Hindi na namin napag-usapan ulit ang tungkol doon. Inaamin kong ay kung ano sa akin na nabagabag dahil sa babaeng iyon pero ayaw ko ang isipin pa. I have much on my plate already. Niyukyok ko ang ulo sa desk dahil sa pagod sa mga gawain. May reporting pa kaming by pair at kailangan ko pa iyong asikasuhin. Hindi ko pa rin pala mahagilap iyong partner ko dahil pagkatapos ng klase ay agad ding umalis. Siya rin ang makakapareha ko sa iba pang gawain sa isang subject namin. Tumayo muna ako at pumuntang library. Nitong nakaraan ay hindi na ako masyadong makasama sa mga kaibigan ko dahil marami akong iniisip at gusto ko laging mapag-isa. Mabuti na lang ay naiintindihan nila ako. Kinuha ko ang mga librong kailangan saka umupo. Nilabas ko na rin ang aking mga gamit para mag-notes. Pati ang mga gawain na hindi ko pa natatapos ay balak kong gawin ngayon. Dito ko na igugugol ang libreng oras ko. I was engrossed on what I am doing when someone sat on the seat in front of me. I lazily lifted
Anak niya rin ako. He should consider my feelings too. Pero mukhang ako pa ang mali at kailangang mag-adjust para sa kanila. Wow."Enough, Sergio. Huwag mong pilitin ang anak ko," madiing wika ni Mommy. "I understand that you don't like how she acted in front of your daughter but don't you dare attack her like that," her voice sounded dangerous. Dad looked at her with weak eyes but she remained cold."Pinagsasabihan ko lang siya dahil hindi tama iyong inasal niya kanina," si Dad na galit pa rin ang boses."Nahihirapan pa siya sa nalaman niya," singhal ni Mommy. "Do you think it's easy to accept your bullshits? Don't expect us to accept her that easy, Sergio. At kung may problema ka sa kung paano namin tratuhin ang anak mo, pwede kang lumayas sa pamamahay na ito at tumira kung saan kasama ang bastardang iyan kaysa lalo mong pahirapan ang anak ko!"Namilog ang mata ko sa galit ni Mommy. Mukhang sila naman ang magbubugahan ng apoy sa isa't isa. See? Hindi magandang ideya na narito ang bab
Sa mga nakalipas na buwan, wala akong ginawa kundi sumabay sa agos ng buhay. I inhaled simply and looked at the dark sky. The full moon shone bright, giving light to the cold and dark night. Gaya ko, malamig man ngunit payapa rin ang gabi. Ang tanging nagbibigay ng init sa akin ay ang mga brasong nakayapos sa akin mula sa likuran. "Ayaw mo pa bang umuwi?" bulong ni Forth. Sa mga buwang dumaan ay siya ang lagi kong kasama. Kung saan saan lang kami pumupunta tuwing may libreng oras, at kagaya ng lagi naming ginagawa tuwing gabi ay nandito na naman kami sa rooftop ng abandonadong gusali para magpalipas oras. Its already midnight and I can't sleep, weekend naman bukas at walang pasok kaya nagpasya kaming pumunta rito kahit late na. Mula sa pagkatulala ay napabaling ako sa kaniya na nakapwesto sa aking likod ngayon. Pareho kaming nakaupo sa lapag, ang mga hita niya ay nakaparte at ako ang nasa gitna ng mga iyon at nakahilig sa kaniyang dibdib. Ngumuso ako dahil hindi ko masagot ang tan
"Oh, you're back! Take a seat, guys," aya noong birthday celebrant na Jared pala ang pangalan. Sa harap namin ay mesa na puno ng hard drinks. May cocktail rin doon at wine. Naupo si Forth sa aking tabi. May ilang lalaki din roon na nasa akin ang tingin. Ang mga babae ay mukhang friendly at harmless dahil binabati ako ng mga ito. I feel comfortable with them. "Kaya pala hindi na nakikiparty itong si Forth," tudyo ni Kelly, as how she introduced herself to me. "May pinagkakabalahan na pala." "Kamusta naman siya, Cary?" tanong naman ni Chelsea. I blushed as I remembered our memories. Those hugs from the back, nuzzling my hair, holding hands. Forth chuckled when he saw my reaction. He crouched down and rested his nose sa sentido ko. Ang isa niyang braso ay nakadantay sa sandalan ng inuupuan ko at ang isa ay may hawak na alak. Mas lalong nag-init ang pisngi ko lalo na at nasa amin ang mata ng karamihan. "The notorious playboy of all, natagpuang clingy." "Damn. I never thought I'd see
Mabilis ang lakad ko dahil sa inis na nararamdaman. The guts of him to remain calm when I am almost bursting out! Hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa braso ko na ikinainis ko lalo. Iwinaksi ko ang kamay ni Forth pero para itong bakal na nakakabit sa braso ko. Matalim ko siyang tinignan. "Bitawan mo ako! Uuwi na ako!" inis kong sabi ngunit hindi siya nakinig at tumitig lang sa akin. Tanging liwanag lang sa poste at ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito ngunit malinaw kong nakikita ang seryoso niyang tingin. "Mag-uusap muna tayo bago kita iuwi," aniya sa seryosong boses. Muli akong nagpumiglas pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin. "Wala tayong dapat pag-usapan. Uuwi na ako," mariin kong singhal. "Kung ayaw mo akong ihatid ay magta-taxi na lang ako. Bumalik ka nalang doon at mukhang nag-eenjoy ka naman!" bahagyang tumaas ang boses ko. "You want me to take body shots again?" nanunuya niyang sabi na ikinagalit ko na talaga. Here I am thinking that h
Hindi matanggal ang aking ngiti sa mga sumunod na araw. Lagi kaming magkasama ni Forth sa araw man o gabi. Parang hindi kami mapaghiwalay. Kaso lang ay mukhang nahalata iyon ng mga magulang ko. Bantay ni Mommy ang kilos ko at madalas na akong tawagan at pinaalala ang oras ng pag-uwi ko. Si Daddy naman ay nagmamasid lamang pero alam kong may napapansin na rin. Tila ang kapayapaan na naramdaman ko sa mga nagdaang araw ay may kapalit. Kung gaano ako kasaya kasama si Forth ay ganoon na lamang ang pagiging problemado ko sa bahay. Napapansin ko ang madalas na pagkawala ng mga gamit ko. I asked the maids about it and they told me didn't know about it. Idagdag pang bantay sarado ni Mommy ang kilos ko at pinaghihigpitan yata ako ngayon dahil sa napapansin niya ang late kong pag-uwi. Pati grades ko ay matindi ang pang-uusisa niya. "You're ten minutes late on your curfew," Mom said sternly. Napatigil ako sa paglalakad at namataan ang aking ina na nakahalukipkip sa may hagdanan. "Saan ka g
Hindi ko napigilang magkwento kay Forth. Tahimik lang siya at matamang nakatingin sa akin. Seryoso lamang siya at hinahayaan akong magsalita habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Nagulat pa siya nang malaman na may kapatid ako. Wala naman siyang naging reaksiyon kundi pagkaseryoso. I am sure that he'll keep it a secret, though. May tiwala ako sa kaniya. "I know I was harsh on her," I sighed. "It's just a small thing but I felt...off. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa para pakialaman niya ang mga gamit ko. And even if we're close, I will still be mad at her for getting my things without my permission, you know." Pinisil-pisil niya ang kamay ko. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako ng aking mga dinadala. Ilang buwan ko rin itong kinimkim. Hindi ko nga lang inaasahan na kay Forth ko pa masasabi. I expected it to be my friends. " And your dad doesn't believe you?" he asked. I nodded a bit. He sighed. "He said I should understand her because I a
Halos pukpukin ko ang aking ulo, umaasang malalaglag roon ang mga sagot na kanina ko pa hinahagilap sa aking isip habang nakatitig sa aking papel. Forty items pa naman ito at kalahati pa lang ang nasasagutan ko. I don't get it. Nagreview naman ako kagabi. Marami lang talaga akong ginawang school works pero nagbasa naman ako kaya nakakainis ngayon na wala akong maisagot sa iba. "Time is up. Finished or not, pass your papers," the professor strictly announced that almost made me groan. I can sense some of my classmates' protests but like me, they have no choice but to pass their papers. I just gave it up half-heartedly. Nakabusangot kong niligpit ang mga gamit ko. I just hope I'll pass dahil kung hindi ay ewan ko na lang. "Stop frowning, Cary. Ako nga ten items lang nasagutan ko. Loosen up," Jayle cheered and hooked her arm on my arm. "Twenty items kaya ang nasagutan mo. Baka ikaw nga ang pinakamaraming nasagutan eh. Papasa ka pa rin naman, for sure.". Bumuntonghininga ako. "Tayo,