Nakalipas ang ilang sandali at hindi na siya nagreply. Sampung minuto na at wala pa rin siyang tugon. Gusto kong batukan ang sarili dahil para akong tangang nakaabang sa reply niya. Napaismid ako at sumandal sa headboard ng kama at tumitig sa kisame. Napapitlag ako ng tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Thinking it was one of my friends or some unknown people, I answered it. "What?" I asked coldly. I am not really in the mood to entertain someone. I can't believe I am being like this just because I didn't get a reply! The other line remained silent. I looked at my phone. The line is still connected. My forehead creased because the number is unregistered. "Who's this? Don't waste my time please." I was about to hang up when I heard a husky chuckle on the other line. My lips thinned. I know who it is. "Hi. Sorry, are you busy?" "Yes," I breathed. "I am busy. Don't call or text me. I'm doing something." malamig kong sabi. He sighed. "I'm...actually outside your house,"
Bagsak ang katawan ko pagkapasok at nakatulog kaagad. Nabasa ko lang ang mga mensahe niya nang magising ako, informing me that he got home. Nakita kong may bago siyang mensahe kaninang alas otso lang ng umaga and it is already ten in the morning. Forth: Good morning. Forth: I guess you're still sleeping. Don't forget to eat breakfast when you wake up. Napangiti ako roon. Bumangon ako sa pagkakahiga at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Me: Good morning. Kakagising ko lang. Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba para kumain. Natigilan pa ako ng makita ang mga pinsan ko na nasa living room. They are my cousins from Daddy's side. Anila ay pupunta kami sa bahay ng aming lolo at lola sa Batangas. Kanina pa pala naghihintay ang mga iyon sa akin at kanina pa ako kinakatok sa kuwarto. Biglaan lang daw at tumawag si lolo at nakiusap na bisitahin sila. Sumama ang mga babae kong pinsan sa pag-akyat ko. Halos magdugo na lang ang tenga ko sa ingay nila. Si Shanaiah lang ang hindi masy
Ilang saglit akong naghintay ng tawag niya. Malapit ko nang hambalusin si Mon ng hawak kong unan dahil napapakapit pa ito ng parang tuko pero buti na lang ay nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ang unan sa tabi ni Desmond saka dire-diretsong pumanhik sa taas. Mukhang hindi naman ako napansin ng mga pinsan dahil abala sila sa panonood. For some reason, I felt excited about something like a kid that was brought in an amusement park for the first time. I went inside our room and slumped on the bed. "Hello," panimula ko at tumitig sa kisame. "Hi, Ma'am. Are you going to sleep now?" "Not yet. Nagmomovie marathon kami." I replied. "With your cousins?" Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yeah." Ilang sandali kaming natahimik. Tanging mabigat niyang paghinga ang naririnig ko sa kabilang linya. The silence is not awkward, though. It's comforting and peaceful, even. "You still there? Bakit ang tahimik riyan? Where are you?" he suddenly asked. May narinig akong kaluskos sa kabi
Napapansin ko ang madalang na pag-uwi ni Dad. Madalas ay parehas silang wala, minsan pa kapag umuuwi ay nagtatalo sila ni Mommy. Thinking it was just some business matters, I didn't let it get through me. Sa mga araw na lumipas ay mas lalo kaming nagkalapit ni Forth. There were times that we'll go out to eat, have road trips at midnight, shop for things, and watch movies. Those memories are all just simple but happy. "Aren't you sleepy yet? Pwede namang next time na lang tayo pumunta roon," Forth said while his eyes are on the road. From gazing outside his car's window, I turned to him and I was welcomed by his breath-taking side profile. The city lights illuminated his beautiful eyes and his aristocratic nose and prominent jaw are kissed by the darkness, giving it a manly shadow. "Hindi pa naman ako inaantok. Sanay akong hindi matulog mg maaga dahil nanonood ako ng series sa n*****x," I said and stared at him more, adoring one of the Creator's masterpiece. "How about your pa
For a fleeting moment, the warmth and peace I was feeling made me want to stop the time and cherish every moment of my summer days. I want to feel it longer but the hands of the clock didn't favor me. It ticked faster as I spend my days in a bliss. The warmth and comfort of his embrace vanished as I closed my eyes, feeling the cold tiled walls of the girls' restroom. Hinihintay kong matapos si Gianna na nasa loob pa ng cubicle. Sabay kaming mag-lunch kasama ang ibang kaibigan na nasa cafeteria ngayon. Bukas pa ang dating ni Jayle. Ayos lang iyon dahil unang linggo ng klase pa lang naman at wala pang masyadong nili-lesson. Mabuti nga ay natapos iyong sadya niya sa New York ng maaga at sasakto ang uwi niya sa pasukan kaya hindi siya behind sa mga pag-aaralan. "Which shade is better?" Gianna asked, showing me her liptints. I almost rolled my eyes at her. Hindi talaga siya si Gianna kung hindi siya mahilig pumostura. "The light pink one," I answered lazily. "Bilisan mo na diyan, na
Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Maaga akong nagising at kumain ng almusal dahil ang usapan ay maaga kaming aalis para maraming oras. Nagtataka kong binalingan si Nanay Brenda nang mapansing wala na naman ang mga magulang ko. Ilang linggo ko nang napapansin ang mabigat na hangin sa pagitan nila. Lagi rin silang wala at minsan lang umuuwi, hindi pa magkasama. At kung magpapang-abot ay nagkakasagutan naman. Inaamin kong naguguluhan na rin ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagmumulan ng away nila. Kung business lang ay bakit parang ang laking bagay? Umiling lang ako at tumayo na para maghanda bago pa lumalim ang iniisip ko. Naligo na ako at nagbihis ng simpleng white floral dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Flowy iyon at black ang print ng mga bulaklak na disenyo. I paired it with a white stringed sandals and my beige sling bag. Inilugay ko lang aking buhok at naglagay ng light make-up. Hindi ko pinahalata kay Forth na may iniisip ako at umaktong normal. Panay naman
Nagkulong ako sa kuwarto noong gabing iyon. Ni hindi ako bumaba para kumain dahil wala rin akong gana. Kahit naririnig ko ang katok ni Mommy sa pintuan ay hindi ko siya mapaunlakan dahil sa sama ng loob ko. How? Paano nagawa ni daddy iyon? Are we not enough for him? Aminado naman akong hindi kami perpektong pamilya. Hindi namin madalas ipakita ang nararamdaman sa isa't isa. Lagi nilang iniintindi ang ibang bagay kaysa sa akin. Pero kuntento kami. Payapa. Hindi ba naging sapat iyon? Na naghangad siya ng sobra pa sa mayroon siya? At nagbunga ang kasalanan niya at nagkaanak pa. Masaya ba siya? Nahanap niya ba ang kakulangan na hindi namin napunan? Nakatulugan ko ang pag-iyak at pag-iisip. Nagising ako ng madaling araw nang makaramdam ng pagkauhaw. Bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. Ngunit natigilan ako nang makarinig ng mga hikbi. Natigilan ako nang makita si Mommy sa sala na umiiyak habang hawak ang isang bote ng wine sa isang kamay habang ang isa ay nakatakip sa mu
Hindi na namin napag-usapan ulit ang tungkol doon. Inaamin kong ay kung ano sa akin na nabagabag dahil sa babaeng iyon pero ayaw ko ang isipin pa. I have much on my plate already. Niyukyok ko ang ulo sa desk dahil sa pagod sa mga gawain. May reporting pa kaming by pair at kailangan ko pa iyong asikasuhin. Hindi ko pa rin pala mahagilap iyong partner ko dahil pagkatapos ng klase ay agad ding umalis. Siya rin ang makakapareha ko sa iba pang gawain sa isang subject namin. Tumayo muna ako at pumuntang library. Nitong nakaraan ay hindi na ako masyadong makasama sa mga kaibigan ko dahil marami akong iniisip at gusto ko laging mapag-isa. Mabuti na lang ay naiintindihan nila ako. Kinuha ko ang mga librong kailangan saka umupo. Nilabas ko na rin ang aking mga gamit para mag-notes. Pati ang mga gawain na hindi ko pa natatapos ay balak kong gawin ngayon. Dito ko na igugugol ang libreng oras ko. I was engrossed on what I am doing when someone sat on the seat in front of me. I lazily lifted