Share

Kabanata 6

He drove away from our house at 3 am. Halos nahuhulog na ang aking mga mata sa antok at pagod, at ganoon din siya. He looked tired and sleepy.

I texted my friends the next day. I said sorry for leaving without a word. Nag alala ang mga ito dahil bigla na lang akong nawala. Nagdahilan na lang ako na nagpasundo dahil inaantok na, pinili kong ilihim ang nangyari.

The next days passed like a whirlwind. Simula noong nangyari sa bar, medyo umayos ang pakiramdam ko sa presensiya ni Forth. Tuwing nagkakasalubong kami sa school, nagagawa ko na siyang ngitian bilang pagbati. Hindi tulad ng dati na iwas na iwas akong mapadapo ang tingin ko sa kaniya. 

"I'll be leaving next month," Jayle pouted sadly. Nandito kami sa cafeteria para sa lunchbreak. Kaming dalawa lang dahil may klase pa ang iba. Giana is a stem student, si Shane ay may cooking class at si Macy ay humms. Kaming dalawa ni Jayle ay abm, kaya minsan lang talaga na makumpleto kami dahil abala rin ang ibang kaibigan sa ginagawa.

I sighed too, nalulungkot rin sa nalalapit na pag-alis niya. "Isang buwan ka lang naman doon. You'll be back for college." I said and stared at her.

She sipped on her fruit shake. "Ilang vacant ka ring mag-isa non." She raised a brow.

"Yeah but it's fine. I'll miss you, though." Sabi ko.

"I can still reach out naman, you know." She shrugged. I raised a brow when I remembered something.

"What about your boyfriend?" I asked.

Her shoulders slumped a bit, tila namroblema sa binaggit ko. Kanina ko pa rin napapansin na parang may iniisip siya.

Jayle is in a relationship since high school. Isa rin sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil guwapo at mayaman. Grade 9 kami noon nang maging sila. Til now, they're going strong.

"Iyon nga. First time naming mahiwalay sa isa't isa. Pero alam niya naman na pangarap ko iyon noon pa. Kaya nga noong sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko, even though he's sad na magkakalayo kami, hindi niya ako pinigilan sa gusto ko."

"Oh? Pero bakit mukhang namomroblema ka parin?" I asked. She looks a bit sad at something.

She sighed. "What if..." She trailed off. "What if may magbago? Kasi diba, kilala mo naman kami. Hindi kami sanay na hindi nagkikita. Kahit ayos lang naman sa kaniya at sinusuportahan niya ang gusto ko, paano kung..."

"Isang buwan lang naman, Jayle," I said. I don't really know how to advise her, wala naman akong karanasan sa ganito. "Tsaka kung mahal niyo talaga ang isa't isa, kakayanin niyo. Maybe this will test the both of you, kung talaga bang may pundasiyon na ang relasiyon niyong dalawa."

She sighed again. "But what if...natalo kami ng distansiya? Paano kung...di namin kinaya?"

For me, hindi dapat pinagsasabay ang pangarap at pag-ibig, lalo na kung determinado ka na abutin ang ambisyon mo. May isang mabibitawan sa huli, na paniguradong masakit.

But it is a matter of choice. If you choose to hold it both, dapat alam mo kung paano ibalanse.

I smiled at her. "You cannot tell it yet. Kung kayo, kayo talaga. Hindi mo kailangang mag-alala dahil kung kayo talaga sa dulo, kahit anong mangyari, siya talaga ang makakasama mo. Kaya unahin mo muna ang pangarap at future mo." I said. "Give this a try. Maybe its a way for the both of you to grow and learn."

She smiled, finally. "Paano ka nakakapag advice ng ganiyan? Akala mo naman nagka boyfriend na." Umismid ako sa sinabi niya.

I spent the days with my friends. Dumalas ang paglabas namin at kung saan saan pumupunta. Wala namang kaso iyon dahil hindi naman pinagbabawalan ng mga magulang. I don't think my parents care about my whereabouts, though.

The harsh rain poured. Para kaming mga takot na kambing na nakasilong sa maliit na shed. Isa ito sa mga araw kung saan nagkakayayaan at kumpleto kami. After class ay agad kaming tumungo sa kainan malapit sa school para tumambay.

And unfortunately, inabutan kami ng malakas na ulan. We didn't see it coming since maaraw naman kanina. Parang bigla na lang itong bumuhos sa kabila ng maganda at maaliwalas ang panahon.

Pinagsisihan ko talagang hindi ako pala- dala ng payong. Si Shane lang ang mayroon noon at hindi naman kami magkakasyang lima. I shivered when the cold wind touched my skin.

"Hello, Kuya," Shane said. "What? Bakit ngayon pa walang bakanteng sundo?" She sighed. "I'm with my friends...Okay." She hung up the phone and turned to us.

"Susunduin sana tayo ni Kuya. Kaso lang, nasa gitna ng klase iyon at two hours pa ang dismissal. Lahat pa ng sasakyan ay gamit at walang available," she groaned.

Macy huffed a breath. Her lips quivered because of the cold. Bahagya pang nangangatal ang baba sa ginaw. Jayle hugged herself, as if it'll do something to ease the cold. Si Gianna naman ay busy sa pagtawag sa kaniyang boyfriend na hindi sumasagot kanina pa.

Ilang sandali kaming natahimik at tiniis ang lamig at pagkabagot hanggang sa may tumigil na dalawang magarang sasakyan. Nangunot ang aking noo dahil pamilyar ang isa roon.

The car's window rolled down and revealed a handsome man's face. I rolled my eyes when I saw who it was. Kent Torres, one of the alpha assholes' member flashed his friendly smile.

"Wala kayong sundo?" He asked.

"Wala pa," Jayle answered. I glanced at the other car and saw Forth Axel looking at me seriously.

I gulped as he stared at me. My heart raced and I felt conscious. There is a part of me that it okay with his prescence. Ang kabilang parte sa akin ang nagsasabing hindi dapat makipaglapit dahil para kang nakikipaglaro sa apoy. Its like the fire in his eyes will burn you.

But his burning eyes were mesmerizing. Na kahit alam mong mapapaso ka ay lalapitan mo pa rin ang ningas dahil sa ganda ng alab nito. My stomach fluttered when he went out of the car with an umbrella on his hand. Kahit paglalakad niya ay nanatili ang kaniyang tingin sa akin, never minding my friends acknowledgements.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status