"Karina! Aba? Bilis-bilisan mo naman sa paglalampaso ng sahig, hipokrita! Pinapakain kita dito hindi para magbuhay-reyna sa pamamahay ko! Magsilbi ka! Walang kwenta!"
Umagang-umaga ay pinuputakti si Karina ng kanyang Tiya Alicia. Malupit talaga ito. Kahit kadugo nito si Karina ay hindi ito maramdaman ng dalaga.
"O-opo," sagot naman ng dalaga. Kahit maraming beses niyang gustong manlaban sa tiya, hindi niya magawa. Takot nitong mapalayas siya sa bahay na tinitirhan niya. Tinitiis lamang nito dahil sobrang hirap mabuhay sa lansangan at walang bahay na masisilungan tuwing uulan o aaraw man.
"Opo ka ng opo! Bilisan mo dahil may trabaho ka pa sa bar! Ano? Nagsisitambakan na ang mga resibo ng mga utang natin! Sumasakit ang ulo ko!" pagtatalak nito sa dalaga sabay hilot ng kanyang sentido."Tsk, e, kung sa'yo ko kaya ihampas itong panlinis," bulong ni Karina.
"May binubulong ka pa?!" pagalit na tanong ng kanyang tiya Alicia. Tila bahagya niyang narinig ang dalaga na may binubulong kaya't nag-init lalo ang ulo nito.
"Wala po!" mariing sagot ni Karina at pinag-igihan na lamang ang paglalampaso.
Lakas maka-cinderella ang buhay ni Karina. 'Yon nga lang, hindi niya step-mother ang nang-aalipusta sa kanya 'kundi ang mismong kadugo pa nito na siyang inaasahan niyang makatutulong sa kanya dahil sa pagiging ulilang lubos nito. Pero ito pa nga ang nagpapakababa sa kaniya. Kaya't kahit kailan ay hindi ito naniniwala sa kasabihang blood is thicker than water.
Dadabog-dabog namang umalis ang tiya nito. Marahil ay makikipagkita na naman iyon sa mga kumare niya para magsugal. Halos lahat ng sweldo ni Karina ay sa kanya na lamang napupunta. Hindi na magkandaugaga ang dalaga sa trabaho pero wala itong pakundangan sa paglustay ng perang pinagpapawisan ni Karina.
Maya-maya pa'yn na ng pagkulo ng kanyang tiyan si Karina kaya't mabilis siyang tumakbo papuntang kusina upang kumain sana. Naiyak na lamang siya nang makitang tanging dalawang kutsarang kanin ang natira sa sinaing niya. Wala pang ulam na tinira sa kanya ang kanyang tiya. Halos maiyak na lamang ang dalaga sa kanyang sitwasyon. Naisip nito kung kailan pa kaya siya makakalaya sa mapang-aliping bahay na iyon.
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko," naiiyak nitong sabi. Naihilamos na lamang nito ang kanyang palad sa sobrang frustations na nararanasan niya. Nanginginig ang buong katawan nito sa galit, at kumukulo pa ang tiyan nito sa gutom.
Hindi madali para kay Karina ang maging waitress sa bar na pinagtatrabahuhan. Paminsan-minsan ay nababastos siya ng mga customers lalo na iyong mga lasing. Iniiyak na lamang niya iyon lahat. Kung mayroon man siyang pinangangalagaan, iyon ay ang pagkabirhen niya. Iyon na lamang siguro ang bagay na buo niyang maibibigay sa kanyang magiging asawa. Ulila na siyang lubos. Wala na itong mga magulang na aakay sa kanya. Sabay na namatay ang mga ito sa sunog na nangyari sa kanilang tahanan. Tanging siya ang nakaligtas. Bata pa lamang si Karina noon kaya't tila isang malagim na bangungot ang pangyayaring iyon. Dahilan kung bakit napilitan lamang ang tiya niyang ampunin siya. Sa huli ay naisip ng kanyang tiya na pabor din naman ito sa kanya dahil mapakikinabangan niya si Karina.
Isang hamon para kay Karina ang araw-araw na pumasok sa bar. Wala naman itong magagawa kaya't kahit labag sa kanyang kalooban ay pilit siyang pumapasok.
"Miss," tawag ng isang lalaki sa table five. Lumapit naman si Karina upang kunin sana ang order nito pero hindi nito inasahan ang ginawa ng lalaki. Hinila niya si Karina dahilan upang mapaupo ito sa kanyang kandungan."Bastos!" sigaw ng dalaga saka sinampal ang lalaki. Dahil sa gulat kaya iyon nagawa ng dalaga pero hindi iyon pinalampas ng lalaki. Medyo may katabaan ito, mabalbas, at lasing na lasing na. Tila hindi niya inasahan ang pagsampal sa kanya ng dalaga kaya't hinila niya ang buhok nito."A-aray! T*ngina! A-ano ba?!" Nagpupumiglas pa si Karina sa ginawang iyon ng lalaki pero malakas ito.Pinanood lamang sila ng ibang mga customers. Walang pumagitna at umawat sa bayolenteng lalaki na iyon."Hey, dirty pig! Get you filthy hands off that woman!" sigaw ng isang lalaki na kakapasok lang ng bar.Napatingin ang lahat sa halos nag grand entrance na lalaki. Nagsibulungan naman ang mga tao sa loob."Lagot. S-si Winston 'yan 'di ba? Ang bigating bilyonaryo?" bulong ng isang lalaki sa isang mesa sa hindi kalayuan."Oo, maging sa mga body guards niya ay dapat nang matakot iyang si boy balbas," sagot naman ng kasama nito."At sino ka naman para mangialam, ha? Porke may kasama kang mga walang kwenta. Akala mo naman ay matatakot—"Hindi pa man ito natatapos magsalita ay agad nang pumakawala ng isang malakas na suntok si Winston.
Sa sobrang lakas no'n ay halos mapaatras siya kaya't nabitawan niya ang buhok ni Karina at napahawak sa kanyang labi na nagdudugo na sa lakas ng suntok na 'yon."T-teka!" wika nito habang unti-unting umaatras. Dahan-dahan kasi siyang nilapitan ni Winston. Bakas sa kanyang muka ang takot sa unang suntok na 'yon ng binata. Tumigil si Winston sa harapan ng matabang lalaki ma iyon at kinuwelyuhan ito."Take care of this pig," anito sa kanyang mga body guards saka tinulak ang lalaki.Kinaladkad naman ng mga body guards ni Winston ang lalaki. Sila na ang bahala upang turuan iyon ng leksyon."S-salamat," naiiyak na sambit ni Karina. Hindi nito matingnan ng diretso si Winston sa sobrang kahihiyang dinanas niya."Don't thank me. Anyway, you're such a brave woman. Next time, don't just slap his face. Punch him instead," diretsong sagot ni Winston sa kanya.Bahagyang napangiti si Karina."Hindi ko alam kung paano akong makakabawi sa'yo," sagot nito habang inaayos ang kanyang sarili."I have everything. Wala ka nang maibibigay pa sa akin..." Huminto ito saglit bago nagsalitang muli. "Except one thing," dugtong nito.Napahawak naman si Karina sa kanyang katawan. Ano ang ibig sabihin ng lalaking ito? Gusto niya bang katawan ang maging kapalit? Ito ang naglalaro sa kanyang isipan."A-ano y-yon?" nagtatakang tanong ni Karina."I need a personal maid," diretsong wika ni Winston saka tiningnan sa mata si Karina."I don't have much time, here's my business card. Contact me as soon as you made up your mind." Ito na lamang ang nasabi ni Winston saka umalis.Tulala pa si Karina sa nangyari ngayon lang habang pinagmamasdan niyang lumabas ng bar ang grupo ni Winston habang nakasunod sa likod ng binata ang mga body guards nito."A-anong nangyari ngayon lang?" tanong nito sa kanyang sarili. Hindi pa nito lubos na naa-absorb ang mga kaganapan."Okay ka lang ba, Kars?" tanong ng kanyang matalik na kaibigang si Eliza.Tumango-tango lang si Karina. Awang ang bibig, at hindi pa rin makapaniwala.BUONG araw na inisip ni Karina ang sinabi ni Winston sa kaniya kagabi. Tila hindi siya makapaniwala. Hawak-hawak niya ngayon ang business card at nag-aalangan pa ito kung tatanggapin ba niya ang offer ng binata na maging personal maid nito."Winston Miller," sambit niya habang binabasa ang business card na kanyang hawak. Halos mapatakip siya ng kanyang bibig nang magsink-in sa kanyang utak kung sino ang isang Winston Miller."OMG! W-Winston Miller?! Seryoso?!" impit nitong sabi. Baka kasi marinig ng mukhang pera niyang tiya. Mahirap na, kilala pa naman ang mga Miller pagdating sa pera. Sila lang naman ang nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaking investment bank sa buong Pilipinas! Ang Miller's Banking Corporation.
Napapikit si Karina ng mariin bago kinuha ang kanyang cellphone. Pinagdasal nito na sana tama ang desisyon niya na patusin ang trabahong a-applyan niya bilang isang personal maid.
Unang ring pa lang ay sinagot agad ito ng binata."Hello?" bigkas ni Karina."Good day! I'm expecting your call. You can come at our office today. I'll send you the details," mabilis nitong sagot saka pinatay ang tawag."What the—?" Napakunot-noo si Karina sa nangyari. Nagmamadali ba ang lalaking iyon? Hello pa nga lang ang nasabi ko! Aniya pa sa kanyang isipan.Tila inaasahan na agad ni Winston ang tawag mula kay Karina. Kahit alam pa nitong puwede siyang tanggihan ng dalaga. Mas malakas ang kutob niyang tatanggapin ni Karina ang kanyang alok.Ilang minuto pa ang lumipas at nakatanggap na nga ng message si Karina. Nakasulat dito ang address ng office ni Winston.Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga. Bagkos, nagbihis agad ito. Binuklat niya ang isang kahon kung saan nakalagay ang pinakaiingatan niyang bistida ng kanyang namayapang ina na si Alexis. Kulay pulang bistida iyon. Hapit na hapit iyon sa katawan ni Karina. Nailang tuloy ito nang isuot niya iyon. Mabuti na lamang at wala ang tiya Alicia niya ngayon. Malamang sa malamang ay nagsugal na naman 'yon kasama ang mga amiga niya.Hinanap pa ni Karina ang sapatos nito na tila nagkanda-bakbak na sa kalumaan. Pinunasan niya iyon. Inayos niya ang kanyang buhok saka naglagay ng kaunting pulbo at pulang lipstick. Wala siyang dalang kahit ano maliban sa kanyang sarili. Dala lamang nito ang pangarap na mabago ang kanyang buhay. Sana ay ito na ang hudyat para doon.Makakawala na nga kaya si Karina sa mahirap at masalimuot niyang buhay kasama ang malupit niyang tiya? Si Winston Miller na nga kaya ang tutulong sa kanyang baguhin ang kanyang estado ng pamumuhay? O, mas lalo itong magbibigay ng hirap kay Karina?"Magandang umaga po! Puwede po bang magtanong, saan po ba ang—" Pinutol agad ng guwardiya sa labas ng opisina ang sasabihin ni Karina bago pa man niya ito makumpleto.
"Karina de Joseph? Naghihintay na si Sir Winston sa inyo sa opisina niya. Samahan ko na kayo," maotoridad na wika ng guard. Creepy? Bakit hindi manlang nila ako kinuwestyon? Pakiramdam ko tuloy ay walang kahirap-hirap ang mag-apply sa ganito kakilalang pamilya. Isip pa ni Karina.Kumatok muna ang guard sa pintuan ng office ni Winston bago nagsalita. "Sir, narito na po si Ms. Karina de Joseph," anito pa.
"Send her in," maotoridad na sagot ni Winston. Pinagbuksan naman ng pinto 'nung guard si Karina. Nahihiya pa itong pumasok dahil sa kanyang sapatos. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papasok ng kuwartong iyon kung saan nakaupo sa kanyang swivel chair si Winston at nakatalikod mula sa kanya."M-magandang u-umaga, Sir!" nahihiya pero buong lakas nitong bati.Inikot ni Winston ang kanyang upuan upang makita ang dalaga. Nangangatog pa ang tuhod ni Karina 'nung humarap na ang binata sa kanya. Hindi na niya alam kung dahil ba iyon sa kagwapuhan ng binata o dahil sa kaba na narardaman niya ngayon?"So...are you accepting my offer?" walang paligoy-ligoy nitong sabi. Natigilan pang saglit ni Karina sa mga winikang iyon ni Winston bago nito binitawan ang kanyang sagot."T-teka, Sir. Napakabilis naman yata. Hindi kaya't may mabigat na kapalit naman ito?" prangkang tanong ng dalaga. Winston chuckled a bit at biglang nagseryoso ng mukha. Bilis magbago ng mood, ah?"You're so frank. Anyway, I just need a maid so urgent. Nothing more, nothing less," mariin nitong sagot.Napakagat-labi si Karina dahilan upang mas lalong ma-press ang maninipis at mapulang bibig nito. Napatitig doon si Winston tila nakuha nito ang kanyang atensyon. Such a kissable lips. Sa isipan pa niya."Stop doing that," sita nito sa dalagang si Karina. Humalukipkip naman ang dalaga at tila naguluhan."A-ang ano, Sir?" tanong nito."Stop biting your lips," puna naman muli ni Winston. Naguluhan man doon si Karina ay hindi na siya nagsalita pang muli. Ngumiti na lamang si
UNANG araw ng trabaho ni Karina sa kanyang amo na si Winston. Hinatid siya muli ng mga body guards nito sa loob. Pagpasok niya pa lang sa gate ng mga Millers ay tila naglalakad siya sa isang red carpet. Lakas maka palasyo ng hallway nila. Gawa iyon sa marmol. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at maong na short. Mukha tuloy itong napadaan lang.Sa gilid ng marmol na hallway na iyon ay may naggagandahang mga bulaklak. Sumasabay pa ito sa ihip ng hangin na tila sumasayaw. Hindi mapigilang mapangiti ni Karina. Masyado yata itong nag-concentrate sa mga bulaklak."Aray ko po!" reklamo ng dalaga nang mauntog sa isang matigas na dibdib."S-Sir Winston..." nahihiya pa nitong sambit habang unti-unting inaangat ang kanyang ulo upang ingnan ang reaksyon ni Winston. "Hehehe." Pilit nitong ngiti."Watch where you're going." Salubong ang kilay ni Winston nang sabihin niya iyon. Napa-pout tuloy si Karina sa katangahan niya. Unang araw ay bad impression agad ang ibinigay niya k
PAGMULAT ni Karina ng kanyang mga mata ay kumurap-kurap pa ito at halos hindi pa kayang paniwalaan na para siyang si Cinderella na tumira sa palasyo ng prinsipe. 'Yon nga lang, hindi para maging asawa nito 'kundi para maging personal maid.Napangiti ang dalaga sa kanyang isipan. Wala nang nambubulabog sa kanya sa umagang ito. Wala nang magtatalak sa kanya tuwing umaga para paglampasuhin siya kahit buong gabi siyang pagod. Dito, hindi man niya hawak ang kanyang oras ay atleast, walang malupit na tiya na magbabantay sa lahat ng galaw niya. Inilibot ni Karina ang kanyang paningin sa buong kwartong katamtaman lang ang laki para sa isang babaeng katulad niya. Napaka-kapal ng kutson na iyon na hinigaan niya. Malambot, may makapal at kumportableng bedsheet at may mabangong unan at kumot. Airconditioned pa ito. Hindi niya tuloy lubos maisip na narito na siya ngayon at tila hindi siya katulong.Lumabas si Karina sa kuwarto niya. Pagbukas niya ng pintuan ay doon na n
BUONG biyaheng natulog si Karina. Napagod ito sa pagpupumiglas sa naglalakihan at nagkikisigang mga body guards ni Winston Miller. Naubos yata ang lakas niya. Maging ang boses niya ay sumuko na rin. Tumigil ang kanilang kotse sa tapat ng isang napakalaking mall. Winston took a glance at Karina who's sleeping next to him. She looks like an angel asleep. Winston can't help but think of how angelic she is sleeping but a total opposite whenever she's awake. Para kasi itong dragon kapag gising. Tinapik-tapik ng binata ng mahina ang pisnge ng nahihimbing na si Karina. She even drool while sleeping. Napakurap-kurap siya at dahan-dahang iminulat ang kanyang mata. Mariing pinunasan niya ang laway na natulo sa gilid ng kanyang labi. Winston smirked at how messy she could be. "Kamusta ang tulog ng munting prinsesa?" ani Winston saka ngumisi. "Munting prinsesa? Yaya kamo!" Kakagising pa laman
Hindi mapigilan ni Karina na pagmasdan ang mga paninda sa loob. Sobrang mamahalin. Mapa-coats, dresses, shirts, vases, furnitures, shoes, heels, at kung anu-ano pa. Naaawa siyang napatingin sa suot niya. Naka-t-shirt lang siya at nakasuot ng maong na pants na halata namang ilang taon na niyang ginagamit. Wala naman siyang masyadong maraming damit. Isa lang din ang sapatos niya. Dugo't pawis niya 'yon sa pagtatrabaho sa tiya at sinisimple niya lang ang pagbili no'n sa takot na mabulyawan ng mala-dragon niyang tiyahin sa kagustuhan nitong kamkamin lahat ng kinikita ni Karina. "Natahimik ka?" tanong ni Winston sa kanya. Pilit lang siya na ngumiti. "Ang yaman yaman n'yo pala talaga, 'no." Pumalakpak si Winston dahilan para magsitakbuhan papunta sa kanya ang tatlong sales lady. Napakunot-noo naman si Karina sa tagpong 'yon. Anong nangyayari? "I want you to give her everything that she needs," maotoridad na utos ni Winston sa kanila saka tinuro si K
"Cute name! Kasing cute mo," ani Evo na siyang nakapagpalula ng pisngi niya. Hala itong lalaking 'to. Lakas mang good time? E, bakit nga ba 'ko namumula? Aniya sa isipan. Kung ganito ba naman kaguwapo, willing akong magpa-uto. Pagbibiro niya sa isipan. Nangangarap ng gising. Hanggang sa exit door ng mall ay hinatid siya nito. Nakita naman iyon ni Winston habang nasa loob siya ng limo niya at naghihintay sa paglabas ni Karina. He can't help but laugh nang makita niyang halos hindi ito makita sa dami ng bitbit niyang paper bags. Then binalingan niyang tingin ang lalaking nakatayo katabi niya. Sinadya niyang lumabas para salubungin si Karina hindi para tulungan ito kundi para ipaunawa sa kanya that she needs to learn her place. Isa pa, kilala niya ang lalaking kasama nito. Kilalang-kilala. "Winston?" ani Evo nang makitang lumabas si Winston sa tapat sasakyan na hinintuan nila ni Karina. "Kilala mo siya?" nagtatakang tanong ni Karina. "Yes. He's m
Sa wakas ay nakarating si Karina sa kuwarto ni Winston dala ang pinamili ng amo para sa sarili nito at sa kanya. Pero halos mapaupo siya nang makita ang sitwasyon ng kuwarto ng binata. "Tao ba ang dumaan dito, o delubyo?" aniya sa kawalan. Hindi niya napansin na nasa likoran lamang niya si Winston at tahimik siyang pinagmamasdan. "Lord, give me strength!" aniya pa sabay na pinagdikit ang palad na nagdadasal. "Hindi ka kayang tulungan ni Lord na maglinis diyan kaya magsimula ka na." Napalingon si Karina sa pinanggalingan ng boses. Si Winston ang nagsalita. Sinamaan niya ito ng tingin pero agad rin nitong binawi ang masasamang titig niya at pinalitan ng pagpapa-cute. Baka maparusahan na naman siya ng 'di oras. "Oo nga, Sir ano?" sarkasitiko niyang sabi kasabay ng paniningkit ng kanyang mata. Ibinagsak niya ang mga paper bags sa sahig. "What the! Be careful with my things! Mas mahal pa sa buhay mo 'yan!" sigaw ni Winston. "Ay,
Karina tried her best to resist from Winston's temptation but he's persistent. Mabilis niyang pinaramdam sa mga palad ni Karina ang katigasan ng kanyang alaga sa ibabang bahagi. Parang nakakapaso iyong nararamdaman ni Karina. Nag-iinit ito. "S-Sir, b-babalik na 'ko sa kuwarto ko," nauutal nitong sabi saka akmang tatayo na nang higitin siya ni Winston pabalik dahilan para mapaupo nang biglaan ang dalaga at agad na napaupo sa kanyang pagkalalaki. She was stunned. Naramdaman niya sa ilalim ng kanyang perlas ang katigasan ng kargada ni Winston. She couldn't move even a little. Isang maling galaw niya lang, baka saan iyon umabot. Pinag-aralan ni Winston ang bawat detalye ng mukha ni Karina. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n na lang ang enerhiyang pilit nagdidikit sa kanya papunta kay Karina. He sealed her with a kiss. Madahan lang iyon sa umpisa. Karina didn't respond. Hindi siya gaano karunong humalik but Winston's kiss became agressiv