Share

Kabanata 1

I woke up with my head throbbing. Pinatay ko ang alarm na nasa side table at bumangon, sapo ang ulo.

I didn't have enough sleep last night. The past few weeks are actually hell for me. Final exams drained my system. Halos hindi na ako matulog sa dami ng kailangang aralin, at mga requirements at projects na kailangang ipasa.

I took a shower and did my morning routines. I wore my school uniform and did my make up before going downstairs for a breakfast.

The breakfast went on with my parents talking about business and work. Tahimik lang akong kumain at paminsan-minsan ay nakikinig. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa narinig sa mga magulang pero mabigat ang aking

pakiramdam at masakit ang ulo.

I kissed my parents goodbye after eating and went out of the house. I entered our SUV. My phone rang inside my bag. I sighed when I saw who it was.

"Yes?" I asked in a monotone. The woman sighed on the other line. "What is it, Jayle?"

"Eh kasi," muli siyang bumuntong hininga. "I have something to tell you, sana. Nasaan ka na ba? Hindi na ako makapaghintay! Kating-kati na akong magkuwento." She said.

"I'm on my way. Medyo malapit na rin. Is it that important that you'll call me just for that when you can just tell me that later? Tss." I scoffed. My throbbing head affects my mood today.

"Sungit!" Asik niya. "I just called to know where you are kasi nga, kating kati na itong bibig kong magkuwento. I want to tell you personally. It's very important for me. Iyon lang. Bye na nga!" I sighed at her nonsense words then she hung up on me.

Napasandal ako sa head rest ng backseat at napabuntonghinga. I badly wanna sleep. I'm not feeling well but I just can't miss school. Kahit tapos na ang finals ay marami pang kailangang tapusing gawain. Kaya't kahit parang naaalog na ang aking utak ay pinili kong pumasok. Friday naman ngayon at tatlong subjects lang ang papasukan.

I lazily got out of the car as soon as we arrived at the campus. I informed Manong to fetch me at lunch time. I'll just stay home and rest. I don't think I can hang out with my friends with a headache.

Students eyed me as I strutted towards the corridors. Girls looked at me with sharp eyes, some are in awe, some are judgy. Sanay na akong ganoon ang tingin ng halos kalahati ng populasiyon ng kababaihan sa school na ito. I heard someone whistled. Sumimangot ako at sinulyapan ang grupo ng mga lalaki sa malayo.

Napasulyap ako sa lalaking may kulay tsokolateng mata na ngayon ay nakatingin na sa akin. Ang grupo nila ang kinababaliwan dito at hindi ko alam kung bakit. I mean, okay...they're handsome and rich. And they're good at playing with girls too. Sapat na ba iyon para halos mabaliw ang babae sa kanila?

Forth Axel, the leader of those assholes, is the worst of them all. Siya ang pinakagusto ng lahat. Well, he's devilishly handsome. Bukod doon, nothing special, really.

Umiwas ako ng tingin at palihim na umirap. Sanay na rin ako sa ganiyang titig niya pero naiilang pa rin ako. How could he stare at me like that and flirt with bunch of girls? Nakakainis.

Breaktime came and my energetic friend dragged me out of the room. We went to the cafeteria for a snack. Siya na daw ang mag-oorder para sa aming dalawa dahil mukha daw na wala ako sa hulog. I told her my head is aching.

"So as what I told you earlier, I have something to tell you." Panimula niya habang kumakain ng sundae. I looked at her, munching the fries on my mouth.

"Hmm. Ano iyon?" I asked.

She beamed. She looks happy with something. "Kasi," she bit her lower lip. "The agency from New York called me," she added. Natigilan ako at manghang napatingin sa kaniya.

I know that. Jayle is an aspiring model. Bata pa kami ay pangarap niya na iyon. Kaya lang, nakakalungkot na hindi niya maiitutuloy ang karerang iyon dahil sa kaniya ipapasa ang responsibilidad ng kaniyang ama sa kompaniya. She's the sole heiress of their company, nag-iisang anak gaya ko. Kaya gustuhin niya mang pausbungin ang modeling career, abutin ang pangarap, hindi niya magawa.

"Oh my god?" I gasped in awe. "And?" I probed excitedly. Suminghap siya.

"And...they offered me some...you know, stints. At tinanggap ko, kasi girrrl, its NYC! Its a great opportunity." She giggled. I smiled at her. I am happy seeing her pursuing what she loves.

We talked about the offer over snacks. Somehow, my mood went lighter after eating. Medyo umayos rin ang pakiramdam ko nang makainom ng tableta para sa headache na hiningi namin sa clinic. Kaya lang, pagod talaga ang katawan ko. Tinitiis ko na lang at dalawang subjects na lang naman ang natitira.

Nagpatuloy ang pagsasalita ng propesor tungkol sa mga gawaing ipapasa. I just jotted it all down, making sure it's organized para hindi ko malimutan. Marami pa naman at baka matambakan ako.

The prof from our last subject dismissed us early. Finally, I can have my sleep. As usual, nagyaya ang mga kaibigan kong gumala. Sinabi kong hindi ako makakasama dahil gusto ko munang magpahinga.

Syempre, nagreklamo sila.

"C'mon! Minsan ka na nga lang sumama sa amin these past few days, eh." Giana said. Sabay kaming naglalakad palabas ng campus. Napabuntonghininga ako.

"Because it's finals' week. Alam niyo naman ang ginagawa ko tuwing may ganoon." I answered.

"Alam namin iyon. Nakakatampo lang minsan, hindi ka namin mareach-out." Simangot naman ni Shane. I laughed slightly. Si Jayle ay may ka-text habang naglalakad.

"Sorry naman. I just got busy with school works. Promise, babawi ako. Hindi lang talaga ngayon, guys. I badly need sleep."

"Ay alam ko na," Jayle suddenly interrupted. "Ganito na lang, mga babe. Why don't we just go home for now and let's go to Club Tilt mamaya? Para makasama ka, Cary." She suggested.

Well, pwede naman. I nodded. The three agreed, too. Si Macy ay halos pumalakpak pa. "That sounds great. Namiss ko rin mag-party. Pambawi na rin sa madugong exam."

"Suuus!" Shane poked her side. "Ang sabihin mo, namimiss mo iyong bartender roon, hindi ang pagpaparty. Akala mo hindi ko nakita ang malagkit niyong tinginan, ha!" She teased. Macy glared at her, hiyang hiya lalo pa at may ibang napapatingin.

"Shut up," maarte niyang saway.

Nagpatuloy ang usapan hanggang sa isa isang dumating ang mga sundo nila. Si Giana ay sinundo ng boyfriend, si Macy ay sumabay kay Shane since pareho sila ng way pauwi. Si Jayle naman ay sinundo ng driver.

Ako na lang mag-isa ang nag-aantay. Gusto ni Jayle na isabay na lang ako but I refused. Nagtext naman si Manong na on the way na siya.

I scrolled on my phone. I checked some of my messages. There are lots from schoolmates, mostly boys. I didn't entertain a single one and went to our group chat. It has some announcement from the class president.

Napakunot ang noo ko nang maalalang  inutusan nga pala ako ni Ms. Ramos na ipasa ang mga answer sheets sa faculty. Iyon iyong mga quiz sa Accounting kanina. I rummaged on my bag and sighed in relief when I found it.

Pumasok ulit ako. Naabutan kong kaunti na lang ang estudyanteng pakalat kalat sa labas ng building. Marahil ay nagsisimula na ang ibang klase.

I went to the third floor where the faculty room is. Tahimik ang buong hallway nang dumaan ako. I knocked before entering. I saw Miss Ramos on her desk, working on something.

I politely said goodbye to her and went out of the faculty room after I gave her the papers. Ngunit agad din akong natigilan nang may marinig na kung anong ingay.

Napakunot ang aking noo. Lumapit ako sa isang bakanteng classroom kung saan nanggagaling ang tinig.

"Hmm." halinghing ng pambabaeng tinig.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Shit! Are they...?

Natulos ako sa kinatatayuan sa narinig. Gusto ko mang umalis ay hindi ko magawa sa pagkabigla. I shut my eyes close. Kinakabahan ako sa mga naririnig.

Suminghap ako ng tahimik. I heard sloppy friction sounds. Parang biglang umalerto ang pagod at malamya kong katawan. Bahagya akong sumilip sa bintanang may maliit na siwang.

My face crumpled seeing two people kissing senselessly. Kapit na kapit ang babae sa isang pamilyar na katawan. Kahit nakatalikod ay alam kong si Forth iyon. Napangiwi ako sa nakikita

Really? Ilang labi na kaya ang n*******n nito? I griited my teeth, annoyed for some reason.

Tatalikod na sana ako at aalis ng tahimik nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napapikit ako nang mariin. Siguradong napahinto rin ang dalawang iyon sa ginagawa nila at baka nakita pa nga ako!

Hindi ko sila tinignan at tuloy tuloy na umalis. Lakad takbo pa ang ginagawa ko dahil sa kahihiyan. Some students looked at me weirdly. I probably look stupid!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status