Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

HERA’S POV

"My god, bakit ba kasi hindi ka nalang maging supportive sa amin?" Bulyaw ni Cheska sa akin.

"Supportive, Cheska? Inagaw mo ang boyfriend ko. Ikaw na sarili kong kapatid? Tapos sasabihin mo maging supportive ako sa relasyon nyo?" Sa inis ay nasampal ko siya.

"How dare you!" Halatang nagulat siya at napahawak sa pisngi.

"Stop it, Hera!" Pumagitan si Kian, shielding Cheska from me.

"Wow!" I snapped. "Gago ka! I trusted you, tapos tutuhugin mo lang kaming magkapatid!" Pinipigilan ko ang mga luha ko. I don't want to give them the satisfaction that they had hurt me. "At ikaw! After all that I did for you? Ito ang gagawin mo sa akin? Lumayas ka!" Buyaw ko sa kapatid ko na ni katiting ay hindi mo makikitaan ng pagsisisi sa ginawa niya.

"Talagang lalayas ako rito dahil sasama na ako kay Kian!" Nandilim ang paningin ko dahil sa ginagawa niyang pagsigaw sa akin, kaya awtomatikong sinugod ko siya at hinila ang mahaba niyang buhok.

"Hera, stop it!" Pilit kaming pinaglalayo ni Kian. "I said stop!" He grabbed me and pushed me hard na halos mawalan na ako ng balanse. "She's pregnant, so don't hurt her!"

"You see that? Ganyan kasama ang ugali nya! She's selfish!" Yumakap si Cheska kay Kian.

"Buntis?" Gulat kong ulit. "Cheska buntis ka?"

"Bingi ka ba? Magkakababy na kaming dalawa!" She confirmed.

"Cheska naman! Anong pumasok sa isip mo? Bakit ka nagpabuntis? Akala ko ba marami ka pang pangarap? Kakagraduate mo lang sa college di ba? Alam mo naman kung pano ko tinawid ang pagkokolehiyo mo tapos ganito lang ang gagawin mo?" Doon na tumulo ang mga luha ko.

"Mahal namin ni Kian ang isa't isa. Pananagutan naman niya ako. Ikakasal na kami in the next two weeks."

"What?" Lumipat ang tingin ko kay Kian.

"I'm sorry, Hera. But I've been trying to tell you for the past months. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo dahil parati ka nalang busy at," Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa malutong na sampal na lumatay sa mukha niya.

"Oh my god! Honey," Maingat na hinipo ni Cheska ang mukha ni Kian bago ako nilingon at tiningnan ng masama. "Ang sama sama mo talaga!" She yelled at me.

"Kelan pa ninyo ako nilolokong dalawa?" Tanong ko.

"Seven months na kaming dalawa ni Kian." That question was for Kian, but the one shamelessly throwing answers on my face is my sister. Hindi ko alam kung panong parang wala lang kay Cheska itong ginawa nila sa aking dalawa. Parang proud na proud pa siyang isumbat ito sa akin.

"Inenrol ko ang kapatid ko sa University kung san ka nagtuturo para mapanatag ang loob ko na maayos at ligtas siya doon, Kian. Hindi para gawin mong asawa mo!" Bulyaw ko.

"Bakit ba ang dami mong sinasabi? Bakit ba hindi ka nalang maging masaya para sa amin? Bakit ba napakaselfish mo ate!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Cheska? Ako? Ako talaga ang selfish sa sitwasyong to?" I bit my lips. She's my sister, pero nandidilim na talaga ang paningin ko sa kanya. But I have to control myself dahil buntis siya at baka mapano ang bata. Ayaw ko ring marinig at makita ni Eliot ang mga nangyayari ngayon. "Out!" Itinuro ko ang pinto. "Get out bago ko pa kayo matagang dalawa!"

"Hera, makapag-usap sana tayo ng maayos kapag hindi na mainit ang ulo mo." Ani ni Kian.

"Ang kapal ng mukha mo! Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na kunin ni Cheska ang mga gamit nya. Nauubos na talaga ang pasensya ko kaya tinulak ko silang dalawa palabas ng pinto kahit na nagmamatigas pa din si Cheska at ayaw umalis.

Papunta na sana ako sa kwarto namin ni Eliot pero ilang hakbang palang ay bumigay na ang mga paa ko at napaupo nalang sa sahig.

Second anniversary sana namin ni Kian ngayon and we're supposed to have a dinner date, tapos bigla nalang sumugod si Cheska to drop the bomb. Well siguro nga mabuti na na nangyari to kaysa patuloy nila akong niloloko.

Sabi na e, hindi ko na dapat binigyan ng chance noon si Kian at nanatili nalang kaming magkaibigan. Nakilala ko siya when I was in second year college, bago ako huminto dahil sensitive ang pagbubuntis ni mama kay Eliot at nakulong naman si papa. We kept in contact kahit wala na ako sa university na pinapasukan namin. We became closer dahil sa kanya ko sinasabi ang mga problema ko sa pamilya and he would comfort me. Hanggang sa bigla nalang siyang umamin na nahulog na raw ang loob niya sa akin. I turned him down a couple of times, pero pursigido siya at nagpatuloy sa panliligaw. Dalawang taon din bago ako nagpasyang sagutin siya, thinking that I might just fall in love with him in the process. Narealize ko kasi na ayokong mawala siya bilang kaibigan ko nang pumunta siya one night at lasing habang sinasabi na nawawalan na siya ng pag-asa na sasagutin ko at magpapakalayo layo nalang daw siya. Kung alam ko lang, I would let him walked away that night.

Napahawak ako sa dibdib ko. Oo siguro nga hindi ko siya ganun kamahal, pero masakit pa rin dahil nagtiwala ako sa kanya and he has a special place in my heart. He was there in my lowest point, and gave me the love and comfort I needed. Naniwala akong mahal niya ako dahil lahat alam niya tungkol sa akin at sa pamilya ko, and he choose to stay. I even considered marrying him ng buksan niya ang topic sa pag-aasawa dati, pero kailangan muna niyang hintayin na grumaduate si Cheska dahil ang pag-aaral nito ang priority ko ng mga panahong iyon, and now, si Cheska na ang pakakasalan nya.

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto. Pinunasan ko na din ang luha.

"Anak nag-away ba kayo ng kapatid mo? Bakit kasama nya ang nobyo mo? Di ba anniversary nyo ni Kian ngayon? Nakasalubong ko sila sa labas." Tanong ni papa.

He's been living with us for two months now dahil nakalaya na ito sa kulungan after serving his five years sentence.

"May konting di pagkakaunawaan lang po, pa." Sagot ko. "Pahinga na po muna ako." Paalam ko at pumasok na sa kwarto kung san mahimbing na natutulog ang bunso naming kapatid na lalaki.

Lumipas ang mga araw, as expected ay pinagtataka nga ni Eliot ang mga pagbabago sa bahay. He was curious and worried why Kian hasn't visited for the past four days, at maging ang Ate Cheska niya ay nawawala rin. Cheska might be a brat, but she was somewhat a good sister to Eliot, basta wag lang itong iistorbohin kapag nagcecellphone. Si papa naman kahit walang sinasabi ay mukhang may ideya na sa nangyayari, na bigla nalang naging parang telenovela ang love life ko.

Napatingin ako sa kalendaryo, auno pala ngayon. Kinuha ko ang wallet ko at dumukot ng 4.5k na pangbayad sa renta.

"Iaabot ko lang po to kay aling Tess." Paalam ko kay papa.

"Sasabay nalang din ako para magtapon ng basura." Sagot ni papa.

"Ako na po, isasabay ko nalang." Kukunin ko na sana yung garbage bag.

"Ako na, lalayo ka pa. Para naman may maitulong ako rito sa bahay." Inunahan niya ako sa pagkuha ng basura.

"Sama po ako manong." Tumakbo si Eliot palapit rito.

Hanggang ngayon ay naaawkward pa din ako na manong ang tawag ni Eliot kay papa kahit na anong turo ko rito. Hindi ko rin alam kung sinasadya ba ng batang to, pero matalino kasi si Eliot, madali lang itong turuan. But I've been telling him for a month now na papa ang itawag dito tulad ng pagtawag namin ni Cheska rito, pero wala, Manong pa din talaga ang tinatawag niya rito.

Sabay kaming lumabas na tatlo at dumiretso na ako sa likuran kung san nakatira ang landlord namin samantalang si papa at Eliot dumiretso sa may labas para magtapon nga ng basura.

"Pero nakakahiya naman po."

"Sus, ikaw ang best tenant dito sa compound. Kaya ikaw ang napili ko. Basta secret lang natin."

"Pero po," Gusto kasing ilibre ni aling Tess ang renta namin ngayong buwan dahil birthmonth niya, at ito raw ang napili niyang paraan para mag give back for her 75th birthday.

"Lola!" Boses ni Eliot at bigla nalang yumakap kay aling Tess.

"Juskong bata kasigla sigla." Tuwang tuwa naman ito sa kapatid ko.

Tango sa isa't isa lang ang ibinigay ni aling Tess at papa sa isa't isa.

"Sigurado po ba kayo dito?" Iaabot ko sana ulit yung pangbayad sa renta.

"Tanggapin mo na. Next year spaghetti nalang yan pag buhay pa ako." Itinulak ulit nito ang pera sa akin. "At di ba plano mong bumalik sa college? Idagdag mo nalang yan sa ipon mo." Ngumiti ito.

"S-Salamat po." Pagtanggap ko at napatingin sa pera. 4.5K din to. Pangdagdag sa pangpaenrol ko sa pasukan.

Nang bumalik kami sa loob ng bahay ay agad akong tiningnan ang laman ng ref. May order kasi ako bukas ng cupcakes, baka kulang yung ingredients na meron ako. I list down all the ingredients that I needed at nagpaalam na aalis muna. Buti nalang at nandito na si papa, may magbabantay kay Eliot. At mabuti na rin siguro na iwan ko sila ng magkasama para naman makapagbonding sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status