Share

His Tormenting Love
His Tormenting Love
Author: Loneblues

Simula

They say the Almighty gives the toughest battle to His strongest soldier. Hindi ka Niya bibigyan ng pagsubok kung hindi mo kayang lagpasan. Ang lahat ng problema ay may solusiyon. Matatapos rin ang unos.

I can't agree to that. I can't understand why all of this happened to me. Looking back, realized I've been fighting most of my life. Na hindi natatapos ang paghihirap, sakit at pagdurusa ko. Na kahit anong gawin kong pagdilat sa dilim, wala akong mahanap na liwanag. Na kahit anong pulot ko sa mga nabasag na piraso ng pagkatao ko, hindi ito muling mabubuo at lalo pang nadudurog.

No matter how hard I try to be tough, I'll always end up failing like a fragile glass. I'm not strong. Magmukha man akong malakas sa harapan ng lahat, alam Niya kung gaano ako kahina kapag kaharap ko ang sarili ko. Kaya bakit ganito? What is His reason for putting me in this bloody battlefield?

I smiled sadly as the cold breeze embraced my body. I am living in the dark all my life. Kahit pa ngayong payapa ang isip ko, hindi ko mahanap ang kaginhawaan. Kahit nasa tamanglugar ako, para akong naliligaw. Iyong pakiramdam na malaya pero nakakulong parin sa mga nagdaan. Iyong kahit kuntento na ay umaasa parin. Umaasa sa magandang bukas na malabong makamit.

Pumikit ako nang mas lalong humaging ang hangin. Kasabay ng pagsara ng aking talukap, at ang lamig ng paligid, ang pag-alala ko sa nakaraan.

"Carina Selene!" Napapitlag ako sa tawag ni Mommy. Halos mabitawan ko pa ang basong may lamang juice sa gulat. Mula sa kitchen ay lumakad ako patungo sa counter kung saan nagmumula ang boses ng aking ina. Sumandal ako sa counter at pinagmasdan ang papalapit na si Mommy.

I heard the clicking of her heels on our marbled floor, tila galit pa ang bawat hakbang. Kung hindi lang ako sanay ay baka natakot ako. I turned my head and saw my enraged mother walking towards me. The elegance and grace never faltered in her as she glares at me.

I sighed. I know what's she's angry for.

Nang makalapit ay hindi na ako nagulat nang sampalin niya ako nang malakas. Pumaling ang pisngi ko sa lakas niyon. My heart clenched in pain. Tears pooled in my eyes. Hindi dahil sa sakit ng sampal, ngunit dahil alam ko, muli ko siyang binigo.

"Ano na naman ito, ha?!" She shouted. Her eyes were filled with angry tears. "Ano ito?!" She asked and handed me the phone. Nanginginig pa ng bahagya ang kamay niya dahil sa galit nang iaabot ito nang pabalya sa akin. Tears swelled more when I saw what it was.

Alam ko na ito. Jayle informed me last night about it. I remembered how I cried hard, thinking how the one-minute video ruined me. I remembered how vulnerable I was while she's on the other line. Being a good friend that she is, she got mad and worried at the same time.

Sumikip ang dibdib ko sa nakita sa screen. Pumipintig na rin ang ulo ko sa sakit. Magkahalong pagod at sakit, pisikal at emosyonal ang lumukob sa akin. 

Hindi ko alam kung paanong nagkaganito. I don't remember sleeping with a random guy. At alam ko ring hindi ako ganoong klaseng babae. I know I am not a slut. I am no flirt. In fact, I am distant to boys. I am known as reserved and smart. Kaya hindi ko alam kung paanong...naging ganito na ang reputasiyon ko.

Bumuhos ang luha ko nang muling makita ang video. Walang duda na ako iyong babae samantalang hindi pamilyar ang mukha ng lalaking bumaboy sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko. Alam kong iyon din ang nararamdaman ng lahat. Pandidiri at disappointment. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang magreklamo o masaktan sa pananaw nila sa akin. Dahil ako mismo, ganoon ang tingin ko sa sarili ko.

Narinig ko ang hagulhol ni Mommy. Ramdam ko ang kagustuhan niyang saktan at pagsalitaan ako ng masasama hanggang sa kaya niya, pero parang nanghina siya sa mga natuklasan. I didn't know disappointment, anger and disgust can make a person weak.

"Saan ba kami nagkulang, Selene?" She asked weakly, sobbing. My heart hurt more at the sight of my crying mother. I never wanted to see her cry, even if she's not a kind mother to me.

"Saan ba ako nagkulang sa pagpapaaala? Ganito ka na ba kadesperada sa atensiyon na nagpagalaw ka sa lalaki at ipagkakalat sa mga tao?! 

Para pagkaguluhan ka? Bakit ba puro ka kapalpakan! Nakakahiya ka! "

Her words stung. The fact that it was true, na iyan din ang tingin ko sa sarili ko at ipinagdiinan niya pa sa akin, ay lalonb nagpasikip ng dibdib ko. And I can't do anything to defend and protect myself because I am thinking I am at fault, too. 

Humikbi ako at humakbang para daluhan siya ngunit itinulak niya ako. Lalo akong naiyak sa ginawa niya. Para bang hindi na ako pwedeng lumapit...o hawakan man lang siya...dahil sa nangyari na hindi ko naman ginusto.

"M-Mom," I called pleadingly. "M-Mommy... I-I'm sorry," I sobbed. "I'm so sorry, Mommy."

Napatakip ako sa aking mukha sa sobrang sakit na naramdaman. Para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa mga nangyayari sa akin. This is a big blow for me. Tahimik akong nabuhay sa loob ng ilang taon, malayo s apanghuhusga ng mga tao. I did everything to protect m name given the family that we have. Ngunit sa huli pala, sa kahihiyan lang din ang bagsak ko. wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Mga hagulhol at hikbi ang namutawi sa amin. Ilang sandali pa ay dumating si daddy at pinakalma si mom bago niya ako kinausap tungkol sa nangyari. 

sa ilang oras na pananatili ko sa kuwarto, pakiramdam ko ay sinasakal ako ng mga naiisip ko. Kaya naman naisipan kong lumabas. Mabuti na lang at walang bantay sa labas ng bahay kaya nakatakas ako. 

Ngunit sa kalagitnaan ng pagmamaneho, tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. it was a call from an unregistered number. Nag-aalangan man ay sinagot ko iyon.

"Cary," ang pamilyar na boses ni Kent ang umalingawngaw sa aking tenga. "I'm sorry to disturb you but we need you here. Si Forth kasi...lasing na lasing. Ayaw umuwi. Naisip kong baka makatulong ka--" Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone at napasinghap.

"I'll be there. Just tell me where you are," I cut him off.

I drove on the bar that he told me. Hindi ako mapakali. Parang may nangyayaring hindi ko gusto. Magkahalong kaba at pag-aalala ang nararamdaman ko. Ngunit hindi pa man ako nakakrating, tumawag ulit si Kent at sinabing naiuwi na si Forth. Humingi na rin siya ng pasensiya sa nangyari.

Thats when I went straight to his condo. Hindi ko na inisip ang hiya at kaba ko. Hindi ko inisip na baka magalit siya o pandirihan niya ako kapag nagkita kami. Ang tanging mahalaga sa akin ay makita siya ngayon. Gusto ko lang na maalagaan siya, o kahit makasama lang saglit.

I reached the elevator. My hands trembled as I pressed the button. I frantically went out and strutted towards his unit's door. I typed his pass code and it opened.

Bumungad sa akin ang dim na ilaw ng kaniyang living room. His condo is big, maaaring tumira ang limang tao. I went to his room. The door is ajar. Dahan dahan ko sana itong bubuksan nang makita kong hindi siya nag-iisa. Nakahiga silang dalawa sa kama, nakasandal siya sa kama at nakapikit, halatang sobrang lasing...at nakikipaghalikan sa babaeng nakapatong sa kaniya.

Napako ang paa ko sa sahig. Naestatwa ako sa nakikita. Naghalo ang gulat, sakit at galit sa akin. I wanted to grab and beat her to death to ease the ill emotions I am feeling but I can't even lift a finger.

So I just watched how everything fell apart...in front of my face.

She kissed him passionately. Her lips moved aggressively on him. Hindi ko alam kung paano akong nakatayo ng tuwid kahit nanghihina. The bitch moaned and I wanted to scream so bad and stop her. Hindi siya itinulak man lang ni Forth. Hindi sumagi sa isip niya ang mararamdaman ko. Ang relasiyon namin.

He closed his eyes...savoring the moment. Habang ako ay gusto nang ipikit ng mariin ang mata dahil sa nanunuot na sakit sa nakikita. When her tongue slid on his mouth... I lost it.

Umatras ako.

My tears fell like waterfalls. Nanginginig ang aking balikat habang humahagulhol. The pain is too much to handle. Tila wala na akong pakialam sa makakakita ng estado ko ngayon. Umalis ako sa lugar na iyon habang humahagulgol ng iyak.

Everything is too much for me. Akala ko ay siya ang makakasama ko sa mga oras na ito. Na kung sakaling maipaliwanag ko ng maayos ang totoong nangyari sa akin ay paniniwalaan niya ako at sasamahang lagpasan iyon. Pero ano nga bang inaasahan ko sa isang tulad niya?

I am so lost and broken beyond repair. It feels like my whole being was crushed when he chose to break my trust.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status