked.

"Aalis lang daw sya sandali, mama." Lately ay ate na ang tawag sa akin ni Eliot, pero minsan nadudulas pa din ito at natatawag akong mama dahil sa nakasanayan niya.

"San daw pupunta?" Usisa ko.

"Pumasok po sya sa kwarto kanina," Itinuro ni Eliot ang kwarto namin. "Tapos umalis na. Sabi nya dito lang daw po ako at manood ng tv." Nagulat ako sa sinabi ni Eliot.

Agad akong tumakbo sa kwarto namin at tumambad sa akin ang nagkalat na mga gamit. Parang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko. Lumapit ako sa may cabinet, pero hindi ko kailangan pang maghanap dahil tumambad na agad sa harapan ko ang walang laman kong jewelry box. Dito ko nilagay lahat ng inipon ko sa loob ng isang taon. 85 thousand iyon, pero ngayon ay wala na. Nanlambot ang mga tuhod ko sa halo halong emosyon, gusto kong umiyak dahil sa panlulumo.

Lumipas ang mga araw at hindi na umuwi si papa. Hindi ko alam kung san siya nagpunta. Buti nalang talaga at hindi ko inilagay roon ang 4.5k na rentang ibinalik ni aling Tess, kung hindi walang wala ako ngayon.

"Sandali lang!" Sigaw ko at nagmamadaling lumapit sa may pinto dahil may kumakatok. Akala mo naman may pinatagong pera dito kung makakatok sa pinto, parang may galit. "Yes?" Pagsilip ko.

May apat na kalalakihan sa labas at nakakatakot ang itsura nila. Sa gulat ay mabilis kong isinara ang pinto, pero mas mabilis yung lalaking nakatayo sa labas at itinulak ang pinto. Kamuntik na akong matumba.

"T-Teka s-sino kayo?" I panicked when all of them went in. "Umalis kayo! Sisigaw ako!" I warned.

"Sige subukan mo!" Biglang bumunot ng baril ang dalawa at itinutok sa akin.

"W-Wag po!" Hindi ko alam kung itataas ko ang kamay ko o itatakip sa tenga ko sa sobrang takot at taranta.

"M-Mama!" Malakas na iyak ni Eliot sa takot at yumakap sa akin

"Nasan si Mr. Lorenzana?" Galit na tanong ng isa sa kanila.

"H-Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Wag kang magsinungaling kung ayaw mong sumabog yang utak mo!" Banta nito at inasinta ang baril sa ulo ko.

"H-Hindi ko talaga alam! Ilang araw ng hindi umuuwi si papa dito."

"Pre," Sumenyas yung isang lalaki sa kanya at may itinuro sa hawak na papeles.

Ibinalik ng lalaking kaharap ang tingin sa akin. "Ikaw ba si Helaena Raiden Lorenzana?" Tanong nito.

"O-Opo." Nanginginig ang boses ko.

"Sumama ka sa amin!" Hinablot niya ang braso ko.

"T-Teka lang po! Ang kapatid ko. Sasama po ako, pero please, hayaan nyo pong iiwan ko ng maayos ang kapatid ko." Pakiusap ko sa kanila. Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Eliot.

Nagkatinginan nilang apat at ilang minuto din bago nagkasundo na pumayag sa pinakiusap ko. They warned me not to make a scene. Kumatok ako sa pinto ng isa sa mga kapitbahay at nakiusap muna na iiwan ko roon ang kapatid ko sandali, saka nag-abot ng dalawang libo na pang gagastos nila. Pumayag naman ito, at nang magsara ang pinto ng kapitbahay ay agad ng may humagit sa akin at sapilitan akong ipinasok sa loob ng sasakyan nila.

"T-Teka san nyo ko dadalhin?" Matapos ko iyong sabihin ay bigla nalang may nagtakip sa ulo ko.

"Wag kang maingay kung ayaw mong barilin ka namin!" Banta nung lalaki.

Hindi na ako gumawa pa ng kahit na anong ingay pagkatapos marinig ang banta nila Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Basta matapos ng mahabang byahe ay huminto ang sasakyan at hinila nila ako pababa rito. Tapos bigla nalang nilang itinali ang mga kamay at mga paa ko ng paupuin.

Bigla nalang may humila sa nakatakip sa ulo ko. Agad akong naghabol ng paghinga dahil kanina pa ako hindi makahinga ng maayos.

Ang kaninang apat na lalaki ngayon ay naging anim na. Mayroong dalawang bagong mukha na kaharap ko ngayon.

"Kung ayaw mong masaktan, sasabihin mo sa amin kung nasaan si Mr. Lorenzana."

"Hindi ko nga alam! Kanina ko pa sinasabi na hindi ko alam kung san pumunta si papa. Ilang araw na siyang hindi umuuwi!" Mukhang nainis ang lalaki sa pagtaas ko ng boses. "Ano ba kasing ginawa ni papa sa inyo? Wala naman akong kinalaman dito! Please, pakawalan nyo na ako." Pakiusap ko sa kanila.

"Boss, ang pangalan nya po ay Helaena Raiden Lorenzana." Pagbibigay impormasyon nang isa sa mga naunang lalaki kanina.

"I see." Napahilot ng baba yung lalaking nagtatanong sa akin ngayon at humarap sa akin. "Fine, Miss Helaena, pakakawalan ka namin kung babayaran mo ang pagkakautang ng papa mo." He said.

"Pagkakautang?” Gulat kong ulit.

Suminenyas ang lalaki at agad namang lumapit yung kasama niya at nag-abot ng folder. "May utang ang papa mo na nagkakahalaga ng 150 million. Nakasaad dito na ikaw ang guarantor

niya." Iniharap niya sa akin ang dokyumento kahit hindi ko naman nababasa.

My jaw dropped upon hearing the amount. Guarantor? 150 million? San ako kukuha ng ganun kalaking halaga?

"H-Hindi naman ako pumirma jan. Pano ako naging guarantor?" I tried to argue. "Ahhh!" Napasigaw at napapikit ako ng bumunot siya ng baril at itinutok sa akin. Walang tigil nanaman ang panginginig ng katawan ko sa takot.

"Magbabayad ka, o pasasabugin ko yang ulo mo? Uutang utang kayo, tapos hindi kayo marunong magbayad!" Itinutok niya ang baril sa ulo ko.

"H-Hindi k-ko n-naman alam na u-umutang s-si p-papa e." Pati labi at boses ko ay nanginginig na din sa takot.

Ibinaba ng lalaki ang baril sa bandang baba ko at sinuri ang mukha ko. "Maganda ang isang to a. Mapapakinabangan to." Lalo akong natakot sa sinabi nito. "Alam nyo na gagawin jan. Tapos hanapin nyo ulit yung gagong Mr. Lorenzana." Sabi nung lalaki.

"T-Teka, anong gagawin nyo sa akin?" I panicked ng bigla nalang ulit may nagtakip sa ulo ko.

They dragged me again in the car and I have no idea what's going on. Siguro dahil sa haba ng byahe ay nabagot yung isang lalaki kaya kung ano ano ang mga sinabi. Doon ko nalaman na taga casino iyong boss nila kanina na kumausap sa akin. It seems sa casino dinala ni papa yung perang kinuha niya sa akin. Sa una lang siya pinatikim ng panalo. Nang wala ng maipusta ay umutang siya sa mga ito, pero hindi niya nabawi ang talo niya. Bumalik nanaman siya sa dati niyang ginagawa. He even promised that he will not do it again, pero eto, kami naman ang magbabayad ng mga pinaggagagawa niya.

Dahil pinagbabantaan nila ako ay wala akong nagawa ng pilitin nila akong suotin ang short dress na binigay nila.

"Let go of me!" Sigaw ko ng bigla nalang akong hilahin ng hindi ko kilalang lalaki matapos magbihis. Nagulat ako ng marealize na isang entablado ang pinagdalhan sa akin.

"Ooooh, feisty!" Gusto ko itong suntukin dahil tumatawa tawa pa ito. Pasalamat siya at nakaposas ang mga kamay ko. "Okay, simulan na natin! Let's see, hmmm, maganda at makinis. Siguradong masarap to. Let's start with 1 million pesos." Tumatawa pa din ito.

"1.5!"

"2!"

"5million!"

May mga grupo ng kalalakihan na nagkakagulo sa ibaba ng stage at sinusubukang abutin ang hita ko para hipuan. "Bastos!" Sigaw ko at iniilag ang hita ko para hindi nila mahawakan.

"50 million!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw. Ngayon palang nagsisink in sa akin kung ano ang nangyayari. Sinusubasta nila ako.

"55 million." May sumigaw ulit.

"No!" Pagpupumiglas ko. "Bitawan mo ko!" Sumbat ko dun sa lalaking nakahawak sa braso ko, pero hindi ako nito pinapansin.

"70 million."

"100 million."

Patuloy pa din ako sa pagpupumiglas at natataranta na din dahil palaki ng palaki ang perang ipinupusta sa akin.

"Stop resisting, b*tch!" Inilayo ng lalaki ang hawak na microphone at pinagbantaan ako.

"200 million." Napatingin ako sa direksyon ng nagsabi nun, pero hindi ko makita kung sino.

"Wala na bang lalaban sa ating 200 million?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko.

Sinong matinong lalaki ang gagastos ng 200 million para sa isang babae? No one else bid after that. Ibang tao nanaman ang humila sa akin matapos akong ibalik ng host sa may gilid ng stage. Someone covered my eyes with a blindfold, at pakiramdam ko ay dinala ako sa isang kwarto.

My body stiffened when someone opened the door. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ang sabi ng lumabas kanina ay papunta na raw ang taong bumili sa akin.

"P-Please untie me!" Makikiusap nalang ako. "Is any one there? Please, pakawalan mo ko! This is all a misunderstanding, Sir. Bawiin nyo nalang po yung pera ninyo. Pinilit lang nila akong pumunta dito. This is kidnapping!" Bakit hindi siya nagsasalita?

I sniffed. The room suddenly smells like alcohol. Kinabahan ako. Is he drunk? Baka anong gawin niya sa akin.

Naramdaman ko nalang na may huminto sa harapan ko. Bigla nalang nalaglag ang blindfold, kaya makailang ulit akong nagpakurap kurap ng mata para luminaw ang paningin. Agad akong nag-angat ng tingin sa taong kaharap ko, para sana makiusap muli, but the person in front of me now is someone I'd never thought I'd see again.

"It's been a while, Senpai." Naka ngisi nitong sabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status